CHAPTER 7


Sa wakas ay natapos ko na ang aking binuburdang mga bituin sa aking panyo. Umalis na si Profesor Marcela kanina lamang, at binigyan pa niya ako ng isang lampin na may nakaburdang mga bulaklak. Nakakalungkot lang isipin na hindi na si ina ang aking kasama sa pagbuburda ng mga nanggandahang tela.

"Binibini Estrella, kailangan mo na pong maghanda . Alas sais na po ng gabi kaya magbihis na po kayo at magpaganda." Nasasabik na sabi Arcellia.

Sinamahan niya ako sa pagakyat patungo sa aking kwarto at napangiti ako ng makita ko ang magarbong camisa na kulay puti , saya na kulay pula, isang panuelo at tapis na kulay puti rin na may naka buradang mga rosas. Kung titignan mo ang kabuoan nito ay masasabi mong gawa ito sa isang propesyonal na mangagawa. 

"Suotin mo na iyan Binibini Estrella nang makita mo na isa kang perpektong Maria Clara ." aniya na tinutulungan akong suotin ang baro't saya.

"Alam mo Arcellia, ang ina ko ay marunong din manahi ng mga ganito, at kung makikita mo ang mga nilikha ng aking ina ay masasabi mo ding maganda ito katulad nang baro't saya na ito." Napangiti ako habang inaalala ang aking ina.

"Ang ganda mo binibining Estrella, sigurado akong kasing ganda mo ang iyong ina, at kasing ganda ng mga nilikha niyang baro't saya." Napangiti rin si Arcellia at nagmamadaling isinuot sa akin ang mga perlas na nanggaling sa aking kabinet.

Nang matapos niyang ayusin ang aking buhok ay nagpadala ako ng isang simpleng baro't saya na ipinalagay ko sa isang bolso. 

Nang makababa na ako sa salas ay agad naman akong pinuri ni Don Marciano sa aking kasuotan. Wala si Donya Esperanza dahil alam kong ayaw niyang makita ang pagmumukha ko. Habang hinihintay ko si Arcellia na sa ngayon ay nasa itaas pa upang kunin ang mga regalona sinasabi ni Caleb kanina.

Sa di kalayuan ay natatanaw ko na si Francisco Caleb na nakasuot na sa kanyang barong na kulay puti rin. Ang nakaburdang disenyo sa kanyang barong ay nagbibigay ganda sa kanyang kasuotan. Napatulala ako  nang makapasok na nang tuluyan si Caleb sa mansyon sapagkat ang kaninang walang sigla na Caleb ay ngayon ay napaka presko at maaliwalas. Ang matangos niyang ilong,ang mala-tsokolate niyang mata, ang mapupula niyang labi , ang istilo ng pagkahawi ng kaniyang buhok at ang magandang tindig niy, lahat nang yun ay perpekto.Ngunit ang ugali niya ?yun ang nagpapabawas sa kaniyang kaperpektuhan. 

 Ngayon ay nakatingin lang si Caleb sa akin nang walang kahit isang salita. "Francisco, alagaan mo ang iyong kapatid. Siguraduin mong uuwi kayo na magkasama." Ani Don Marciano na masayang nakatingin sa amin ni Caleb.

"Walang problema ama, kahit medyo makulit si hermana ay hindi naman siguro siya mawawala doon." Sabi Caleb na bahagyang hinawakan ang aking ulo.

"O cge na mag-ingat kayo sa inyong biyahe, sana ay maging maganda ang inyong gabi." Saad ni  Don Marciano na hinatid pa kami sa karwahe.

Napamaang naman ako nang inilahad ni Caleb ang kaniyang kaliwang palad para makasakay ako sa karwahe nang maayos kaya para masakyan ko ng tagumpay ang kaniyang pagpapanggap ay hinawakan ko ang kaniyang kamay para makapasok sa loob ng karwahe.

"Aalis na po kami Don Marciano, ako na po ang bahala kina Ginoong Francisco at Binibining Estrella."Sigaw ni Arcellia na kumaway-kaway pa kay Don Marciano at mga kasamang gwardya.

Naging tahimik ang biyahe namin papunta sa San Pablo kung saan gaganapin ang baile de pelota. Tanging ang boses lamang ni Arcellia ang nabibigay ingay, na kahit ang paglakad ng kabayo ay hindi mo maririnig.

Maya-maya lang ay huminto na ang karwahe at bumaba naman si Ginoong Emanuelito para buksan ang pintuan . " Maligaya pong pagdating sa San Pablo binibining Estrella at Ginoong Francisco, maari na po kayong bumaba." Magalang na sabi ni Ginoong Emanuelito. Narinig ko kasi kanina bago kami pumasok na tinawag siyang Emanuelito ni Don Marciano.

Una namang bumaba si Arcellia at agad niya naman akong tinulungan upang makababa ng maayos. Ang panghuli namang lumabas ay si Caleb na derederetso lang ang paglakad papasok sa pasillo. Dali-dali namang hinablot  ni Arcellia ang mga regalo at nagsilakad kami nang mabilis para masundan si Caleb.

"Ah, Caleb saan ba kami maghihintay sa iyo ?" Tanong ko sa kaniya nang medyo naunahan namin siya. "Dun nalang kayo sa labas nang Entrada at ipapahatid ko nalang ang mga pagkain sa inyo." Sagot niya na hindi man lang nakatingin sa akin. Patuloy parin siya sa kaniyang gawi haggang sa makita na namin ang nakakakit na entrada na puno ng rosas.

"Ang ganda naman dito, tiganan mo binibini bagay na bagay sa iyo ang lugar na ito. Magkahawig ang baro't saya mo sa disenyo. Ikaw po yata ang pinakamaganda na binibini dito." Natutuwang sabi ni Arcellia na ang mga mata niya ay parang kumikislap.

"Maghintay na laman kayo dito at akoy lalabas din pagkatapos nito." Marahan na sabi ni Caleb at tuluyang pumasok na nga sa entrada.

"Binibini, bakit hindi ka sumabay kay Ginoong Francisco? na sa kaalaman ko ay ipapakilala ka niya sa mga kaibigan niya sa loob." Mausisang tanong ni Arcellia sa akin at hinawakan ang aking kamay para hilahin ako sa loob. "Huwag Arcellia. Ayaw ni Caleb na pumasok ako sa loob dahil ayaw niya sa akin, at hindi naman talaga kami magkapatid." Pangrarason ko sa kaniya para siya ay hindi na mangungulit. "

"Alam mo bInibini hindi ko talaga maintindihan kung bakit sinasabi nila na kapatid kayo ni Ginoong Francisco at ikaw naman ay nagsasabing hindi . Ano ba talaga ang katotohanan ? para naman akoy may konting kaalaman."  Tanong na naman niya.Di ko talaga kayang sanggain  ang mga tanong ni Arcellia sa kadahilan na hindi ko naman alam ang kabuoan at wala akong plano na makinig sa mga kasinungalingan.

"Kay ganda mo naman Binibini, maari ko bang malaman ang iyong pangalan at para naman kitay maihatid sa loob na puno ng kasayahan?" Akoy biglang napamaang sa isang Ginoo na hindi ko naman alam kung sinuman. Siya ay nakangiti sa aking harapan at hindi ko alam kong dapat ko bang ibigay ang aking pangalan.

"Pasensiya na Ginoo ngunit akoy kailangan ng pumasok sa banyo sapagkat ang aking tiyan ay umiiyak na dahil sa kasakitan." Pagdadahilan ko sa isang mestisong Ginoo para hindi niya na ako pilitin. Agad ko naman sinunggaban ang kamay ni Arcellia papuntang banyo. Maswerte nalang dahil may mga karatula naman nakalagay sa poste papuntang banyo.

"Arcellia ibigay mo sa akin  yung isa pang baro't saya para makapagpalit ako ng kasuotan. Kasi akoy nahihirapan sa magarbong damit na ito." Utos ko sa kaniya at agad naman inayos ni Arcellia ang baro't saya.

Nang matapos kong suotin ito ay napagdesisyonan naming bumalik ulit sa labas ng entrada para hintayin si Caleb.

"Arcellia,sino ba yang kasama mo? ngayon ko lang siya nakita. Bago ba siyang tagapag silbi nila Ginoong Francisco?" Napalingon ako sa aking kaliwa nang marinig kong may nagsasalita. Ang ganda niya, para siyang isang anghel. Maliit ang kaniyang mukha, makinis ang kaniyang balat, at napakabagay sa kaniya ang kaniyang kulay asul na baro't saya. Mukhang pamilyar siya sa akin, nakita ko na ba siya dati?

"Opo binibini, ako po ang bagong tagapagsilbi nila Don Marciano. Binabati po kita nang magandang gabi,Binibini." Malumanay kong sagot sa kaniya at yumoko bilang respeto sa kaniya. Sa tingin ko ay dalawang taon lang ang lamang niya sa akin, siguro ay nasa desisais-anyos siya ngayon.

"Kung sa ganun ay maari ba kitang utusan?" Sabi nung Binibini nang medyo mataray. "Oo naman po, wala pong problema Binibini." Nakangiti kong sagot sa kaniya.

"O cge. Arcellia samahan mo siya dun kay Ginoong Edgardo at kunin niyo yung maliit na kahon dahil ibibigay ko iyon kay Ginoong Francisco, at ibigay niyo lang sa akin sa loob. Kakausapin ko lang ang mga bantay upang maari kayong pumasok, ilagay niyo lang sa lamesa dun sa tapat nang pwesto namin ni Ginoong Francisco kung saan kami sasayaw." Kinikilig na sabi nung Binibini habang itinuro sa amin ang pwesto nila ni Caleb. Hinawakan naman ako ni Arcellia sa aking braso, nagpapahiwatig na ayaw niyang gawin ko iyon ngunit huli na nang tumango na ako sa magandang Binibini at ako naman ngayong ang napahawak sa braso ni Arcellia.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top