FIVE
Masaya ako sa naging balita ni Nanay pero hindi mawala sa isip ko na imposibleng kayanin ang mga gastusin namin kung aasa lang kami sa kikitain niya sa pagbuburda. Isang transaksyon lang 'yon at kapag natapos na 'yon ano na ang gagawin namin? Gusto niyang subukan na mag-apply sa isang pribadong paaralan dito sa La Estrella pero paano siya makakapasok kung wala siyang karanasan sa pagtuturo?
Pinilit kong tanggalin ang mga alalahanin sa isip ko at pinagpatuloy ang pagputol sa mga mayayabong na sanga ng rosas na kumapit na sa gate namin.
The branches had climbed and formed a lovely but prickly arch. It now bloomed and the blood red hues lent color to the otherwise somber wooden gate.
We've only been here for a month and yet my mother had already done wonders to the garden which the renters had long neglected. Already, the roses around the house have been pruned although the ones near the gate had been left for me.
A neat trellis had been made for the squash and tomatoes and there were a couple of okra plants growing nicely beside three saluyot stalks. She said the renters had sadly chopped her malunggay tree, but she'd planted one again from the cutting that Nong Andres had given her a few weeks ago.
Tending the garden had cheered my mother considerably.
I frowned as I gripped the bolo. Since the handle had broken earlier, I knew I was going to get blisters in an hour or two.
"Rae?"
Nasorpresa ako nang narinig ang tawag ni Atlas lalo nang nakita ko sila ng tatay niya sa labas ng gate kaya naman hindi ko namalayan ang pagkatusok ng isang tinik mula sa isang sanga.
"Aray!"
"Ayos ka lang ba, Rae?" tanong ni Nong Andres at siya na mismo ang nagbukas ng gate para makapasok sila.
"Okay lang po!" sagot ko agad. Totoo naman. Sanay akong masugatan sa kamay lalo na nang nahilig akong asikasuhin ang lumang hardin.
"Ako na ang tatapos," sabi ni Atlas sabay kuha ng bolo sa'kin.
Tiningnan ko lang siya at sinamahan si Nong Andres papasok ng bahay.
"Mahilig ka rin pala sa mga rosas tulad ng Ate Rachelle mo," komento ni Nong Andres kaya napatingin ako sa kaniya at nakita sa ekspresyon ng mga mata niya ang pag-alala kay Rachelle.
Ang totoo ay hindi naman talaga rosas ang paborito kong bulaklak. Siguro dahil 'yon na ang gusto ng lahat at 'yon din ang paborito ni Ate. Mas gusto ko ang sea lavender o statice; kulay lila 'yon at hindi kumukupas ang kulay kahit matagal na. Kaya lang sa tingin ko hindi na interesado si Nong Andres sa sasabihin ko.
"Uh... opo. Nay! Si Nong Andres po, nandito."
Iniwan ko sila sa sala para makapag-usap at bumalik sa kinatatayuan ni Atlas.
"Ako na riyan!" sabi ko na aagawin pa sana ang bolo.
"Hindi ka naman marunong eh."
"Marunong ako, 'no! Sa tingin mo, sino ang pumutol sa mga ligaw na puno ng kakawate riyan sa gilid?" tanong ko sabay nguso sa isang bahagi ng hardin. Nang umalis kasi ang mga dating nangungupahan ng bahay at umuwi kami sa La Estrella at dismayadong napagtanto ni Nanay na napabayaan nga ang dating pinaka-aalagaan niyang hardin.
Atlas looked like he didn't believe my claim, so I rolled my eyes.
"Sabi ni Papa mag-aaral ka raw rito?" sa halip ay tanong niya.
"Uh... oo."
"O, bakit 'di ka yata masaya? Bakit? May naiwan kang boyfriend sa Manila?"
"Ano? Fifteen years old pa lang ako!" sagot ko sabay tawa.
"Buti naman. Ang bata-bata mo pa," saad niya na may kasama pang pag-iling.
Pumasok kami pagkatapos iligpit ang bolo at iba pang gamit sa hardin at naghugas na ng kamay para pagsaluhan ang kape na timpla ni Nanay at pandesal na dala naman ni Nong Andres at ni Atlas.
"Excited ka na ba mag-aral ulit, Rae?" tanong ni Nong Andres.
"Uhhh... opo. Malapit lang po ba ang paaralan dito? Puwede po kaya lakarin?"
Kung puwedeng lakarin ay makakabawas din 'yon sa gastusin.
"Nako hindi puwedeng lakarin! Pero puwede ka namang sumabay sa'kin," alok ng Papa ni Atlas. Oo nga pala at jeepney driver siya.
"Itong si Atlas, Andres? Ipagpapatuloy ba niya ang abogasya o magta-trabaho na?" tanong ni Nanay.
Nakinig ako nang maigi dahil ang pagkakaalam ko ay kaka-tapos lang ni Atlas sa unang taon niya sa law school.
"Ang sabi ko nga po ay magpatuloy sa pag-aaral. Kaya pa naman."
"Pa, nakapag-usap na tayo," tahimik na sagot ni Atlas.
"Sayang naman at may scholarship naman itong anak ko, Rae. Tulungan mo nga akong kumbinsihin itong magpatuloy sa abogasya," biro ni Nong Andres.
Napakurap ako sa tinuran ni Nong Andres.
"Nako, napakatalino talaga ng anak mo, Andres. Sayang nga naman," komento ni Nanay.
"Sayang din po kasi ang trabaho na naghihintay sa'kin sa city hall kahit hindi pa regular. Gusto ko na po sanang makatulong kay Papa."
I suddenly remembered Apple Pie mentioning that Atlas's father was in an accident the year before and his leg hadn't really healed properly. It got so bad sometimes, he has to stop from driving and rest. He wouldn't earn for the rest of the day then.
"Puwede ko rin po sigurong pagsabayin ang pagta-trabaho at pag-aaral kung sakali," dagdag ni Atlas.
"Alam kong nabiyayaan ka ng Panginoon ng katalinuhan pero iba pa rin ang nakatuon ang buong pansin mo sa pag-aaral, anak. Huwag mo akong indahin at kaya pa kitang igapang nang ilang taon pa," sagot ni Nong Andres at sinamahan pa nang marahan na tawa.
Hindi na umimik pa si Atlas kung kaya naman unti-unting napunta sa ibang bagay ang usapan.
🌙⭐
Nagdasal kami ni Nanay bago matulog. Gabi-gabi ay ginagawa namin 'yon. Hindi ako kailangan pang paalalahanan ni Nanay dahil ako mismo ang nag-aaya sa kaniyang magsimula ng magdasal pagsapit ng alas diyes.
She probably thinks I'm a pious and filial daughter. I am not. I pray to ease the guilt I feel for half hating my father even in death.
Sikat si Tatay sa pribadong paaralang pinagta-trabahuhan niya dati at kung saan din ako nag-aaral bago siya mamatay dahil isa siyang magaling na guro sa Ingles.
Marami ang may paborito sa kaniya kung kaya kahit ang matalik kong kaibigan na si Mary Grace ay hindi maintindihan kung bakit hindi ako malapit sa aking ama.
"Matalino ka naman kaya't hindi ko alam bakit laging pasang-awa lang ang grades mo," komento ni Grace nang unang taon namin sa hayskul.
I remember grimacing jokingly because she wouldn't understand. She wouldn't know what I mean even if I tell her that it's the only way to get my father's attention. She wouldn't understand if I tell her my father treats me like a faulty replacement for my dead sister.
My father was seething when he saw my progress report card. I toed the line of course— there were no red marks, but I made sure not to get a grade that was higher than 80.
Pag-uwi namin sa bahay ay galit na ipinakita niya kay Nanay ang mga grado ko.
"Nakakahiya ang anak mo! Anak ng guro pero hindi man lang makakuha ng maayos na marka!"
Tahimik lang akong pumasok sa kuwarto.
Nang elementarya ay palagi akong kasama sa top 10. Lahat ng extra-curricular activities na walang gastusin ay sinalihan ko. Pero ni minsan ay wala akong narinig na puri galing kay Tatay. Kahit isang beses hindi niya nasabi sa'kin na kinagagalak niyang maging tatay ko.
Tulog na si Nanay nang nagpasya akong umupo sa labas ng pintuan ng bahay namin. Alas diyes y media pa lamang pero tahimik na sa La Estrella, lalo na at tapos na ang fiesta. Medyo malamig ang pang-gabing hangin kaya naman nagdala ako ng kumot para ibalot sa sarili ko.
I leaned on the closed door and sighed heavily, thinking of my dead father. He must be in heaven now with my sister. Siguro ay masayang-masaya na si Tatay dahil sa wakas ay kasama niya na ang minahamal niyang anak. Naalala niya kaya ako paminsan-minsan? Naalala niya kaya na may isa pa siyang anak na natira dito?
Nabigla ako at muntik ng mapasigaw sa gulat nang may namataan na liwanag na saglit na gumuhit sa madilim na kalangitan. Iyon ba ang sinasabi nila na bulalakaw? It was too fast; I wasn't even sure it was a shooting star I was seeing until it was gone.
I closed my eyes even though even I thought wishing on shooting stars was silly. It wouldn't hurt to try though, right? Perhaps the first wish might come true. Back in Manila, the city lights blotted out the night sky and besides, I never really wanted to stay out at night there. I smiled a little as I realized I had just seen my first meteorite in La Estrella, but saddened again when I realized how very like that shooting star my sister's life was— ethereal but so very brief.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top