TWENTY-SIX
I could feel Atlas's frustration when the months passed and it seemed like Mayor Aragon was never going to truly pay for his crimes. Mabagal ang imbestigasyon, halos hindi ito umuusad. May nadakip na mga tao na konektado raw sa pagkamatay ni JP pero wala silang tinuturong mastermind.
Kahit sa bahay ay tensyonado ang mga bagay-bagay.
"Baby, aren't you coming?" tanong niya nang nadatnan ako na nag-aaral sa loob ng kuwarto namin. Mayroon siyang pinalagay na study table roon para sa'kin at madalas ay sa bahay na ako nag-aaral kung wala namang kailangan sa library sa school.
"Hmmm..."
"Inimbitahan tayo sa dinner sa bahay ng boss ko," sagot niya bago pumasok sa banyo para maligo ulit bago kami umalis.
I sighed but knew we can't refuse. Hindi ito ang unang beses na inimbitahan kami at lagi akong may palusot pero nakakahiya nang tumanggi. Nang una ay may dahilan kami sapagkat nagluluksa kay JP pero isang taon na rin ang nakalilipas...
Magarbo ang mansyon na pag-aari ni Attorney Gerardo Lorque. Ang pagkaalam ko ay silang dalawa ng asawa niya at ng isa pang nakatatandang kapatid ang nagsimula ng matagumpay na law firm kung saan nagta-trabaho si Atlas.
"At long last," Attorney Lilibeth Lorque said as Atlas and I entered their mansion. May iilan lang na mga panauhin, mga katulad ni Atlas na nagtatrabaho rin sa law firm.
Thanksgiving dinner daw 'yon para sa binyag ng unang apo ng mga Lorque.
"Good evening po," bati ko sa mag-asawa.
We went to the large living room and mingled with the other guests even though I was still shy and a bit hesitant with talking to them.
"Your wife is very pretty, Attorney. Dapat ay isama mo siya palagi sa mga gathering," komento ng isang magandang abogado na Attorney de Leon yata ang pangalan.
"We haven't been much accepting invitations lately. Alam n'yo naman, kaibigan namin si Inspector JP Canarejo," paliwanag ni Atlas.
"I see, but it's almost been a year, Attorney. I hope ito ang umpisa ng pag-attend mo ulit ng mga social gatherings," sambit ng abogada bago tumawa.
I raised an eyebrow almost imperceptibly but my husband noticed.
"Siguro nga, Attorney de Leon. It's high time I formally introduce my wife," Atlas affirmed good-naturedly.
Lumapit si Attorney dela Cruz kasama ang asawa o nobya niya at binati rin kami ni Atlas.
"Are you already pregnant?" tanong ng kasama ni Attorney dela Cruz na si Portia.
"Honey!" saway ni Attorney dela Cruz.
"She's glowing! 'Yon ang ibig kong sabihin," depensa ni Portia sa sarili.
Umiling ako bilang tugon sa tanong niya at nakinig na lamang sa mga usapan nila. Tulad ng inaasahan ko ay hindi pa rin ako gano'n ka komportable makipagsalamuha kahit halos lahat naman ng bisita ay mabait at propesyonal makitungo.
Nang nakauwi na kami ay pagod na nakatulog agad si Atlas. Gusto ko sanang magbakasyon kami sa pasko pero hindi ko alam kung makakakuha siya ng leave dahil abala rin sila ngayon sa trabaho.
Nakausap ko si Papa at pareho kami ng napansin na tila pagod palagi si Atlas at may inaalala.
Balisa rin minsan na tila ba hindi mapakali at gustong makialam at tumulong sa imbestigasyon pero nakatali ang mga kamay niya dahil sa pangako sa'kin.
Naalala ko tuloy ang tanong ni Portia kanina. Buntis na raw ba 'ko...
It has been twelve months since we started sleeping together like man and wife, yet we remain childless. May problema ba sa'kin? Kung magbubuntis sana ako, ito na ang tamang panahon para doon. Mababaling ang atensyon ni Atlas sa magiging anak namin. Ilang buwan na rin naman at matatapos na ako sa pag-aaral.
⭐🌙
"Baby? What's wrong?" Atlas asked worriedly as he came in our bathroom.
"Huh?"
"Kanina pa ako kumakatok at hindi ka sumasagot. Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong niya ulit.
Sabay kaming napatingin sa pregnancy test kit na hawak ko. Iisa lang ang linya na nandoon. Pangatlong buwan na ito na dismayado ako sa tuwing tinitingnan kung naka-buo na ba kami.
"Baby?"
"I'm... I'm sorry..." I whispered before bursting into tears.
Hindi ko man masabi ang problema ay tiyak na alam niya na, nakita niya na ang hawak ko 'di ba?
"Hindi ko alam na gusto mo na pala mabuntis..."
"Kahit naman ayoko pa, 'di ba? Ginagawa natin 'yon ng walang proteksyon. Kaya't bakit wala pa ring nabubuo?" bigong usal ko.
"Rae, magkakaanak din tayo. Siguro hindi pa lang ngayon."
He stooped to pick me up and carried me back to our bed. Then he lay beside me and tucked me in his arms, kissing my cheek softly.
"Hindi ako nagmamadali... gusto lang kitang makasama."
"Pero paano kapag dumating ang araw na gusto mo nang magkaanak? Paano kung hindi ko 'yon maibigay sa'yo?"
He sighed heavily and dropped a kiss on my nose.
"Who's to say that it's you who has the problem? What if I'm the one who can't have children? Are you going to leave me?" he queried.
Agad akong umiling at tinitigan siya.
"Hindi!"
"And I would never leave you if there is a problem. May anak o walang anak, Rae. Masaya ako kasama mo."
"I just want to make you happy..."
"And I am happy, love. Lalo na at malapit na ang graduation mo. You can finally work for me at the office, if you want."
"Gusto ko..." mariing bulong ko.
"That's settled then," he said huskily and drew me closer to his body.
My graduation was a happy day— one that we haven't had for a long time. JP's death still hung over us like a shadow but we welcomed my graduation as a good excuse for a holiday. Atlas and I left for a short stay in Guimaras.
Matiwasay ang buhay sa Guimaras, lalo na sa Playa Hechanova. Simple lamang ang mga tao dahil halos lahat sa kanila ay pangingisda lamang ang kabuhayan. Napapaligiran ang maliit nilang komunidad ng tubig alat at nagtataasang mga bundok na bato.
Atlas and I fairly turned a nice shade of tan because we stayed outdoors all day. There were times when we joined the fishermen at sea, but most nights, we spent making love in our rustic little cottage.
"Gusto mo ba manirahan dito?" pangaasar ni Atlas sa'kin. Nakita niya kasi ang saya sa mukha ko sa isla. Probinsiya rin naman sa La Estrella, pero dito sa Playa Hechanova ay wala kaming responsibilidad o nakaraan.
I shook my head and gave him a warm smile. I know his ambitions and I would never want to tie him down to a place where he doesn't want to be.
"Puwede tayong bumalik dito balang-araw, para magbakasyon," sagot ko.
Ngumiti siya at nagsimula na akong magligpit para sa tanghalian namin. Puwede namang magpaluto sa may-ari ng maliit na kubo na tinutuluyan namin pero dito sa Playa Hechanova ko lang talaga naranasan na ipagluto ang asawa ko na walang katulong na nais akong tulungan sa lahat ng bagay. Kaya naman sinusulit ko na ang sandali na ako mismo ang nagaasikaso kay Atlas.
Nagsimula na akong himayin ang mga dahon ng kangkong nang narinig ko ang boses niya.
"Marry me again."
"Huh?" Nilingon ko siya, kunot ang noo ko at medyo hindi naintindihan ang sinabi niya.
"Alam kong kasal na tayo, Rae. Pero sa pagkakataong ito, gusto ko ng malaking selebrasyon. Gusto ko, lahat ng taga La Estrella ay dadalo at masasaksihan ang ganda mo at ang ating pag-iisang dibdib."
Nakangiti ako habang nagmamaneho si Atlas papunta sa mansyon. Minasdan ko ang mga bulaklak na nakapalibot sa pag-aari niya at hindi ko mapigilan ang maging masaya dahil marami man kaming pagsubok, hindi ko pa rin nakakalimutan ang ligaya na hinanda ni Atlas para sa'kin ang lahat ng ito.
Sinalubong kami agad ni Papa pagbaba namin ng kotse, may kung anong ekspresyon sa mukha niya.
"Anak, inaresto na si Don Leandro!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top