CHAPTER 9



Dalawang linggo na ang nag daan ngunit hindi ko masiyadong nakikita si Caleb at kung makita ko man siya ay palagi na lang siyang nakabusangot na parang pusa. Di ko maintindihan ang kaniyang ugali sapagkat minsan ay mabait siya at kadalasan naman ay ugaling hindi makain ng aso. Naging tahimik naman ang mansyon ngunit isang araw hindi ko inaasahan na may bisita pala na maghahanap sa akin.


"Magandang hapon Donya Esperanza, gusto ko lang sanang makausap yung .. yung tagapagsilbi niyo." Narinig ko ang isang pamilyar na boses habang ako ay bababa na sana sa sala.

"Magandang hapon naman sa iyo hijo, akala ko ay si Francisco ang hinahanap mo dito ngunit isang tagapagsilbi pala ang rason kung bakit naparito ka. Sino ba ang tinutukoy mo ? Ang matandang tagapagsilbi ay umuwi sa kanila at sa susunod na semana pa iyon babalik. Si Arcellia ba ang hanap mo ?" Sabi ni Donya Esperanza na marunong naman palang bumati. Akala ko talaga kasi kaaway niya ang buong mundo dahil sa ugali niya.

"A-arcellia? ay hindi po siya yung tinutukoy ko Donya Esperanza, yung isa pa po niyong kasambahay." Paliwanag ni Ginoong Salvator. Hindi na muna ako tuluyang bumaba sa sala at nagtago na lamang sa pader ng hagdanan. Paano ko na lang ba ito malulutasan na ako yung tagapagsilbi na tinutukoy ni Ginoong Salvator na nakita niya sa baile.

"Wala na kaming iba pang tagapagsilbi dito hijo, siguro nagkakamali ka." Sabi ni Donya Esperanza habang nakapaypay at umupo sa tumba-tuma sa gilid ng bintana.

Sana ay hindi na lang siya nagpunta dito dahil baka ma buko pa ako sa mga nagawa kong kasalanan sa baile. Hindi ako aalis dito pag hindi pa uuwi yang si Ginoong Salvator.

"Anong ginagawa mo diyan, Estrella?"  Nagulat akong napatakip sa aking bibig dahil muntik na akong mapasigaw. 

"Shhhh, huwag ka munang maingay Caleb." Mahina kong sambit sa kaniya na dahil bigla bigla na lang sumusulpot na parang multo. Hindi ko kasi naramdaman ang pagbaba niya sa hagdanan hanggat sa narating niya ang gitna ng hagdanan kung saan ako nagtatago.

"Ano ba kasi iyang pinapakinggang mo ?" Sa halip na itikom na lang niya ang kaniyang bibig ay mas lalo pa siyang nag-ingay. Hindi pa rin niya naintindihan ang pagkumpas ko sa aking hintuturo sa aking bibig na nanghuhulugan na huwag siyang maingay.

"Nandiyan si Ginoong Salva..." Hindi ko natapos ang aking sasabihin sa kaniya sapagkat narinig na kami ni Donya Esperanza.

" Francisco? hijo nandito ang kaibigan mong si Salvator." Ani Donya Esperanza na tumayo na sa tumba-tumba. " Sabi ko sa iyong huwag kang maingay eh, ayan tuloy mabibisto na ako nito ng tuluyan." Naiinis kong sabi kay Caleb na ngayon lang nakapagtanto sa ibig kong sabihin kanina.

Umigting ang kaniyang panga at kitang kita ko sa mga mata niya ang pagsisisi. SInulyapan muna ako ni Caleb at tinitigan na para bang nanghuhlugan na siya na ang bahala sa gusot na ito.

 " Diyan ka muna huwag kang bababa." Untag niya sa akin kaya ay napatango na lamang ako at hindi na nagsalita pa.

 "Ina, nakalimutan kong sabihin saiyo na pinapatawag ka pala ni ama sa palayan." Sambit ni Caleb na nakagawa ng paraan para maka alis si Donya Esperanza sa mansyon.

"Ganun ba hijo? O sige aalis na muna ako, pakainin mo muna ang iyong kaibigan bago kayo umalis ng mansyon." Nakangising ani Donya Esperanza na nakakuha pa nang panahon upang ma tapik si Caleb at si Ginoong Salvator. 

Nang makita kong nakalabas na nang tuluyan si Donya Esperanza sa mansyon ay nakaginhawa ako ng maayos at hininto ang kasisilip sa may pader.

"Bakit ka naparito Salvator?" Tanong ni Caleb na mukhang hindi masayang makita ang kaniyang matalik na kaibigan,

"Nandito ako para humingi ng tawad kay.." Hindi natapos ni Ginoong Salvator ang kaniyang sasabihin sapagkat pinutol ko iyon.

"Ginoong Salvator,pinatwad na kita noong gabi na iyon ." Nailabas ko iyon sa aking bibig na walang kahirap hirap. Napaestatwa siya ng saglit at napaawang ang kaniyang bibig. 

"B-binibini, maari ko bang malaman ang iyong pangalan ?" Nauutal na tanong ni Salvator sa akin habang ang kaniyang mata ay nakatitig parin sa akin na para bang sinasaulo niya ang bawat parte ng aking mukha.

Napalingon kami ni Ginoong Salvator nang marinig namin si Caleb na tumikhim. " Estrella ang kaniyang pangalan,napatawad ka na daw niya kaya ano pa ba ang iyong pakay?"  Malamig na tanong ni Caleb ang bumabalot sa buong mansyon.

"Kung hindi ka isa sa mga tagapag silbi sa pamilyang La Torre eh ano ka, Binibini? at naguguluhan lang din ako sapagkat nakita din kitang nakabihis ng engrandeng barot saya sa baile de pelota kaya ganun na lang ang aking pagtataka ng makita kita sa pangalawang beses doon na nakasuot na ng ibang damit." Tanong ni Salvator na ngayon ay nagkasalubung na ang mga kilay.

"Kapatid ko siya Salvator." Ani Caleb na blanko lang ang mukha. Napatingin ako ng deretso kay Caleb at napalaki ang aking mga mata sa aking narinig  mula sa kaniynag bibig. Ayaw niyang malaman sa iba na magkapatid kami kahit na hindi naman kami naniniwala na ganun nga kami pero sinabi parin niya ito kay Ginoong Salvator. Siguro pinagkakatiwalaaan niya talaga itong taong ito.

 "Teka lang Francisco, si Binibini Estrella ang tinatanong ko bakit ikaw palagi ang sumasagot? at isa pa ano?! kapatid mo siya? bakit?  sigurado ka?" Naguguluhan na tanong ni Salvator na humalukipkip pa ang kaniyang mga bisig.

Ewan ko ba ngunit natatawa ako sa naging reaksyon ni Ginoong Salvator at sa kabila ng lahat ay napapatanong ako sa sarili kong bakit ganoon na lang ang pakikitungo ni Caleb kay Salvator. "Mahabang kwento Ginoong Salvator, huwag na nating hukayin iyon sapagkat wala kaming maisasagot sa mga susunod mo pang mga tanong." Pahayag ko sa kaniya at nginitian siya ng matipid.

Nababatid kong marami pang gustong itanog si  Ginoong Salvator sa akin at nakakapanibago lang sa pakiramdam sapagkat kakaiba ang pagtingin niya sa akin na hindi ko maikokompara sa mga titig ng mga kakilala kong mga lalaki.

May kakaibang pintig akong nararamdaman sa loob ng aking puso sa tuwing susulyap siya sa aking gawi. Parang hindi ko kayang labanan ang kaniyang mga mapupungay na mata. Hindi ko maintindihan ang mga kulisap na nagssisimulang nagpaparamdam sa aking tiyan. Napatingala ako kay Caleb ng tinawag niya ang aking pangalan, siguro ay napansin niya ang aking mga kilos na hindi karaniwan.

Sumulyap ulit ako kay Ginoong Salvator na ngayong ay nakangiti lang sa akin at dahan dahang lumapit sa akin. Sa kauna-unahang pagkakataon ay bigla ata akong hindi makahinga ng maayos parang pinipigilan ko ang aking paghinga sapagkat di ko alam kung anong meron sa mga ngiti niya na pati ang kaniyang mga mata ay nahahawa na.

'Ang ganda nga naman ng lahi ng mga La Torre mas lalo akong napakumbinsi dahil sa Binibining nasa harap ko ngayon." Ani Salvator na yumukod sa aking harapan bilang isang galang at ngumiti na naman na parang wala na siyang kayang gawin kundi iyon lang.

"Aalis na ako Binibining Estrella, babalik ako dito sa Hacienda La Torre. Parang may iba na ata akong rason sa pagdalaw dito sa Casa Fuerte."  Sabi niya sa akin napara bag naghihiwatig na ako yung gusto niyang dalawin bukod pa sa kaniyang matalik na kaibigan na si Caleb.

Tumikhim ulit si Caleb na kanina pang wala sa estado alimico. Napabalik ako sa aking wisyo ng makita ko ang mukha ni Caleb na hindi maipinta. Hindi ko alam kung bakit parang galit siya o di kayay naiinis siya. Siguro nag-away sila ng kanyang nobya na si Nathalina.

Sa nakaraang linggo kasi matapos ang baile de pelota ay ikinuwento ni Arcellia sa akin na nobya na daw ni Caleb si Nathalina. Wala naman akong alam kung itoy totoo ba ngunit di ko gusto si Nathalina para kay Caleb parang naiinis ako sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya. Lalo na kung galing pa ito sa bibig ni Caleb. Siguro ay malaking epekto lang ang ginawa niyang pagpaahiya sa akin dun sa pasilyo.

"Aalis na tayo Salvator sa labas na lang tayo kakain dahil hindi pa naman nakapag luto si Arcellia, wala kasi dito si Manang Julia umuwi siya sa kanilang probinsya kaya mas mabuting sa San Calungsod na lamang tayo kakain." Ani Caleb na medyo mas naging mabuti ang tunog ng kaniyang boses. Yung lugar na San Calungsod ay may unibersidad na tinatawag din na Unibersidad ng San Calungsod kung saan silang dalawang magkakaibigan ay nag-aaral pati na rin si Nathalina.

Lumabas ng una si Caleb na hindi man lang ako tinignan at hindi man lang sa akin nagpaalam, hindi naman sa gusto kong magpaalam pa siya sa akin pero... mas mabuti pa si Ginoong Salvator dahil nakuha pang yumukod bagong  tuluyan na ngang lumabas sa mansyon.






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top