TWENTY

"Sigurado po ba kayo na okay lang kayo rito, Ma'am? Baka matagalan pa si Attorney sa meeting," tanong ni Cherry habang nakaupo ako sa loob ng opesina ni Atlas.

"Cherry naman, Rae na lang ang itawag mo sa'kin. Para namang hindi tayo magkakilala," saway ko sa kanya.

Ngumiti siya nang bahagya bago nagpatuloy, "Nasanay rin kasi ako na Sir ang tawag sa asawa n'yo po. Kaya... Uhmmm nagugutom po ba kayo? May gusto po kayong meryenda?"

Umiling ako at sa wakas ay nakumbinsi rin siya na iwan ako sa loob ng opesina ni Atlas.

Alas dos natapos ang huling klase ko at dumiretso na ako sa law firm kung saan nagta-trabaho si Atlas. Napagkasunduan namin isang linggo na ang nakalilipas na subukan na kilalanin ang isa't isa kaya pagkatapos ng klase ay pinupuntahan ko siya. Sa bahay pa rin naman kami kumakain ng hapunan pero bago umuwi ay dumidiretso muna kami sa mall para gumala na magkasama. Kung sakaling abala naman ako at kailangan na pumunta sa library building ng school ay sinusundan niya na lang ako roon. I guess you can say that we are starting to date.

I looked at his remarkable collection of law books enclosed in a dark-wood bookshelf just behind his chair.

When I think about it, I've never thought Atlas would end up in corporate law. Hindi ko alam kung gano'n nga ang gusto niyang karera pero hindi 'yon ang pagkakatanda ko.

Lumingon ako at ngumiti nang napansin na nakabalik na pala siya. Akala ko ay mas matatagalan pa siya lalo na at importanteng tao raw ang kausap.

"Ang aga mo."

"Hindi naman. The client just wanted to go over some documents. Are you ready to go?"

"Kumusta sa school? Ayos lang?" he asked as he drove towards a mall.

"Para kang kuya ko ah! O 'di kaya tito."

Sumimangot siya nang tinitigan ako bago ibinalik ang tingin sa kalsada.

Pagdating namin sa mall ay nagtaka ako nang umakyat kami sa ikatlong palapag papunta sa sinehan.

"Manonood tayo ng sine?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

He didn't reply and only queued up to buy our tickets instead.

Suplado. Siguro naiinis pa rin siya na tinawag ko siyang tito. Ito naman, hindi na mabiro.

We went inside the cinema as soon as he finished buying soda and popcorn. Dahil weeknight ay hindi gano'n karami ang tao. Komportable kaming pumuwesto sa upuan na pangdalawahan.

"Ano 'to, date?" tanong ko na nangaasar pero hindi niya kinagat ang biro ko.

Tagalog ang pelikulang pinanood namin tungkol sa isang engineer na umuwi sa probinsiya nila dahil nagkasakit ang lolo niya. Doon ay unti-unting nahulog ang loob niya sa kababata niya na katiwala sa manggahan nila.

Tahimik pa rin si Atlas habang nakatingin lang sa pinapanood namin.

"Gusto mo siguro talaga itong pinapanood natin, 'no? Naka-concentrate ka talaga eh," subok ko ulit.

He suddenly faced me and I became aware of our proximity. The couch was meant for couples and even though he's been ignoring me, we are as close as two people can be who are sharing a seat.

I offered him the bag of popcorn, trying to defuse the situation.

Bigla na lang ay inakbayan niya ako at hinila palapit pa lalo sa kanya.

"I'm your husband, Rae. I'm not an older brother or an uncle," he said with emphasis.

I swallowed and nodded slowly, not quite used to the intensity that I could somehow see in his eyes despite the darkness.

He stared at my lips and swallowed while I clutched on the bag of popcorn a bit nervously.

"We may not... have been together yet, but you are still my wife," he whispered again before letting me go.

Tumuwid tuloy ako sa pagkakaupo, medyo nailang sa sinabi at inasal niya. Hindi tuloy ako mapakali dahil bigla na lang ay nararamdaman ko ang bawat pagdikit ng braso namin.

"Nagbibiro lang naman ako, Atlas..." bulong ko na nakatingin pa rin sa pinapanood namin kahit alam kong pareho kaming nasa ibang bagay ang isip.

He exhaled tiredly and put an arm around me again. I stiffened but let him kiss my hair softly.

"I know... but you have to understand, Rae. I've been waiting for you for a long time," he whispered in my ear.

"Nandito na naman ako ah," sagot ko sa isang namamaos na boses.

"I know, baby. But even though you're now my wife, even with you by my side, you still feel so far away."

I felt guilty regarding what Atlas said. Totoo namang mag-asawa na kami at hindi tama na magkaiba kami ng silid. Hindi rin tama na nilalagay ko sa siya sa sitwasyon na kataka-taka sa harap ng mga kasambahay at kay Papa sakali mang malaman niya 'yon.

He came in our bedroom a few minutes after I finished showering and getting changed. 'Yon naman lagi ang routine namin. Binibigyan niya talaga ako ng trenta minutos para makasiguradong bihis na ako pagpasok niya.

Niligpit ko ang mga gamit na kailangang dalhin sa susunod na araw, inaabala ang sarili para hindi naman ako halatang nakaabang lang na matapos siya.

He finally came out of our bathroom and I was surprised that he was already wearing a white t-shirt and a pair of boxer shorts. Lagi naman ay naka-tuwalya lang siya pag lumalabas ng banyo.

"Good night," he said without looking at me, and had already touched the door knob before I summoned enough courage.

"Dito ka na matulog," I blurted out.

He turned; a brow raised curiously.

"Rae?"

"Kasya naman tayo sa kama at saka... puwede naman natin lagyan ng unan sa gitna nating dalawa," agad na dagdag ko.

Shit. Parang mas nakakaasiwa yata 'yong dagdag na sinabi ko ah.

He was surprised when he surveyed the bed and realized I had already arranged it so that he and I both have two pillows, and a bolster was already in place to barricade us from each other.

"Okay," Atlas murmured and turned off the lights before walking back to the bed.

Sa wakas ay nakitaan ko rin ng ngiti ang mukha niya— pilyo nga lang 'yon.

"You do realize no pillow is going to keep you... safe if I want you, right?"

Napalunok ako sa sinabi niya at nanuyo rin ang lalamunan ko pero nakahinga rin nang malalim nang nagkatitigan kami at napagtanto ko na binibiro niya lang ako.

I hissed and picked up the bolster to hit him with it.

⭐🌙

"Mabuti naman at nahanapan na rin ng ebidensiya 'yong si Mr. Sayson, ano? Sabi ng Mama ko, matagal na raw talamak ang ilegal na droga sa kabilang bayan eh," komento ni Nico.

Kakatapos ko lang isauli ang libro na hiniram ko sa librarian kaya naman 'yon na ang naabutan ko sa usapan nila.

"Oo. Matagal na ngang haka-haka 'yon," dagdag naman ni George.

"Dinig ko..." simula ni Jolene sa isang mahinang boses. "Baka raw konektado si Mayor kay Mr. Sayson."

"Mag-ingat kayo sa mga sinasabi n'yo," saway naman ni Garrett kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Opo, Kuya Garrett," biro ni Phoebe para maibsan ang tensyon na dulot ng sinabi ni Garrett.

"Oo nga, mahirap na may makarinig sa atin at hindi naman talaga natin alam ang buong kuwento," sabi ko.

Paglabas namin ng library ay hinanap ko agad ang kotse ni Atlas dahil ang sabi niya ay roon niya ako susunduin.

I spotted him, talking to someone on his phone while leaning on the side of his car. He waved a little when he saw me approach him.

Malaki ang pinagbago ng pagsasama namin. Mas lagi na kaming naguusap at mas komportable na rin kami sa isa't isa.

Binaba niya na rin ang cellphone na hawak at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.

"Kumusta ang araw mo?" nagkasabay pa kami sa pagtatanong kaya pareho kaming natawa.

Alam kong hindi pa rin kami katulad sa mga normal na mag-asawa pero pareho naming gustong subukin na gawing totoo ang pagsasama namin. Maliit na bagay lang naman na kumustahin namin ang araw ng isa't isa pero sabi nga nila, ang komunikasyon ang susi sa lahat.

"Ayos lang naman pero excited na ako sa Christmas vacation!" sagot ko nang pinauna niya akong magsalita.

"Where do you wanna go? Baka puwede akong makaalis sa opesina ng... tatlong araw."

"Talaga?" I brightened at what he said. "Wala naman akong gusto na puntahan. Gusto ko lang sana dalawin ang lumang bahay namin. Gusto kong tingnan kung puwede bang masalba."

"You don't have to worry about that. Plano ko na talaga na ipa-restore 'yon at nakapagsimula na rin ang mga tauhan ko," he replied and smiled gently at me. Alam ko naman na siya na ang may-ari n'yon pero natutuwa pa rin akong isipin na pinapahalagahan niya rin 'yon. Kahit na hindi talaga kami tumira doon nang mahabang panahon, may halaga pa rin sa akin ang bahay kung saan ipinanganak at lumaki si Ate Rachelle. Kahit hindi maganda ang naging relasyon namin ni Tatay, gusto ko rin mapangalagaan ang naipundar niya.

"Thank you," I said softly and moved closer to kiss him on the cheek.

I asked him about how his day went and before we knew it, we were already home.

Sinalubong kami ni Nang Vangie para kunin ang mga bag namin kahit hindi naman talaga kailangan.

"Ma'am Rae, may bisita po kayo," sabi niya.

Siguro si Nang Tess o Apple Pie 'yon, sila lang naman talaga ang dumadalaw sa'kin.

"Rae?"

Pareho kaming lumingon sa boses ng lalaki na palabas na rin ng pinto para puntahan ako. Mistulang nag-init ang sikmura ko sa pagkabigla dahil ni minsan ay hindi ko naisip na magkikita pa kami ulit. Bago ako makabawi ay tuluyan na siyang nakalapit at nahila niya na ako sa isang yakap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top