SIMULA
PASENSYA NA PO SA MGA MALING GRAMMAR AT PASENSYA NA DIN SA WRITING STYLE KO.
To my beloved star readers.. (pati na ang mga silent readers) sana po ay mag vote kayo or mag leave lang po kayo ng comment/s para naman po malaman ko kung nagustuhan niyo po ba at para naman ma motivate pa akong mag-update. Thank you My stars, GOD BLESS US ALWAYS AND FOREVER.
YOUR NORTHERN STAR,
POLARIS
Play the music above para mas dama mo yung tula <3
(POLARIS DIA'S POV)
Ang bigat nanaman ng pakiramdam ko ngayon at para bang may kumukurot sa puso kong ito. Mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago pumasok sa aking kwarto, kinuha ko muna ang starry notebook ko at umupo sa Klobo sofa. Hinablot ko ang lapis na naka patong sa marble stone na lamesa at nag simulang mag sulat.
Heto na naman ako naiiyak ng walang dahilan, at nasasaktan sa taong di ko naman alam kung nasaan.
"I think of you when the sun is embracing me
and when the gentle winds are visible to see
I think of you every time the breeze calls out your name
While my heart is yelling in the burning flame
I think of you when the raindrops start to sing
and it's your beautiful voice is what I'm missing
I think of you deeply as deep as the blue sea
even if the waves are trying to wash out my memories of thee
I think of you during stormy days
as the cold water tries to blur your face
I think of you every tomorrow
even you don't remember the pain and sorrow
I think of you that day when you can't recognize me
when you have no clue whose buried under the lovely tree
I think of you yesterday, wishing you'd bring back your memories
for I'll be missing you throughout the centuries
I think of you again today here in my dusty, evergreen grave
Reminiscing the memories we had while wandering in this narrow cave
I think of you while the silver tinted moon bids goodbye
and while my tears never run dry no matter how I try
I'll still be thinking of you afterlife my love
let's see each other again in the golden clouds above."
Panibagong tula na naman ang nagawa ko pero hanggang ngayon di ko parin alam kung bakit ganitong klase ang mga nasusulat ko. Bigla bigla na lang kasi itong lumalabas sa isipan ko at kakaiba ang tagos nito sa puso ko.
Sobrang emotional nalang ba talaga ako kaya napapaluha ako ng ganito?gusto ko nga ding magtanong sa mga psychiatrist kaso nangingibabaw ang takot ko nabaka husgahan ako ng mga tao.
Inihilig ko ang aking ulo sa arm ng sofa para humiga at di ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.
Ang dilim! Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi na ako makahinga ngmaayos. Takbo lang ako ng takbo at hindi alam kung saan pupunta.
Di ko minsan alam kung paulit ulit nalang ba akong tumatakbo dito. Di ko mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha kasi kusa itong lumalabas na para bang ayaw nitong huminto. Palingon lingon ako sa likuran pati na sa kaliwa at kanan ko pero deretsyo parin ang pagtakbo ko sa aking gawi.
Iba ang takot na nasa puso't isipan ko ngayon. Bukod sa mga nagkikislapang bituin at buwan ay wala ng ibang liwanag akong nakikita.Tanging mga malalaking puno lang din ang aking napapansin, at wala ding bahay kahit ni isa.
Wala rin akong ibang naririnig kung di ang aking mga malalim na hininga at ang tunog ng aking mga paa.
Takbo lang ako ng takbo kahit na gustong gusto ng huminto ng aking mga paa, tinitiis ko nalang ang sakit at hindi pinapansin ang mga bato na tinatapakan ko. Di ako naka tsinelas kaya siguradong nasusugatan na ako.
Di ko na namalayan na nasa may pang pang na pala ako, napahinto ako ng kusa at doon ko lang nakita ang liwanag na animoy tumatakbo din.
Paparating na ang mga taong humahabol sa akin, ang ilaw na nakikita ko ngayon ay galing sa kanilang dalang-dala na tanglaw.Hinahabol ko parin ang aking hininga at diko na kaya kasi nahihilo na ako.
Napalingon ako sa aking kaliwa at nakita ko ang isang tao na naka itim at nakatakip ang mukha hawak- hawak nito ang isang baril. Sa tindig palang nya ay alam kong lalaki sya.
Natuliro ako ng itinaas nya ang kanyang kanang kamay at itinutok sa gawi ko ang kanyang baril.Ramdam ko nanaman ang mga maiinit na luha sa aking pisngi. Napapikit ako na para bang handa na akong mamatay ngayon. Mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko at ramdam ko rin ang mga nanginginig kong kalamnan, tumalikod ako at...
Rinig na rinig ko ang mga sunod- sunod na pag putok ng baril habang dahan- dahan akong napatumba. Wala na akong nakita ni kahit konting liwanag ng mga bituin o buwan, walang wala na.
Maya maya lang din ay nagising ako sa lakas ng paputok at
Napahawak ako sa aking dibdib habang hinahabol ko naman ang aking hininga. Iyak ako ng iyak 'di ko alam paano pahintuin ang aking mga luha at kaba sa 'king puso. " Peste!" bulalas ko.
Napatingin ako sa orasan, 12:05 am na pala. "Merry christmas" Sabi ko sa sarili ko, pasko na pala di parin ako nilulubayan ng marahas na panaginip kong 'to.
Ilang araw ko na itong napapaginipan at damang dama ko ang inis sa aking puso.Tss, ito pa ang naging kapalit sa mga napapaniginipan ko noon.
Magdadalawang taon na kitang hindi nakikita sa aking panaginip, hay kung alam mo lang na sobra na kitang namimiss.
"Merry Christmas, hermano."
" Caleb" gumaralgal ang boses ko nung bigkasin ko ang pangalan niya.
Kusang tumutulo ang aking mga luha. " Pasko na din kaya dyan? " Napatanong ako habang inaalala ang kanyang mukha. Hanggang ngayon kasi ay umaasa parin ako na sana ay makita kita muli sa loob ng aking panaginip.
Kahit magkabila man ang ating mundo ay naikulong mo na ang puso ko na para bang wala na itong kalayaan diyan sa panahon mo,at kahit na sabihin na nating ikaw ay nabubuhay lamang tuwing gabi, hindi ito naging hadlang para mahalin ka ng buong puso.
It feels like my sadness are holding a thousand oceans of tears. Why does it hurt so much? That I almost can't handle the pain that's flowing through my veins, and now it's like a poison to my soul. Tchh, yan tuloy napapa-english ako sayo! you're road! you are rude. Chos lang!
Pero bakit din naman kasi kapatid "kuno" ang minahal ko sa loob ng aking panaginip, di ko din naman na kayang kontrolin ang aking nararamdaman kahit itoy isang pantasya lamang.
Ang weirdo pero kahit ano pa ang gawin at isipin ko ay di ko na kayang tumakas pa sa aking nararamdaman sapagkat itoy nakakulong na at di ko alam kung itoy makakalaya pa ba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top