PART I

One

April, 1993

Rae's POV

To call the place a basketball court was a stretch. But then again, by La Estrella's standards, it's probably already sophisticated.

Sementado ang sahig at may mga ring naman sa magkabilang dulo. Napapalibutan ng rattan na mga dingding para hindi makapanood ang mga hindi naman nagbayad ng entrance fee.

I reached to swat a mosquito that landed on my knee and sighed in irritation. Hindi na dapat ako nag pa-uto kay Apple Pie na sumama para manood ng basketball. Kunsabagay, ayoko rin naman mag mukmok sa bahay kaya ano pa nga ba.

The crowd cheered on, but I wasn't even paying attention.

"Umuwi na tayo," aya ko sa katabi.

"Ano ka ba, Rae. Kaunti na lang, matatapos na ang unang laban!" protesta niya na hindi man lang tinatanggal ang mata sa mga naglalaro.

Paano ba naman kasi, gustong-gusto niya manood dahil kasalukuyang naglalaro ang dalawang crush niya.

"Ang galing mo, Joey!" Apple Pie screamed, making me cringe. Lalo na nang sinabayan pa siya ng pinsan niyang si Cherry na katabi niya rin.

"Lalabas muna ako ha, bibili lang ako ng fishball," sabi ko sa kaniya.

She impatiently nodded at me and I slowly made my way out just as the referee whistled, signifying the end of the game. Panalo ang team no'ng crush ni Apple Pie. Hindi ako nagmamadali dahil alam ko naman na hindi pa siya uuwi. May isa pang susunod na laro at may crush din siya sa team na 'yon — si Oscar naman.

Kung may iba lang akong puwedeng maging kaibigan sa La Estrella ay hinding-hindi ako makikipagkaibigan kay Apple Pie. Don't even get me started on her weird name. Wala siyang ibang alam kung 'di ang maghanap ng guwapo. Hindi niya ba naisip na walang silbi ang guwapo kung mas mahirap pa sa daga at wala ring pangarap sa buhay?

Aside from Apple Pie and Cherry, most of our neighbors are kids who are at least five years younger than me. Masyado na akong matanda para makipagbahay-bahayan.

Nagtungo ako sa labas ng basketball court, at bumili agad ng fishball. Hindi rin naman ako interesado sa susunod na laro o sa mga manlalaro tulad ni Apple Pie kaya nagpasya ako na uminom na rin ng softdrinks, pamatay oras.

Huminto ako sa harap ng isang tiyangge o sari-sari store at umorder ng Sprite.

"Upo ka muna rito, Neng. Ikaw ba ang bunsong anak ni Sylvia?" tanong ng may katandaan nang tindera.

"Opo," magalang na sagot ko at sinunuod na nga ang mungkahi niya.

"Unang beses mo makadalaw rito sa La Estrella, ano?" usisa niya.

"Ah opo."

"Kamukhang-kamukha mo ang ate mo," komento niya na mariing nakatingin pa rin sa akin.

"Sabi nga po ng mga magulang ko."

"Kumusta na pala ang kalagayan ng nanay mo?"

"Ayos naman po."

Isang linggo na mula nang dumating kami sa La Estrella para mailibing ang mga abo ni Tatay sa bayang pinagmulan niya.

"Kawawa naman si Sylvia. Namatayan na ng anak at asawa," naiiling na saad ng tindera.

"Paki-plastik na lang po ng tirang Sprite " sabi ko sabay abot ng bote sa kaniya.

Pagkatalikod ng tindera ay hindi ako nag-aksaya ng oras, agad kong binuksan ang garapon na may lamang sigarilyo malapit sa bintana ng tindahan nang may humawak bigla sa kamay ko.

Shit!

Tumingin agad ako sa kaniya at pareho naming mabilis na inilabas ang mga kamay namin bago pa mapansin 'yon ng tindera.

Nakangiting inilahad sa'kin ng tindera ang plastik na may lamang sprite. "Ito na, Ne."

"Sa... salamat po. Ito po ang bayad," medyo nauutal na sabi ko dahil nasa tabi ko pa rin 'yong lalaki. Ang masama pa, namukhaan ko siya kaya malamang namukhaan niya rin ako.

"Ay kulang 'to ng dos, Neng."

Tarantang kinapkap ko ang bulsa para tingnan kung may pera pa ako.

"Ito na po, Nang Lita."

Napaangat ang tingin ko sa lalaki na nag-abot ng dalawang piso.

"Ikaw si Atlas, 'di ba? 'Wag kang mag-alala, babayaran kita. Doon lang ako nakatira—"

"Sa tapat ng bahay nila Apple Pie," pagdugtong niya sa sinasabi ko.

I frowned at him and raised an eyebrow. "Paano mo nalaman?"

Kailangan kong magkunwari na hindi ako natatakot sa nakita niyang akmang gagawin ko sana. Dahil kung gusto niya akong isumbong sa tindera, hindi ba dapat ginawa niya na?

"Gabi na. Ihahatid na kita pauwi," sabi niya sa isang boses na klarong sinasabi sa'kin na masusunod ang kagustuhan niya.

I've seen him outside their house which wasn't very far from ours. Apple Pie had pointed him out to me, saying that he's the handsomest boy in town. Daw.

Tuluyan na kaming lumabas patungo sa daan. Kaunti lang ang tao dahil maraming nasa loob ng court pero may mangilan-ngilan pa rin na bumati sa kaniya at sa pagkapanalo nila.

Pareho kaming tahimik habang naglalakad. Napagtanto ko na nakakapagtaka na mukhang uuwi na siya.

"Hindi ka ba hahanapin doon? Puwede namang bukas na lang ako magbayad. 'Di ko tatakbuhan ang utang ko."

"'Wag mo na akong takasan dahil hindi pa natin napaguusapan ang ginawa mo," malamig na sagot niya.

Lalo akong kinabahan nang tumigil kami sa tapat ng kawayang gate nila na namukhaan ko dahil laging kinikilig si Apple Pie kapag napapadaan kami roon.

"Ba't tayo nandito?" tanong ko nang binuksan niya 'yon at hinila ako papasok.

"Bakit? Gusto mong marinig ng ibang tao na magnanakaw—"

Tumingkayad ako para maabot ng kamay ang bibig niyang tinakpan ko agad.

"'Wag ka ngang maingay!"

Maliit lang ang bahay nila. Gawa 'yon sa kahoy pero mukhang matibay naman. Pinapasok niya ako sa loob at seryoso kaming umupo sa sala.

"Nasaan ang tatay mo?" tanong ko dahil takot akong may makarinig na matanda sa siguradong panenermon ng lalaking ito sa akin.

" 'Wag kang mag-alala at wala pa siya rito. Bakit ka magnanakaw ng sigarilyo kanina?"

I frowned heavily, not wanting to answer but knowing I don't really have a choice. I owe him for not snitching on me. Isa pa ay baka isipin niyang magnanakaw talaga ako.

"Gusto kong manigarilyo," sagot ko na parang wala lang.

This time, his stoic expression hardened a bit in anger. Tama si Apple Pie. Guwapo pa rin siya kahit mukhang masungit.

"Una, masama ang magnakaw. Pangalawa, hindi ka dapat naninigarilyo. Masama 'yon sa kalusugan at ang bata-bata mo pa."

"Alam ko naman eh," sagot ko. Naiirita na ako at gusto ko nang umuwi.

"Ikaw pa ang matapang? Eh kung pumunta kaya tayo sa Nanay mo, sabihin natin ang nakita ko kanina?"

"Please, 'wag," ayoko man magmakaawa pero 'yon na nga ang ginawa ko. "Ayoko na dumagdag sa mga iniisip ni Nanay. At saka, unang beses lang naman 'to. Hindi ko na uulitin, pangako, Kuya."

Itinaas ko pa ang kanang kamay ko para makita niya ang sinseridad ko.

He stared coldly at me for a moment longer as I squirmed under his gaze. Hindi ba siya magpapaawat at isusumbong niya talaga ako?

"Fine. Hindi ko sasabihin sa Nanay mo. Pero kapag may ginawa ka pang kabulastugan, humanda ka talaga. At 'wag na 'wag kang magpapahuli sa'kin na naninigarilyo, Rachelle."

This time, it was I who got angry. "Hindi Rachelle ang pangalan ko," inis na turan ko sa kanya.

"Hindi ba? Narinig kitang tinawag ng nanay mo na Rachelle ah? Sa simbahan?"

"Pangalan 'yon ng Ate ko. Rae ang pangalan ko," I replied through gritted teeth. I'm sure he's telling the truth when he said he heard my mother call me by that name, but it doesn't make me less mad.

"Okay, Rae."

He must have sensed I was really irked because his expression softened.

"Sorry kung sinupladahan kita. Hindi mo naman kasalanan kung napagkamalan mong 'yon ang pangalan ko,' I explained.

"Kung ayaw mo na tinatawag ka ng Nanay mo sa pangalan ng ate mo, dapat sabihin mo sa kaniya."

Hindi na ako sumagot dahil hindi naman gan'on kadali 'yon. Dise-otso lang si Ate Rachelle nang namatay sa sakit na leukemia. Kung nakakagaan sa sakit na dulot n'yon ang paminsan-minsang pagkakamali ni Nanay ng tawag sa'kin sa pangalan niya ay tatanggapin ko.

Inobserbahan ni Atlas ang expresyon ko at nang napagtanto niyang hindi ko sasagutin ang sinabi niya ay tumayo na siya.

"Ihahatid na kita at baka nag-aalala na ang Nanay mo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top