CHAPTER 17
ORIGINAL VERSION OF THE UNFORGETTABLE EX IS FREE READ ON HALOREADS.
REVISED VERSION OF THIS STORY IS ONLY AVAILABLE ON VIP/PATREON. MESSAGE FBPAGE CENG CRDVA FOR DETAILS
-----------
Nasa harapan ako ng computer ng biglang mag chat sakin 'yung babaeng classmate ni Caleb.
"Hi, ikaw ba 'yung girlfriend ni Caleb?" Tanong niya.
"Yes, bakit?" Tanong ko.
Nakakapagtaka lang kasi lahat ng classmate niya ay alam na kami. Pero bakit 'tong isang 'to nagtatanong pa. Ang sarap bukulan!
"Ah wala lang po. Sige bye." End of our conversation.
Ayoko na siyang replayan hindi naman kami close!
Habang tumatagal padami ng padami yung mga weird na nangyayari. Una ay yung paghingi niya ng number. Pangalawa etong babaeng 'to.
What's next? I sigh out of frustration.
Oo nga pala tanghali na pero ni isang text ni Caleb ay wala man lang akong natanggap. Darn!
Tatayo na sana ako at aalis sa harapan ng computer ko para mag lunch pero naudlot 'yun ng may isang tao pang nag chat sa facebook ko.
"Ate Hailey. kayo pa ba ni Caleb?" Now that's interesting.
Bakit naman niya itatanong 'yun? hindi naman kami nag single sa facebook or something ah? Ughhhhh. Unless....
What's happening?
"Huh? bakit mo naman natanong yan? Yes kami pa." Agad kong reply.
"Kasi palagi ko siyang nakikita na kasama 'yung classmate naming si Patricia eh. Tapos minsan palagi pa silang magkatabi sa upuan." Pagpapaliwanag niya.
Napakapit ako ng mahigpit sa computer ko.
Eto nanaman. Akala ko ba naman ay okay na kami? Gumaganti ba talaga siya sakin? Okay lang naman sana kung lumandi siya ng wala na kami eh! Ang kaso, kami pa!
Kahit na sabihin mong malayo kami sa isat-isa ay magka-relasyon parin kaming dalawa! Napaupo nalang ako. I can't breathe!
"I don't know what your saying. Hindi naman tayo close. Please wag mo nalang kaming siraan." I replied.
Ayokong maniwala. May tiwala ako kay Caleb. Alam kong hindi niya na uulitin yung mga nagawa niya sa'kin dati. Sinisiraan niya lang kami.
"Palagi niya po talagang kasama 'yun. Minsan nga magka-Holding hands pa sila at sabay umuwi eh. Wag niyo nalang pong sabihin kay Caleb na ako ang nagsabi. cge po bye!" Pagpapatuloy niyang kwento saakin.
Hindi ko na rin siya nireplayan. Wala 'yun. Ayoko ng isipin pa 'yun. Mabuti pang si Caleb nalang mismo ang tanungin ko. Nakakapagod nading manghula kung ano ba talaga yung gusto niya o kung may gusto na ba siyang iba. Kung ayaw na ba niya sakin. Eto nanaman 'yung sakit. Sobra sobra nanaman.
"Bes okay ka lang ba?" Tanong ni Kaitlyn habang magkausap kami sa telepono.
"Hindi ko alam bes. Naguumpisa na naman siya." umiiyak na sabi ko.
"Ano ba yan. Sino ba kasi 'yung nagsabi sayo? Baka may gusto lang yan kay Caleb at sinisiraan kayong dalawa?" Pagco-comfort niya sakin.
"Hindi ko alam bes. Pano kung totoo? hindi naman siguro magsasabi ng mga ganun yun kung walang dahilan." sabi ko habang patuloy parin sa pag-iyak.
"Tama na wag ka ng umiyak pa dyan. Kakausapin ko si Caleb okay." Pero pinigilan ko siya at sinabing hayaan niya nalang muna kaming mag-usap ni Caleb. Ayoko naman yung napa-ngunahan na ako ng iba. Relasyon namin 'to dapat kami yung mag-ayos.
Gabi na pero wala paring text si Caleb. dati naman hindi siya ganun eh. Palagi siyang may goodmorning texts and sweet messages. Pero lately feeling ko nagiging cold na talaga siya.
Sabi nga nila pag nagbago. May bago. At sinasabi ng intuition ko na meron, and this time damang-dama ko.
Nakita ko siyang online sa facebook kaya naman nag message na ako sa kanya.
"Babe bakit hindi ka nagtetext?" worried natanong ko.
"Wala akong load eh. Kaya nga ako nag facebook para i-message ka." sagot niya.
"Ah. oo nga pala sino tong Jacky? nag message kasi siya sakin eh." Sabi ko sabay forward ng conversation namin kanina.
"Wala yan. Hindi totoo yang mga sinasabi niyan. Iblock mo nga yan." kaagad ko namang ginawa yung sinabi niya.
Ayoko ng magtanong pa. Mag-aaway lang kami. Tsaka naniniwala ako na wala nga 'yun. Kahit na ayaw ng utak ko. Maniniwala ako para hindi na masaktan 'yung puso ko.
***
Papasok na ako sa Campbell. Nang may makasalubong akong pamilyar na mukha. Siya yung nakita ko last week. Akala ko namamalikmata lang ako. Siya nga 'yun hinding hindi na ako nagkakamali this time!
"H-hailey?" napahinto ako sa paglalakad.
Ughhh. Hanggang ngayon naalala ko parin yung gabi ng party! Nakakahiya.
"Hailey?? ikaw nga!" Dag-dag pa niyang sabi.
Para nga siyang timang eh! Tinitigan pa ako mula ulo hanggang paa!
"Oh hi K-kelvin." Nakayukong sabi ko.
"Hey! kamusta ngayon lang kita napansin. Dito ka rin pala nag-aral." Nakangiting sabi niya.
Oo nga. e sa dami ba namang ng estudyante dito malamang 1% lang yung chance naming magkita.
"Okay naman ako. ikaw? Oo nga eh, small world." Nasabi ko nalang. Ughh.
"Okay lang din. I haven't seen you after the party." Maikling sabi niya.
Talagang pinaalala pa yung party? kaloka.
"Y-yeah." nahihiya paring sagot ko.
"So. lunch? later?" Tanong niya.
"Ah. eh kasi may klase ako ng lunch." pag-sisinungaling ko.
"Dinner?" hirit niya pa.
"Gagawa ako ng homework eh. alam mo na college na. madaming projects and stuff." Pagsisinungaling ko.
Kahit na wala naman talaga akong homeworks and projects. Kasi naman, ano naman ang sasabihin ko sakanya.
"Hmm. How about tomorrow? Lunch. 2:30. Huh? see ya!" Yun lang at naiwan na akong nakatulala sakanya. Nakatalikod na siyang nagmamadaling umalis sa harapan ko.
Jeez! Ano ba tong nagawa ko?
Alam naman niya sigurong may boyfriend ako. O baka hindi? bahala na nga! Saka nalang ako mag-iisip ng reasons para hindi matuloy.
Kina-gabihan ng araw ding 'yon ay kinausap ko na si Caleb.
"Bakit ka ba naniniwala dun. nakakapagod na. Le'ts cool off!" Galit na sabi niya sakin.
First time yun. Para san nga ba 'yung cool off na yan? bakit hindi nalang magbreak! Ganun din naman yun eh.
"Wew. Okay." Nakakapagod na din.
Hindi lang naman siya 'yung napapagod ako din. Pagod na pagod ng umasang maibabalik pa namin lahat sa dati.
Yung hindi siya tumitingin sa iba.
Yung ako lang yung iniintindi niya.
Nakakapagod makipag-away. Puro nalang away.
Agad akong nagbihis at umalis ng bahay mag-isa. Hindi ko kayang mag stay sa bahay. Sobrang nalulungkot lang ako.
Maya maya pa ay napadpad ako sa isang bar. Dinig ng magkabilang tenga ko ang malakas na tunog ng masayang musika sa loob nito.
Kaya ko to! bulong ko sa sarili ko. Alam kong hindi naman nakakatulong ang alak sa mga problema ko pero alam kong kahit ngayon lang pwede kong makalimutan lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng papasukin ako ng gwardiya without asking for my i.d. Wheww! dumiretso ako sa bar at um-order ng isang glass ng margarita.
Habang iniinom ko 'yon. Habang napapalibutan ako ng mga tao. Habang nawawala sa isip ko si Caleb. Habang naririnig ko 'yung malakas at masayang tugtog ay kahit papano'y napapangiti nalang ako.
See? effective din naman ang alak ah! Sino bang nagsabing walang maitutulong na maganda 'to?
It can make you forget all the burden and heartaches for awhile.
Nasundan pa ng ibat-ibang drinks 'yung unang margaritang in-order ko. Margarita, Cosmo, Mojito, Martini, Daquiri name it!
I just wanna feel numb.
Akala ko manhid na ko pero naramdaman kong nagvi-vibrate yung phone ko so i picked it up.
Kelvin Calling...
I didn't answer it. Pinatay ko yung tawag niya. Pero ang dami niyang messages! Bakit kaya?
"Where you at?" - From: Kelvin
"Home. I'm about to sleep na eh. You?" I replied with a stupid lie.
"Here at the club. Looking towards a lovely lady getting drunk all by herself." Halos mabulunan ako sa reply niya.
Lumingon-lingon ako sa paligid but i didn't see him. Ughh. Okay. I'm a bad liar!
Magrereply pa sana ako kaso nasa harapan ko na siya at tumabi sa inuupuan ko.
"You don't have to lie to get rid of me. You don't have to." Maikling sabi niya sabay um-order ng drinks niya.
"I'm sorry Kelvin. I'm not trying to avoid you. B-but.. yeah it's just that...hmm... O-okay. I am avoiding you." Nahihiyang sabi ko.
"I know and you don't have to tell me why." Sabi niyang nakangiti sakin.
"I'm sorry." Muling sabi ko.
"Nah, Don't worry about it. Anyway, don't you think it's ironic?" Tanong niya.
"The?" Curious na tanong ko pabalik sa kanya.
"We always end up drinking. Last time i saw you was months ago, during your party. I know somethings up. You're not that type of girl who always go out and get drunk." Sabi niya at patuloy na iniinom 'yung hawak niyang alak.
"Yeah. but i wasn't supposed to tell you right? Let's just say, uhm, im just tired living." Seryosong sabi ko sabay lagok nang margaritang hawak ko.
"Hey! stop it. You're not being funny Hailey. Caleb right?" Tanong niya habang nakatingin sa mukha ko.
May dumi ba ako sa mukha? nakakailang eh! I can't even make eye contact with him. Why does he need to be that gorgeous! Ipinilig ko nalang yung ulo ko.
"How do you know Mr. Cooper?" Tanong ko.
Akala ko hindi niya alam na may boyfriend na ako kaya niyayaya niya akong lumabas kasama siya. Ughh. Assuming ka Hailey! Lunch lang 'yun wala lang siguro siyang kasama kaya ka niyayaya.
"I just know. So tama pala talaga ako. May problema ka sa boyfriend mo kaya ka nandito." pagpapatuloy niya.
"You can say that." Matagal bago kami hindi na nagkibuan. Sunod-sunod lang 'yung pag-inom naming dalawa.
"W-why the hell guys ask for a fucking cool off?!" out of nowhere 'yung tanong ko.
Mukhang nagulat pa siya. Alam kong kanina pa ang dami niyang gustong sabihin pero dinadamayan niya ako. Hanggang ngayon ang bait parin niya sakin.
hindi! ganyan talaga mga lalaki Hailey sa una lang sila magaling! pagalit ng utak ko.
"Huh? wala sa vocabulary ko ang cool-off." agad na sagot niya. "Sakin kasi kung ayaw ko na sasabihin ko. Para san pa 'yung cool off kung magbe-break din naman kayo. Tsaka dapat yung oras ng pag cool-off niyo, inayos niyo nalang 'yung problema niyo." Mahabang sagot niya.
"Tama ka. Siguro nga ayaw niya lang. Siguro nga hinihintay niyang ako 'yung makipag-break para sakin lahat 'yung sisi. tama ako diba? Ang galing ko diba?"
"Please don't cry Hailey." Sabi niya habang nagsimula ng mag-unahan ang mga luhang kanina pa gustong tumulo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top