Nine

SYREEN

"I'LL give you my whole life, darling. . . buong ako. . . buong-buo."

Kahit anong pilit kong huwag magpadala sa kaniya, nilalamon pa rin ako ng mga kagustuhan ko na sumubok. . . na baka puwede pa. . . na baka puwedeng umisang tsansa pa.

"Hindi ko na pagagandahin ang mga salita ko, Leik. Sa totoo lang, natatakot na akong sumubok sa 'yo, natatakot na akong sumugal, natatakot na akong magbaka-sakali, natatakot na ako. . . sa 'yo mismo, at sa kung anong bagong paraan ng pananakit na naman ang gagawin mo sa akin, pero wala, e. Kahit yata sampung taon o tatlong dekada ang lumipas, talong mo lang ang paulit-ulit na hahanapin ng bulaklak ng kalabasa," mahaba kong turan at nakita ko ang unti-unting pagguhit ng ngiti sa mga labi niya.

"So does that mean—"

"Yes, Leik. I'm giving this marriage another chance, pero may kondisyones ako," putol ko sa kaniya at talaga namang all ears siya. Don't touch me, I'm kahabol-habol!

Tumango siya sa akin saka nagsalita. "Okay. What is—"

"What are, Leik. What are ang dapat tanong mo," putol kong muli sa kaniya.

Huminga siya nang malalim bago pa nagsalita. Mukhang nire-ready na niya ang sarili niya sa mga sasabihin ko. Haler, talagang dapat siyang mag-ready. Ise-secure ko na ang fukikels ko para iwas rakrakan!

"What are your conditions?"

Kinuha ko na muna ang telepono ko at binuksan ko ang voice recorder.

"Una, hahayaan mo akong umuwi na muna ngayon sa amin para kumuha ako ng mga gamit ko—"

"Does that mean that you're coming with me?" tanong niya sa akin at hindi talaga maitatago ang excitement sa mukha niya.

"Puwera na lang kung gusto mo ng hide and seek habang bitbit ko lahat ng mga gamit ko?" taas-kilay na sita ko sa kaniya pero hindi naalis niyon ang excitement niya.

He's really all for it. . . kahit na bahagya ko iyong pinagdududahan.

"Go on."

"Pangalawa, gusto ko na uuwi ako tuwing gabi sa amin sa mga araw ng Lunes, Huwebes, Biyernes at Linggo, dahil kailangan kong asikasuhin ang nanay at tatay ko. Muntik nang mawala sa akin ang nanay ko three years ago, at gusto kong naroon pa rin ako para sa kanila kahit pa magiging ayos na tayo. May taning na ang nanay ko ng limang buwan, I want to be there for her," paliwanag ko at sunod-sunod ang naging pagtango niya.

"I'm all good with that, and. . . I'm sorry if I wasn't there when you needed a companion," aniya sa akin at ngumiti ako.

"You don't have to be sorry. Tapos na 'yon," anas ko at muling itinuon ang pansin sa sinasabi ko. "Pangatlo, ayaw na ayaw kong aalamin mo kung saan ako nakatira. Ayaw na ayaw kong dadalawin mo ang nanay at tatay ko para lang ipakilala mo ang sarili mo. Wala silang alam tungkol sa 'yo. Wala silang alam sa kung ano tayo o kung anong naganap sa pagitan natin noon. Ayaw kong bigyan siya ng dahilan para ma-stress pa dahil matanda na sila. Sapat nang nabigyan ko sila ng sakit ng ulo noon. Ayaw ko nang maranasan na naman nila ang kunsume nila sa akin ngayon. Matatanda na sila. Leave them out of our business," mahaba kong turan.

Nakita kong nais niya akong kontrahin ngunit hindi niya ginawa. Marahil ay naisip niyang may punto ang mga sinasabi ko.

"Meron pa ba—"

"Pang-apat, hindi mo ako pipilitin sa mga bagay na gusto mo o sa mga bagay na iniisip mong makakabuti sa akin. Pareho tayong magdedesisyon. Hindi mo sakop ang pang-unawa ko. At panglima. . ." Saglit akong huminto at pinagapang ang daliri ko sa balikat niya na wari bang inaakit ko siya.

"And?"

"Gusto ko mula ngayon wala ka nang ililihim na kahit na anong bagay na alam mong dapat alam ko. Mula ngayon, Leik. . . gusto ko ako lang. . . ako na lang. No more Zylin, no more someone that might ruin us. Alam mo kung anong kaya ko. Baka sa oras na mambabae ka, hindi lang bungo n'yo ang pasabugin ko."

Ang inakala kong matatakot sa banta ko ay napangisi lang sa sinabi ko.

Nagulat pa ako nang hawakan niya ang batok ko at ipinaglapat ang mga noo namin bago nagsalita.

"Noted, darling. . . noted, commander."

    

HINDI na ako marupok. . . base sa paniniwala ko, pero isa pala talaga akong malaking scam. Kung meron lang contest ng mga magagaling at matinding scammers tungkol sa karupokan? Ay, bwakanang ina, baka ako pa ang nag-title.

"Let's eat!" pasigaw na aya niya sa akin dahil mukhang tapos na siyang makaluto. Akala yata nito bingi ako.

O 'di ba? Sa sobrang rupok ng buo kong pagkatao, nandito kami ngayon sa bahay na sinasabi niyang sa amin at ito na nga. . . ano pa nga ba? More chances of winning talaga ang peg ko, pakingshet!

"Syreen, I said let's eat—"

"Syreen na lang ngayon? Kahapong inuuto mo 'ko, puro ka darling. Sarap mong umbagan," angil ko sa kaniya at imbes mabwiset sa akin, hayun at ngumisi pa ang loko.

Buhat sa pintuan ng kusina ay naglakad siya papunta sa akin. Narito kasi ako sa may sala. . . at ang pakingshet, TOPLESS!

Para na naman siyang super model na rarampa sa paraan nang paglalakad niya. Saan kaya humuhugot ng self confidence ang isang 'to? Makikihugot lang naman ako. But kidding aside, punyawa ang sarap niya. . . niyang tignan!

"You're drooling, darling," sita niya sa akin nang makalapit na siya.

Napalunok ako nang dalawang magkasunod nang mapagtanto kong nasa harapan ko na siya.

Noong nagpasabog ng karupokan, siguro sinalo ng mga kakilala ko lahat, tapos ako. . . nasa taas, namimigay. Punyawa, nakakaakit siya! Idagdag pa na noong nagpasabog yata ng kasarapan, nagtatampisaw itong bugok na si Leik. Bwakanang ina, ang sarap niyang igapos sa kama! Kung hindi lang talaga laging bumabalik sa utak ko ang ginawa sa akin ng isang 'to, baka inalay ko na ang buo kong katawan kasama ang tuyot kong fukikels.

"Drooling mo mukha mo. Marriage natin ang binigyan ko ng tsansa, hindi sex life mo o sex life ko," sagot ko sa kaniya. Minsan napapabilib din talaga ako ng bunganga ko, e. Maaasahan sa mga ganitong kaganapan. Hindi nauutal. Very good.

Bigla niya akong hinapit sa bewang ko at kinabig papalapit sa katawan niya. Lalo kong naramdaman ang nagsusumigaw niyang mga abs. Punyawa, kung puwede lang sanang makikagat, ginawa ko na!

Mayabang ka, 'di ba? Marriage lang, 'di ba? Hindi kasama ang sex life, 'di ba?

"But it's a package, darling. It comes with the marriage thingy," aniya saka pa ako kinindatan. Bwakanang ina, ang panty ko!

Package naman pala. Baka naman. . .

Bwakanang ina, Syreen Elieja! Ang fukikels hindi 'yan pa-give away sa mga package deal!

"Huwag kang malibog, Lawa! Tatampalin ko 'yang itlog mong aalog-alog! Nananahimik 'tong fukikels ko tapos ngangaragin na naman ng titsikels mo! Huwag mo 'kong landiin, magkainan—I mean, kumain na tayo!" matapang na wika ko saka ko marahas na inalis ang pagkakahapit niya sa akin at lumayo ako sa kaniya. Mahirap na, baka hindi ko mapanindigan ang pagiging tapang-tapangan ko.

Kapag kasi si Leik na ang pinag-uusapan, lahat ng tinatago kong self control, hinihigop ng walanghiya. Kapag pakiramdam ko kaya ko nang manindigan sa desisyon ko, binabali ng bugok na 'to lahat ng inaakala ko. Para akong natatanga sa kaniya. Para siyang nakakapasok sa loob ng sistema ko at siya ang gumagawa ng desisyon para sa akin.

Agad akong dumiretso sa kusina. Ako na ang nag-urong ng upuan para sa akin. Mukha kasing hindi agad nakabawi ang isang 'yon sa ginawa ko. Don't touch, I'm not marupok. Duh!

Nagsasandok na ako ng niluto niyang bistek na baboy nang dumating siya at naupo sa katapat kong silya.

"Someone's coming here later," pukaw niya sa atensyon ko. Napahinto pa sa ere ang sinasandok kong ulam dahil sa sinabi niya.

"At huwag mong sasabihin na Mommy mo. Talagang lalayas agad ako," sagot ko sa kaniya at umiling naman siya sa akin.

"No," tipid niyang sagot sa akin kaya't nagpatuloy ako sa pagsandok. Isa sa talent ni Leik ang pagluluto kaya nga nag-gain ng timbang ako noong kami pa. Halos apat na kilo rin 'yon na hirap na hirap akong ipinag-jogging!

Nagsimula na akong kumain at napansin kong nakatingin lamang siya sa akin kaya't nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Ayaw mo ng niluto mo? Nilagyan mo ba 'yan ng gayuma?" taas-kilay na tanong ko sa kaniya.

"I didn't. Hindi ko naman na kailangan gawin sa 'yo 'yon. You are madly and deeply in love with me. That thing was too unnecessary," nakangisi niyang sagot sa akin. Sana puwede ko siyang sapukin kasi bwakanang ina, kinikilig ako! Nakaka-palpitate ang bugok na 'to sa mga swabe niyang banat!

Bakit ba kasi makalaglag panty ang ngisi at banat niya? Bwakanang ina, Lawa!

"Wow!" tanging ini-react ko. Baka masabi ko pang kinikilig ako at lalong lumakas ang loob ng isang ito.

"Don't hide your smile, darling. I could sense it," aniya at pinasadahan niya ng dila niya ang ibabaw na labi niya.

PUNYAWA! LALO NA YATANG NAGKANDA LETSE-LETSE ANG SISTEMA KO! BAKIT BA KASI ANG SARAP-SARAP NIYANG. . . TIGNAN! BAKIT BA NAKAKARUPOK ANG MGA PAKINGSHET NIYANG GALAWAN!? JUSKO, ANG DILA NIYA PARANG ANG SARAP LANG KAGATIN! NAKAKAINIS!

"Sense mo ulo mo! Kumain ka nang kumain! Tigilan mo ang kalalandi mo sa akin—"

"But the thing is. . ." Halos mapagot yata ang hininga ko sa ginawa niyang paghinto sa pagsasalita. ". . . iyong gusto kong kainin, parang ayaw naman yatang magpakain," patuloy niya at pakingshet! PARANG GUSTONG UMARIRIT NG FUKIKELS KO DAHIL SA PINAGSASASABI NIYA!

"B–Bunganga mo, Leik!" kunwaring sita ko ngunit mas lumalim lamang ang pagkakangisi niya sa akin na parang any moment ay mananagpang na siya—at parang gusto ko n'on! Pakingshet!

Bigla siyang tumayo para lang pala dumukwang sa kinauupuan ko. Literal akong gulat na gulat nang pahiran niya ng hinlalaki niya ang pang-ilalim na labi ko.

"I'm now wondering kung ano bang tumatakbo sa isip mo," aniya matapos niyang sipsipin ang daliri nitang ipinahid niya sa labi ko.

"Walang tumatakbo sa isip ko! Paladesisyon ka!" sigaw ko sa kaniya pero ang totoo ay nagririgodon na ang puso ko sa nerbyos sa kaniya. Punyawa, nakakarupok talaga siya!

"Really? Kung tanungin ko na kaya iyong gusto kong kainin. . . kung gusto ba niyang magpakain sa akin? Oo kaya ang isasagot niya?

"Walanghiya ka! Mapang-akit ka! Pa-fall!" singhal ko sa kaniya at bigla na lamang siyang tumawa nang tumawa. "Tinatawa-tawa mo riyan!?"

Naupo siyang muli, tumigil sa pagtawa at nagbuntonghininga bago nagsalita.

"You lock so cute, my lovely wife. Alam mo naman na baliw na baliw ako sa 'yo, pero pa-fall pa rin ang tingin mo sa akin," ngingisi-ngising sagot niya sa akin.

"Paanong baliw na baliw? Tipong napapa-headbang ba?" angil ko sa kaniya saka ko pa siya iniripan. Nagiging bipolar na talaga ako sa kaniya, punyawa!

"No, darling. Tipong gusto kitang halikan ngayon sa mapusok na paraan hanggang sa mapagtanto mo. . . kung gaano kabaliw ang isang Leik Andrey Laugthner sa 'yo. Gusto kitang halikan hanggang sa maramdaman mo kung gaano ako kasabik na makasama ka. Gusto kong baliwin ka gaya nitong pagkabaliw ko sa 'yo, para naman masabi kong quits na tayo," mapang-akit na sagot niya sa akin kaya't mabilis akong napatayo at napahampas sa mesa!

"Anong pang hinihintay mo? Tara na!"

PUNYAWA! PAKINGSHET! BWAKANANG INA! LAHAT NA YATA NG MURA MASASABI KO DAHIL SA BIGLANG LUMABAS SA BIBIG! ANO BANG PINAGGAGAGAWA KO SA BUHAY KO!?

"I guess I came at the wrong moment."

Kapwa kami napalingon ni Leik sa pinanggalingan ng boses at halos manginig ako sa nakita kong narito ngayon.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Leik na parang nagtatanong ako kung bakit narito ang tao na ito ngayon sa harap namin.

"I already told you someone is coming."

Sunod-sunod akong napalunok bago muling bumaming sa taong narito ngayon sa harap ko na siyang hindi ko mapaniwalaan.

"C–Chief. . ."

"Long time no see, Syreen."

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

***

HELLO PO! I made a new facebook group for my readers named Havres ✨. Join na lang po sa gustong mag-join. Thank you po.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top