Five

SYREEN

MATALIM ang tingin ko nang magtagpo ang mga mata namin ngunit ang kaniya ay tila walang emosyon. . . hindi man lang nagulat ang bugok na diablong 'to!

Naglakad ako papalapit sa mga isinugo ni satanas para gaguhin ang araw ko.

"Oh the bitch is here—FUCK!" Mukhang gulat na gulat siya sa ginawa ko. Sinungalngal ko lang naman ang mukha niya ng palad ko. Oo, literal kong tinulak ng palad ko ang mukha niyang puno ng kolorete palayo sa akin. "How dare you—"

"Talagang how dare me! Itigil mo 'yang bunganga mo! Ang baho ng hininga mo!" putol na singhal ko sa kaniya. Hindi pa 'ko nito nakitang napuno, e. Baka magulat siya pasubuan ko siya ng nguso ng baril.

"What do you want?" walang emosyong tanong sa akin ni Leik. Tindi rin talaga ng kapal ng pagmumukha ng isang ito.

Humalukipkip ako saka ko siya pinakatitigan. "Tingnan mo nga naman ang kapal ng mukha mo, ano? What do I want? Hindi ka nahihiya sa sarili mo niyan, Leik? Workplace ko, isasama mo 'yang kabit mo?" nakangisi kong wika sa pinuno ng mga hudas at bugok sa kalupaan.

Sa halip na mairita siya sa sinabi ko, unti-unting sumilay ang nakakapikon na ngisi sa mga labi niyang mahubog. Kapag talaga namang tinamaan ng diablo, ang dami kong tititigan, ang labi pa niyang magaling sumamba.

PAKINGSHET KA, SYREEN! IKALMA MO NGA 'YANG FUKIKELS MO! NAGAGALIT KA!

Kung bakit naman kasi akala mo nagpaparangal ang mga labi niya, bwakanang ina!

"So you're admitting it now that you are indeed my wife?" aniya sa nakakalokong tono. Gusto kong siya na ang sunod kong sungalngalin pero nagtitimpi ako. Baka may makakita sa amin na estudyante at lalong magkanda-letse-letse ang lahat-lahat sa buhay ko.

"Alangan naman na i-deny ko? May marriage contract tayo," taas-kilay na sagot ko saka ako bumaling kay Zylin na mukhang tanga dahil hindi maipaliwanag ang ekspresyon niya. "Kaya huwag kang bida-bida, girl. Tingin mo sa akin api-apihan? Magpapa-bully sa 'yo? Gaga ka pala, e. Kayang-kaya kitang pulbosin pero hindi ko ginagawa, kaya dapat kang magpasalamat sa akin. Sa susunod huwag kang pagala-gala sa teritoryo ko. . . baka magulat ka na lang, sakmal-sakmal ko na 'yang leeg mo," banta ko rito na sinamahan ko pa ng nakakalokong ngiti.

Sasagot na sana si Zylin nang bigla na lamang hinaklit ni Leik ang pupulsuhan ko at hinatak ako palayo sa kerida niyang mukhang sasabog na sa pikon at galit.

"Bitawan mo 'ko, bugok. Naa-allergy ako sa mga gaya mong kurimaw!" singhal ko pero hindi man lang ako pinansin at patuloy akong kinaladkad.

Hindi ko alam kung mapalad lang ba ako dahil walang mga estudyante o kahit tao man lang sa paligid para masaksihan ang pangde-delubyo sa akin ng bugok na 'to.

Narating namin ang opisina niya sa kakakaladlad niya sa akin saka niya ako marahas na ibinato sa sofa.

Nameywang siya sa harapan ako at tumingin sa taas bago nagbuntonghininga at muling tumingin sa akin. "Let's get this straight, Syreen," aniya sa napakaseryosong tono.

"Sigurado kang itutuwid mo 'to? Sa pagkakaalam ko kasi, lahat sa 'yo baluktot. Pag-uugali at paniniwala," pambabara ko sa kaniya na akala kong ikapipikon niya ngunit mali ako. May sumilay na isang kakaibang ngisi mula sa mga labi niya na animo may bigla na lamang siyang isisiwalat na bubugbog sa lahat-lahat ng mayroon ako.

Inalis niya ang mga kamay niya mula sa bewang niya saka siya humalukipkip at pinakatitigan pa ako ng mas mariin. "May tuwid sa akin, darling. . . pumasok pa nga sa 'yo," aniya ay ramdam ko ang paggapang ng kahihiyan sa katawan ay pagkatao ko.

"Hayop! Bugok!" galit na bulalas ko sa kaniya.

"Why do you even have to act strong in front of me when I clearly know how vulnerable you are?" aniya at may kinuhang papel sa mesa niya at ibinaba iyon sa harap ko.

"Kung annulment papers 'yan o kahit ano pang ukol sa pagkawala mo sa buhay ko, huwag kang mag-alala, hindi ko pa binabasa, pinipirmahan ko na," angil ko sa kaniya saka ko dinampot ang papel na inilapag niya sa harap ko.

Pagkabasa ko ng nakasulat sa itaas pa lamang ay nanlaki na ng literal ang mga mata ko sa gulat. "PAKINGSHET KA! ANO 'TO?" malakas na sigaw ko ay pinagduldulan ko pa ang papel gamit ang kanang hintuturo ko.

"A contract. . . darling," aniya ay inabutan ako bigla ng sign pen. "Pipirmahan mo na kahit hindi mo basabin, hindi ba?" nakakaloko niyang turan sa akin kaya't sinamaan ko siya ng tingin.

"Talaga naman palang isa't kalahati kang bugok, ano? Gusto kitang mawala sa buhay ko tapos papapirmahin mo 'ko ng ganitong kontrata? Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo?" nagngingitngit na wika ko saka ko ibinato sa mukha niya ang mga papel.

"What's wrong with it? We can adjust the deets and rules in your favor," aniya na akala mo wala lang sa kaniya ang ibinato kong dokumento.

"DEETS MO ULO MO, BUGOK KA!" singhal ko at tumayo mula sa kinauupuan ko. Akma na sana akong tutungo sa pinto para layasan ang bugok na ito na kulang yata ang turnilyo sa ulo dahil sa mga pinagsasasabi at pinaggagagawa nang bigla na lamang niyang haklitin ang braso ko para iharap ako sa kaniya.

Napakabilis ng mga pangyayari. Nagulat na lang ako na hinawi niya ang mga gamit sa mesa saka niya ako hinawakan sa magkabilang gilid ng bewang ko at walang habas niya akong inupo sa mesa. Kinulong niya ako nang magtangka akong umalis sa pamamagitan ng paglalagay niya ng magkabila niyang kamay sa mga gilid ko.

"Look at me, Syreen," utos niya sa akin peeo hindi ko ginawa. MAGKAMATAYAN NA PERO HINDI KO TITINGNAN ANG MGA MATA NIYANG NAKAKARUPOK! Punyawang buhay 'to. "I said look at me, and that's an order," may awtoridad na wika niya sa akin at parang hindi ko alam kung saan pa ako huhugot ng tibay at lakas ng loob para hindi siya sundin.

Makailang beses ko nang nasabi 'to, pero totoong nakakabobong makaharap at makausap si Leik sa ganitong mga pagkakataon. Para siyang walking disaster na hindi mo gugustuhing sagupain dahil alam mong may hindi magandang maidudulot sa 'yo. LITERAL!

"I'll fucking kiss you torridly if you will choose not to look at me in five. . . four. . . three. . . two. . ." Huminto siya na pinagtakhan ko kaya't bigla akong napalingon sa kaniya—na maling-mali dahil halos wala nang pagitan ang mga mukha namin! "So you want me to kiss you torridly?" bulong niya ngunit damang-dama ko ang tensyon na hatid niyon sa sistema kong naghuhurumentado. Pakingshet! Bakit ba naman kasi pagkarupok-rupok ko? Send help!

"P–Pinagsasasabi mo! M–Maaga pa para managinip!" kunwaring singhal ko pero ang totoo ay nangangatog na 'ko. Pakiramdam ko kapag inakit pa niya 'ko, bubukaka na 'tong mga hita kong marupok pa yata kaysa sa mga tuyong sanga ng puno! Nakakagigil! Dapat galit ako! Galit ako dapat! Ano ba!?

Hindi siya nagsalita, bagkus ay inilapit niya ang mga labi niya sa leeg ko at mula roon ay pinagapang niya ang hininga niya na lalong nagbibigay ng kakaibang senswal na pakiramdam sa akin. "I can smell you craving for me. . . darling. You want me to touch you. . . to pleasure you. . . to satisfy you. I could feel it. You want me, Syreen. You do," bulong niyang muli at lalo na yatang nagwala ang buong sistema ko sa ginagawa at pinagsasasabi niya. Epektib ang pang-aakit niya sa akin dahil parang nawawala na ako sa sarili ko. Parang gusto ko na kang kalimutan lahat ng nakaraan na mayroon kami at yapusin siya nang mahigpit.

Biglang dumampi ang mga labi niya sa balat ko sa parteng ilalim ng tainga at para akong nakuryente na hindi ko mawari kung paanong nangyari. Para akong sinilaban sa simpleng pagdikit ng mga labi niya sa akin. Literal na nakakagago at nakakabaliw!

"Tell me, my wife. . . do you want me?" tanong niya sa akin na hindi ko alam kung sa paanong paraan ko ba dapat iproseso.

"Leik. . ." tanging naisagot at bahagya siyang lumayo sa akin saka sumilay sa akin ang nakakaloko niyang ngisi.

That playboy and boyish smile that made me insane for those years that I was his possession. . . that handsome smile that took my sanity and virginity away.

"You have to sign the papers, darling. I want you to sign it. I'm not begging you, I'm commanding you," aniya deretso sa mga mata ko. Nasa isang dangkal lang yata ang pagitan namin at naduduling pa ako halos sa mga titig niyang lalo lang nakakapagpaakit sa akin.

Pumikit ako para iwaksi lahat ng punyawang karupokan sa utak ko. Kailangan kong mag-isip ng matino. Kailangan kong maalis lahat ng kalibugan sa ulo ko para makapagdesisyon ako ng tama. Pakingshet na buhay 'to. Ang hirap-hirap na marupok ka tapos kailangan mong magdesisyon ng maayos. Kung puwede lang samang libog now, desisyon later, ginawa ko na.

Hindi ko naman kasi talaga ikakaila na nalilibugan ako sa kaniya! For heaven's sake! Siya ang una't huli ko. Literal na tuyot ako sa nakalipas na tatlong taon!

Nang makahinga-hinga ako nang bahagya ay marahas ko siyang itinulak palayo sa akin at binigyan ng masamang tingin.

"Why do you want me to follow you around? Why do you want me to be your bodyguard? Iyan ba ang dahilan kaya ginugulo mo na naman ako? Dahil gusto mong maging tuta mo na naman ako?" tuloy-tuloy na tanong ko sa kaniya.

Ang laman ng kontratang ibinigay niya sa akin ay hindi annulment papers, kung hindi kasunduan na kailangan ko siyang bantayan sa loob na anim na buwan. Gusto niya akong ibalik sa buhay niya at sa buhay agent na pinipilit kong takbuhan.

Umayos siya ng tayo at namulsa sa harap ko. "It needs to be you because you're the only one I trust in this field—"

"May tiwala ka sa akin, pero wala akong tiwala sa 'yo," putol ko sa kaniya.

"I grew up in Phyrric, Syreen. I grew up holding guns, knives, grenades and other dangerous tools. I know how to protect myself because when I was a kid, I was trained by one of the most trustworthy senior elite agent. Kung tutuusin hindi kita kailangan. Puwedeng kumuha na lang ako ng kahit na sino sa Phyrric para bantayan ako pero nandito ako at kinakausap ka," aniya sa seryosong tono. Bakas na bakas sa kaniya na seryosong usap na talaga ito.

"Ganoon naman pala. Anong ginagawa mo rito? Tahimik na ang mundo ko. Ayaw kong bumalik sa Phyrric hangga't hindi pa ako handang bumalik. Kung kailangan kong magmakaawa sa 'yo na tigilan mo na 'ko, maluwag sa loob kong gagawin—"

"My mom wants you. She wants you to be my bodyguard. She only wants you because she knew how you worked for me three years ago. She only wants you to guard me over my obsessive fans dahil hindi ko sila puwedeng saktan. That would be the end of my career if I will defend myself in front of the camera," aniya at hindi ko maintindihan kung dapat ko bang kaawaan ang bugok na 'to. 'Tang ina, siya naman ang namili na maging aktor tapos ngayon ako ang mamomoblema?

"Ayoko—"

"I was almost got molested in my last tv appearance by a tv host in the dressing room but I cannot do anything. . . not when many people were watching. She tried to kiss me and she also tried to cup my dick but luckily I was alert. You may think that I enjoy such thing but I do not. . . I fucking repeat. . . I DO NOT. Walang pinipiling kasarian ang ganoong bagay. Kahit pa lalaki ako at babae siya, nandidiri ako tuwing maaalala ko. I may have fucked countless women, but being molested was another case, Syreen. Kung hindi mo maintindihan, wala akong magagawa," aniya at muli na naman akong tinitigan.

"Kung sa palagay mo ay mapipilit mo akong maging bodyguard mo dahil lang sa mga pinagsasasabi mo sa akin, then better think twice. Una, wala na akong pakialam sa 'yo. Pangalawa—" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lamang niyang inilang hakbang ang pagitan namin at marahas niyang siniil ng halik ang mga labi ko. Halik na nagpaparusa at ubos ng agresibo.

Hindi ako kumawala. . . OO NA, MARUPOK NA PUNYAWA! Sinagot ko ang halik niya at pinalupot ko pa ang mga braso ko sa batok niya para mas palalimin ang halik.

Kapwa kami naghahabol ng hiningan nang bitawan namin ang labi ng isa't isa.

"May pakialam ka pa rin sa akin," aniya saka ngumisi sa akin bago ako muling binigyan ng mabilis na halik.

"Nalilibugan lang ako," deretsong sagot ko. "Tell you Mom—"

"Oh, I forgot," putol niya at parang may hindi siya magandang sasabihin sa akin. Literal na nagrigodon ang puso ko sa kaba.

"Ano?"

"Zylin doesn't know that we're married. You just informed her a while ago," walang habas na wika niya na nakapagpalaki ng mga mata ko! LITERAL NA NANLAKI, PAKINGSHET, KILIKILI NI VERON NA MALAGKET!

"GAGO—"

"And oh, another thing. . . my Mom knows that we are married."

'TANG INA! PARA NIYA AKONG PINASABUGAN NG DALAWANG GRANADA!

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

--

VOTE | COMMENT

SILENT READERS, PLEASE DO VOTE AND COMMENT. 🥺

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top