Prologue
This is the updated and improved 2024 edition of "The Unknown Man". It is more polished and longer than the previous limited self-published version, which is no longer available. This edition also includes new scenes and additional chapters. Please note that this is a stand-alone story, but it can also be connected to other stories, such as the TGHF story.
https://youtu.be/DvEecjNj0-Y
...
DINARANDADO TRIBE
"I don't wanna go with you."
"But this is not your home, boy."
"This is my home, old man."
The old man, who had no eyebrows but had the same eye color as me, shook his head. He was from Manila, which I visited once when I returned to the Philippines after staying in New York for eleven years.
"Your parents will surely kill me if they find out about you, boy." Tumayo siya mula sa tipak ng bato at tumingin sa malayo. Nasa ekspresyon ang pagsisisi.
"Then don't let them know about me."
Ngumisi siya at nilapitan ako. Ginulo niya ang aking buhok. "You're a tough boy. Manang-mana ka sa akin."
He was my biological grandfather; thus, we were linked by blood. I was created through in vitro fertilization using his eldest son's sperm and his daughter-in-law's preserved egg cells thirteen years ago. The one who gave birth to me was a surrogate mother from New York. All of it was still a secret to this day.
"Are you sure you're okay here?" Grandpa asked me. "How can you manage to stay sane here? Mga wala sa katinuan ang mga matatandang babaeng kasama mo rito."
"Then why did you bring me here if you don't want me to stay here?"
Napailing siya. "Dahil hindi ko alam na mag-e-enjoy kang bata ka."
Yes, I was enjoying my life here. This was much better than the busy New York and Manila. At sa lugar na ito, sa batang edad na labindalawa, bilang nag-iisang lalaking nag-e-exist, ako na ang itinuturing na diyos ng mga taong isla rito—their 'bathala'.
Napailing si Grandpa. "Ang plano ko ay itago ka lang dito saglit, pero ito, ayaw mo nang umalis."
Walang may alam na pumupunta siya rito. Walang may alam ni isa man sa mga tribo rito na may malaking tagong helipad sa gitna ng gubat kung saan kinakatagpo ko siya isang beses isang buwan. Ang alam ng lahat ay may paparating na bagyo tuwing dumarating ang helicopter niya kaya nagtatago ang mga ito at hindi siya nakikita. Maigi na rin ang ganoon dahil bukod sa akin ay walang ibang taga-labas ang welcome sa lugar na ito. Lalo na kung isang lalaki.
"On your 13th birthday, I will join you in a brotherhood. An elite brotherhood that I helped to build."
What? He helped build a brotherhood? But he was too old for something like that. At ano namang brotherhood iyon? Senior Citizen Brotherhood?
"I know what you're thinking, you naughty boy." Pinitik niya ako sa noo. "I am not part of that brotherhood. I just helped this young friend of mine. And actually, that friend is also the owner of this island. Hindi ko lang alam kung nakarating na ba siya rito sa dami ng isla at property na pag-aari niya. I also have no idea if he is aware that this place is now a den of old women."
Tinanguan ko siya. "Do as you please. But you should go now, Grandpa." Maggagabi na. Maglalabasan na ang mga matatandang kababaihang miyembro ng tribo na naninirahan sa tagong isla na ito.
"All right." Niyakap niya ako at saka na siya bumalik sa helicopter.
Naiwan naman ang isang makisig na babae na dumadalaw rin dito para turuan ako ng martial arts. Iba-iba ang bawat araw. Minsan tutor ang iniiwan niya, minsan naman ay katulad nito, martial arts instructor. Pero ang madalas na naiiwan dito ay foreign academics tutor.
Nasa ere na ang helicopter ay nakatingala pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit bigla ay nagsikip ang aking dibdib, siguro dahil naramdaman ko na iyon na ang huli naming pagkikita... sa ngayon.
Fourteen years later...
BAKIT KASI NABUHAY KA PA?
Kausap ko sa aking maliit na salamin ang aking sarili na isang tingin pa lang, alam mo na agad na miserable. Ako nga pala si Kathleen Marie Delgado a.k.a. 'Kitty'. Walang pamilya, walang kaibigan, walang jowa. Yes, I am Kitty, 'Kitty the Miserable'.
Pinunasan ko ng panyo ang aking mukha. Wala na akong pakialam kung kumalat lalo ang mumurahin kong mascara sa aking nanlalagkit na foundation. Ganito talaga 'pag walang nagmamahal, mumurahin lahat ng gamit.
"Miss, okay lang po ba kayo?" tanong ng driver ng taxi na sinasakyan ko. Nakasilip siya mula sa rearview mirror. Actually, pang-ilang tanong niya na iyan sa akin. Siguro natatakot na porke't miserable ang itsura ko ay baka wala rin akong pambayad.
"Okay lang ako, Manong. May pambayad ako dito sa bag ko. Don't worry," sagot ko para lang tigilan na niya ang kakausyoso sa akin. Gusto ko nang makarating sa aking pupuntahan.
Wala na akong balak bumalik ng Manila. Ano pa ang gagawin ko roon? Tatanga sa maliit kong studio apartment habang hinihintay ang araw ng pagpasok sa office at paglabas? Babalik sa routine ko na bukod sa boring ay nakatatamad? Kung noon ay natatiyaga ko iyon, ngayon ay hindi na. Wala na akong balak! Ayoko na!
Pagod na akong magtanong kung bakit nangyayari ito sa akin. Gipit, walang ipon, ang pa-plastic ng friends, walang love life, tapos paubos na rin ang ganda.
I just lost my inspiration in life. Nero, my long-time boyfriend, is now ex-boyfriend. That man was my life. Kaya lang naman ako nagtatiyaga dahil akala ko sa ending ay kami pa rin. Na kapag kasal na kami ay titigil na ako sa trabaho para alagaan ang aming mga magiging supling.
Kung alam ko lang talaga na iiwan ako ng hayup na iyon, sana hindi ko na inubos ang pera ko sa kaka-order sa aking ka-officemate ng mga branded na hulugan. Malay ko ba naman kasi na iyong aking nireregaluhan ng mga branded na pabango, relo, pitaka, t-shirt, at kung ano-ano pa ay ipagpapalit din pala ako sa iba?!
Eight fucking years! Gano'n katagal ang samahang itinapon ng ex ko para sa iilang buwan lang nila ng bago niya!
Si Nero ang first boyfriend ko, ang first holding hands, first kiss, and first hug. Mula college ay kami na. Noong mamatay ang mommy ko sa sakit sa atay, nasa tabi ko na siya. Nang si Daddy naman ang nawala dahil sa sakit sa puso, nandoon din siya. At kahit sa pagkamatay nga ng aso ko dahil sa food poisoning last year, kasama ko pa rin siya. Pero sa libing ng puso ko? Wala na siya!
Buo na ang future namin, e. Hanggang sa ika-third generation ay naplano ko na. Kaya paano ako hindi magiging miserable gayong wala pa ngang first gen kaming nagagawa ay ipinagpalit niya na ako sa iba! Sa bessie ko pa!
Oo, mga traydor sila! At ang kapal ng mga apog nilang i-invite pa ako sa kasal nila. Matapos nila akong gaguhin, balak naman nilang ipamukha sa akin ang kamiserablehan ko!
"E, Miss, saan ko po ba kayo ibababa?"
Suminghot ako bago sumagot. "Sa gilid ng pier na lang, Manong."
"Hindi po ba sa mismong pier?"
"Hindi. Basta doon sa malayo sa mga tao, doon mo ako ibaba."
"Sigurado po kayo?"
"Mukha ba akong nagdyo-joke?" Inirapan ko siya. "Magkano bill ko?"
"Three-five po."
"Ano? Ba't ang laki?! May sira yata yang metro mo, e!"
"Miss, galing ka pa pong Cubao." Si Manong naman ang sumimangot. "Nagbayad pa ho tayo ng toll. At anong oras na ngayon, o."
Taray, may pa-additional sa hazard pay. Okay, gets ko naman. Kinuha ko na ang aking wallet mula sa secondhand Coach bag ko. Inabutan ko ng three-five si Manong kahit pa gusto kong manghinayang sa aking pakakawalang pera. Naisip ko na lang na kasama iyon sa aking plano, kaya hindi na ako dapat magtipid pa. Wala namang sense ang pera ngayon sa akin. Bumaba na ako ng taxi.
Ang natira na lang sa pera ko sa wallet ay eight thousand five-hundred Pesos. Ubos na ang pera ko. Na-withdraw ko na lahat ng laman ng aking ATM. At oo, wala akong ipon. Itong perang nilustay ko ngayon at itong natira ay galing lang sa aking sahod noong akinse. Minimum lang halos ang kita ko dahil morning shift ako bilang non-voice agent sa isang BPO company.
Napabuga ako ng hangin saka naglakad patungo sa madilim na parte ng daungan ng Batangas pier. Walang katao-tao rito dahil madilim. Wala ring makakapansin sa akin dahil maingay sa kabilang parte kung saan naroon ang mga barko at mga pasahero.
"Perfect place to end my pain..." usal ko sa hangin habang papalapit ako sa tubig.
Why here? Bakit sa dinami-rami ay sa Batangas pa? Bakit hindi na lang sa studio-type apartment ko sa Cubao? Well, taga-Abra kasi ako. Mindoro girl talaga ako bago nag-decide sina Mommy at Daddy noon na lumipat kami ng Manila para sa work ni Daddy at sa pagka-college ko. Kung dito ako sa pier masasawi, kaluluwa na lang ako na makakarating sa Mindoro.
Ayoko na kasing mag-barko. Masyadong maraming memories ang barko sa akin. Mga masasakit na memories. Noong namatay kasi si Daddy ay kinailangan kong umuwi ng Mindoro para ibenta ang naiwan naming lupa roon, at isinama ko sina Myrr at Nero sa biyahe. Hindi ko alam na habang tulog ako sa cabin ay doon na pala sila nagsisimulang mag-milagro.
Ibinaba ko ang aking bag sa gilid ng isang bangka. Sana lang ay isang butihing tao na nangangailangan talaga ang makapulot ng bag ko. Aba, sayang din ang eight-five ko roon. Matatiyaga rin naman ang mga mura at gamit kong makeup, lumang Casio pero walang gasgas, at ang company ID ko na puwedeng ipanakot sa mga daga.
"Mommy, Daddy, here I come..." Lumublob ako sa tubig.
Laking Mindoro ako pero hindi marunong lumangoy. Sakitin kasi ako noong bata ako kaya hindi ako hinahayaan sa ilog at dagat, which was a good thing para magtagumpay itong plano kong "End the Pain".
Madilim, malamig. Lumalakas ang hanging pang-gabi at hinahatak ako sa mas malayo. Pumihit ako pabalik para lang tangayin ng alon at hangin patungo sa mas malayo at mas malalim.
"Oh, shit!" I panicked when I realized that it was already too late to go back. Ni hindi ko na nga gaanong matanaw ang aking kinatatayuan kanina. Hanggang sa hindi ko na rin matanaw ang buwan.
Nagkakakawag ako. Sinubukan kong umangat, ngunit lalo lang akong bumubulusok paibaba. This was what I wanted, pero bakit natatakot ako? Bakit natatakot akong mamatay?!
"Mmnp..." Nalasahan ko ang tubig na pumasok sa aking bibig. Maybe this was really the end.
Alam mo bang mali iyang ginagawa mo? Bakit tatapusin mo ang buhay mo? Bakit ikaw ang nagdedesisyon? Bakit ka sumusuko sa pagsubok at problema?
Kulang iyong mga salita ng konsensiya ko. Mabuti sana kung may tanong na "Paano na ang mga nagmamahal sa 'yo?" E since walang nagmamahal sa akin, ganoon lang iyong mga tanong ng konsensiya ko. Yeah, this was wrong. But it was too late to go back. I was going to die here...
I'm gonna die... I'm dying... This is the end—
Or so I thought.
Biglang may bumulusok sa tabi ko sanhi para saglit na gumalaw ang tubig. Tila tumalon mula sa kung saan at ang puntirya ay ang aking kinaroroonan. Nang makalapit sa akin ay agad hinila nito ang buhok ko paitaas. Sa isang iglap, wala na ako sa tubig!
May dumagan sa dibdib ko kasunod ng pagbulwak ng tubig na aking nainom. Ikinilos ko ang aking katawan sa magaspang ngunit basang sahig. Nangisay ako sa lamig ng hanging pang-gabi.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko na ulit ang buwan. Nakahiga ako sa ilalim nito. Naririto ako ngayon sa isang balsa— Wait, what?!
Napabangon ako mula sa kawayang ginawang balsa—bangka—whatever! Saka ko napansin ang lalaking nakatunghay sa akin. Kahit nakaupo ay batid kong matangkad na lalaki ito at may malaking pangangatawan.
And his eyes... they were blue!
O baka dahil sa dilim lang ng gabi kaya mukhang blue? And other than his eyes, hindi ko na mabistahan ang iba pa niyang facial features.
Pero ang ikinabigla ko lang ay ang katotohanang nakahubad ang lalaking ito, habang mainit ang titig sa aking basang damit. Nang gumapang siya patungo sa akin ay nanlaki ang mga mata ko.
"You, perv! Inilagtas mo ako para gahasain!" Sa galit ko ay sinugod ko siya ng sampal at tadyak.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top