CHAPTER 8
Sinunggaban ko ang kamay ni Arcellia nang hindi parin siya kumikibo. Halatang ayaw niyang sundin ang inuutos nang binibini, at nakikita ko sa kaniyang mga mata ang naghahalong inis at galit.
"Binibining Estrella, bakit ka ba nagpapaapi kay Binibining Natalina? Isa kang La Torre at hindi mo dapat hinahayaan siyang utusan ka." Sambit ni Arcellia na nakahawak ngayon sa aking mga kamay. Huminto kami sa paglalakad at kinausap ko siya ng masinsinan upang maintindihan niya ang sitwasyon ko ngayon.
Ah...Natalina pala ang kanyang pangalan bagay na bagay naman sa kanyang kagandahan pero parang nakita ko na siya. Teka,parang siya yung nasa painting ni Caleb! tama siya nga yun. Siguro ay may gusto si Caleb sa kaniya, kaya pala ayaw niya akong sumama dito sa baile kasi baka masira ko lang ang gabi nila. Kaya sige, kailangan kong gawin itong simpleng utos ni Binibining Natalina.
Madali lang namin nakita si Ginoong Edgardo kaya nakuha agad namin yung parihaba na kahon na parang mamahaling bolpen ang laman. Papasok na kami sa loob ni Arcellia nang marinig namin ang isang napakagandang tugtog. Siguro nagsasayawan na sila sa oras na ito, ako kaya kailan ko kaya iyon mararanasan ? Hay naku,hindi nalamang ako mangangarap kasi sino naman ang magkagustong makapareho ako.
Nagkatinginan kami ni Arcellia habang humuhuni na para bang mga ibon na sinasabayan ang tugtog papasok sa loob ng pasillio dala-dala namin ang parihabang kahon, ang regalo ni Caleb para kay Binibining Natalina at ang aking bolso. Nang makita namin ang Ginoo na siyang nagbabantay sa entrada ay nagdadalawang isip na ako na kausapin siya, nunit ngiitian ako ni Arcellia na para bang sinasabi niya na kaya ko iyon.
" Ginoo, ako po pala yung pinagutusan ni Binibining Natalina upang ilagay itong regalo niya doon sa kanilang lamesa. Maari po ba akong pumasok?" Nahihiya kong sabi kay Ginoo. Hinarap niya ako at tinignan muna ako mula sa ulo hanggang sa paa ko. "Cge, maari ka nang pumasok." Sabi ng Ginoo kaya agad akong pumasok ngunit hindi ko akalain na ako lang pala ang hahayaan niyang pumasok sapagkat hindi niya pinayagan si Arcellia nung akmang papasok na ito.
Kaya wala na akong magagawa kundi ang paghintayin na lamang si Arcellia sa labas ng entrada. Iginala ko ang aking mga mata sa mga Binibini at mga Ginoo na masyang nagsasayawan. Nahagip sa aking mga mata si Caleb na nakahawak sa baywang ni Binibining Natalina habang si Natalina naman ay nakahawak sa may balikat ni Caleb at maya-maya lang ay magkahawak na ang kanilang kamay at pinaikot ni Caleb si Binibining Natalina at kitang-kita naman ang bakas na saya sa mukha nilang dalawa. Ang magandang tugtog nila ngayon ay sumasabay sa ritmo ng kanilang sinasayaw na Balse.
Naglakad ako ng dahan-dahan papunta sa lamesa na katapat lang nila, inaamin ko ding nahihiya ako sapagkat may ibang nakatingin sa aking gawi ngunit ipinagpatuloy ko parin ang aking paglalakad hanggat sa narating ko na nga ang lamesa. Ipapatong ko na sana ang kahon ngunit sumagi ito nang matamaan ng isang Ginoo, napatingin ako sa kaniya habang siya naman ay nakangiti na nakatitig sa akin. Siya yung Ginoo na nakausap ko kanina, yung makulit na Ginoo na gustong malaman ang aking pangalan.
Kinakabahan akong kinuha ang kahon na ngayon ay nakabukas na sa sahig. Pupulutin ko na sana nang may narinig ako. " Anong ginagawa mo diyan?!" Bulyaw sa akin ni Binibining Natalina. Hindi ako tumayo kaya tumingala na lamang ako sa kaniya at nahihiyang kinuha ang mamahaling boligrafo (bolpen) at inilagay ulit ito sa kahon.
"Kay dali lang ng aking utos sa iyo ngunit hindi mo pa nagawa ng tama? sinira mo pa ang mamahaling regalo ko!" Sigaw na naman niya sa akin at agad inagaw ang kahon sa aking mga kamay. Sa oras na ito ay hindi ko na kayang tignan siya, at natatakot ako baka ano nalang ang sasabihin ni Caleb sa aking nagawa.
"Ginoong Francisco, paumanhin ngunit nasira ang regalo ko sa iyo dahil sa estupida mong tagapagsilbi pareho lang sila ni Arcellia, wala nang nagawang tama palagi nalang palpak." Nagsusumbong ani Binibining Natalina. Tumayo na ako sa pagkakataon na ito at dahan-dahan kong inangat ang aking ulo upang tignan si Caleb. Blanko lang ang naging ekspresyon ni Caleb at binalot ako ng sobrang pagkahiya ng makita ko na huminto ang lahat sa pagsasayaw at nakatingin sila sa amin ngayon.
"Wala kang silbi! sinira mo lang ang gabing ito, nasira mo ang baile de pelota." Nangingitngit na sabi ni Binibining Natalina. "Binibining Natalina, itigil mo na yan, huwag mong pagalitan si Binibini sapagkat hindi naman niya iyon kasalanan. Kasalanan ko kung bakit nahulog ang kahon ngunit hindi naman nasira yang reagalo mo para kay Ginoong Francisco." Pagpapaliwanag nung Ginoo na nakasagi sa kahon. "Huwag mong takpan yang tagapagsilbi na yan,Ginoong Salvator." Ibinaling ni Binibining Natalina ang kanyang atensyon sa Ginoong nakasagi sa kahon na nagngangalan palang Salvator.
Hindi ko na kayang itago ang aking nararamdaman kaya kusang tumutulo na ngayon ang aking mga luha, nasira ko ang gabing ito,nasira ko ang masaya sanang gabi ni Caleb, kaya nasisigurado kong magagalit siya sa akin. Muli kong inangat ang aking ulo at tinignan si Caleb, nakatingin lang din siya sa akin na wala paring ekspresyon. Di ko mawari kong ano ang kaniyang saloobin at dahil sa labis kong pagkahiya ay tumakbo ako papalabas ng pasillo.
Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Arcellia nang mapadaan ako sa gawi niya at patuloy lang akong tumatakbo hanggat sa di ko na alam kung nasaan na ako. Gabi na kaya wala na masiyadong ilaw, naglakad nalang ako papunta sa isang malaking puno at umupo sa bato. Di ko kabisado itong lugar na ito kaya alam kong naliligaw na ako at di ko na alam kung paano pa ako makakabalik doon kila Arcellia.
Mas lalo pa akong napaiyak dahil sa takot sapagkat napakatahimik kasi ng lugar na ito at baka may multo na biglang magpapakita sa akin. Gusto ko nang makauwi sa bahay namin at makasama muli sila ina at ama, ngunit paano ko gagawin iyon kung wala na sila.
Humikbi lamang ako at inilabas ang lahat ng sakit na nagpapasikip sa aking dibdib. Maya-maya lang ay nagtataasan lahat ng balahibo ko sa katawan nang may narinig akong mga bakas na tunob sa paa. Huminto ako sa pag-iiyak at minamatyagan kung kaninong tunob ang mga yun. Napasigaw ako sa aking takot at naiyak na naman ng may malamig na kamay na humawak sa aking braso. Hindi ako lumingon at ramdam ko ang hininga niya sa aking tenga, napapikit ako at nagsimulang magdasal.
"Hindi ko inaakala na takot ka pala sa multo?" Napalingon ako at napamaang nang makita ko si Caleb na pinagkrus ang kaniyang mga braso. Napaiyak na naman ako dahil sa hindi pa naalis ang takot na lumalagi sa aking puso at isipan. "Eh sino bang hindi takot sa multo? eh para kang multo sa hangin!" Kumunot ang aking noo at tinitigan siya ng masama.
"Estrella, hindi ko ninais na takotin ka kaya huwag mo naman akong tawaging multo dahil hindi naman ako mukhang ganoon." Natatawang sabi ni Caleb. Lumapit siya sa akin at umupo sa kabilang bato.
"Eh bakit ba hinawakan mo pa ako? natakot tuloy ako lalo na dahil malamig ang kamay mo." Kumunot ang aking noo na nakatingin sa kaniya. "Patawarin mo ako kung nahawakan kita sa braso Estrella akala ko kasi na may nangyari sa'yo na masama." Sabi ni Caleb na nakatingin lang sa malayo. Ako ngayon ay masiyadong kinakabahan dahil naalala ko na naman yung kasalanang nagawa ko kanina lamang. "May kasalanan ka pa sa akin, Estrella." Dagdag ni Caleb na nakatingin na sa akin ngayon. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi niya sapagkat ako naman ang naglagay ng kahon dun sa lamesa kaya kasalanan ko pa din iyon ngunit hindi naman ako ang nakasagi nun.
"Patawarin mo ako Caleb, alam kong nagkamali ako ngunit hindi ko naman sinadya na mahulong yung kahon pero nakita mo naman na hindi nasira ang boligrafo na ireregalo ni Binibining Natalina para saiyo." Sabi ko sa kanya na umiiyak habang nakaluhod na sa harapan niya.
" Hindi ko naman sinabing lumuhod ka sa harapan ko." Seryosong aniya na tinulungan akong tumayo gaya ng ginawa niya kay Arcellia kahapon. Yumuko na lamang ako at hindi siya tinignan sa mata. "Lumuhod ako sapagkat may kasalanan ako sa iyo at kay Binibining Natalina. Aalis na lang po ako upang mahanap ko si Binibini at hihingi ako ng patawad sa kaniya" Sagot ko sa kaniya.
"Sige, aalis ka ? sabagay matapang ka naman kaya ka nga napunta dito ng mag-isa kaya siguro makakabalik ka pa doon sa pasillio na wala ding kasama. Alam mo naman siguro ang daan diba, Estrella?" Sabi niya sa akin na para bang ngumiwi ng patago. Nakalimutan kong hindi ko pala kabisado ang lugar na ito kung kayat hindi ko dapat pairalin ang kahambugan ko.
"Mas mali iyong ginawa mo kanina sa pasillo, sino naman kasing nagsabi sa'yo na magpanggap ka bilang tagapagsilbi? may dinala ka pang ibang kasuotan para diyan sa iyong kalokohan." Naiinis niyang tanong sa akin ng wala akong ni isang sagot na binigkas kanina sa kaniyang tanong. Nagulat naman ako dahil akala ko ay magagalit siya dahil sa nagawa kong paghulog sa regalo ni Binibining Natalina ngunit galit pala siya dahil nagpapanggap akong tagapagsilbi nila.
"Eh, a-ayaw mo namang sabihin ko sa kanila na kapatid kita at gusto ko lang tulungan yung Binibini na gusto mo." Nauutal kong sabi sa kaniya. Muntik ko nang sabihin sa kaniya yung tungkol sa painting na nakita ko sa kwarto sa ikatlong palapag ng mansyon.
Tumikhim lang siya bilang sagot niya sa aking sinabi, ayaw niya atang pag-usapan ang tungkol dun kaya mas ramdam ko ngayon ang lamig ng hangin dahil sa katahimikan ng buong lugar.
"Sumunod ka sa akin Estrella may pupuntahan tayo." Ani Caleb na biglang nagsalita at binasag ang katahimikan na bumabalot sa hangin ng sandaling iyon.Hindi nalang ako kumibo at hindi na rin nagtanong pa ng kahit ano. Sinundan ko na lamang si Caleb kung saan man siya makarating.
Maya-maya lang ay huminto na siya at ako naman ay napamangha ng marating na namin ang aming destinasyon ni Caleb. Kung kanina ay napadpad ako sa madilim na lugar, ngayon ay mas maliwanag na ang lugar kung saan ako dinala ni Caleb. Napakalapad ng lupa na ito na wala man lang mga bahay na umuukopa, tanging mga malalaking puno ng Narra, Acacia at Balete lang ang naka palibot dito at mga bangko na nasa ilalim ng mga ito.
"Caleb, ang ganda naman ng lugar na ito. Ang ganda tignan nga mga nakikislapang mga bituin pati ang malaking buwan ay gusto ko nang angkinin." Natutuwa kong sabi habang ang aking paningin ay hindi na maitangal sa kakatingin sa langit.
"Mahilig ka pala sa mga bituin? siguro ay gustong-gusto mo rin silang kausapin." Nakangising ani Caleb na tumingala sa mga bituin.
"Bakit mo pala ako nahanap kanina, at bakit hinanap mo pa ako?" Tanong ko sa kaniya ng deresto. Umupo na muna si Caleb sa malapad na bangko na nasa ilalim ng malaking puno ng Acacia bago niya ako sinagot. "Kabisado ko na ang lugar ng San Pablo kaya hindi mo na dapat itanong sa akin kung bakit kita nahanap kanina at gustohin ko mang iwan ka, hindi ko kayang gawin iyon sapagkat ako ang mapapagalitan ni ama. Kabilin bilinan niya sa akin na bantayan ka at isama kita sa paguwi ko, kaya ko lamang ginawa iyon at dinala kita dito dahil iyon din ang sinabi ni ama. Ito yung tinutukoy ni ama na San France, gusto niya kasing ipasyal ka dito at makasinghap ka ng sariwang hangin. Mabuti nalang at alam ko din ang mas malapit na daan papunta dito."
Napangiti na lamang ako sa sinabi niya kahit na alam ko naman talagang ayaw niya sana akong hanapin kasi ayaw niya akong maging parte sa buhya nila, sa buhay niya.
"Teka, paano na yung regalo mo para kay Binibining Natalina?" Tanong ko sa kaniya ng maalala ko ang regalo niya na nandun kay Arcellia ngunit hindi na siya kumibo pa.
Kalahating oras lang kami ni Caleb sa San France, hindi kami masiyadong nag-uusap at pati ang tungkol sa pagdating ko sa buhay nila ay hindi namin pinag-usapan pa. Medyo nagkakailangan na kami kaya nagpasya na kaming bumalik sa San Pablo at nang makita namin si Ginoong Emanuelito ay agad na kaming sumakay sa karwahe nang walang imik. Maraming tanong si Arcellia sa akin ngunit mas pinili kong tumahimik na lamang at nang makuha naman niya na hindi ko muna gustong makipag-usap sa kaniya ay hindi narin siya nagsalita pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top