THIRTY-SEVEN
Present
Andres Salvador's POV
Isa sa pinakamalaking pagsisisi ko sa buhay ay ang hindi ko paglapit sa ina ni Rachelle upang aminin na ako ang ama ng anak niya. Nang nilisan ng mga Valencia ang La Estrella ay hindi ko naisip na nagbunga ang mapusok na sandaling pinagsaluhan namin ni Rachelle. Naduwag ako, natakot na baka pinagsisihan niya ang pagbigay ng sarili sa akin. Hindi ko gustong harapin ang mga magulang niya na hindi muna kami naguusap ngunit nawala ang pagkakataon dahil hindi ko na muli Nakita pa si Rachelle.
Nang dumating ang mag-inang Sylvia at Rae sa La Estrella ay kaagad kong napagtanto na anak namin ni Rachelle si Rae. Masyadong tugma ang buwan ng kapanganakan niya at ang pagkamatay ni Rachelle para isipin kong pagkakataon lamang iyon.
Pero paano ko aaminin sa mga Valencia na sinamantala ko ang pagtitiwala nila sa'kin? Paano ko aaminin na hindi man direkta, ako pa rin ang nagsanhi ng pagkamatay ni Rachelle?
Hindi man lang kami nagkita ulit.
Hindi man lang ako nakahingi ng tawad kay Rachelle at sa mga magulang niya.
Ipinangako ko sa sarili na tatayong ama ni Andraea kapag dumating ang pagkakataon.
Kaya nang lumapit siya sa'kin, nagtatanong kung magkapatid ba sila ni Atlas ay hindi na ako nagdalawang isip na sabihin sa kanya ang totoo.
"Hindi ko po maintindihan..."
"Rae, patawarin mo 'ko, anak. Naduwag ako!"
Nasa loob kami ng silid nila ni Atlas, parehong nakaupo sa kama, sa gitna namin ang isang lumang sikreto.
"Pa... bakit hindi niyo..." naguguluhang sambit niya.
"Kasalanan ko lahat, anak. Bata pa si Rachelle. Hindi dapat ako nagpadala sa nararamdaman naming dalawa."
Kulang ang paliwanag ko. Kulang na kulang dahil hindi nito maitatama ang mga kasalanan ko.
Biglang tumayo si Rae at tumakbo patungo sa banyo nila ni Atlas at narinig ko agad ang pagsusuka niya.
Gusto ko siyang lapitan at aluin ngunit ang nagawa ko lang ay tumayo sa pintuan ng banyo. Nilinis niya ang sarili sa harap ng lababo bago kami bumalik sa pinaguusapan namin.
"Pa, hindi puwedeng malaman ni Atlas ang totoo..." bulong niya, pulang-pula na ang mga mata sa kakaiyak.
"Kakausapin ko si Bernadette," mariing paninigurado ko kay Rae ngunit umiling siya.
"Hindi ko yata kayang isugal ang reputasyon ng asawa ko, Papa. Ayoko rin na masaktan siya. Ang sabi ni Bernadette ay sasabihin niya kay Atlas ang totoo kapag hindi ako umalis ng La Estrella."
Namumuhi akong isipin na may mga taong kayang mangmanipula ng iba upang makamtan ang nais nila.
"Rae, naiintindihan ko ang iniisip mo pero hindi puwedeng iwan mo si Atlas ng gano'n-gano'n na lang. Sa tingin mo ba hindi ka niya hahanapin?"
Umusog ako palapit sa aking anak para yakapin siya. Mas lalong umiyak si Rae nang hinayaan akong aluin siya. Kung alam niya lang! Kay tagal kong hinihintay ang sandaling ito!
"Ang pagkakaalam ni Bernadette ay magkapatid kami, Pa. Pero hinding-hindi ko kayang sikmurain ang masaktan si Atlas kapag nalaman niyang ama niya ang pinakakinamumuhian niyang tao!" hagulgol ng kaawa-awa kong anak.
Hindi ko na napigilan si Rae sa plano niyang tuluyan nang iwan si Atlas.
Halos mabasag ang puso ko tuwing naiisip ko ang tiyak na paninibugho na parehong mararamdaman ng mga anak ko.
Ano'ng puwede kong gawin? Paano ko tutulungan si Rae? Paano ko ipapaliwanag ang lahat ng ito kay Atlas?
Atlas Salvador's POV
I crumpled the paper and furiously threw it away. I strode towards the cabinets were not even a week ago, our clothes were arranged side by side. Most of her clothes were still there but those that she left were the ones that she never really wore.
Iniwan niya ang lahat ng alahas niya pati ang wedding at engagement rings. Kaunting mga gamit lang din ang dala niya kaya siguradong hindi nagtaka ang mga kasama sa bahay ng umalis siya.
Where is she and what really happened? I'm not buying the crap she wrote, apologizing and reminding me that our year together was up a long time ago.
Hindi ako tanga para isipin na gano'n na lang iyon. Sabihin niya man na hindi niya ako mahal, kilala ko ang asawa ko.
Nang hindi na niya sinasagot ang mga tawag ko kahapon ay nagsimula na akong mag-alala. Tumawag ako sa mansyon pero hindi nila mahagilap si Rae.
Pinapunta ko si Nang Vangie sa bahay nina Nang Tess pero wala rin doon. Nagbakasakali akong sumama siya sa sagingan kay Papa pero hindi rin daw.
"Kailan umalis ang asawa ko?" tanong ko kay Nang Vangie.
"Sir..." Halatang kinakabahan siya dahil ito ang unang pagkakataon na nasigawan ko siya.
Hinilamos ko ang palad sa mukha at pinatawag si Nong Berting.
"Sir, nang nakaraang araw po umalis si Ma'am. Ang akala po namin ay may usapan kayo," nag-aalala rin ang ekspresyon sa mukha ng matanda.
Tangina. Nasaan ka na ba, Rae? Ano ba ang problema? Nawala lang ako saglit, iniwan mo na 'ko?
"Si Papa?"
"Nasa sagingan po si Sir Andres," sagot ni Nang Vangie.
Iniwan ko sila at dali-daling naglakad sa opesina. Hindi ko alam ano'ng uunahin.
Kanino ko pa puwedeng hanapin si Rae? Sa mga kaibigan niya? Hindi siya pupunta sa kanila dahil alam niyang matutunton ko siya. Nakaalis na ba siya ng Iloilo?
"Papa, iniwan ako ni Rae," I spat the words out. I didn't know what to say when I called him but it just spilled out as soon as I heard my father's voice.
Hindi agad siya nakasagot kaya nahimigan kong may alam siya.
"Pa? Alam mo ba kung saan ang asawa ko?"
Nang hindi pa rin siya nakasagot ay ibinaba ko ang telepono at dali-daling lumabas at pinatakbo ang sasakyan patungo sa sagingan.
Muntik na akong maaksidente kaya pinilit ko ang sarili na magdahan-dahan sa pagmamaneho. Mas lalong hindi ko masusundan ang asawa ko kapag may nangyari sa'kin.
Bakas sa mukha ni Papa ang pag-aalala at matinding kalungkutan nang nakarating ako sa plantasyon.
"Pumasok tayo sa opesina, anak."
Sinunod ko ang mungkahi niya at tinapat na siya sa sandaling sarado na ang pinto.
"Pa, ano'ng nangyari kay Rae? Bakit siya umalis? Ano'ng alam n'yo?" sunod-sunod na tanong ko.
"Atlas..." mahinang tugon niya, pinapakalma ako.
"Papa! Tapatin niyo 'ko! Mababaliw na ako kakahanap ng asawa ko!" marahas na sigaw ko.
"Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, anak," marahang usal niya.
"Nagusap ba kayo? May nabanggit ba siyang problema, sama ng loob? Dahil hindi ako maniniwala sa iniwan niyang sulat na hindi niya ako kayang mahalin."
Inabot niya ang likod ko pero winaksi ko 'yon.
"Pa, kailangan kong malaman kung nasaan ang asawa ko." Bawat salita ay binigyan ko ng diin, na para bang may magagawa 'yon para sabihin sa'kin ni Papa ang nalalaman niya.
"Atlas, kung gusto ni Rae na—"
Lumabas ako at iniwan si Papa. Kung hindi niya alam kung nasaan ang asawa ko ay ako na mismo ang maghahanap kung sino ang makakapagturo sa'kin.
"Attorney, wala po talaga kaming balita kung nasaan si Ate Rae," tanggi ni Phoebe.
Kagagaling ko lang sa bahay nina George at ng magpinsang Jolene at Nico.
"Sigurado ka ba, Phoebe? Baka may nabanggit siya?"
Umiling siya at umalis na ako pagkatapos magpaalam.
I dialed my secretary's number as I drove towards Garrett's house. I told her to call all hospitals in Iloilo first then all hotels.
Susuyurin ko ang buong mundo bago ako mawalan ng pag-asa.
Bigo ako nang narinig ang sagot ni Garrett.
"Please call me anytime if you hear from Rae. I would really appreciate it," I asked, handing him my calling card.
"Huwag n'yo ho sana masamain, Attorney. Pero bakit po umalis si Rae?"
Hindi ko gusto ang tono niya, lalo na ang tingin niya na para bang sinisisi niya ako. Para bang hindi na nakakapagtaka na iniwan ako ng asawa ko.
From the first moment I met this boy with my wife, I had immediately felt his interest in her. I resent that he's implying my wife had reason to leave me.
"Kahit ipaliwanag ko, hindi mo maiintindihan. Pag nag-asawa ka na, baka sakaling makuha mo."
Hindi na ako dapat pumatol. Ngunit sa sobrang balisa ko kay Rae ay hindi ko na halos makontrol ang sarili ko.
"Kung sakaling mag-asawa man po ako, Attorney. Sisiguraduhin kong wala siyang dahilan para iwan ako."
Bumuhos sa'kin ang tensyon ng paghahanap kay Rae kasama na ang galit at pag-aalala at sa sandaling 'yon ay nakalimutan ko ang sarili at sinuntok si Garrett.
Gumanti rin siya ng suntol at hindi ko namalayan, may mga tao na palang tumakbo para pigilin kami.
Bigla ay narinig ko ang tinig ni Papa. Hindi ko napansin na nasundan niya na pala ako.
Pinaglayo nila kaming dalawa ni Garrett at galit na galit si Papa nang sinigawan ako para pumasok sa kotse ko.
Kinausap niya si Garrett at ang pamilya nito. Siguro ay kinukumbinsi niyang 'wag akong ihabla pero wala akong pakialam.
Ilang minuto pa ang lumipas ay pumasok na rin sa kotse ko si Papa. Sinenyasan niya ang kasamang katiwala para imaneho ang dala nilang kotse at lumayo na kami sa bahay nila Garrett.
"Nahihibang ka na ba? Gusto mo bang itapon ang karera mo?" bulyaw niya sa'kin.
Karera? Ano pa ang silbi nito at lahat ng naipundar ko kung sa huli ay hindi pa rin pala ako sapat para kay Rae?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top