Eighteen
SYREEN
MABILIS akong bumaba ng sasakyan niya. Umiiyak na naman ako, bwakanang ina! Sabi ko matatag na 'ko! Sabi ko okay na 'ko! 'Tang inang mga luha 'to, parang mga gago ang mga hinayupak! Tulo nang tulo!
"Syreen!" dinig kong habol na tawag niya sa akin ngunit patuloy pa rin akong naglakad.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapait habang lumuluha. Minsan napapabilib din ako ng sarili ko. . . minsan tama ang mga desisyon ko.
Hindi ko naman alam, ano bang nagawa ko sa nakaraan buhay ko at napaparusahan ako ng ganito, 'tang ina. Matino naman akong babae. Mapagmahal naman ako. Malambing naman ako. Maganda naman ako. Hindi naman ako kapalit-palit. Hindi ko makuha bakit sa akin nangyayari ang mga ito.
Naramdaman kong malapit na siya sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang lakad ko, ngunit nahigit na niya ako sa braso.
"Syreen—"
"Isa kang malaking gago!" anas ko sa kaniya saka ko binawi ang braso ko at mabilis ko siyang sinampal. "'Tang ina, Leik, hindi ko na alam alin ang totoo sa hindi sa 'yo! Hindi ko na alam kung kailan ka nagsasabi ng katotohanan at kung kailan mo ako nilulunod lang sa kasinungalingan! 'Tang ina, napakagaling mo! Wala kang kasing galing!" galit na galit na bulalas ko at wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya.
"I have to take the position. I have to and I need to—"
"Required bang saktan ako? Para sa posisyon na 'yan, required bang tarantaduhin ako? Paasahin? Gaguhin? Pag-isipin na okay ang lahat, iyon pala, may hidden agenda kang hayop ka? Ang saya-saya ko na sana, e. Ibinubuhos ko na ulit ang lahat sa 'yo kahit pa alam kong naging sobrang bilis ng lahat. Imagine, three years kang nawala sa buhay ko, pero kaunting suyo mo lang, bumigay ako?" Galit na galit ako. . . pero tumutulo nang walang humpay ang mga luha ko. "Alam mo ba kung bakit, Leik? Kasi. . . mahal na mahal kita. Kahit na ubos na ubos na 'ko, mahal na mahal ko pa rin lahat sa 'yo. Kahit kahayupan pa 'yan, kahit kagaguhan pa 'yan, kahit kaululan pa 'yan. . . lahat mahal ko, e. Kaya bakit ganito, Leik. . . Bakit mo 'ko ginaganito?"
Nakita kong itinikom niya ang mga labi niya. Para bang wala siyang handang sabihin at ipaliwanag sa akin. Parang hindi siya habdang magsalita. . . kasi putang ina, makikinig naman ako, e! Tanga ako. Martyr ako. Bobo ako. Marupok ako. Mulala ako. Kahit na kitang-kitang tinatarantado na 'ko, makikinig pa rin ako. Bakit ba ganito akong magmahal, 'tang ina!
"Do I have to say sorry—" Sinampal ko siya sa ikalawang pagkakataon.
"Lahat ng pagmamakaawa mo sa akin. Iyong mga araw na sinasabi mong mahal na mahal mo 'ko at kailangan mo 'ko sa buhay mo. . . iyong mga araw na pinaparamdam mong napakahalaga ko. . . iyong mga araw na gusto mo ng pangalawang pagkakataon para sa kasal na 'to. . . alin. . . alin doon ang totoo, Leik? Sabihin mo, nagmamakaawa ako sa 'yo! Sabihin mo!" bulalas ko at nasa punto na ako na gusto kong lumuhod sa harap niya para lang magsabi siya ng totoo.
"Wala, Syreen. Walang totoo sa mga 'yon. I did those things just so I could gain your trust and I could easily get what I want. When you told me you had a miscarriage, that caught me off guard. These are the truths," walang gatol na wika niya sa akin at tuluyang bumagsak ang katiting na tsansa na nasa dibdib ko. Para akong sinakluban ng lahat ng mabigat na pasanin sa mundo.
Ngumiti ako sa kaniya saka ako lumapit at sinakop ko ng dalawang palad ko ang mukha niya. . . at mabilis akong tumingkayad para lang gawaran siya ng halik sa noo.
Lumayo ako sa kaniya saka ko siya tinitigan sa mga mata. "Huli na 'to. Sa susunod na magkikita tayo, hindi mo na 'ko mapapaikot. Mahal na mahal kita. Maraming salamat sa pagpaparamdam sa akin na mahal mo 'ko. . . kahit hindi totoo, naging masaya ako."
Binitawan ko siya saka ako tumalikod habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi ko.
Hinding-hindi ako nagkamali sa mga desisyon ko. Tama ako. . . pero siguro, ganito talaga kasakit ang kapalit ng lahat.
TULALA ako habang nagkakape at nakatitig sa kawalan. Narito ako sa bahay namin.
"Hoy bilat na feeling masarap!" Napalingon ako at nakita ko si Veron kasama si Dallia na kakapasok lang ng bahay namin.
"Hi, baby girl!" bati naman sa akin ni Dallia at niyakap ako.
"Anong ginagawa n'yo rito?" tanong ko saka ko sila inalok na maupo sa may monoblock. Nasa terrace kasi ako at nakatingin lang sa palayan.
"Gaga ka! Hinahanap ka ni Dean Mina. Dalawang linggo ka nang hindi pumapasok. Hinahanap ka sa akin. Anong gusto mong isagot ko? Nagpapaka-emo? Nagpapasapot ng keps? Letse!" anas niya saka pa ako inismiran.
Nagbuntonghininga ako saka ako nagsalita. "Tinatamad akong magturo. Tinatamad akong bumalik sa school. Hindi ba puwedeng magpa-transfer na? Doon sana sa hindi abot ng galamay ni Leik," seryoso kong wika sa kaniya.
"I honestly don't know what you guys are talking about, but it feels like our baby girl here is really heartbroken. Veron told me you are married. What happened?" singit ni Dallia at hindi ko alam paano ko siya sasagutin kaya't lumingon ako kay Veron na animo nagpapasaklolo.
"Baby, Syreen's lovelife is like calculus. You know calculus, right?" anas niya sa jowa niya at tumango naman ito. "They are so complicated. They've been married for almost four years but they weren't together for three straight years," paliwanag niya at gusto kong mamangha. Ang kalmado niya talaga kay Dallia. Alam na alam mong mahal na mahal niya ito.
"So basically, Syreen could cheat and the guy as well?"
"No, baby! No cheating! Have you ever cheated on me while you were out of my sight?" bigla ang pagseryoso ng mga mata niya sa jowa niya na gusto kong ikatawa.
"Of course not, Veron. I never craved for anyone else," anito at bigla niyang hinalikan si Veron. Liberated talaga ang babaeng 'to. Walang pakialam sa paligid.
"Kaysa naglalandian kayo, samahan n'yo na lang akong mag-file ng resignation letter ngayon. Nagawa ko naman na," wika ko na ikinagulat ni Veron kaya't napahiwalay siya kay Dallia. May lisptick pang nakakalat ang hinayupak.
"Seryoso ba, bilat?"
"Do I look like joking? Mas mabuti nang umiwas at lumayo. Pagod na rin naman ako," anas ko at tumayo.
Nagtungo ako sa kwarto ko sala ko kinuha ang isang malaking box na lalagyan ko ng mga gamit ko na nasa eskwelahan pa at ang resignation letter na inihanda ko noong nakaraan pa.
Bumaba na ako saka pinuntahan si Veron at Dallia na nasa sasakyan na. Naupo ako sa passenger seat saka ako pumikit.
"Tara na," anas ko at agad naman pinatakbo ni Veron ang sasakyan.
Minsan, kailangan natin magdesisyon nang pabara-bara para lang masabi natin na tao pa rin tayo. May mga pagkakamali.
Sa nakalipas na linggo. . . pakiramdam ko, nauupos akong kandila dahil hindi matanggap ng sistema ko, na ang taong binigyan ko ng ikalawang tsansa, dinurog na naman ako sa ikalawang pagkakataon.
Narating namin ang eskwelahan at kahit gusto akong samahan ni Veron sa president's office ay tumanggi ako. Hindi niya kailangang madamay sa mga desisyon ko. Ako ang may gusto nito, ako ang maninidigan dito.
Kumatok na muna ako ng tatlong beses bago ko binuksan ang pinto. Pagpasok ko ay walang tao kaya't nagdesisyon akong maupo na muna sa sofa na narito.
Hawak ko ang resignation letter ko ngunit hindi ako nagdadalawang-isip na ibigay iyon. Kailangan ko nito. Kailangan ko nang tuluyang makalayo.
Bumukas ang pinto kaya't agad akong napa-ayos ng upo. Hindi na rin ako nagtataka na siya ang pumasok mula roon. Nakita ko namang hindi siya nagulat nang masilayan niya ako. 'Tang ina, bakit naman siya magugulat, 'di ba?
Tumayo ako nang makaupo na siya sa harap ng mesa niya at naglakad ako patungo roon.
"Good day, Sir. Here's my resignation letter. I'm sorry for my absences," anas ko ngunit tinitigan lamang niya ang sobreng hawak ko.
Gusto kong magwala at itumba ang lamesa sa paraan ng pagtitig niya sa hawak ko. Ayaw ko ng mga mata nita. Tipo bang gusto niya akong usigin gayong siya naman ang may napakalaking kasalanan sa akin.
Iniangat niya ang tingin niya pagawi sa mga mata ko. Gusto kong labanan ang titig niya. Gusto kong ipamukha sa bwakanang ina niya na tapos na ako sa phase ng buhay ko na nalulunod pa rin sa mga titig niya. . . ngunit hindi ko nagawa. Itinuon ko ang pansin ko sa halaman na nasa ibabaw ng lamesa niya para lang makaiwas.
"Just accept it. I'm leaving—"
"What if I don't accept it?" aniya kaya't naibalik ko ang tingin ko sa kaniya at may nakaukit na nakakalokong ngisi sa mga labi niya.
Eh, isa ka pala talagang malaking 'tang ina! Gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko.
"I will still resign, Sir. If you won't accept that letter, I will just go AWOL," wika ko. Kinokontrol ko ang pasensya ko dahil baka bigla na naman akong sumabog. Ayaw ko nang ipakita kaniya na apektado ako!
"Shall we file you a breach of contract?" pagmamatigas niya sa akin. "You either pay a fine or just go to jail."
Doon na niya nasundot ang katiting na pasensyang mayroon ako. Hinampas ko ang mesa niya ng malakas ngunit hindi man lamang siya nagulat.
"Mamili ka. Tatanggapin mo 'yan, o puwersahan tayong aabot sa korte para magkapirmahan ng annulment papers. Wala akong pakialam sa kung anong ikaso mo sa akin. Gusto ko lang makalaya na sa 'yo. Para kang lason sa buhay ko, Leik. Unti-unti mo 'kong pinapatay mula noon hanggang ngayon. Hindi na pagmamahal ang hinihingi ko sa 'yo. . . konsensya na lang. At kung wala ka pa rin n'on, kalimutan mo na lang na nagkaroon tayo ng ugnayan na dalawa," mahabang turan ko saka ako tumalikod.
ISA SIYANG MALAKING BWAKANANG INA!
Papihit na sana ako sa seradura ng pintuan nang magsalita siyang muli.
"Once you storm out of this office, you are already challenging me. Now, Syreen. . . either you stay in this school or stay as my wife forever. Your choice," aniya na ikilito ng utak ko. Agad akong napalingon sa kaniya. May hawak siyang isa pang papel.
"Anong—"
"I'm not really talking about your contract in this university. I'm talking about the contract you signed as my personal bodyguard. I will invalidate this contract once you choose to stay, but. . . if you choose to run away, I will forever hunt you and you will be my wife until the end of time in accordance to the law," aniya nang nakangisi.
"'Tang ina! Ano bang gusto mo sa akin, ha? 'TANG INA! PAKAWALAN MO NA 'KO! PURO PASAKIT LANG ANG IBINIBIGAY MO!"
Magkakasunod siyang umiling sa akin saka muling ngumisi. "I will suffer from the hands of the shareholders for not having my own heir, might as well, make you suffer too for now giving me the heir they want."
Umiling ako sa kaniya at tinitigan ko siya sa mga mata. Mukhang nagulat siya sa iginawi ko.
"Habang buhay na lang akong mananatiling asawa mo. Halos pareho lang iyon kung ikukulong ko ang sarili ko rito at araw-araw kang nakikita. Salamat sa choices mo. . . pero mas pinipili kong maging asawa mo kasabay nang paglaya ko sa mga kamay mo. You will forever hunt me? Go on, Leik. Habulin mo 'ko hanggang dulo ng impyerno," wika ko saka ko mabilis na binuksan ang seradura ng pinto at lumabas.
Ano pa bang dapat kong ikatakot? Durog naman na ako.
Nakita ko sina Veron at Dallia na inaabangan ako.
"Anong nangyari, bilat?" tanong ni Veron, ngunit imbes na sagutin siya ay sumakay ako ng sasakyan niya at sumunod naman sila.
"Where are we going, baby?" dinig kong tanong ni Dallia.
"Sa bahay na ng tatay n'yo ako dalhin, Veron," wika ko at tahimik naman siyang tumango sa akin.
Nakapikit lang ako pero alam kong malayo na ang ibinabiyahe namin. Malayo ang bahay na tinitirahan ng tatay ko kumpara sa mismong bahay namin.
Sinadya kong ibukod ang tatay ng bahay dahil nakikita ko ang awa sa mga mata niya sa tuwing nakikita niyang naghihirap ang nanay noon. Isa pa. . .
Nakarating kami sa liblib na lugar na itong bahay lang na ito ang may nakatirik sa lawak ng lugar.
Bumaba kami ng sasakyan at nasa gate pa lang kami at nakarinig na kami ng tilian.
Agad kong binuksan ang malaking gate gamit ang fingerprint ko at bumukas iyon.
Niyapos ko ang mga sumalubong sa akin.
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
"NANAY!" magkapanabay nilang wika.
Hinalikan ko sila sa mga noo nila at niyakap pa nang sobrang higpit.
"Liran! Livan! Nandito ang maganda n'yong nangnang Veron!" ani Veron kaya't yumapos din sa kaniya ang kambal.
Hindi ako nagsisisi na itinago kong buhay kayo. . . dahil tama ang kutob ko simula pa lang. Bumalik siya. . . para gamitin na naman ako, at hindi ako papayag na gagamitin niya. . . pati kayong mga anak ko.
Liran Xyden Averde and Livan Xyren Averde are my sons—they are twins.
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
**
Pronunciation:
Liran (Li-ran) Xyden (Say-den)
Livan (Li-van) Xyren (Say-ren)
NOT LAYRAN AND LAYVAN! Tagalog po ang basa. LIRAN and LIVAN. 😊
**
Taguan ng anak? Weird lang, kasi pati readers tinaguan ng anak. HAHAHAHAHA. Grenades, indeed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top