TWENTY-SEVEN

Hindi pumayag si Atlas na sumama ako sa presinto. Mula roon ay tumawag siya para ibalita na totoo nga ang sabi ng Papa niya. Nagpaalam din siya na didiretso sa bahay ng pamilya ni JP at inabisuhan akong huwag siyang hintayin maghapunan.

Nagulantang ang lahat sa pagkahuli kay Mayor. Alam na nila ang mga katiwalian na kinasasangkutan nito pero ni minsan ay hindi nila inasahan na darating ang panahon na mahuhuli nga siya at makukulong.

"Atlas?"

"Yes?" bumaling siya sa'kin mula sa mga dokumento na inaaral niya. Kasalukuyan kaming na sa kama na, parehong abala sa kanya-kanyang binabasa. Napagusapan namin ni Atlas kung ano ang mga puwede kong gawin: bumalik sa pag-aaral, magtrabaho para kay Atlas, o magturo. Kahit ano naman daw ang maging desisyon ko ay susuportahan niya.

"Naisip ko lang bigla, paano na si Bernadette ngayon?"

Tinanggal ni Atlas ang salamin na suot kapag nagbabasa at niligpit na ang mga papel na inaasikaso kanina.

"Hindi maiiwasan na masali si Bernadette sa imbestigasyon. She will have to get her own lawyer but I think she's going to be cleared soon," he said thoughtfully.

Hindi ko mapigilan ang mag-alala para kay Bernadette. Alam ko naman na hindi kami magkaibigan pero may pinagsamahan din sila ni Atlas.

I can also imagine how stressed she is right now about everything. It's not a small thing to be dragged into a big investigation.

"Tingin mo ba mamasamain ni Bernadette kung pupuntahan ko siya? Gusto ko lang sana ipaabot sa kanya na hindi siya nag-iisa..."

"I didn't realize you were close to her, baby," he teased, sniffing my neck languidly.

"Atlas..." saway ko sa kanya. "Sa tingin ko lang naman, hindi madali ang pinagdadaanan niya ngayon. Siguradong nag-aalala rin ang pamilya niya."

My husband turned serious as his hold on me tightened.

"I know you're only being kind to her, Rae. However, I'm asking you to leave it alone, to leave her alone. I don't want you anywhere this issue. Hindi lang ang batas ang kalaban ni Don Leandro, maaring may mga malalaking tao na nakamanman sa kanya, hinihintay kung ilalaglag niya ang mga kasabwat."

Nagkita kami ng mga kaibigan para sa isang maliit na salo-salo. Plano nilang lumuwas ng Maynila para doon maghanap ng trabaho. Sa susunod na buwan pa naman 'yon pero tingin ko ay magiging abala na rin kami.

"Sana makadalaw pa kayo rito kahit maging abala kayo roon."

"Oo naman, Ate! Isa pa, hinding-hindi kami aabsent sa kasal mo, Ate!" sagot ni Jolene.

I caught Garrett's stare and I frowned because he looked sad about it.

Nakita niya rin ang reaksyon ko kaya bumawi siya at ngumiti.

"May petsa na ba?" tanong niya.

"Gusto sana ni Atlas bago matapos ang taong ito, pero sabi ko ipagpaliban na lang namin lalo na at siguradong magiging magulo pa rito sa La Estrella."

"Napaka-romantic talaga ni Attorney Salvador, Ate! Ang suwerte mo!" kilig na sambit ni Phoebe.

Tumango lang si Garrett at nakitawa na lang kasama ng mga kaibigan namin.

Sasakay na sana ako sa kotse ng papa ni Jolene pero namataan ko bigla si Bernadette palabas sa isang restaurant.

"Ate?" tanong ni Jolene.

"Hindi na lang ako sasabay sa'yo, Jolene. May dadaanan pa 'ko."

Nagpaalam na rin ako sa papa niya at nang makaalis na sila ay dali-dali akong tumawid patungo kay Bernadette.

"Bernadette!" tawag ko sa kanya.

Umismid siya nang nakita kung sino ang tumawag sa pangalan niya.

"Rae, si Atlas?"

"Ako lang. Puwede ba tayo mag-usap?"

Pumayag naman siya kaso ay sa bahay na lang daw nila. Huli na nang napagtanto ko na ang ibig niyang sabihin na bahay nila ay ang mansyon nila ni Don Leandro.

"What do you want to talk about?" she asked, her arms crossed on her chest.

Nakatingin lang ako sa antigo ngunit marikit pa rin na mga palamuti sa mansyon pero ibinaling ang atensyon nang nagsalita siya.

"Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo, pero gusto ko lang sabihin sa'yo, nandito kami ni Atlas para suportahan ka. Tutulong si Atlas sa'yo, Bernadette."

"Don't patronize me, Rae. Hindi ko kailangan ng awa mo," usal niya sabay irap sa'kin.

"Alam kong hindi tayo magkaibigan, Bernadette. Pero mahalaga ka sa asawa ko. Sana hayaan mo akong maging kaibigan mo rin," subok ko ulit.

"Do you know how condescending you sound? You sound so smug, rubbing your happy marriage to my face," she spat.

"Hindi totoo 'yan, Bernadette. Walang halo ang pakikipagkaibigan ko sa'yo..." mahinang tugon ko.

"Ang saya-saya n'yo ni Atlas ah! Alam mo ba, halos ayaw akong kausapin ng asawa mo? Hindi ko alam ano'ng nagawa ko sa kanya!"

"Bernadette..."

"Buong buhay namin, mahal ko na siya. Pero ikaw pa rin ang pinili niya! Malapit na sana akong maging malaya eh, kaso bumalik ka pa sa La Estrella!"

Nakikita kong walang maidudulot na maganda ang pakikipagusap ko kay Bernadette. Sumunod na lang sana ako sa bilin ni Atlas.

"Pasensya ka na at sinubukan ko pang makipagusap sa'yo. Aalis na ko," paalam ko.

"Wait, I'm not done yet! You think you're happy? You're living in a bubble, Rae... Sa tingin mo ba maitatago mo habang buhay kung saan ka nagmula?"

I had already turned to go, wanting to disentangle myself from this confrontation but I spun back to face her when I heard what she said.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Alam mo, hindi ko alam kung bakit ni minsan walang nagtanong dito sa La Estrella kung bakit nagkataon na siyam na buwan matapos magtrabaho ang Ate Rachelle mo kay Don Leandro ay namatay siya. Ang sabi ng mga magulang mo ay namatay ang ate mo sa leukemia. Pagkakataon lang ba talaga 'yon? Kung gano'n bakit niyo kinailangan na umalis ng La Estrella?" panunuya niya habang mariin na nakatitig sa'kin, inaabangan ang reaksyon ko.

Pinakalma ko ang sarili dahil wala naman talaga siyang alam, hula niya lang ang lahat ng sinabi niya. Pero... bakit niya nabanggit na nagtrabaho si Ate Rachelle noon kay Don Leandro.

"'Wag kang gumawa ng istorya tungkol sa Ate ko, Bernadette. Wala siyang kinalaman dito. Nahihibang ka na!"

"Tama ka, pero may nalalaman ako na siguradong totoo. Kapag nalaman ni Atlas ay siguradong masisira hindi lang ang reputasyon niya kun'di pati na rin ang respeto niya sa sarili. Nakakasiguro ako."

Hindi ko lubos maintindihan ang sinasabi at iniisip ni Bernadette. May nalalaman man siya o wala, akala ko ba mahal niya si Atlas?

"Hindi mo alam, 'no? Sikreto kasi, Rae..." tuya niya sa'kin. "May posibilidad na magkapatid kayo ni Atlas..." bulong niya.

"Ano?"

"Si Don Leandro ang totoong ama ni Atlas, Rae. At alam 'yon ng asawa ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top