Simula
Simula
Saktong alas otso na ng gabi kaya minabuti ko nang isarado ang aming sari-sari store. Pumanhik na ako sa pangalawang palapag ng bahay nang masiguro kong maayos ang pagkakakandado ko sa tindahan.
Sobrang tahimik ng buong bahay. Wala kasi sina Mama't Papa, bumisita sa aming probinsya. Mag-isa lang ako dito. Bukas pa kasi ng umaga ang balik nila.
Napapikit ako dahil sa kabiguan nang maalala ko ang usapan namin ng mga kaklase ko. Muntik ko nang makalimutan. Mabuti na lang at 'di pa nag-alas nwebe. Makakahabol pa ako.
Minadali kong linisin ang bahay. Naghugas na rin ng pinagkainan ko kanina bago ako nagbihis at nag-ayos nang panglakad.
Nag-anyaya kasi ang mga kaklase ko ng inuman kina Aling Tiling, sa kabilang kanto, nang matapos ang finals namin. Naka-oo na kasi ako kaya kailangan kong sumipot. Isa pa, baka mas lalo lang akong malungkot kung mananatili ako dito na mag-isa ngayong gabi.
Suot-suot ang regalo NIYA saakin, buntong-hininga akong bumaba. Sinigurado ko munang napatay ko lahat ng ilaw bago ako tuluyang tumulak palabas.
Sleeveless ang suot ko pang-itaas kung kaya napayakap ako sa sarili nang salubungin ako nang malamig na hangin sa labas. Naibsan rin ito at napalitan nang pamamanhid nang madako ang tingin ko sa katapat naming bahay, kung saan SIYA nakatira
"Galit nga talaga siya saakin..." nasabi ko na lang sa sarili ko habang nakatitig sa kaharap kong bahay ngayon.
I took a deep a breath and released it. I smile, a fake smile, to ease the pain in me. Saglit akong tumitig sa bahay NIYA bago ko simulan ang hakbang ko patungo sa pupuntahan ko.
"Gusto ko munang mag-enjoy. Gusto ko na munang makalimot. Kahit ngayon lang."
But as soon as I saw my classmates, all my thought just faded like a bubble. They're all having fun. Sharing random jokes while enjoying each's company.
Sino ba ang niloloko ko?
Hindi ako kabilang sa kanila. Naturingan akong classmate nila, pero hindi sa puntong 'kaibigan' nila. I'm an outcast. They hate me. They don't want me here. They didn't even invite me here.
'Anong ginagawa mo dito, Blessica?' natanong ko na lang sa sarili ko.
Sa kabila nang negatibong naiisip ko, ipinagwalang-bahala ko na lang ang lahat. Lumapit ako kung nasaan sila, pero hindi sa mismong inuupuan nila. Bagkus, nilagpasan ko sila at dumiretso sa kabilang table. May dalawang bakanteng table na pumapagitna saamin.
Hindi man ako nakatingin sa kanila, ngunit ramdam ko ang kritisismo at pang-iinsulto sa mga titig nila saakin.
Sinikap kong ngumiti nang lapitan ako ni Aling Tiling. Tinanong ako kung yung nakasanayan ko bang inumin ang akin. Tinalikuran din niya ako nang sabihin kong 'oo'.
Hindi nagtagal ay bumalik si Aling Tiling, dala ang inorder ko. I need to breathe out. Maglalasing ako.
Uminom ako nang uminom, hindi pinapansin ang nanatili nilang tingin sa akin. Sabi ko nga sa sarili ko bago pumunta dito, gusto ko munang makalimot. Gusto kong maibsan ang bigat sa puso ko. Kahit ngayon lang. Kahit sa sarili ko man lang.
I am so tired of pleasing them. They always slap me the truth that they don't want to be friends with me. That I don't belong to them. That they badly hate me to death. Walang may gusto saakin... siya lang.
Ramdam ko na ang kalasingan sa buong sistema ko. Sinikap kong idilat ang aking mga mata kahit gusto nang pumikit nito. Tinaas ko ang kanang kamay ko upang kunin ang atensyon ulit ni Aling Tiling. Nakukulangan pa ako. Hindi pa ata ako lubusang lasing.
Lumapit si Aling Tiling sa akin na may pag-aalala sa mukha niya. Hindi lang ako sigurado dahil sa tingin ko, wala na ako sa katinuan para mag-isip pa nang matino.
"Hindi ka ba niya susunduin?" asked Aling Tiling.
Bahagya akong natawa sa kaniyang tanong. Lasing ako pero naintindihan ko kung sino ang tinutukoy niya.
"Anong oras na po ba?" halos hindi ko na mabosesan ang sarili ko.
"Maghahatinggabi na, Blessica. Dito ka na kaya matulog? Delikado na sa daan."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nakita kong wala ng ibang customer maliban saakin. Maski SILA ay wala na rin dito. Mga weak!
"Idlip na po muna ako," lingon ko sa nakatayo pa rin sa harap ko na si Aling Tiling.
Pumangalumbaba ako sa lamesa na hindi hinintay ang aprobal niya.
Bakit ganoon? Lasing na ako't lahat, pero ramdam ko pa rin ang bigat sa aking dibdib? Ang masaklap pa, nakapikit na ang mata ko pero parang nakikita ko naman ang mukha niya.
Parang wala rin saysay ang paglalasing kong 'to. Akala ko, saglit akong makakalimot. Isang malaking prank din pala. Mapanakit kayong mga hayop!
"Ipagtimpla na lang kita ng kape nang mahimasmasan ka."
Mabilis kong naiangat ang ulo ko sa sinabi ni Aling Tiling. Nandito pa pala siya. Hindi siya weak, ha!
"Hindi ba 'yan prank?"
Inismiran niya ako at inilingan. "Lasing ka na talaga. Diyan ka lang. Huwag kang aalis," bilin niya.
Katulad nang ibang tao, tinalikuran niya rin ako matapos ang matagal niyang paghihintay dito sa harap ko. Mali pala ako. Isa din siyang weak.
Bigo akong umiling. Tumayo ako at nilisan ang lugar. Hindi ko na aasahan ang sinabing kape ni Aling Tiling. Baka talkshit din siya. Matanda na kasi ang isang iyon.
Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon habang naglalakad sa gitna ng kalsada, pabalik sa bahay. Nilalamig ako na naiinitan. Ang weird.
"Hi, Miss. Mag-isa ka lang ba?"
Naalerto ako sa narinig kong boses sa likuran ko. Parang nawala bigla ang kalasingan ko sa katawan nang malingunan ko ang grupo ng mga lalaki. Lima sila. Mukhang mga lasing pa. Ang papangit!
"Anong pangalan mo, Miss Ganda?"
Shit! Mukhang maga-gang bang pa ako ng wala sa oras.
"Huwag kayong lalapit!" kinakabahan kong banta sa kanila. Unti-unti akong humahakbang paatras.
Nagtinginan sila sa isa't isa. Ilan sandali pa ay sabay-sabay silang humagalpak ng tawa. Mas lalo akong natakot sa hitsura nila. Sobrang papangit talaga!
"Sabing huwag kayong lalapit, e!"
Hindi sila natinag sa sigaw ko. Mas lalo pang lumakas ang tawa nila. Nagsi-apiran pa.
"Agagalit na si Miss Ganda," nakakakilabot na tawa ng isa sa kanila.
"Sisigaw ako!" muli kong banta sa kanila. Pinilit kong hindi ipahalata sa kanila na nangangatog na ako sa takot.
"Kanina ka pa kaya sumisigaw," sabat ng isa sa kanila. Yung pinakapangit sa kanila.
Tuloy lang ako sa pag-atras, habang dahan-dahan din silang umaabante saakin. Lihim kong ginala ang mata ko sa paligid, nagbabakasali na may mapadaan na concern citizen. Naikuyom ko na lang ang kamao ko nang makita kong wala na talagang katao-tao sa paligid. Patay na talaga!
"Harmless kami, Miss," ani ng isa pang pangit.
"Mga pangit!" hindi ko na napigilang insultuhin sila.
Natutop ako sa tinatayuan ko nang nawala ang kilabot nilang mga ngiti. Makatindig balahibo na ngisi ang pumalit. Mas lalo tuloy silang pumangit.
"Ang tabas pala ng dila nito, e!"
Napaigtad ako sa gulat sa biglaang pagtaas ng boses ng isa sa kanila.
"Tulong!" sigaw ko nang gapusin ako sa balikat ng isa sa kanila.
Tatadyakan ko na sana sa gitnang bahagi ng hita ang nakagapos saakin, nang may lumipad na malaking bato sa ere papunta sa ulo nito.
"Puta--!" natigil ang lalaki nang mapalingon sa gilid. Sapu-sapo ang ulo niya na tinamaan ng bato, namilog ang kaniyang mata.
"At sino ka namang--" hindi pa nakakaabante ang isa nilang kasamahan sa kung sinuman ang tumulong saakin, ay may lumipad ulit na bato patungo sa ulo din nito.
"Mau..." tanging naibulong ko sa sarili ko nang makita ko ang lalaking tumulong saakin.
Galing siya sa madilim na parte ng kalsada. Hindi ko inaasahan na darating siya. Hindi na ba siya galit?
"Ah!" napasigaw ulit ako nang may gumapos na naman saakin na pangit.
Hindi pa ako nakakagalaw ay naalis na ni Mau ang kamay nito sa balikat ko. Naging mabilis ang pangyayari. Nakita ko na lang na nag-uunahan sa pagtakbo paalis ang limang pangit.
Gulat pa ako, ngunit agad din nawala nang hawakan ako ni Mau sa balikat. Matalim ang tingin niyang nakatuon sa balikat ko, pilit kinikiskis ang palad niya roon. Tila ba may inaalis siya kahit wala namang dumi ang lantad kong braso.
"Hindi ka na galit?" pabulong ang pagkakatanong ko sa kaniya.
Sumeryoso ang kaniyang mukha nang ibaling niya saakin ang tingin niya. Parang bigla akong nanlambot. Galit pa rin talaga siya.
"Go home, you silly," kalmado ang kaniyang boses.
Magsasalita na sana ako, ngunit mabilis niya akong tinalikuran.
"Mau!" habol ko sa kaniya.
Hindi niya ako nilingon kaya binilisan ko ang lakad ko. Halos takbuhin ko na.
"Mau..."
Hinawakan ko siya sa kamay nang sa wakas ay naabutan ko siya. Saglit siyang huminto. Nilingon niya ako na blangko ang mukha niya. Walang emosyon. Galit nga talaga ang gwapo.
"Sorry na," nguso ko. "Magpapakabait na talaga ako," tinaas ko ang kanang kamay ko bilang nanunumpa.
Bigo ko rin naibaba nang ilingan niya ako. Inalis niya ang nakahawak kong kamay sa kaniya at naglakad ulit siya palayo saakin.
"Mau, naman!" habol ko ulit sa kaniya.
Kung kanina ay medyo abot ko pa ang mga hakbang niya, ngayon ay nahihirapan na ako. Halos patakbo na ang mga lakad niya. Ang hahaba pa naman ng binti.
"Huwag nang matigas ang ulo, Bless!" nagtitimpi niyang ani.
Tuloy lang ako sa paghabol sa kaniya. Hindi ko pa rin siya abot, kaines! Mukha na kaming timang sa ayos namin. Hindi ko tuloy namalayan na nakarating na pala kami sa kaniya-kaniyang bahay.
Sumama ang mukha ko nang dumiretso siyang pumasok sa kanilang gate. Tinanaw ko ang katapat nilang bahay, kung saan ako nakatira, bago ako huminga nang malalim.
"Bahala na!" I cheered myself before I decided to follow him.
Sa tagal-tagal naming magkapitbahay, ngayon lang ako nakatuntong sa kanilang bakuran. Buwis buhay na talaga ang ginagawa kong ito. Ayaw niya kasi akong papasukin dito kahit anong pagpupumilit ko.
"Bahala na talaga!"
Masyado nang sarado ang utak ko para sa ibang bagay. Ang gusto ko lang ay magkabati na kami. Hindi na ako makakatulog nang mahimbing kung patuloy ang ganitong set-up namin.
"Mau..." tawag ko sa kaniya. Papasok ako ngayon sa bahay nila.
Sinundan ko lang kung saan siya dumaan. Napapadyak ako sa lupa nang hindi ko na siya makita sa paligid.
Parang gusto ko tuloy umatras nang mapagtanto ko ang tinatapakan ko ngayon. Hindi pa ako lubusang nakakapasok sa loob. Nasa bakuran pa rin nila ako. Pero, sa hindi malamang dahilan, namuo ang takot sa katawan ko. Sobrang dilim kasi. Patay ang mga ilaw. Ang lakas pa ng hangin.
"Mau..." kinakabahang tawag ko ulit sa kaniya. Nasa gilid na ako ng pintuan, papasok sa loob, bukas na bukas.
Natatanaw ko mula rito ang mas madilim na loob ng kanilang sala. Natatakot na talaga ako. Pakiramdam ko, parang may ibang matang nakatitig saakin.
Napahawak ako sa dibdib ko nang makarinig ako ng kalampag mula sa loob ng bahay. Hindi na ako nagdalawang-isip at tinakbo ko na ang pinanggalingan ng ingay.
"Mau!" sigaw ko. Baka napaano na siya. Baka pinasok na ito ng magnanakaw.
Mabilis ang paglipat ng tingin ko sa isang kwarto nang may nanggaling na liwanag mula roon. Wala na akong maramdamang kaba, tanging pag-aalala lang para kay Mau, kung kaya naglakas loob na akong pasukin ang kwarto.
"Ah!" napasigaw ako nang padarag na sumarado ang pintuan ng kwarto nang makapasok na ako.
Nayakap ko ang sarili ko nang may dumaan na napakalamig na hangin. Sunod na nanigas ako sa puwesto ko nang may biglang tumayo na lalaki sa harap ko.
"Time check. It's 3:00 o'clock in the morning, Blessica."
"Si... Sino ka?" nangangatog ang mga tuhod kong nakatingin sa lalaki. "Nasaan si Mau? Anong ginawa mo sa kaniya?!"
Nginisian niya ako, dahilan kaya tumindig ang balahibo ko sa braso. Napalunok ako. Namimilog ang mata ko.
"Mau?"
Ang lamig ng boses niya.
"Nasaan si Mau?" pag-uulit niya sa tanong ko. Dahan-dahan siyang lumalapit saakin. Nakangisi na tila tuwang-tuwa.
"Sino ka?!" kinakabahan kong sigaw. "Anong ginawa mo kay Mau?!"
Napahigpit ang kapit ko sa damit ko nang umalingawngaw ang tawa niya sa kwarto. Para bang napakalaki kong joke sa harap niya.
"Hinahanap mo si Mau?"
Sasagutin ko na sana siya, kaso pareho kaming natigil at napalingon sa bumukas na pintuan. Nakatayo roon si Mau. Gulat din at namimilog ang matang nakatingin sa gawi namin.
"Blessica, get out of here!" hinigit niya ako at tinulak palabas sa kwarto.
"Run as fast as you can, Blessica! Go, save yourself!"
Mau...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top