FOUR

Nang sumunod na mga araw ay inaya ko nga si Apple Pie na pumunta kami sa bahay ni Lola Lourdes.

"Takot ako sa matandang 'yon!" protesta niya.

"Huh? Bakit?"

"Mukha siyang aswang!" seryosong pahayag niya sa isang malakas na bulong.

"Hindi ah! Ang tanda mo na nagpapaniwala ka pa sa mga ganyan! At saka ang bait nga niya sa'min ni Atlas."

"Doon pala kayo pumunta matapos no'ng planting? Hinanap ni Nong Andres at ni Bernadette si Atlas," komento niya.

Nanonood na naman kami sa mga batang naglalaro sa ilog habang nag-uusap. Tingin ko ay maganda yata ang naging karanasan niya kasama si Joey dahil hindi siya interesadong pag-usapan si Atlas.

"Ano, sasama ka ba?" tanong ko ulit.

"Ayoko! Dadalo na lang ako sa flores. May pakain pa roon."

"Flores?" takang baling ko sa kaniya. Nakalimutan yata ni Apple Pie na hindi ako pamilyar sa mga tradisyon ng La Estrella.

"Flores de Mayo, 'di mo alam?" pang-aasar niya.

I only rolled my eyes. For someone who's repeated Grade 4 twice and probably never heard about Jane Austen, this girl can be maddeningly arrogant at times.

"Ano nga?"

Tumawa muna siya bago sumagot, "Kapag Mayo, nangunguha ang mga bata ng bulaklak, inaalay 'yon sa Birheng Maria sa kapilya tuwing hapon. Nandoon si Nang Amparo na nagtuturo ng katekista at mga kanta patungkol kay Mama Mary."

Tumango na lang ako at hindi na nagtanong kung puwede ba akong sumama.

"Sama ka?" she asked in a way that made it obvious she didn't really want me to.

"Hindi na. Ayos lang," tipid na sagot ko.

Pagsapit ng alas tres y media ay naglipit na ako para umalis ng bahay. Nakapagpaalam na rin naman ako kay Nanay kagabi.

Pagbaba ko sa hagdan mula sa ikalawang palapag ng bahay namin ay nadatnan ko si Nong Andres na kausap si Nanay sa sala.

"Magandang hapon po," bati ko na medyo naiilang. May kaunting kaba rin dahil hindi ko pa rin nakakalimutan ang kasalanan ko na alam na alam ng anak ni Nong Andres.

"Magandang hapon."

"Anak, ito si Andres. Tatay ni Atlas. Kababata niya ang Ate Rachelle mo. Parang kuya na rin siya ng kapatid mo," pagpapakilala ni Nanay.

I was a bit surprised at that information as my parents hadn't really told me anything much about La Estrella when we were in Manila.

"Talaga po?"

"Oo. Kaibigan ni Rachelle si Andres at si Milagros na... na nanay ni Atlas," dagdag pa ni Nanay. Napansin ko agad na medyo nailang si Nanay sa pagbanggit sa pangalan ng mama ni Atlas.

"Mas matanda lang kami ni Mila kay Rachelle pero oo... magkababata nga kami," sang-ayon ni Nong Andres at ngumiti siya kaya hindi ko na pinansin ang pagka-ilang ni Nanay kanina.

"May lakad ka?" tanong ni Nanay na napansin ngang palabas ako.

"Opo. Nagpaalam na po ako sa inyo kagabi."

"'Wag kang magpapa-gabi," bilin niya at tuluyan na akong lumabas.

🌙⭐

"Kung gano'n bakit hindi n'yo po sinagot si Jacinto, La?" tanong ko sa matanda sabay lingon sa kaniya.

Kasalukuyan kong dinidiligan ang mga tanim niyang mga gumamela pero nilapag ko muna ang latang gamit para makinig nang mabuti sa kuwento niya.

"Halika nga rito," tawag niya sa'kin kaya tuluyan akong lumapit sa ilalim ng punong santol kung saan siya nakaupo.

"Ikuwento n'yo na, Lola! 'Wag n'yo na akong bitinin!" gigil na saad ko.

"Hindi ko tinanggap ang pag-ibig ni Jacinto dahil hindi kami mayaman tulad nila. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng medisina noon."

"Huh? Eh ano naman po ang problema roon?"

"Kung sakaling sinagot ko siya, Ne, hindi na sana siya pinagpatuloy sa pag-aaral ng mga magulang niya. Magsasaka lang ang mga magulang ko at wala akong maiaambag sa pamilya nila. Isa pa ay na-tsismis pa noon na anak ako ng Inang sa ibang lalaki at hindi sa Tatang."

I couldn't believe how calmly she told her sad story. Akala ko pa naman sa mga telenovela lang nangyayari ang mga bagay na 'yon.

I started to get really sad and took Lola Lourdes's hand in mine.

"Huwag kang maluha, Ne. Hindi naman naging masalimoot ang buhay ko. Maligaya naman ako nang ikinasal kay Jose at naging masaya rin ang buhay namin," she explained patiently and even smiled at my tears.

"Si Jacinto po?" tanong ko na may kasama pang hikbi.

"Ahhh naging Sekretarya siya ng Departamento para sa Kalusugan," she said slyly and winked at me. Is she serious?

Tumuwid ako sa pagkakaupo at humarap sa kaniya.

"Totoo po, Lola?"

"Oo! Hindi ba, nakalulugod? Nawala sa akin si Jacinto pero naipagkaloob ko sa mundo ang dakilang si Doktor Clavecillas," she said with obvious pride and joy.

"Pero... kahit na po..." sabi ko na patuloy pa rin sa pagluha.

"Hayaan mo na, Ne. Ang importante, hindi man kami nagkatuluyan ng aking minamahal, naging parte ako, kahit kaunti lamang ng kanyang tagumpay."

"Rae?"

🌙⭐

Naisip ko ang reaksyon ni Atlas kanina nang nadatnan akong umiiyak. Agad naman na nagpaliwanag si Lola Lourdes na naantig lang ako sa kaniyang kuwento pero hindi mapakali si Atlas at iniisip na may problema ako.

May mga bumabagabag nga sa akin pero walang kinalaman 'yon kanina. May mga bagay akong naisip simula nang dumating kami rito sa La Estrella pero hindi pa ako handang isatinig ang mga 'yon.

Pagpasok ko pa lang sa bahay ay nakita ko agad na maganda ang modo ni Nanay dahil nakapagluto na siya ng hapunan kahit alas sais pa lang.

"Anak, may maganda akong balita!"

Sa isang sandali ay kinabahan ako at baka sabihin niyang nakahanap na siya ng bagong uupa sa bahay. Ilang linggo pa lang kami rito sa La Estrella at talagang kakaiba ang buhay rito kumpara sa buhay namin sa Maynila pero mas gusto ko na yata rito. Nagtataka nga ako bakit pinili ng mga magulang ko ang manirahan sa Maynila kahit na mas madali naman yata ang pamumuhay rito sa probinsiya.

"Ano po 'yon?"

"May nakausap akong interesado sa mga burdang gawa ko!"

This was the most animated that she's been in a year, so I was thrilled for her.

"Talaga, Nay? Sino raw po?"

"Kumpare ni Andres na taga kabilang bayan. Ikakasal ang dalagang anak sa susunod na taon at ang nais na iregalo nilang mag-asawa ay mga kobre-kama, punda at mga kurtina na may burda ko."

I frowned a little when I realized it was a big project.

"Ayos lang po ba 'yon, Nay? Hindi kaya mapuruhan ang mga mata n'yo?"

"Itong batang ito parang matanda mag-isip. Kaya ko, anak! Papatingnan ko na lang sa bayan ang salamin ko kung kailangan na bang palitan pero palagay ko ay ayos pa naman."

"Kayo po ang bahala."

Nang nilisan namin ang siyudad ay hindi namin alam kung paano pa kami makakabalik. Dala man namin ang kakarampot na mga pag-aari namin ay hindi namin sigurado kung magtatagal ba talaga kami sa La Estrella.

"May sarili tayong bahay rito kaya hindi na tayo magbabayad ng upa. Isa pa, sa tingin ko kasya pa naman ang naitabi namin ng Tatay mo para sa atin dito sa La Estrella dahil kaunti lang naman ang gastusin natin."

"Kaya po ba natin, Nay?"

"Kakayanin. Itong batang ito, parang matanda kung magsalita! Ako na ang bahala, anak," wika niya at bahagya pang natawa.

I nodded slowly but knew I wouldn't stop worrying. Hindi sanay sa trabaho si Nanay maliban sa gawaing bahay dahil kahit nagtapos din siya sa kolehiyo bilang guro ay hindi siya kailanman pinag-trabaho ni Tatay.

Hanggang saan kaya ang itatakbo ng pera namin? Kung babalik kami sa Maynila, mas maraming oportunidad na makapagtrabaho kaming dalawa roon pero anong trabaho?

"Nag-aalala na naman ang anak ko! Alam mo anak, maaga kang tatanda niyan. Baka magkakulubot ka na wala ka pang dise-sais!" sabi niya at hinawakan pa ang pisngi ko.

Iwinaksi ko muna ang mga iniisip at pinilit ang sariling ngumiti.

"Rachelle, alam mo ba, binigyan na nila ako ng paunang bayad kaya puwede ka nang mag-enroll dito sa pasukan!"

She sounded so pleased she has something to take away my sadness that I didn't have the heart to be angry at her for calling me Rachelle once again. You'd think after being called Rachelle almost all my life I'd be used to it, but I'm not.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top