THREE

"Magandang umaga po, Nang Tess," bati ko sa Nanay ni Apple Pie.

"Andiyan ka na pala, Rae. Sandali lang at pababa na rin ang batang 'yon."

"Opo, Nang Tess."

"Ang nanay mo?"

"Nasa bahay po, nagbuburda."

Maliban kasi sa panonood ng telebisyon at pag-aalaga ng mga halaman ay mahilig din si Nanay sa pagbuburda.

"Maganda nga ang gawa ng Nanay mo, Rae," sabi niya sabay nguso sa mantel sa ibabaw ng altar nila na naburdahan ng mga bulaklak at ibon.

"Salamat po."

"O siya, mamamalengke muna ako. Hintayin mo na lang dito si Apple Pie."

Totoo nga at maya-maya lang ay natapos na rin si Apple Pie sa pagbibihis.

"O, tara na ba?" sabi niya na parang ako pa ang nahuli sa usapan.

I surveyed her short shorts and high ponytail. She did the same to me, eyeing my simple jeans and black shirt before smirking.

"'Yan ang suot mo?" tanong ko.

"Oo naman! Nandoon sina Kuya Atlas at Kuya JP. Pati si Joey nandoon din. Sayang wala si Oscar!"

Simula nang sinabi ko sa kaniya na sabi ni Atlas sasamahan niya kaming manood ng basketball sa tuwing pupunta kami ay nakipagbati na sa'kin si Apple Pie. Dalawang laro pa ni Atlas ang napanood namin nang inaya niya kaming sumali sa beautification project ng SK sa baranggay.

Ang totoo wala naman akong choice kung 'di sumama dahil si Atlas mismo ang nagpaalam para sa'kin kay Nanay. Nakakainis! Idagdag pa na ang kaibigan ko talaga ang nagkukumahog na sumali kami.

Pagdating namin sa baranggay hall ay agad lumapit si Atlas.

"Mabuti naman nakarating na kayo," he said with a smile that seemed stiff.

"Oo naman, Kuya! Hindi namin palalampasin ni Rae, 'to!" sagot ni Apple Pie.

Someone who looked just about Atlas' age approached us. If I remember correctly, he's the SK Chairman.

"Hi," bati niya sabay abot ng kamay niya sa'kin. "Ako pala si JP. Ikaw si Rae 'di ba? Nabanggit nga ni Atlas na sasama raw kayo."

"Ah oo," sagot ko at nginitian siya pabalik.

"Pare, magsimula na ba tayo?" biglang sabi ni Atlas sabay hila sa kamay ko na nakahawak pa rin kay JP.

Nakita ko agad ang nakakalokong tingin na tinapon ni JP sa kaibigan bago humalakhak.

"Atlas, JP, ano, tara na ba?"

Pare-pareho kaming lumingon sa isang dalaga na tantya ko ay kaedaran ng dalawa. She's a typical mestiza beauty. Simpleng sleeveless shirt lang din ang suot niya at pantalon pero litaw na litaw ang kagandahan niya. Idagdag mo pa ang magandang kurba ng katawan at hinaharap.

"Bernadette, sasama sina Apple Pie at Rae. Nakalista na sila riyan. Nilista ni Pareng Atlas," sabi ni JP sabay akbay kay Bernadette.

"Eh 'di mabuti. Pero sana seryosohin ng mga batang 'to ang gagawin natin," komento niya bago tuluyang naglakad palayo.

"Bata raw! Psh! Palibhasa may gusto rin 'yon kay Kuya Atlas," bulong sa'kin ni Apple Pie nang lumabas na kami kasama ng iba pang mga kabatan na nag-volunteer para dito.

Ngumiti na lang ako sa kaibigan ko kasi napansin ko rin 'yon. Akala naman ng Bernadette na 'yon gustong-gusto ko sumama! Kung hindi lang ako binantaan ni Atlas na isusumbong. Tsk tsk...

Magkasama kami ni Atlas samantalang kapareha naman ni Apple Pie si Joey.

Mas gusto ko na nga lang sanang kasama nina Apple Pie kaysa sa supladong si Atlas.

"Kuya JP, puwede bang magpalit ng partner?" tanong ko.

"Huh, bakit? Teka lang, titingnan ko 'yong listahan."

"Sana 'wag na mag-inarte. Kung sino ang kapareha n'yo, 'wag na kayong magreklamo," sabad naman nung Bernadette na kinainis ko talaga.

"Ba't ayaw mo akong maka-partner?" tanong niya habang pareho kaming nakaluhod sa lupa, binabaon ang mga tanim na bougainvillea.

"Huh?" kunwari ay litong tanong ko sabay tingin sa kaniya.

Nagpatuloy siya sa paglagay ng lupa sa paligid ng hukay na pinaglagyan ng tanim bago sumagot.

"Kanina. Nagtanong ka kung puwedeng magpalit ng partner?"

"Ah eh, wala 'yon. Baka kasi magselos na naman si Apple Pie," wala sa sariling sagot ko.

"Huh?" Siya naman ngayon ang nagtataka. Ooops. Nadulas yata ako ah.

"Ang... ang ibig kong sabihin. Gusto ni Apple Pie na magkasama kami. Baka magselos siya sa'yo," palusot ko.

"Mukhang masaya naman siyang kasama si Joey," komento ni Atlas kaya sabay kaming tumingin sa kaharap na kalye kung saan tuwang-tuwang nagbubungkal ng mababaw na lupa si Apple Pie na inaalalayan pa ng crush niya.

"Takot ka yata sa'kin eh," sabi niya. Ngumiwi na lang ako kay Atlas bilang tugon.

"Marunong ka pala magtanim?"

"Oo naman. Gustong-gusto ko nga mag-alaga ng mga halaman pero wala naman kaming espasyo para doon sa bahay namin sa Maynila," paliwanag ko.

"'Yan ba ang pinagkakaabalahan mo sa bahay n'yo kapag 'di ka nanonood ng basketball o sumasama kay Apple Pie kung saan-saan?"

"Hoy, excuse me! Marami akong ginagawa n'yo!" ganti ko sa kaniya.

"Ano?"

"Basta marami! Hindi nga lang ako kasing busy mo pero marami rin akong ibang ginagawa maliban sa panonood ng mga laro n'yo!"

'Kala nito ang galing-galing niya at nakakatuwa siyang panoorin maglaro!

Tumawa siya kaya mas lalo akong nainis.

"O bakit? Hindi ka naniniwala? Ikaw ang boring, hindi ako!"

He raised a brow then smirked at me.

"Ang sabi ni Apple Pie, hobby mo raw ang mag-aral. Kapag summer ka lang talaga sumasali sa mga laro sa baranggay. Wala kang bisyo at hindi ka rin mahilig mag-lakwatsa kasi tumutulong ka rin sa papa mo. 'Yon din daw ang dahilan kaya't si Kuya JP ang tumuloy bilang SK Chairman at hindi ka sumali. Hindi ka rin nag-gigirlfriend—"

Doon ko lang napagtanto na sobrang dami ko na palang nasabi tungkol sa kaniya. Baka akalain niya pa na interesado talaga ako.

"O, ba't ka tumigil? Ano pa ang kuwento ni Apple Pie sa'yo?" he said with a maddening grin.

Napakurap ako sa sinabi niya at nagpasyang itikom na lang ang bibig ko.

Pagdating ng alas diyes y media ay sumenyas si JP sa mga volunteer na lumapit sa isang jeep na naglalaman din kanina ng mga seedlings at cuttings na tinanim namin.

"Pagkatapos n'yong kunin ang snacks n'yo, puwede na kayong umuwi. 'Wag n'yo kalimutan bumalik nang alas tres y media para maipagpatuloy natin. Dalawang kalye na lang naman," paalala ni JP.

"Thanks," sabi ko kay Atlas nang lumapit siya sa'kin dala ang pagkain na siya na ang kumuha mula sa jeep.

Napatingin pa ulit ako roon dahil mukhang pamilyar. Kung tama ang pagkakatanda ko, sa jeep na 'yon ako nagasgas.

"Jeep namin 'yan," kaswal na komento ni Atlas nang nakita kung saan ako nakatingin.

Tumango ako dahil nabanggit nga ni Apple Pie na drayber ng jeep si Nong Andres na tatay ni Atlas. Pero mukhang ibang tao naman ang nagmamaneho ng jeep ngayon.

"Anong sandwich to? Egg?" tanong ko at sinipat ang cling wrap platic na nakabalot dito.

"Oo. Ayaw mo ba? Gusto mo palitan natin?"

"Ayos lang," sagot ko naman.

"'Wag kang mag-alala at masarap 'yan. Si Don Leandro ang nagbigay niyan sa baranggay."

"Don Leandro?"

"May-ari ng malaking botika sa bayan," tipid na sagot niya.

Kakagat na sana ako sa sandwich na bigay ni Atlas nang narinig namin ang boses ng isang matandang babae na nakatira sa maliit na bahay sa tapat ng kalye kung saan kami nakatayo.

"Mga bata," mahinang tawag niya.

"Po?" agad naman na sagot ni Atlas at inabot pabalik sa'kin ang tubig at sandwich niya.

"Lola, ano po 'yon?"

"Atlas, ikaw ba 'yan?"

Hindi nakapagtataka na kahit mga matatanda ay natutuwa kay Atlas. Kung iisipin mong mabuti, higit na malakas siya sa mga matanda dahil gusto nila ang mga batang kagaya niya.

"Opo, si Atlas po 'to, Lola Lourdes. Ano po ang maitutulong ko?"

Lumapit na rin ako sa kanila at pinapasok kami ng matanda sa loob ng bakod niya.

"Tulungan mo naman akong gumawa ng hukay para kay Mimosa."

Biglang lumungkot ang mata ni Atlas at inakbayan nang marahan ang matanda.

"Patay na po si Mimosa?" mahinang tanong niya.

Ililibing na nga ni Lola. Malamang 'di ba?

"Matanda na rin si Mimosa. Kagaya ko," walang pag-aalinlangang sagot ni Lola. Mas malungkot pa yata si Atlas kaysa sa matanda eh.

Pumunta kami sa likod ng bahay ni Lola Lourdes at umupo sa isang kahoy na bángko habang si Atlas ang gumawa ng hukay na paglalagyan sa pusa ng matanda.

"Anak ka nina Sylvia, ano?" tanong niya habang marahan na hinahaplos ang patay na pusa sa kandungan niya.

I was a bit unnerved but shook the thought away.

"Opo."

"Ilang taon ka na ba, Ne?"

"Fifteen po. Hindi po ako si Rachelle, La." Inunahan ko na dahil ayokong matawag na naman sa pangalan ng kapatid ko.

"Aba'y alam ko! Matanda na ako pero hindi pa ako ulyanin," nangingiting sagot niya.

"Sorry po."

"Kung hindi mo alam, ako ang kumadrona na nagpaanak kay Sylvia nang isinilang niya si Rachelle. Nakakalungkot isipin na nauna pang mamatay sa akin ang batang 'yon."

I nodded soberly and looked at Atlas who was digging steadily with an old shovel that clearly told me he knows his ways with tools.

"Ano nga ulit ang pangalan mo, Ne?"

I blushed a little when I realized I had not bothered introducing myself.

"Andraea po, pero Rae po ang palayaw ko." Well to almost everyone but my own mother.

Maya-maya pa ay tapos na si Atlas at siya na mismo ang kumuha kay Mimosa para ilagay sa huling hantungan nito. I couldn't believe I was attending a funeral for a cat— a mangy, old one at that.

Had this happened somewhere else but in La Estrella and with other people, I'd have laughed mercilessly. Ngunit may kung anong emosyon na dumaloy mula sa matanda patungo sa'min ni Atlas na nagsanhi para malungkot din kami.

"Salamat at naging mabuting alaga ka sa'kin, Mimosa. Makakapiling mo na rin ang mga anak mo ngayon. Huwag mo sana akong kalimutan, kaibigan," the old lady said in a raspy voice that told us she was holding back tears.

Nang natakpan na ng lupa si Mimosa ay nagpaalam ako kay Lola Lourdes na pumitas ng ilang tangkay ng bulaklak ng gumamela para ilagay sa ibabaw ng puntod ng pusa.

"Ayos lang po ba kayo rito, Lola? Gusto n'yo po samahan muna namin kayo?" tanong ko nang palabas na kami ng gate niya.

Tumawa siya nang marahan at pinisil nang kaunti ang kamay ko.

"Huwag kayong mag-alala sa'kin, mga bata. Matanda na ako. Marami ng tao at alaga ang nawala sa buhay ko. Pero kung hindi kayo abala, maari n'yo akong bisitahin paminsan-minsan."

"Dadalaw po kami, Lola Lourdes!" I replied and impulsively hugged her a bit. Muntik pa kaming mawalan ng balanse, buti na lang at nakatayo sa likod ni Lola si Atlas kaya naalalayan niya ito. Pero medyo nakakailang kasi parang napagitnaan namin sa isang group-hug si Lola.

"Ayos ka lang din ba? Hindi mo pusa 'yon."

Kanina pa siya tahimik pero nang naglalakad na kami papunta sa baranggay hall ay hindi niya na napigilang asarin ako.

"I didn't expect the naughty little girl would be so soft-hearted," he whispered a bit teasingly. I knew he said that to make me laugh but I was a bit hurt by that statement and the fact that he referred to me as a little girl.

"Wala akong kinagisnang lolo at lola, Atlas. Hindi rin ako gano'n kalapit sa Nanay ko," simpleng sagot ko at iniwas na ang tingin ko para hindi niya mahalata ang lungkot sa mga mata ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top