Leik Andrey - Three

LEIK

"LEIK ANDREY!" Paglingon ko ay nakita ko si Mama Stella na may dala na namang box ng donut para sa akin.

"YEHEY!" masayang wika ko saka ako lumapit sa kaniya at niyakap pa siya sa bewang bago ko kinuha ang box ng donut.

"Mamaya, Leik, susunduin ka na nila Mommy at Daddy mo. May misyon ang Mama Stella kasama ang tita Aeickel mo, ayaw ko naman na maiwan ka rito sa Phyrric. Okay ba tayo r'on?" tanong niya sa akin at sunod-sunod akong umiling.

"I want to be here, Mama Stella. I'll wait for until you finish your mission. Tuturuan mo pa ako maghawak ng baril, 'di ba?" sagot ko sa kaniya saka pa ako ngumiti. Ginulo naman niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.

"Sana kung darating ang araw na maisisilang ko sa mundo ang anak ko, sana maprotektahan mo siya. Sana mahalin mo siya bilang kapatid mo at sana alagaan mo siya gaya ng pag-aalaga ko sa 'yo," ani Mama Stella at marahan niya pang hinaplos ang tiyan niya.

"Yes po, Mama Stella! Aalagaan ko po ang magiging baby mo. You are my second mother so I will treat your baby as my younger sibling," nakangiting sagot ko sa kaniya.

"Sana nga, Leik. At . . . kung dumating man ang araw na mawala ako, sana lagi mong matandaan ang mga tinuro ko sa 'yo at . . . lagi mong pipiliin kung anong makakapagpaligaya sa 'yo."

****

"L–LEIK." Nagising ako sa tinig na iyon at nalingunan ko si Mommy na umiiyak at tila pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Why, Mom?" tanong ko sa kaniya saka ako bumangon sa higaan.

Bigla niya akong niyakap at humagulgol siya sa mumunting katawan ko. "Your Mama Stella . . . Your Mama Stella . . . she's gone, anak. She was killed."

Para akong nabingi sa narinig ko na iyon. Para akong sinabugan ng mga tinatanaw ko lang dati na mga granada.

Kumalas ako kay Mommy at wala akong sapin sa paa na tumakbo papalabas ng bahay namin.

"LEIK, ANAK! SAAN KA PUPUNTA—"

"I will . . . I will go to Phyrric, Mommy. Y–You are just kidding me. Y–You are lying!"

****

THREE years had passed and I have been living my life like a robot. Three years and all I could do was suppressed my love for her. Ayaw ko nang sumugal. Hindi ko gustong magkasakitan pa kami, at higit sa lahat . . . ayaw kong masaktan siya sa katotohanan.

Knowing Syreen? She'll blame herself kapag nalaman niya ang nangyari sa nakaraan. She'll surely make herself suffer. She'll think that everything happened beacause of her—gaya nang inisip ko noon at . . . ngayon.

"Kuya Leik." Napalingon ako sa tinig na iyon at nakita ko si Aeidan kasama si Lindzzy.

"What are you doing here?" tanong ko saka ako lumagok ng alak sa kopitang hawak ko.

"Puwede mo bang bawiin ang kapatid ko at iligtas siya sa kamay ng mga magulang niya, kuya Leik?" ani Lindzzy sa akin at nakita ko ang pangingilid ng mga luha sa mga mata niya.

Nabitawan ko ang basong hawak ko at hinarap ko si Lindzzy. "Who told you about Syreen? Paano mo nalaman?"

Mula nang magkaroon kami ng komprontahan ni tita Aeickel three years ago, hindi ko na inungkat pa ang bagay na ito. Wala rin nagpaalam kay Lindzzy ng pagiging magkapatid nila sa ama ni Syreen. Ayaw kong guluhin ang sitwasyon. Mas mabuti nang ako na lang ang palihim na nasasaktan kaysa mas marami pa ang madamay.

"Mom told her everything—"

"Aksidente kong nakita ang files ni Scorpio at Freya dahil napakialaman ni Zayn sa table ni Aeiryn," paliwanag sa akin ni Lindzzy at napailing ako.

"Hindi mo na dapat iyon inungkat o inalam pa, Lindzzy—"

"Buhay ang ama namin at ang ina ni Syreen. Magkakasama silang naninirahan ngayon," aniya at ako naman ang nagulat sa narinig ko.

Ang alam ko ay nasa isang deserted island sina Scorpio at Freya base sa balita sa akin noon nina tito Tungsten at tito Flame.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at napahawak sa ulo ko. "We need to verify—"

"Alam ko na kung saang eskwelahan nagtatrabaho ang kapatid ko at alam ko na rin kung nasaan ang bahay ng mga magulang niya," putol ni Lindzzy sa akin at may inabot na folder. "Ito ang mga impormasyon na binigay ni Mommy Aeickel sa akin, kuya Leik. Sana . . . Sana matulungan mo ang kapatid ko. Sana . . . mailigtas mo siya sa mga magulang niya. Natatakot akong baka dumating na naman muli ang araw na gamitin naman nila si Syreen laban sa Phyrric. Natatakot ako . . . natatakot ako para sa kaligtasan ng kapatid ko," dagdag pa niya at nagsimula itong humagulgol.

Niyakap siya ni Aeidan at ako naman ay napabuntonghininga. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano akong makababalik muli sa buhay niya.

Sigurado akong isinusumpa niya ako. Sigurado akong abot langit ang galit niya sa akin.

"Paano . . . Paano kung gusto ko lang na magantihan kahit paano sina Scorpio sa ginawa nila kay Mama Stella?" Hindi ko alam bakit lumabas ang tanong na iyon sa mga labi ko. Alam kong mali . . . pero hindi ko maiwasan na isipin pa rin ang gumanti sa mga oras na ito.

Sa tuwing naiisip ko na mahal na mahal ko si Syreen, pakiramdam ko ay nagtataksil ako sa taong minahal ako na parang tunay na anak.

"Magpatawad ka na lang at makalimot, kuya Leik," ani Aeidan sa akin at napangisi ako nang mapait.

Kung sana . . . ganoon kadali.

    

KASAMA ko ngayon si Aeidan at nakamasid kami kay Scorpio habang may kasama siyang isang bata dito sa isang palaruan.

"What do you think about the child?" tanong ko kay Aeidan.

"He must have been training that kid to be his successor," sagot naman niya sa akin. "Mukhang mahal na mahal niya at alagang-alaga niya."

"We'll take the kid," anas ko at agad naman tumango sa akin si Aeidan.

Nakamasid lang ako sa kaniya habang nakasabunot siya sa parte ng ulo niya na animo ay mawawala na siya sa sarili niya. Mukhang malaking kawalan nga talaga sa kaniya ang batang iyon.

Hindi ko magawang lubusang maging masaya dahil hindi ko pa nakikita sa kaniya ang paghihirap na dapat ay makita ko. Kulang pa itong kabayaran sa buhay na nawala sa akin. Kulang pa itong kabayaran para sa muntik mawalang buhay dahil sa kaniya. Kung kinakailangan niyang mamatay para lang mawala ang nararamdaman kong poot, ako mismo ang magbibigay sa kaniya ng bagay na iyon. Ako na ang hahatol ng kamatayan sa kaniya.

Gusto ko siyang durugin hanggang sa magmamakaawa na lang siyang mawala na lang siya. Gusto ko siyang saktan hanggang sa malaman niya kung gaano kabigat ang mga kasalanan na mayroon siya. Gustong-gusto kong iparamdam sa kaniya ang galit na mayroon ako.

"Bakit ikaw tingin doon sa tao?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko ang isang batang babae na may dala-dalang cotton candy.

"Bad kasi siya. Kaya ikaw, hindi ka dapat bad, para wala kang makakaaway," sagot ko rito at ngumiti ito sa akin na kita ang mga bungi nitong ngipin.

"Oo naman. Hindi ako bad. Good girl ako. Good girl si Veela!" anito at nagtatalon pa sa harap ko.

Muli kong itinuon ang pansin ko sa taong nasa harap ko ngunit nakatalikod sa akin at tinapunan ko siya ng ngisi.

Kulang pa lahat ng pasakit na 'yan. Hintayin mong ibagsak ko sa 'yo ang lahat. Hintayin mong kusa mo na lang ikamatay ang sakit. Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko sa 'yo. I'll make you suffer. I will make you regret living.

    

GUSTO kong magmura na aabot hanggang langit dahil sa nangyari. Gusto kong pumatay sa mga oras na ito dahil hindi ko na alam kung paano ko pa iaayos ang mga plano ko.

"Bakit gano'n!? Bakit hindi mo ako inabisuhan bago ka nagdesisyon!?" sigaw ko kay Aeidan na nasa harap ko ngunit nanatili lamang tikom ang mga labi nito.

Alam kong wala na naman akong mapapala sa kaniya. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magtiwala sa kaniya at maniwala matapos niya akong paikutin.

Hawak na namin ang bata at bigla na lamang niyang isinuko kay tita Aeickel dahil lang sa sinabi nitong iyon ang tamang gawin.

Wala kaming masamang ginawa sa bata. Hindi ko rin siya nakausap o nakaharap dahil . . . iba ang pakiramdam ko, at ayaw kong magsisi na hindi ko sinunod ang kutob ko.

Hindi ko makakalimutan ang araw na sinabi niyang magpatawad na lang ako at kalimutan ang lahat dahil . . . hindi ko magagawa iyon. Nawalan ako, kaya gusto kong mawala rin ang taong iyon. Gusto kong maranasan niya kung paano ang mawalan na gugustuhin na lang niyang sukuan ang lahat at mawala.

Araw-araw ang sakit at ang hirap gumising na alam mong may nawala pero wala kang magawa. Araw-araw kailangan mong harapin ang katotohanan na ang itinuring mong pangalawang inaasahan mo ay bigla na lamang kukunin sa 'yo.

"Let's do what Mom has to say first. Hindi tayo puwedeng magpadalos-dalos dahil lang gusto natin. We need to lielow. The more we do something triggering, the less we could hide ourselves behind the curtains," ani Aeidan sa akin at tumayo saka kinuha lahat ng folder na dala-dala niya.

Hindi pa kami tapos. Kailangan mong masaktan . . . hanggang sa ikaw na mismo ang kumitil ng sarili mong buhay . . . dahil sa mundong 'to, wala kang sariling espasyo.

     

HALOS yanigin ang pagkatao ko nang malaman ko na may anak kami ni Syreen—na kambal, at ang isa . . . ay ang batang kinuha namin mula kay Scorpio.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano pa bang dapat na plano na sundin ko.

"Kuya Leik, are we going to take Scorpio now?"

"Proceed with the plan," utos ko sa kaniya sa kabilang linya.

"Are we really not going to kill him like what you said yesterday? Talaga bang nagbago na ang desisyon mo? Ilalayo na lang ba natin siya? If yes, then ipapakuha ko na siya."

Alam kong ang mga kagustuhan ko ay kagustuhan din ni Aeidan dahil si Lindzzy ang sangkot sa usaping ito.

"Yes, we have to do it now."

"Paano si Syreen? Papahirapan mo pa rin ba siya? Sasaktan mo pa rin ba siya kahit na mas nasasaktan ka na?" tanong niya sa akin at sandali akong natahimik.

"Yeah . . . Of course, I will make Syreen suffer. I absolutely will. . . ." tila kinukumbinsi ang sarili na wika ko.

"I know it's too draining for you, kuya Leik, but please . . . hang in there. Matatapos din ito. Kapag tinalikuran na rin siya ni Syreen, maigaganti mo na rin ang sakit na dinanas ni tita Stella."

"Yeah, yeah. . . I understand. Kailangan niyang masaktan, kailangan niyang magsisi, at kailangang lamunin siya ng sakit para maramdaman niya kung anong sakit ang ibinigay niya. Walang espasyo sa mundong ito ang mga gaya niya. Someone has to die and it has to be the person that committed the crime. Kailangan niyang mamatay . . . at ako ang papatay sa kaniya."

"Sa paraan na dudurog sa damdamin niya. Kapag anak na niya ang tumalikod sa kaniya, kusa nang guguho ang mundo niya."

Ibinaba ko ang tawag at bumuntonghininga. Ito na ang oras.

     
"PAANO ko pong kakausapin ang taong iyan na puro lang naman kasinungalingan ang alam sabihin sa akin? Sa dami ng mga nalaman ko sa kaniya . . . hindi ko na alam kung alin pa doon ang totoo at hindi . . . kung alin ba sa mga iyon ang dapat kong paniwalaan at pagdudahan," aniya kay tita Aeickel saka naglakad papalapit sa akin na ngayon ay tila naguguluhan sa lahat ng bagay.

"Syreen—"

"Paano mo 'ko nagagawang saktan habang sinasabi mo na mahal mo 'ko? Dapat kapag mahal mo, hindi mo sasaktan at pahihirapan. Mahal mo ba 'ko talaga o mahal mo lang ako dahil magagamit mo 'ko sa pananakit ng tatay ko? Walang pagmamahal na nakakasakit, Leik . . . kasi dapat kapag mahal mo, handa kang ibigay lahat kahit maubos ka . . . pero sa pagitan nating dalawa . . . ako ang inubos mo."

Ramdam ko ang sakit ng bawat salita niya. Damang-dama ko dahil ako ang nagbigay ng mga iyon.

Sa kagustuhan kong gumanti at iligtas siya nang sabay, sobra ko na pala siyang nasasaktan . . . nauubos ko na pala siya . . . dinudurog ko na pala siya.

Tumalikod siya sa akin at naglakad papalayo. Tuluyan na sana siyang makakaalis nang magsalita si tita Aeickel.

"We tend to prioritize our own pain because we're only a human being, but some sacrifices are sacrifices made out of desperation for justice. There are wounds that are meant to heal as time passes by, but there are wounds that can be healed through communication and understanding. According to Lola Cassandra, love conquers everything, and if it doesn't conquer everything, then it wasn't love at all."

Bumaling siyang muli sa amin at ngumiti ako nang mapait. "Sa ating lahat dito . . . ako ang pinakainagrabyado n'yo. Sa ating lahat na nandito . . . ako ang pinakanagmukhang tanga. Wala akong alam . . . sinasaktan pala ako para sa kasalanan na hindi ko naman ginawa. Mahal nga ba talaga ako o . . . ako lang ang nagmamahal? Kailangan ko na muna sigurong malaman iyon para makapagpatuloy ako. Kung ang usapan naman ay ang tatay ko, ikaw na ang bahala sa kaniya, Chief. Give him the punishment he deserves, but please . . . take into consideration that they gave me to Phyrric as a collateral."

Nasasaktan akong makita na ganiyan ang naibigay kong paghihirap sa 'yo, mahal ko. Patawarin mo 'ko. Patawarin mo sana ako.

Akmang tatalikod na siyang muli nang bigla na lamang may pumasok sa basement na ikinagulat ko.

"Z–Zylin."

"Nakalimutan mo yatang kasama mo ako sa pananakit sa babaeng ito. Ito ba ang tatay niya? Ito ba ang puno't dulo?" turo niya kay Scorpio na lupaypay sa isang tabi.

"Stay the fuck out of it. I might kill you," ani tita Aeickel ngunit walang sabi-sabi si Zylin na bigla na lang may inilabas na mahabang kutsilyo.

"ZYLIN!" sigaw ni Syreen.

Hindi na ako nakapag-isip pa. Bigla na lamang akong tumalon para iharang ang sarili ko sa katawan ni Scorpio at ako ang sumalo ng saksak na iyon.

"OH MY GOSH, HON!" tili ni Zylin.

"PUTANG INA MO!" dinig kong sigaw ni Syreen.

Agad siyang dumulog sa akin at kinalso niya ako sa braso niya. Nanghihina na ako.

"Leik. . . 'Tang ina, Leik naman!"

Inabot komg pilit ang pisngi niya ng kamat ko saka ako ngumiti. "S–Save your father. T–Tumagos sa kaniya ang kutsilyo. I'm . . . I'm . . . I'm sorry, d–darling. M–Mahal na mahal kita. T–This is all I could do . . . to pay for all the pain I've caused you. S–Save your father now. G–Give any part of my organ . . . if you must."

"LEIK ANDREY!!!!!!!!!!!!!!! 'TANG INA NAMAN!!!!"


--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

NEXT CHAPTER IS EPILOGUE 2.0

EARLY WARNING!
Huwag umasa sa mga bagay-bagay na walang kasiguraduhan. Ikaw lang ang masasaktan. HAHAHAHAHA!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top