PART II

April 2002

Atlas's POV

(Extracts of Rae's letters to Atlas)

June 1994

Atlas,

Pasensiya ka na kung ngayon lang ako nakapagsulat. Kinagagalak kong sabihin sa'yo na tuluyan nga akong nakapag-enroll sa kolehiyo! Nagsimula na rin si Nanay magturo sa dating paaralan ko. Huwag na kayong mag-alala ni Nong Andres sa kalagayan namin dahil maayos kami. Pakisabi na rin sa Papa mo na maraming salamat sa pagpapadala ng bayad ng mga umuupa sa bahay.

Sumulat sa akin si Marion at nagulat ako sa ikinuwento niya na si Sunshine pala ang naglagay ng pitaka ni Mrs. Nervais sa bag ko. Sabi niya rin, ikaw ang nagpumilit kay Mrs. Villalobos na gumawa ng imbestigasiyon tungkol doon.

Masaya man ako na nalinis ang pangalan ko, sana hindi ka na nag-abala pa na alamin, Atlas. Alam kong marami ka pang ginagawa at hindi dapat ang nangyari sa akin ang pinagtutuunan mo ng pansin.


December 1994

Congratulations for being part of the Dean's List once again! Kunsabagay, hindi na rin ako nagulat sa balita mo dahil alam kong matalino ka at masipag din mag-aral. Kaya ka nga gustong-gusto ni Apple Pie eh!

Siyanga pala, nabanggit nina Danica na nakatanggap ang nakababatang kapatid niya ng iskolarship mula kay Mayor Leandro Aragon. Nakakatuwa naman isipin na nanalo pala siya sa halalan at mukhang mas lalong marami pa siyang matutulungan.

Naipasa niya rin ang magandang balita na tuluyan na nga na nakapasok si Kuya JP bilang pulis sa La Estrella.

Lumipat na kami ng bahay pero nakalakip dito ang bago naming adres. Nagkaroon kasi ng mas magandang trabaho si Nanay sa isang malaking paaralan kaya minabuti naming maghanap ng tutuluyan na malapit lang doon.

Pasensiya ka na at hindi na kami matutuloy sa pag-uwi sa pasko sa La Estrella. Abala na rin ako sa pag-aaral at para makatipid na rin kami sa mga gastusin.


December 1995

Merry Christmas!

Hindi ko natanggap ang huling sulat mo dahil wala na kami sa dating tinutuluyan namin, Atlas. Dito mo na lang ipadala ang mga sulat mo. Hindi kasi kami gan'on ka komportable sa dating inuupahan namin. Pero sa tingin ko naman ay mas tatagal kami sa bagong nirerentahan namin. May espasyo sa harap ng bahay na puwedeng lagyan ng mga halaman kaya puwede na kaming mag-alaga ulit ng mga rosas!

Pareho kaming nabigla ni Nanay sa nasabi mo nang nakaraang sulat mo na nagpakasal si Bernadette kay Don Leandro. Naiintindihan ko rin kung bakit iniisip mo na napilitan lang ang kaibigan mo, Atlas.

Nasa tamang edad na si Bernadette at kung ayaw niya ay walang makapipilit sa kanya. Nagsisisi ka ba na hindi mo siya niligawan? Nanghihinayang ka ba na hindi kayo ang nagkatuluyan? Marami pa namang ibang babae riyan, Atlas. Mas maganda kung abogada rin ang magiging girlfriend mo.


March 1996

Happy Graduation Day!

I know how hard you've worked for this day and finally, you're at the brink of fulfilling all your dreams. Every sacrifice and hardship finally bore fruit, Atlas.

Next year, ako naman ang ga-graduate.

Know that we are so proud of you.


"Attorney, magsisimula na po ang conference n'yo in ten minutes," tawag ng sekretarya kong si Cherry.

"Susunod na ako," sagot ko sa kanya.

I stared at Rae's last letter glumly again. It wasn't even a letter; just a pathetic little card that congratulated me on my graduation day from law school.

She wrote me four fucking letters from 1994 to 1996. The card was the last one. I wanted to ask her why she stopped writing, why she just stopped answering my letters.

Dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nawalan kami ng komunikasyon. Ano'ng nangyari? May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan? May narinig ba siyang chismis tungkol sa akin? Imposible 'yon dahil hindi naman ako nagkaroon ng nobya nang nag-aabogasya.

Kaya bakit, Rae?

I would not have taken those letters out today if it wasn't the anniversary of the first night that we met all those years ago. I returned the letters inside my drawer and straightened my tie before leaving my office to get on with my meeting.

The day passed quietly albeit busily. It was all routine though. Such was the work of a corporate lawyer. I had planned to delve on criminal law, when I younger but changed my mind because the plan was to climb up the soonest possible way.

It has been six years since I graduated from law school– top of my class of course. I didn't make it to the top 10 of the bar-exam takers but that was around the time I finally faced the fact Rae had cut me out from her life.

Still, that didn't stop me from getting accepted into one of the most lucrative law firms in Panay. It has only been four years since I started working for them but I know I will be a partner in the near future. They know how driven and committed I am to my work. Still, there are moments when I long for the excitement of being a criminal lawyer.

I drove with the side windows down, letting the pleasant afternoon breeze fill the car.

Presently, I arrived at the gate of one of my properties– a 2500 sqm lot that I acquired just a couple of years ago.

"Good evening, Attorney!" magalang na bati ng katiwala kong si Nong Berting na nagmadali pa upang buksan ang trangkahan ng gate.

"Magandang gabi po," ganting-bati ko.

Si Nong Berting at ang apong binata ang siyang hardinero na nag-aalaga sa mga tanim na bulaklak na nakapalibot sa lupain.

Mayroon kaming puti at kulay rosas na sea lavender pero pinakamarami at pinakamaganda ang kulay lila. Paboritong bulaklak 'yon ni Rae sabi ni Lola Lourdes sa akin dati.

Kahit papaano ay may regular na kumukuha ng mga bulaklak kaya napapakinabangan din ang mga ito. I've considered turning the garden into a proper business venture but I know I don't have the time for that. Sa ngayon ay masasabi kong libangan kaysa negosyo ang mga bulaklak. Si Papa naman ang nananatili sa sagingan na nasa kabilang dako ng La Estrella.

Kung ako ang tatanungin ay mas gusto ko na ipagkatiwala na lang sa tauhan namin ang sagingan pero ang sabi ni Papa ay gusto niyang siya ang mamahala. Kungsabagay, hindi na rin siya masyadong nagpapagod at namamahala na lang siya.

The bulk of my income relied heavily on the banana farm that my father and I started shortly after I joined the law firm, though. Kung hindi naging matagumpay ang farm na 'yon ay hindi ko mabibili ang lupa at bahay ko ngayon.

Sa pinaka-dulo naman ng property ay ang antigong bahay na dating pag-aari ng mga Canarejo bago ko binili sa kanila ang lupain nila.

I wanted to tear the old house down and build a more modern one, but it was financially impossible at that time. I had loaned money from the rural bank and barely had enough to buy everything. It was a good thing that JP, my closest friend, spoke to his uncle, Don Simon Canarejo on my behalf.

As my finances slowly stabilized due to the income that the banana farm brought in and my own earnings, I began to change my mind about the house.

After all, it was finely built and thus, its foundation and original wood has kept well. Restoration has been done a little and it will require more, over the next few years but I don't mind. Neither does Papa, who's fond of it due to its resemblance to his childhood home when the Salvadors still had money.

Most of the money I earned was invested and fortunately, all is going well for me. Financially, that is. People think I'm very successful. I'd be a liar if I claim I'm not, but it's not as easy as they suppose.

Ilang beses ko na rin naisipan na ibenta ang bahay at lupa pero kinumbinsi ako ni Papa na sayang ang nasimulan na. May isang taon din na halos malubog kami sa utang sa sagingan pero sa wakas ay nakabawi rin. Malaki rin ang naitulong ng isang investor namin na naninirahan sa Estados Unidos.

Nang bilhin ko ang lupa at bahay kay Don Simon ay umalis na rin sila ng buong pamilya niya para manirahan sa Amerika. Doon niya nakilala si Mr. Ernesto Araneta, hanggang sa napag-usapan nila ang sagingan at naengganyo si Mr. Araneta na maging investor dito.

Dahil sa pera niya ay nakapag-acquire kami ng delivery truck.

Umaasa ako na balang araw ay makakatulong ang sagingan para masimulan ko ang karera na nais pagtuonan ng pansin.

"Sir, good evening. Kanina pa po kayo hinihintay ni Nong Andres," bungad ng katulong namin na anak din ni Nong Berting.

"Bakit, Vangie? Ano'ng nangyari?"

"Wala naman po..." sagot niya na may pag-aatubili.

"Vangie?"

"May tumawag po kani-kanina. Hindi ko po alam kung sino 'yon dahil si Nong Andres ang nakasagot. Pero nag-iba po kasi ang timpla niya matapos ibaba ang telepono," litong sagot ni Vangie sa'kin.

Dumiretso ako sa ikalawang palapag ng bahay at kumatok sa pintuan ng silid ni Papa.

Napansin ko agad ang lungkot sa mga mata niya nang binuksan niya ang pinto.

"Atlas, si Rae..."

Author's Note:

*I purposely made the year of election inaccurate as I want to emphasize the story and the basis of the story and its characters are purely fictional and not pertaining to any public servant or ordinary person

Dedicating this chapter to a very sweet and thoughtful friend who hasn't forgotten me even after winning WattysPH 2020! <3 Check out her stories po, you'd love them especially if you're fond of time-travel themed works. Although, HisFic 'yon, hindi dragging ang narration! Gora!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top