Fifteen

SYREEN

TATLONG linggo na ang nakakaraan mula nang mailibing ang Nanay at ngayon ay narito kami sa bahay na pag-aari ko raw ayon kay Leik.

Move on? Mabilis akong mag-move on sa mga bagay-bagay. Mahigit tatlong linggo na ring wala ang nanay at wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang tanggapin iyon. Wala naman akong magagawa. Hindi maibabalik ng mga luha ko ang buhay niya at mas lalong hindi ako makakapagpatuloy sa buhay ko kung iyon at iyon ang lagi kong isisiksik sa utak ko. Tama na ang sakit. Kailangan kong intindihin ngayon ang mga dapat ko pang intindihin.

"Leik—ay pakingshet!" NAKAHUBO ANG HAYOP! "A–Akala ko ba maghihilamos ka lang? B–Bakit nakahubo't hubad ka?" Hindi ko alam kung bakit kailangan kong mautal pagpasok ko ng banyo.

"I just know your coming here," aniya habang nakatingin sa akin at nasa ilalim ng shower.

Bwakanang ina. Hindi pa ko fully moved on sa nanay ko, pero si Leik parang gusto madaliin ang pagmo-move on ko. Pakingshet! Suited talaga sa kaniya ang title na fukikels wrecker, hayop.

"C–Coming mo mukha mo, bugok! Lumabas ka riyan! May pasok ako!" singhal ko sa kaniya at saka ko sana siya ipagduduldulan palabas ng banyo pero mabilis niya akong nahatak kaya't ito ako ngayon. . . bwakanang ina, nasa ilalim ng shower kasama siya.

Ayaw ko siyang tingnan sa mga mata. Rumurupok ako sa mga mata niyang sumisigaw ng mga nakakakabang emosyon. . . pero ang walanghiya, hinawakan ang baba ko saka itinaas ang mukha ko para lang magtagpo ang mga mata namin.

Asawa ko 'to, pero sa tuwing gagawin niya 'to, legit iyong pakiramdam na parang bida kami sa mga ero-romantic film o in short, PORN!

Ang lagkit ng tingin niya sa akin at hindi ko siya masisi, dahil kung gaano na katagal wala ang nanay ko, ganoon din katagal na walang putok to, maliban na lang talaga kung nagbubul—nag-e-ejaculate siya! English tayo para hindi bastos!

"Darling. . ." Bwakanang ina! Bakit pati pagtawag niya may lagkit pa?

"M–Male-late ako, Leik!" mahinang singhal ko sa kaniya pero parang itong karupokan ko naman ang sumasalakay sa akin.

Mariin niya lang akong tinitigan na para bang gusto niya akong hipnotismohin gamit ang mga mata niya, e bwakanang ina kahit walang gan'on, bubukaka naman ako, e! Marupok kaya ako!

"It's been almost a month since the last time I tasted you. . ." aniya at parang gumapang ang buong kilabot sa katawan ko nang hawakan niya ang laylayan ng suot kong t-shirt at itinaas iyon para hubarin sa akin.

Syempre dahil nga marupok ako, hinayaan ko. Bwakanang ina, aarte pa? Leik Andrey 'yan, oh!

Ibinaba niya ang mga labi niya sa leeg ko at ako naman ay agad napakapit sa batok niya. Gustong-gusto kong ituloy 'to at abutin naming agad ang sukdulan!

"Leik. . . Mmmm. . . B–Baka hanapin ako. . . Mmmm. . . ni Dean." Halos hindi ko masabi ang mga salitang iyon dahil patuloy na nagingibabaw ang pag-ungol sa akin. Ang hirap pigilan, punyawa! Ang sarap ng haplos at halik niya!

Kakalasin na sana niya ang bra na suot ko nang sunod-sunod na doorbell ang kapwa nagpahinto sa amin.

"FUCK!" mura niya na halata mong galit na galit dahil bitin na bitin.

Napahampas ako sa dibdib niya saka ko siya tinawanan. "Better luck next time, handsome—"

"Don't tease me, my wife. I can go on now. Don't dare me," aniya at gusto kong matawa dahil halatang seryosong-seryoso siya.

Umiling ako saka ako umalis sa ilalim ng shower at mabilis na kumuha ng tuwalya.

Bitin muna today, darling.
         

"HUWOW! Kasalanan ko pa ngayon? Ikaw 'tong nagpapasundo tapos kasalanan ko pa ngayon? Sana okay ka lang, bilat. Kyompalin kita ng burat ng jusawa mo, e!" galit na singhal ni Veron sa akin habang nasa sasakyan niya kami. Sinabi ko kasi sa kaniyang istorbo siya at ito, ako pa ang sinisi ng walanghiyang baklita.

"Ode hindi mo na nga kasalanan! Daming hanash," sagot ko sa kaniya at ngumuso.

"Wow. Bitin din ang gaga. Sana hindi n'yo na lang pinansin ang doorbell ko—"

"Hindi pansinin? Bwakanang ina mo, kulang na lang gibain mo kakapindot, tapos huwag pansinin? Kapag napikon mo 'ko, irereto talaga kita kay Syna. Sasabihin ko gapangin ka," angil na pang-aasar ko sa kaniya at ang walanghiya bigla ba naman parang nagkikisay habang nagda-drive na parang nandidiri.

"Ewwww! Yuck! Ang hanap ko ay daks, hindi keps! Kilabutan ka, hayop!" asar na tugon niya na kinatawa ko.

Sinundo niya ako dahil tapos na ang leave ko at may a-attend-an kaming seminar ngayon. Ayaw ko man iwan si Leik na mukhang tigang na tigang na, pero kailangan. Magagamit ko kasi ang seminar na ito kung sakalin man na i-push ko ang pagdo-doctoral.

Walang nagbago kay Leik kahit pa naisiwalat ko sa kaniya na namatayan kami ng anak. Nanatili pa rin siya sa tabi ko, o siguro mas tamang sabihin na mas lalo pa siyang mas naging malapit sa akin ngayon. Halos ayaw na niya akong pakawalan at lagi niyang iniintindi ang iniisip ko pati mga ginagawa ko. Mas naging maalaga pa siya kahit pa sinampal na siya ng katotohanan na hindi na kami magkaka-anak pa.

"Anong sabi ni Leik tungkol sa bata?" tanong ni Veron sa akin. Alam na alam niya ang tungkol doon dahil ang baklita na ito ang nagdala sa akin sa ospital noon. Siya rin ang tumulong sa akin makapagtrabaho bilang propesor.

"Tanggap daw niya, pero alam mo ba, beks, isang beses lang sila puwedeng magka-anak kaya alam kong nasasaktan siya kahit hindi niya sabihin—"

"Siya lang ang isang beses puwedeng magka-anak, ikaw ay hindi. Puwede kang kumeme sa iba kung papayag siya. . ." ani Veron at nagulat ako sa naging suhestiyon niyang iyon.

"Gaga ka ba? Palagay mo kaya kong tanggapin na may ibang titsikels na eentrada sa fukikels ko? Tampalin kita ng keps, gaga ka!"

"Tanga ka talagang kausap, bilat! Punyeta, kaya minsan ayaw kitang nakakausap. Bahala ka sa buhay mo, letse!" angil niya sa akin at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Natatawang naiiling ako sa kaniya. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Gets ko siya, pero nagpanggap lang akong hindi para matigil na ang usap namin. Si Veron lang ang kaibigan ko na masasabi kong pinagkakatiwalaan ko, kaya't itong gagang 'to maraming suggestion na madalas gugulantang sa pagkatao ko.

Nakarating kami sa hinaba-haba ng biyahe namin sa isang malawak na bulwagan at kitang-kita ko na sandamukal ang mga participants. Seminar yata ng mundo 'to, bwakanang ina.

"Beks, huwag kang lalayo sa akin—ay bwakanang ina!" Wala na pala akong kausap. Nandoon na sa mga grupo ng mga lalaki ang baklitang malandi.

Napapabilib din ako minsan ng baklang 'to, e. Kapag talaga gustong maglandi, nagpapanggap na lalaki.

Lalakad sana ako palapit sa kaniya nang may mahagip ang mga mata ko na hindi ko inaasahan.

Anong ginagawa niya rito?

Gusto ko mang mag-usisa ay hindi ko ginawa. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay hinahabol ako ng multo ng nakaraan ko kahit hindi naman. Minsan tamang hinala rin ako, e. Daig ko pa ang nakadroga.

Biglang may nagsalita sa mic na mula sa stage kaya't agad naglapitan doon ang mga participant, ngunit ako ay lumapit na muna kay Veron.

"Beks—"

"Mga pare, co-teacher ko, si Syreen," pakilala niya sa akin at parang gusto kong matawa sa 'mga pare' niya. Panggap na panggap ang bakla.

"Hello sa inyo. I'm Syreen," pakilala ko sa tatlong lalaki na kapwa mga nakasuot ng suit.

"Hi, Syreen. I'm Emman," anang lalaking mukhang nerd. Kahit kuko ni Leik, wala ang isang 'to.

"I'm Alfie," anas naman ng isang medyo may katangkaran at papasa siyang ingrown ni Leik.

"And I am Bob," pakilala naman ng huli na kahit yata ipot ni Leik ay hindi uubra. Ampapanget nila! My husband is my standard!

"Hehehe," ika ko lang sa kanila saka ko na hinatak si Veron palayo sa mga ipis na iyon. "Bwakanang ina mo, exotic pala ang gusto mo. Sana ipinaghuli na lang kita ng salagubang!" singhal ko sa kaniya nang makalayo na kami.

"Judger ka!" anas naman niya ngunit hinatak ko na lang siya nang hindi nakatingin sa harapan kaya't may nabangha kaming bigla.

"Sorry po—Gyor!?"

"HOLY COW! ANG SARAP MO!" tili ng animal na Veron at parang gusto ko siyamg sapukin nang walang humpay.

"Syreen?" gulat din na wika sa akin ni Gyor.

Isa si Gyor sa mga co-agent ko Phyrric at wala akong natatandaan na umalis siya ng Phyrric, kaya kung nandito siya. . . siguradong may misyon dito.

"Walanghiya ka, bilat! Magkakilala kayo nitong masarap na 'to?"

"Pakingshet ka! Hindi 'yan ulam, gaga!" singhal ko sa kaniya saka ako bumaling kay Gyor. "Co-teacher ko, Gyor, si Veron," pakilala ko at tumango lamang si Gyor at hindi ngumiti. Ganiyan naman talaga iyan. Akala mo kakambal ni Hudsen na kailangan pang bilhin ang ngiti.

"I'm Gyor," anito at naglahad ng kamay.

"Huwag—" Pero bago ko pa napigil si Veron sa pag-abot ng kamay ni Gyor ay nagawa na ng baklang maharot at inamoy-amoy pa 'yon.

"Nice meeting you, ulalam!" ani Veron at parang gusto ko siyang batukan saka patulugin.

"Aalis na 'ko, Syreen. May kailangan akong asikasuhin," paalam ni Gyor at napatango na lang ako.

Akmang lalapit na ako sa nagsasalita sa stage nang bigla akong hablutin sa braso ni Gyor na bumalik bigla.

"Gyor—"

"Mag-iingat ka."

     

NAKAUPO ako ngayon sa pinakaharapan ng stage dahil dito ang puwesto ng nakuha kong ticket. Si Veron naman ay nasa likuran ko lang.

Palaisipan pa rin sa akin ang sinabi ni Gyor ngunit pinipilit kong huwag intindihin iyon. Ayaw ko ng sakit sa ulo. Sapat na si Leik na nagpapasakit ng ulo at puson ko.

"Please welcome, our guest speakers for today. . . Mr. Aeidan Lex Freezell-- Ricafort and Mr. Leik Andrey Freezell-- Laugthner," anang tagapagsalita at parang nalumod ko yata ang dila ko sa narinig ko.

"Hoy, shet! Asawa mo 'yon, bilat!" bulong ni Veron sa akin na mukhang dinukwang pa talaga ako.

"Gaga, alam ko! Asawa ko 'yon, e!" singhal ko pabalik sa kaniya.

Kaya pala nakita ko si Lindzzy kanina. Nandito pala si Aeidan, at ang matindi, kasama ang asawa kong hindi man lang sinabing may ganap siya sa pesteng seminar na 'to!

Naunang nagsalita si Aeidan at puro tungkol lang sa dissertation ang ipinaliliwanag nito, pero knowledgeable naman dahil ang daming nagte-take down notes.

"I'm really glad to have you all here in this seminar. Before I end this discussion, I just want to thank my beautiful wife for making this creative powerpoint presentation in front of you," ani Aeidan at maraming mga teacher ang nakikilig lalo pa nang lumapit si Aeidan kay Lindzzy na nakaupo sa gilid ng stage hinagkan niya ito sa noo.

Huwow! Akala mo maginoo. Sabi nga noon sa akin ni Jice, ang chika raw sa kaniya ni Lindzzy, sadista 'yan sa kama. May mga food porn pa!

Sumunod na nag-present ay ang asawa kong magaling. Matatalim ang tingin na pinukol ko sa kaniya pero hindi ko alam kung napapansin niya dahil may mga fans yata siya rito sa crowd, punyawa! Hindi na naubos ang mga lintek!

"I LOVE YOU, ANDREY!" sigaw ng isang teacher na narito na mukhang hindi na napigilan ang pag-fa-fangirling niya sa asawa kong kahit yata sumabaw sa pawis, masarap pa rin. Napaka-unfair, bwakanang ina!

"Oh, thank you," ani Leik nang mahinto siya sa pagpapaliwanag dahil sa sumigaw na iyon.

"Wow? Bakit hindi pa kaya siya sumagot ng I love you too?" bulong-bulong kong himutok at pagbalik ng mga mata ko sa kaniya ay nakatitig na pala siya sa akin habang nakangisi.

Hindi naman niya nabasa 'yong buka ng labi ko, 'di ba?

"Sorry, but my I love you is now exclusive to someone," anas niya na ikinakabog ng pesteng puso ko! Hindi naman siya aamin sa sandamukal na tao na 'to, hindi ba? Tapos amg dami pa ng media at camera, punyawa!

"KAY ZYLIN LANG BA EXCLUSIVE?" sigaw na intriga namna ng isa. Animales na mga teacher 'to, ba't ang chi-chismosa?

Bigla na lamang siyang bumaba ng stage pero nakipag-fistbump muna siya kay Aeidan na para bang nagkakaintindihan sila habang hawak niya ang mikropono.

Halos hindi ko maintindihan ang kabog ng dibdib ko. Para akong nilalamon ng kahihiyan na wala naman ako!

Napakagat ako sa labi ko nang bigla niyang taluntunin ang daan patungo sa kinaupuan ko.

Mabilis akong umiling-iling sa kaniya at lalong lumawak ang pagkakangisi niya sa akin.

Halos mapagot ang hininga ko nang bigla siyang huminto sa harap ko at inilagay sa tapat ng mga labi niya ang mikropono.

"This cute professor here caught my attention," aniya sa mic saka bumaling sa akin. "Can you be the receiver of my exclusive I love you's?"

Bwakanang ina ka, Leik! Anong ginagawa mo? Anong binabalak mo? Pakingshet, kilikili ni Veron na malagket!

Inalis niya ang mikropono saka siya umumang sa tainga ko at bumulong sa akin.

"This is what you get for teasing me, darling. Hindi ako magandang nabibitin."

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top