EPILOGUE
MASAYANG mukha ni Liran at bumungad sa akin kasabay ng pagbibigay niya sa akin ng report card niya.
"Nanay, my teacher told me that I am the class salutatorian," nakangiti niyang wika sa akin at hindi ko naman maiwasan ang mapangiti rin sa itinuran niya.
"Very good. How about Livan? Have you seen him?" tanong ko sa kaniya at sunod-sunod ang naging pag-iling niya.
"Nah. That freak usually spends his leisure time with books and paint brushes," sagot niya sa akin at nagtuloy na siya sa sala kung saan niya ibinaba ang bag niya.
The twins are now seven years old. It's been almost four years since we migrated here in Los Angeles.
Katatapos ko lang magluto ng hapunan namin at mukhang anong oras na naman darating si Livan. Madalas talaga ay siya na lang ang binabalikan ng school bus nila dahil halos sa library na siya tumatambay para magbasa at magpinta.
Hinubad ko ang apron na suot ko at tumungo sa sala saka ako naupo sa tabi ni Liran na nanonood na ng cartoons.
"Anak, are you jealous of your brother?" tanong ko sa kaniya saka ko inalis ang towel niya.
"No, Nanay. Livan is really intelligent and I don't have to compete with him. He has his own intelligence and I also have mine," sagot niya sa akin habang nakatuon pa rin sa pinapanood ang mga mata.
Matatas na silang mag-ingles ni Livan, siguro ay dahil na rin napilitan silang sapilitan na ma-adapt kung ano ang nasa paligid nila.
"That's good. Ayaw na ayaw ko na magkakaroon ka ng selos sa kapatid mo. Si Livan lang ang tanging kakampi mo. Okay po ba tayo r'on?" tanong ko sa kaniya na ikinalingon niya sa akin.
Ngumiti siya at lumitaw pa ang maliliit niyang mga ngipin. "Yes po, Nanay."
"HELLO! HELLO! HELLO!" Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Veron kasama si Dallia na buhat ang anak nilang babae na dalawang taong gulang—si Quey Lia.
"Hi, Quey!" masiglang bati ni Liran nang makita niya ang bata at agad siyang lumapit dito. Hinalikan niya sa paa si Quey dahil iyon lang naman ang abot ng taas niya.
"Liran, ha! No ligaw-ligaw muna. Ninang Veron will make galit to you," ani Veron na ikinatawa ko. Hinampas ko rin siya sa balikat dahil sa lawak ng imagination niya.
"Utak mo, beks, meron na namang ubo! Ang layo ng agwat nila—"
"Hello, bilat! Pumatol ka nga sa tatay nila na eight years ang tanda sa 'yo. Letse ka! Feeling innocent!" kantiyaw sa akin ni Veron at napangiti ako.
Hindi ako ang pumatol sa 'yo, Leik. Ikaw ang pumatol sa akin. Mahilig ka kasi sa fresh and innocent, bwakanang ina ka.
Pinaupo ko sila sa sofa at tumungo ako sa kusina para ikuha sila ng juice at makakain.
Nang tumungo kami rito sa L.A na mag-iina, dito na rin napiling manirahan nina Dallia at Veron. Ayaw raw nila akong malungkot at mag-isip na solo ko na lang ang mundo.
Sa totoo lang ay napakalaking tulong nila sa buhay ko. Kapag ramdam kong nakakasuko na, bigla na silang darating para lang magbigay sa akin ng sapat na rason para magpatuloy.
"Bilat." Napalingon ako at nakita ko si Veron na nasa entrada ng kusina at nakasandal lang. "Kaya pa?" nakangiti niyang tanong sa akin. Lagi siyang ganiyan. Laging iyan ang tanungan niya sa akin.
"Kakayanin. Strong ako. Ganito mo 'ko pinalaki, 'di ba?" tumatawang sagot ko sa kaniya.
Lumapit siya sa akin at tinulungan akong magpalaman ng sandwich. "Wala ka pa bang planong bumalik sa Pilipinas? Magpapa-permanent citizen na ba talaga kayo ng mga anak mo rito?" tanong niya sa akin habang busy siya sa tinapay.
Binitawan ko ang kutsara na pinanghahalo ko sa juice at hindi ko napigilang tumingin sa kawalan. "Ano pa bang babalikan namin doon, Veron? Nandito na ang buhay ko. Nandito na ang buhay namin. Dapat bang piliin kong muli ang magulong buhay r'on? Gusto mo bang hayaan kong makagisnan nila Liran at Livan ang buhay na gusto ko nang takasan?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
Narinig ko siyang nagpakawala nang malalim na buntonghininga bago nagsalita. "Secret agent ka, bilat. Kahit anong takas ang gawin mo, iyon at iyon ka. Kahit saang anggulo natin tingnan, iyon ang kapalaran na para sa 'yo kahit pa anong takbo ang gawin mo. Isa pa, naaawa ako sa iniwan mo sa Pinas. Para mo rin silang inalisan ng karapatan sa kambal. Hindi ko sinasabi ito para lang guluhin ang utak mo, pero may dugo silang nananalaytay sa kambal at alam ko . . . gusto rin silang makasama ng mga anak mo," mahaba niyang turan at hindi ko maiwasan ang mapaisip nang malalim.
"Natatakot ako, Veron. Natatakot akong baka sa oras na hayaan ko ang kambal na makagisnan ang mundong 'yon, baka sila ang mawala sa akin. Hindi ko iyon kakayanin. Ikakamatay ko. Sa tuwing maiisip ko na maaari silang malagay sa alanganin—"
"Sa palagay mo ba hahayaan nilang masaktan ang kambal? Sa palagay mo ba hahayaan nilang may mangyaring hindi maganda sa mga anak mismo ni Leik? I don't think so. Mas nasa isip ko nga ngayon na feeling nila malaki ang pagkakautang nila sa 'yo at kay Leik. Pero the choice is yours to make naman, e. Kung ayaw mo, keri lang. Nag-a-advice lang naman ako bilang kaibigan mo," putol niya sa akin. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at nakangiti na siya.
Niyakap ko siya nang mahigpit. "Alam mo, beks, salamat sa inyo ni Dallia ng maraming-marami. Ang dami kong utang na loob sa inyo. Bwakanang ina, baka pati buhay naming mag-iina kulang pang pambayad sa mga nagawa n'yong mag-asawa para sa amin. Huwag sana kayong magsawa na tumulong sa amin," anas ko at naramdaman kong hinagod niya ang likod ko.
"Never, bilat. Kaya lumayo-layo ka na sa akin. Nandidiri ako sa ka-chessy-han mo!" pangtataboy niya kaya't napahiwalay ako sa kaniya na tumatawa.
"Sira talaga ang ulo mo, hayop!" tatawa-tawang wika ko at inambaan ko pa siya ng sapok.
Naku, Veron! Mabuti na lang at may Dallia talaga na tumanggap sa 'yo!
GABI na at nag-aalala na ako. Wala pa rin si Livan. Nakuha na ng makauwi nila Veron ngunit hindi pa rin siya dumarating.
"Liran?" tawag ko sa anak ko na nakaupo sa sofa at gumagawa ng homeworks niya.
"Yes po, Nanay?"
"Anak, hindi ba nagsabi si Livan sa iyo na male-late siya ng uwi ngayon? May sinabi pa siya sa na may dadaanan siya?" sunod-sunod na tanong ko kay Liran ngunit puro lamang iling ang isinagot niya sa akin.
Kinakabahan akong tumungo sa pintuan ng bahay. Halos mapatalon ako nang makita ko siyang bumaba mula sa school bus niya habang may bitbit na naman na libro na mataas pa yata sa kaniya.
"Bakit naman ngayon ka lang, Livan?" tanong ko sa kaniya saka ko kinuha ang mga librong bitbit niya.
"I'm sorry, Nanay. Ms. Bracken asked me to solve a complicated calculus," sagot niya sa akin at parang uminit na naman ang ulo ko.
Si Ms. Bracken ang school dean nila na malaki ang interes sa utak ni Livan. Lagi niyang pinagsasagot ng mga komplikadong bagay ang anak ko na para bang sinusubok niya kung hanggang saan ang talino nito.
"You are not dumb, Livan. Kaya mong agad na masagutan iyon. Bakit inabot ka ng ganitong oras?" tanong kong muli saka ko siya inakay papasok ng bahay.
Ibinaba niya ang bag niya sa sofa saka siya may kinuha sa bulsa niya. Kapirasong papel iyon na inabot niya sa akin. Binulatlat ko iyon at bumungad sa akin ang isang equation na hindi ko yata alam kung paano kong iintindihin.
"Ano 'to?" tanong ko sa kaniya.
"That's the equation Ms. Bracken gave me po, Nanay," aniya at parang gusto ko na lalong sugurin ang bruhildang 'yon. Sa buhay ko yata na 'to, lagi ko na lang makakainitan ang mga dean.
"Hayaan mo. Sa susunod aawayin ko na talaga 'yon. Napakakomplikado nito—"
"No, Nanay. I didn't ask you to look at it so you can beat Ms. Bracken. I showed it to you just so you know what took me so long," putol sa akin ni Livan at hindi ko masundan.
Bwakanang ina! Paano ko ba masusundan itong letseng equation na 'to, e hindi ko nga maintindihan ang lintek!
"H–Ha?"
"The question is wrong po, Nanay. There are misplaced signs and exponents po," aniya at hindi na alam ang dapat kong isagot sa kaniya.
He's just seven.
Binitawan ko ang papel na binigay niya at inakay ko sila ni Liran patungo sa banyo. Hihilamusan ko na muna sila para makakain na rin kami.
"Liran, stop playing with the bubble soap," narinig kong sita niya kay Liran. Kinuha ko kasi ang mga tuwalya nila.
Binalikan ko sila at nakita ko na naman si Liran na puro na naman bula. Maaga yata akong tatanda sa tigas ng ulo ni Liran, bwakanang ina.
Leik, na-missed mo na naman 'tong phase ng buhay ng mga anak mo na ganito sila. Lagi ka na lang wala, pakingshet ka!
Ibinigay ko kay Livan ang tuwalya niya at dumeretso naman siya sa kuwarto.
Si Liran ang hinarap ko ngunit nakanguso ito sa akin. "Nanay, can I play a little more? Can you dress Livan first po?" tanong niya sa malambing na tono kaya't hindi ko naiwasan na kurutin na lamang siya sa pisngi at tumayo.
That was his charm. His cuteness and mischievousness. Saan kaya niya iyon minana?
Nagtungo ako sa kuwarto ni Livan at hindi ko siya naabutan doon. Tumungo ako sa kabilang kuwarto kung saan siya laging nakatambay maging ang mga paintings niya at doon ko siya nakitang nakaupo sa dulo ng kama.
"Livan," tawag ko sa kaniya at tinitigan niya lamang ako sa mga mata.
"Nanay, when are we going back to the Philippines?" tanong niya sa akin na ikinabigla ko.
"Why did you ask?" tanong ko pabalik sa kaniya.
"I think . . . we are all ready now, Nanay. I think it's time po," aniya saka lumingon sa gitna ng kama at ipinatong niya ang maliit niyang kanang kamay r'on.
"Are we?" nakangiti kong wika sa kaniya at minasdan din ang tinititigan niya.
"Yes, Nanay. He'll be with us soon."
We're coming back the soonest. This time . . . no more running, and . . . no more hiding.
--
THE END
VOTE | COMMENT
***
You're not satisfied with the ending. I know. Thank you for reading this novel. Thank you for bearing with me. Mahal ko kayo at sana . . . mahal n'yo pa rin ako.
THANK YOU SO MUCH, HAVRES. 🖤
- Mayora / Ice_Freeze 🥀
Aeiryn's update will start tomorrow. Thank you. 🍂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top