TWENTY- FOUR
Pumunta kami sa lamay ni JP kasama na rin sina Papa, Nang Tess at Apple Pie. Tahimik lamang ako habang kausap ni Atlas ang mga magulang ni JP. Hindi man kami nagkaroon ng maraming pagkakataon para magkausap ay alam kong mabuting kaibigan siya ni Atlas.
"Sayang si Kuya JP," bulong ni Apple Pie.
Tumango ako dahil naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Apple Pie. Idagdag pa na malagim ang pagkamatay ni JP.
"Salamat po sa mga bulaklak, Mrs. Salvador," sabi sa akin ng nakababatang kapatid ni JP na si Joan sabay abot ng tig-isang tasa ng kape sa amin.
"Rae na lang, Joan. Nakikiramay kami," tugon ko.
Tumango siya, halatang pinipigilan ang pag-iyak. Mahirap mamatayan ng mahal sa buhay.
"Ang hindi lang po namin matanggap ay pinatay si Kuya!" saad niya bago tuluyang lumabas mula sa sala.
"Pagpasensiyahan mo na si Joan, hija. Apektado talaga siya sa pagkawala ng Kuya niya lalo na at pangarap niya pa naman tularan si JP," paliwanag ng mama nito.
"Naiintindihan ko po," mahinang tugon ko.
"May update na raw po ba sila? Tinawagan ko si Chief Montez pero wala pang balita. Nagbabakasakali po akong may nasabi na sila sa inyo, Tita."
Seryoso ang mukha ni Atlas at hawak niya ang kamay ng ginang na parang pamilya na rin ang turing sa kanila.
"Totoo ba ang haka-haka na may kinalaman 'yon sa trabaho ni JP, Aida?" dagdag naman ni Papa.
JP's father cleared his throat and he and his wife stayed silent before finally deciding to answer.
"Ang sabi lang ni Chief ay magiging madugo ang imbestigasyon na ito. Natatakot kami kung ano ang magiging epekto nito sa kaligtasan namin."
"Sa tingin ko naman po ay hindi kayo pababayaan ng mga pulis. Isa pa ay alagad din ng batas si JP. Pero kung magkaroon man ng problema, 'wag po sana kayong mag-atubili na humingi ng tulong sa amin," pagpapanatag ni Atlas sa mag-asawa.
"Siguradong may kinalaman si Mayor sa nangyari, Pa," galit na pahayag ni Atlas nang nasa sasakyan na kami. Pareho silang nasa harap ng sasakyan habang nasa likod naman ako.
Papa nodded thoughtfully before glancing at me as if not really comfortable I can hear what they're talking about.
"Kung gano'n ay tama nga ang hinala ko na naghahanap ng ebidensiya si JP at ang partner niya laban kay Mayor?" pagkukumpirma ni Papa kay Atlas.
Atlas sighed heavily and punched the steering wheel.
"Hindi ko alam na ganoon na kalalim ang imbestigasyon. Natunugan na rin siguro sila ni Don Leandro. Tangina!"
"Atlas..."
"Kakausapin ko ang hepe, gusto kong tumulong sa imbestigasyon!"
"Atlas!" Pareho kaming nabigla sa galit na pagtaas ng boses ni Papa. "Baka nakakalimutan mo, mayroon ka ng asawa! Gusto mo bang maging balo si Rae?"
"Pa, hinding-hindi ko ilalagay sa panganib ang buhay ni Rae. Pero hindi ko mapapalampas ito. Masyadong makapangyarihan si Mayor, baka walang mangyari sa kaso ni JP."
Both of them were exasperated and there was nothing I could add to their conversation. Nalulungkot at nasisindak ako sa nangyari kay JP. Kung totoo mang may mga tinatagong ilegal na aktibidades si Mayor ay kailangan niyang managot sa batas. Ngunit natatakot din akong sapitin ni Atlas ang nangyari sa kaibigan niya.
Pagdating sa bahay ay sinalubong kami ni Nang Vangie at ng dalawa pang katulong.
"O, may problema ba Vangie? Ba't gising pa kayo?" tanong ni Papa.
"Sir, may nagpadala po ng... ng bulaklak para sa patay," nangangatog na sagot ng matanda.
Kunot-noong unang pumasok si Atlas at sumunod na rin kami, agad na namataan ang tinutukoy ng matanda.
It was a magnificent wreath of expensive roses and it was obviously for JP.
"Bakit dito raw ito dinala, Nang Vangie?"
Matigas ang boses ni Atlas, at maging ako ay namutla.
Hindi na hinintay nina Papa at Atlas ang sagot ng Nang Vangie at tiningnan na ang kard na kasama ng bulaklak.
"Pakidala na lang sa mga Canarejo," basa ni Papa.
Nilukot ni Atlas ang papel bago kami hinarap.
"Pakitapon na lang nito, Nang. Magpahinga na rin kayo. 'Wag kayong mag-alala, walang ibig sabihin ito."
Nang nakalabas na ang mga katulong ay hinawakan ni Papa si Atlas sa balikat.
"Sa tingin mo ba ikaw lang ang puwedeng saktan ni Mayor, Atlas? Paano kung si Rae ang mapahamak? Mapapatawad mo ba ang sarili mo? Makinig ka sa'kin. Sa tingin mo ba si JP ang unang namatay dahil sa maduming mundo ng krimen at pulitika? Naiintindihan ko ang pakiramdam mo, anak. Pero hindi maliit na tao ang kakalabanin mo. Ipaubaya mo ang imbestigasyon at pakikipaglaban sa mga autoridad," bulong ni Papa na para bang hapong-hapo siya sa pakikipagtalo sa anak niya.
Saglit na tumingin sa'kin si Atlas bago tinanggal ang pagkakahawak ni Papa sa kanya at pumasok siya sa opesina niya.
Aakyat na rin sana si Papa sa sarili niyang silid nang pinigilan ko siya.
"Pa, 'wag na po kayong mag-alala kay Atlas. Ako na po ang kakausap sa kanya."
He sighed before giving me a furtive smile.
"Kung mayroon mang papakinggan si Atlas, ikaw na 'yon Rae," tugon niya. "Hindi na muna ako pupunta sa farm. Magpapahinga na muna ako rito, at nandoon naman ang katiwala."
Lumabas ako at naglakad-lakad sa hardin para magpalamig na rin kahit sa totoo lang ay kinabahan din ako sa nangyari.
Naiintindihan ko si Papa dahil nag-iisang anak niya si Atlas. Simula nang sumama sa ibang lalaki si Milagros Guillermo Salvador ay si Nong Andres na ang nagpalaki kay Atlas. Ako man ay nababahala sa mga puwedeng mangyari kung sakaling magmatigas ang asawa ko.
⭐🌙
WARNING: SPG
I feel his kisses even before I pulled myself out of sleep completely. We were both lying on our side, my back rested on his chest and his groin nestled to my bottom so that I immediately felt his erection.
I had taken longer outside earlier, quietly enjoying the evening breeze and Atlas had already fallen asleep by the time I came back to our room.
"Did I wake you?" he murmured in my ear, his hand skimming my waist.
I didn't reply but moved to face him so that my head was pillowed on his arm.
"Ba't nagising ka?" mahinang tanong ko.
Hindi ko alam kung bakit pareho kaming bumubulong gayong kami lang naman ang nasa silid.
"I was worried about you..."
"Huh? Ayos lang ako, nandito lang ako," sagot ko at marahang hinalikan ang labi niya.
"I don't know what to do, Rae. Gusto kong tumulong sa imbestigasyon."
Inabot ko ang mukha niya at hinaplos 'yon. Kung sana ay sa simpleng haplos, mapapagaan ko ang kalooban niya.
"Naiintindihan kita, ngunit sana intindihin mo rin kami..."
"Kung gano'n tutol ka rin?" Atlas asked in a tone that let me know he has second thoughts about it already.
"Alam ko kung gaano kayo kalapit ni JP sa isa't isa, at gusto ko rin mapadali ang lahat. Pero natatakot akong madamay ka. Hindi natin alam kung ano pa ang kaya nilang gawin, Atlas," pag-amin ko.
He stayed silent, lost in his thoughts as he started stroking my hip again.
My nightgown was modest but thin, and for some reason, although he was merely touching me out of instinct, I began to feel self-conscious. Lalo na nang hinay-hinay niyang inangat ang laylayan ng suot ko at bumaba ang kamay niya tuhod ko, paakyat ulit sa baywang ko. I swallowed— no, not nervously— in novel anticipation as his finger skimmed across the garter of my underwear.
Atlas studied my face as he touched me and I blushed when I realized he was grinning because I had started biting my lower lip.
Kani-kanina lang ay seryoso ang pinaguusapan namin. Ang bilis naman nabaling ng atensyon niya sa... sa bagay na 'to...
He stopped touching me and reached for my face instead. Our eyes had adjusted to the dark and we both could see the fire in our eyes, stoked not only by our proximity but by more than six months of waiting for this moment.
"Baby?" His voice was husky and made me more breathless than I was already.
"Yes."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top