Leik Andrey - One

LEIK

PINATAWAG ako ni Tita Aeickel sa Phyrric ngayon. Wala akong ideya sa dahilan. Gusto ko lang sanang itulog ang araw na ito dahil ngayong araw lang ako na ito walang shoot.

Pagdating ko sa Phyrric ay sinalubong ako ng mga naggagandahang agents. Napapabilib talaga ako ni Aeignn sa pagkuha ng mga agents. Ang gaganda pero parang mga off-limits. Parang mga babarilin ako sa ulo kapag pinairal ko sa kanila ang pagiging gago ko.

"What's up?" pambubulabog ko kay Aeignn na ngayon ay parang ang dami-daming pinipirmahan.

Isa iyan sa mga hindi ko sinang-ayunan kaya ayaw kong pumasok sa Phyrric. Lumihis talaga ako ng landas sa pagiging agent. Kung sabagay, sa aming walo ay sina Aeiryn at Aeignn lang naman ang naging secret agents at ang kuya Ayler at Laeven ay nakapag-asawa ng mga secret agent.

"Mom asked for you?" tanong niya sa akin saka niya binitawan amg ballpen niya.

"Oo. Palagay mo ba bakit? Wala akong ginagawang katarantaduhan nitong mga nakaraan. Isa pa, na-settled na rin iyong issue kay Donna. I never fucked her and yet she's claiming that I got her pregnant. Ano bang tingin niya sa sperm ko? Nangangapit-bahay?" reklamo ko sa kaniya at inilingan lamang niya ako.

"Just go to her office, kuya Leik. Hindi ko rin alam ang rason," bored na sagot niya sa akin kaya't tinalikuran ko na lang siya at tumungo na sa opisina ni tita Aeickel.

Marami sa aming magpipinsan ang takot sa kaniya pero hindi ako. Chill na chill lang ako kapag kaharap ko siya. Siguro dahil ito talaga ako?

Pagpasok ko sa opisina niya ay nakaupong babae na mukhang isa ring secret agent dahil parang mabangis na leon din ang datingan niya sa akin ang nadatnan ko.

"You're finally here. Sit down, Leik Andrey," walang emosyon na utos sa akin ni tita Aei kaya't agad akong sumunod sa kaniya. Naupo ako kaharap ang babaeng mukhang magagalitin.

"Chief—"

"He's Leik Andrey Laugthner, Syreen. Alam kong kilala mo siya. I once saw you watching his afternoon drama," putol ni tita Aeickel sa dapat sasabihin ng babae at awtomatikong napangisi ako.

"So this woman here is my fan? What do you want from me? Autograph? Hug? Kiss?"

"Bwakanang ina ka ba? Hindi mo 'ko fan, excuse me! Ang assuming mo! Sungalngalin kita riyan, makita mo!" she replied like a squammy that amused me. Iba ang tabas ng dila niya.

I laughed. A hard one. "You're one of a kind," I said while laughing.

"C–Chief, ibang misyon na lang po. Huwag lang siya. P–Please po, Chief," baling niya kay tita Aeickel at nakita ko pa ang mangiyak-ngiyak niyang mga mata.

"Is she the woman you told Mom, tita? My bodyguard?" tanong ko rin kay tita Aeickel at sunod-sunod siyang tumango.

"Chief—"

"I'm good with it. Shall I sign a contract?" putol ko sa dapat sasabihin niya. I want her. I want to annoy her 'cause it looks like that she despises me. Mahilig pa naman akong mang-inis ng mga tao na tahasang pinapakita na hindi nila ako gusto.

"No need of a contract, but I need to talk to Syreen first. Makakaalis ka na," sagot sa akin ni tita Aei.

Nilingon ko si Syreen at kinindatan ko pa siya na mukhang lalo niyang ikinapikon bago ako lumabas ng opisinang iyon.

My life would be more fun from now on, I guess.

       

KATATAPOS ng shoot ko at nakasimangot na mukha ni Syreen ang sumalubong sa akin.

"Oh, tubig mo! Mabulunan ka sana," aniya habang inaabot sa akin ang bote ng tubig na hawak niya.

Nakangising inabot ko iyon mula sa kaniya at nilagok.

Mag-iisang buwan ko na siyang bodyguard at PA ngunit ramdam na ramdam kong iritado pa rin siya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi dahil talaga namang puro pang-aasar ang ginagawa ko sa kaniya.

"I really like your face when you are annoyed. Puwede bang dalas-dalasan mo? Pakiramdam ko kasi sobrang nahuhulog na 'ko sa pagiging bugnutin mo," paandar ko sa kaniya saka ko siya kinindatan na ikinapula niya.

Sa isang buwan ko siyang kasama, masasabi ko na masayahin talaga siyang tao at ayaw niya lang talaga sa mga kagaya ko. Ilag siya sa akin pero ramdam ko naman na naa-attract siya sa akin nang palihim. Ramdam ko iyon. Matalas ang pakiramdam mo sa mga ganoong bagay.

"Bwakanang ina mo, Leik. Paandar ka na naman! Isusumbong kita kay Chief, bugok!" singhal niya sa akin na ikinatawa ko.

Imbes na patulan siya ay bigla ko siyang hinapit sa bewang at inilapit ko ang katawan niya sa katawan ko.

Kita ko ang gulat sa mga mata niyang malapit sa akin ngayon kaya't napangisi ako. "I want to kiss you right now, darling. Ang lapit-lapit mo. Parang ang sarap-sarap mong halikan . . . hanggang magdamagan," bulong ko habang nakatingin ako sa kaniya. Mas lalo pa siyang namula na lalo kong ikina-satisfy.

She's really beautiful. Syreen Elieja Averde is really beautiful. The first time I saw her, I knew to myself that I was already attracted to her. She emits this kind of fierce aura but you would want to discover her soft side.

To sum it up, I like her.

"B–Bugok ka ba—"

"No. I am just really attracted to you. Will you allow me to court you?" tanong ko sa kaniya at pinangunotan niya ako ng noo saka ako tinulak nang marahas.

"N–Nakasumpong na naman iyang pagiging playboy mong walanghiya ka!" utal na sigaw niya sa akin na ikinangisi ko.

"I'm not kidding, darling. Pag-isipan mo. Isang araw tatanungin kita ulit . . . kung handa ka na bang maging asawa ko," anas ko sa kaniya at muli akong lumagok sa bote ng tubig na hawak ko.

Nakita kong gigil na gigil siya sa akin pero alam ko naman na sobrang apektado siya ng presensya ko.

I could feel the mutual attraction between us kahit na ano pang deny ang gawin niya. She likes me, and . . . I like her.

Tutungo na sana ako dressing room para makapagpalit ng pang-uwi nang bigla na lamang siyang magsalita na ikanagulat ko naman.

"K–Kapag ba . . . ginusto kita, hindi mo ba 'ko sasaktan? H–Hindi ba 'ko magagaya sa mga ex mona bigla mo na lang iniwan sa ere?" utal-utal na tanong niya at hindi ko naiwasan ang mapangiti.

Aaminin ko, hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon, but . . . I like where this is going.

"This may sound so untrue but . . . I have never been attracted to anyone the way I do to you. You're like a virus to me, Syreen. You keep invading my whole system without any prior notice. Kahit na anong pigil ko . . . hindi ko na magawa. Nakapasok ka na, e. Funny how you could invade my system in a short span of a month," seryoso kong anas sa kaniya at nakita ko ang paglamlam ng mga mata niya pati ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi niya.

Naglakad ako palapit sa kaniya saka ko hinawakan ang baba niya at inangat nang bahagya ang mukha niya. "K–Kasi, Leik—Mmmp!" I kissed her that made her eyes widened.

Segundo lang naman ay pinakawalan ko na rin ang mga labi niya. "How old are you again? Twenty-two? I'm turning thirty soon, Syreen. If you think that I could only be playing with you, think twice. I'm done with that age na puro na lang laro ang gusto. Ngayon . . . ang gusto ko na lang ay gaya mo, na alam kong seseryosohin ako . . . at seseryosohin ko," anas ko sa kaniya at mas lalo pang namula ang mga pisngi niya dahil sa narinig niya sa akin.

Muli niyang kinagat ang pang-ibabang labi niya kaya't muli ko siyang kinintalan ng halik. "N–Nakakadalawa ka na, ah!" singhal niya sa akin na ikinangisi ko.

"Don't do that, darling. Sa tuwing gagawin mo 'yan, para mo 'kong hinahalina na halikan ka. Hindi ako marupok sa temptasyon, pero . . . pagdating sa 'yo, willing akong maging marupok sa kahit na anong paraan mo gusto."

God! I am really attracted to her! Gusto ko na lang siyang biglang iuwi sa bahay at ipakilala kay Mommy bilang babaeng papakasalan ko. I've never been attracted to anyone before as how I am attracted to her now. My heart would skip a beat everytime I see her genuine laughs and smiles.

Kaya ko rin siya madalas na asarin ay dahil na rin sa mga dahilan na iyon. Gusto ko lang talagang makita ang bawat pagngiti niya dahil doon ako mas lalong nahuhulog sa kaniya sa iksi ng panahon na kilala ko siya.

"K–Kapag sinaktan mo 'ko, babarilin talaga kita sa ulo!" banta niya sa akin ngunit imbes na matakot ay kinabig ko siya saka ko siya niyakap nang mahigpit.

"You don't have to. Kapag sinaktan kita, ako mismo ang babaril sa ulo ko. I will make myself suffer for hurting you. You don't deserve to get hurt, at kung ako ang makakapanakit sa 'yo, ako mismo ang mananakit sa sarili ko," bulong ko sa kaniya at doon ko naramdaman na niyakap niya ako pabalik.

"B–Basta huwag mo 'kong sasaktan. T–Tatamaan ka talaga sa aking bwakanang ina ka! M–Mabait ako kaya dapat mabait ka rin sa akin—"

"Hindi ko na ba kailangang manligaw? Sinasagot mo na ba 'ko?" putol ko sa mga pagbabanta niya sa akin na ikinangingiti ko na lang.

Marahan niya akong tinulak at nginusuan niya ako bago tumango. "A–Ang rupok ko man dahil ang guwapo mo . . . pero oo, mag-jowa na tayo."

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

***

Ilalagay ko rito kasi hindi raw nababasa ng iba. Sabi sa inyo, para lang sa mga followers ko 'tong mga chapters na 'to. NO FOLLOW, NO READ. 😊

Imagine, nakarating ka ng series 11 tapos hindi ka man lang nag-follow. Ang sama mo! HAHAHAHAHA.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top