TWO

Gigil na gigil sa inggit si Apple Pie nang sabihin ko sa kaniya na inihatid ako ng isa sa mga crush niya nang nakaraang gabi.

Of course, I didn't tell her that Atlas and I only spoke because he'd caught me stealing.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang mababang sanga ng mangga, nanonood sa mga batang naliligo sa mababaw na parte ng ilog.

"Nakakainis ka naman eh!" yamot na sabi niya.

"What?" I shrugged at her. Wala akong pakialam dahil hindi ko naman talaga type ang crush niya. Isa pa ay medyo kabado pa rin ako na isumbong niya 'ko kay Nanay.

"Ano, crush mo na rin ba siya ngayon?" asar na tanong niya.

"Ano ka ba, Apple Pie? Hindi ko nga type 'yon. Hindi ako mahilig sa probinsyano."

Hindi ko man sinabi kay Apple Pie, ang totoo ay inggit ako sa mga batang naliligo. Dapat pala sinunod ko ang mungkahi ni Nanay na magdala ng damit panligo.

"Talaga? Mabuti naman kung gano'n. At saka hindi ka rin magugustuhan ni Kuya Atlas. Ang gusto niya ay 'yong mga kasing-edad niya. At saka ang seryoso niya kayang tao. Hindi niya magugustuhan ang isang teenager na kagaya mo."

I only rolled my eyes at what she said. Talagang hindi niya ako magugustuhan matapos ng nasaksihan niya kagabi. Pero ano naman ngayon kung hindi ako magustuhan ni Atlas. At saka ang dapat na tanong, si Atlas ba magugustuhan ko?

"Ano? Eh fifteen-years-old ka lang din naman. Hindi ka rin niya magugustuhan," pang-aasar ko kay Apple Pie.

"Eh iba naman ako, Rae. Matagal na kaming magkakilala ni Kuya Atlas," agad na pagtatanggol niya sa sarili.

Tumawa ako dahil mukhang si Atlas talaga ang numero unong crush niya sa dinamirami ng gusto niyang lalaki sa La Estrella.

Maya-maya pa ay inaya niya akong magbisikleta papunta sa beach. Isa pa itong ayoko kay Apple Pie eh. Mahilig siyang pumunta d'on dahil doon ang campus ng isang sikat na maritime school, at ang sabi niya ay maraming guwapo roon.

"Basta, hintayin mo 'ko ha? Baka bilisan mo na naman ang pagbibisikleta eh," I reminded her.

"Oo naman! Ako pa!"

Hindi nga ako nagkamali. Tagaktak na ang pawis ko sa noo pati na rin sa leeg dahil sa pagmamadali na maabutan ko si Apple Pie pero sadyang mas mabilis talaga siyang magbisikleta.

"Ano na, Rae!" sigaw niya nang nilingon niya ako. Mukhang gusto pa akong asarin.

"Mauna ka na!" sagot ko at tuluyang binagalan na ang pagpapatakbo para makapagpahinga naman ako.

That girl sure can pedal a bike fast. Nang lumiko siya sa dulo ng daan sa tapat ng kapilya ay tuluyan na talaga siyang nawala sa paningin ko.

"Pasikat," I muttered and rolled my eyes.

Ayoko namang tiisin ang pagbubunyi ni Apple Pie kaya binilisan ko pa lalo ang pag-pedal kaya lang ay bigla akong napapreno nang may batang tumawid.

Para makaiwas sa bata ay dali-dali kong niliko ang bisikleta pa-kanan kaya bumangga ako sa gilid ng isang nakaparadang jeep.

"Aray!" asar na usal ko nang naramdam ang kaunting kirot sa tuhod na nagasgas nang tumama sa gilid ng jeep.

"Ate, ayos ka lang?" tanong ng bata na tumawid pa ulit para tingnan ang kalagayan ko.

"Sa susunod, tumingin ka muna bago tumawid ha! Umuwi ka na nga!" supladang sagot ko kaya umalis kaagad 'yong bata.

Bumaba ako sa bisikleta at tiningnan nang maayos ang sugat.

"Rae?"

Tumingala ako at nakita si Atlas na kalalabas lang sa kawayan na gate sa tapat ng nakaparadang jeep. Kapag minamalas ka nga naman...

"Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong niya.

"Wala, nagasgas lang."

"Linisin natin ang sugat mo," sabi niya sabay kuha na ng bike ko para ipasok 'yon sa loob ng bakuran nila.

"Huh? Ah hindi na! At saka 'yong utang ko pala sa'yo..." sabi ko na nakasunod na rin sa kaniya.

"Forget it. Libre ko na sa'yo 'yon."

Pumasok siya sa maliit na bahay nila at paglabas ay may dala ng bulak at betadine. Pinaupo niya ako sa isang bangkô na gawa sa kawayan at pumuwesto na sa harap ko para ma-linis ang sugat sa tuhod ko.

Pangalawang beses ko na 'tong makapasok sa loob ng bakuran nila sa loob ng bente-kuwatro oras. Kung hinintay lang sana ako ni Apple Pie eh 'di sana nagkaroon siya ngayon ng pagkakataon na magpa-cute rito sa crush niya.

"Dapat kasi nag-iingat ka. Hindi ka dapat padalos-dalos sa pagbi-bike, lalo na at halatang hindi ka sanay."

"At sino ang maysabi sa'yo na hindi ako nag-iingat, aber?" supladang tanong ko.

"Atlas?"

Pareho kaming lumingon sa lalaking kalalabas lang sa bahay nila. Agad kong napansin na hindi maayos ang paglalakad niya. Tingin ko ay may bali o sugat siya sa paa.

"Pa, si Rae po, anak ni Nang Sylvia," pagpapakilala ni Atlas sa'kin.

"Good afternoon po," bati ko.

"Magandang hapon, hija."

Nakatingin lang siya sa'kin kaya nailang ako. Baka isipin niya nilalandi ko ang anak niya. O... binali na ba ng Atlas na 'to ang pangako niyang hindi ako isusumbong at naikuwento niya na ang nangyari sa tatay niya?

"Uh... okay na ako. Alis na 'ko," paalam ko kay Atlas.

"Baka... baka gusto n'yo muna magmeryenda, Atlas, Rae."

"Ah hindi na po, salamat. Naghihintay na po ang kaibigan ko."

Tumango na lang ang papa ni Atlas at lumabas na nga kami sa kawayang gate nila.

"Nasaan ba si Apple Pie?" tanong ni Atlas.

"Ah pumunta sa beach. Doon na lang kami magkikita."

He frowned at what I said.

"Beach? Ang layo no'n ah. Ihahatid na kita, Rae. Medyo mahapdi pa 'yang sugat mo. Saan daw ba?"

Hindi na ako nakapag-hindi dahil medyo kumikirot nga 'yon.

Tiningnan niya ang bike na pinahiram sa'kin ni Cherry at dinala 'yon ulit sa loob ng bakuran nila.

"Bike ko na lang ang gamitin natin. Mas komportable ang angkasan nito," paliwanag niya.

I sat on the seat behind him and although it was a bit strange for me, he nonchalantly told me to put my arm around his waist so I wouldn't fall.

Mabuti at hindi kita ni Atlas ang ngiwi ko dahil nakakahiya.

"Kumapit ka nang mabuti," he told me and tightened my hold on his waist himself.

He started to pedal slowly and gradually gained speed. I couldn't help inhaling his manly scent. He smelled of the mild laundry detergent that was familiar to me but there was a unique scent that was his own. Inamoy ko 'yon nang mabuti kasi hindi niya naman alam.

He expertly maneuvered the bike on the stony street and avoided any jeepney we encountered. La Estrella is not exactly a city so there were few vehicles and the streets are pretty safe.

"Ayos ka lang?"

"Uh oo!"

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa napagusapan namin ni Apple Pie na pagkakakitaan– sa tapat mismo ng paaralan ng mga gustong maging seaman balang-araw.

Bumaba na ako sa bike at nagmasid-masid para hanapin ang kaibigan.

"Uh, Atlas, thank you sa paghatid ha. Sige uhmmm, umuwi ka na," sabi ko sa kaniya. Nininerbyos talaga 'ko sa presensiya niya.

"Bakit n'yo pala naisipan na rito magkita?" ganting tanong niya at napansin ko agad na mukhang hindi siya natutuwa.

Naligtas ako mula sa pagsagot nang narinig ang matinis na boses ni Apple Pie.

"Rae!"

"Apple Pie," bati ni Atlas sa kaniya na kinangiti niya.

"Hi, Kuya Atlas!" magiliw na sagot ni Apple Pie.

"Sa susunod, 'wag na kayong pupunta ni Rae dito. Lalo na at hapon na. Alam mo naman na maraming lalaking estudyante ang tumatambay rito."

"Ku...Kuya?" nauutal na sagot ni Apple Pie.

"Kapag dinala mo pa ulit si Rae dito, magagalit ako sa'yo."

🌙⭐

Hindi rin kami nagtagal sa beach dahil sa payo ni Atlas. Angkas niya pa rin ako nang umuwi kahit sabi ni Apple Pie sa kaniya na lang daw ako sumakay.

Inirapan niya pa tuloy ako nang pumasok siya sa bahay nila. Bahala siya kung inis pa rin siya sa'kin!

"Manonood ka ba ulit ng laro, mamaya?" tanong ni Atlas.

Pagkahatid niya sa akin ay umuwi siya para kunin ang bisikleta ni Cherry. Kakasauli lang din namin n'yon sa pinsan ni Apple Pie.

"Hindi ko alam eh," sagot ko sabay tingin sa direksiyon ng bahay ng kaibigan. Kung inis siya sa'kin, siguradong hindi niya ako aayain na manood ng basketball mamaya.

"May gagawin ka ba?"

"Uhhh wala naman."

"Laro namin. Kung gusto mong manood, sasamahan kita," he said evenly at me. He looked so serious and I was confused why he was acting nice to me.

"Uhmmm.."

"Hindi maganda na kayong dalawa lang na babae ang nanonood, Rae. Baka lapitan kayo ng mga loko-loko. Isa pa, gusto kong makasiguro na hindi ka tumatambay sa kung saan at sikretong naninigarilyo."

Para malaman niya, dalawang beses pa lang ako nakakasubok ng sigarilyo! Gusto ko lang naman masubukan ulit para masanay na 'ko at hindi ako ma-ubo sa sususunod na manigarilyo ako kasama ng mga kaibigan ko sa Maynila.

Siyempre hindi ko na sinabi sa kaniya 'yon at baka mas lalo siyang ganahan na isumbong ako kay Nanay. Umirap ako bago tuluyang nagmartsa papasok sa bahay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top