CHAPTER 6
Kinabukasan ay na pa sobrahan ang aking tulog dahil na din siguro sa pagod ko kahapon. Nakakalungkot lang isipin na sa tuwing gigising ako ay hindi ko na makikita ang aking magulang. Ang buhay ay sadyang hindi talaga mahuhulaan,parang kahapon lamang ay masaya kaming nag-uusap nila ina at ama ngunit sa isang iglap lang ay biglang naglaho ang lahat. Tama ba itong ginagawa kong pag punta dito sa Casa Fuerte? tama bang nandito ako ngayon sa mansyon habang si ina at ama ay hindi ko alam kung na saan, tama din bang pumasok ako sa buhay ng pamilyang La Torre? Alam kong wala akong magagawa sapagkat itoy nakatakda na at nangyari na. Pansamantala akong titira dito ngunit balang araw magkikita rin tayo ina at ama, gagawin ko ang lahat upang makasama ko ulit kayo hindi ako mawawalang ng pag-asa sapagkat may bukas pa.
Maya maya lang ay may kumatok sa aking pintuan at batid kong si Arcellia iyon, kaya pinapasok ko siya sa loob ng aking kwarto.
"Binibining Estrella, nakahanda na po ang iyong pagkain sa ibaba. Tutulungan na po muna kitang maligo para mamaya ay may ipapakilala daw si Don Marciano sa iyo." Sabi ni Arcellia na naghahanda ng tuwalya at naghihintay sa akin na pumasok sa loob ng banyo.
"Arcellia, ako na ang bahala magligo sa aking sarili hindi mo na kailangan pang tulungan ako." Nakangiting ani ko at akmang kukunin na sana ang tuwalya na pinatong niya sa kanyang balikat.
"Binibini, ako po ang iyong tagapagsilbi kaya nararapat lang na ako ang tutulong sa iyo sa kahit ano mang gawain, at isa na po itong pagliligo sa iyo."Nakikiusap na sambit ni Arcelia na hinawakan ako sa aking kamay at marahan na hinila ako papunta sa banyo. Napakamot ako sa aking batok kasi napaka hirap tanggihan ni Arcellia.
Hindi ko na lang siya pinigilan at nagpahila na lang ako sa kanya at nang makapasok na kami sa banyo ay dali-dali ko siyang itinulak para makalabas sa banyo at isinrado agad ang pintuan nito. "Pasensya na Arcellia hindi ko sinasadya na itulak ka ngunit ayaw mo kasing hayaan akong maligo mag-isa kaya ko iyon nagawa. Bababa ako mamaya para kakain, maraming salamat Arcellia." Sabi ko sa kaniya at tuluyan ng naligo sa loob.
"Binibini naintindihan ko po ngunit dito nalang po ako sa kwarto mo, hihintayin na po kita at maghahanda nalang ako ng maisusuot mo."Sabi ni Arellia kaya umu-o nalang ako.
Maya-maya lang ay natapos na akong maligo at saglit lang nagbihis. Bumaba kami ni Arcelia at nagpunta sa comedor. Walang ibang tao dun, batid kong tapos na silang kumain.
"Nasaan pala sila Don Marciano at ang kaniyang asawa?" Tanong ko sa kay Arcelia habang kumukuha na ng pagkain sa lamesa.
"Si Don Marciano at Donya Esperanza ay pumunta sa kanilang palayan, nagwewelga kasi ang mga tao kahapon upang pataasin ang kanilang sahod. Si Ginoong Francisco naman ay pumasok na sa paaralan, doon sa San Calungsod." Ani Arcellia na nakatayo lang at tinitignan akong kumakain.
"Alam mo, hindi magandang asal ang hayaan kang nakatayo diyan at tinitignan lamang ako habang ako dito ay naka upo at kumakain. Kaya hali kana't samahan mo akong kumain,Arcellia." Tumayo ako saglit at pinaupo si Arcellia sa tabi ko.
"M-maraming salamat po ngunit baka makita po tayo dito at mapapagalitan po ako." Nahihiyang aniya. "Ako ang bahala sa iyo kaya sge na kumain na tayo." sagot ko sa kaniya at nilagyan ng kaldereta ang kaniyang plato.
Natagalan kami ni Arcellia dito sa comedor kasi sobrang dami ng handa sa lamesa kaya sinulit namin iyon. Masaya ako kasi nakikita ko ang mga ngiti sa kaniyang mukha habang kumakain ng ibat ibang prutas.
Nakalipas ang trenta minutos ay nabigla kami nang may tumikhim at lumabas sa kanang pintuan, iyong pintuan na linabasan din ni Don Marciano kahapon. Ano kaya talaga ang meron sa kanang pintuan na iyan.
Nabitawan namin ang kinakain naming ubas at napanganga nalang dahil hindi namin akalain na nandito pala si Caleb sa mansyon. Diba na sa paaralan daw siya sabi ni Arcellia kanina.
"Ginoong Franciso patawarin niyo po ako sapagkat akoy nagkasala." Gumaralgal ang boses ni Arcellia at lumuhod sa harapan ni Caleb. Walang ano-ano pa man ay ipinatayo ni Caleb si Arcellia at ipinagpag ang kaniyang tuhod na para bang may dumi ito.
"Hindi naman kasalan ang kumain, kaya bakit ka natatakot at parang hindi na makatingin?" Mahinang ani Caleb na parang napapagod. Ang kaniyang mukha ay matamlay at parang walang sigla.
Yumuko nalang si Arcellia at humingi ulit ng pasensya saka siya tuluyang lumayo. "Estrella, nais kong sabihin saiyo na mamayang alas-syete ng gabi tayo aalis, pagsabihan mo din si Arcellia at ipakuha mo sa kanya ang munti kong regalo sa pamilyang Hidalgo sa loob ng aking kwarto. Aalis na muna ako sapagkat may aasikasuhin pa ako." Naging iba ang tunog ng kaniyang boses, nakakapagtataka kung bakit siya ay pagod-na pagod at parang hindi yata natulog kagabi dahil sa bakas na pangingitim sa ilalim ng kaniyang mata.
"May sakit ka ba?" Tanong ko sa kaniya habang ipinatong ko ang aking kanang kamay sa noo niya. "Parang may lagnat ka, matulog ka na muna para ikaw naman ay makapahinga." dagdag ko sa kaniya ngunit umiwas lang siya sa akin at naglakad palabas ng pangunahing pintuan ng mansyon.
Hindi ko nalang siya pinigilan at hinayaan na lang siyang umalis. Sino ba naman ako para pagsabihan siya ng ganun?
Naglibot-libot na muna ako sa mansyon at umakyat sa ikatlong palapag. May malaking bintana na gawa ring capiz shell na una kong napansin kaya nilapitan ko ito at dumungaw. Napaka sariwa ng hangin at nakikita ko ang mga naglalakihang punong mangga at may mga punong niyog. Sa di kalayuan ay natatanaw ko rin ang ekta-ektaryang palay at tubuhan. May mga kalabaw din natumulong sa mga mag-uuma, at mga ibong na nagsisiliparan ng malaya.
Lumingon ako sa likuran ko at may nakita akong kwarto sa dulo na nakaiwang bukas. Lumapit ako dun at tinignan kung anong meron sa loob. Naibukas ko ang aking bibig sa sobrang pag hanga sa aking nakikita. Ang ganda ng mga obra maestra na naka sabit sa pader, meron ding nakapatong lang sa kahoy. Lumapit ako sa isang pamilyar na pinta at napagtanto ko na iyon yung palayan nila at mga mag-uuma. Napakaganda naman ng talento ni Caleb, parang na sakanya na ang lahat. Bukod sa talento ay di ko namang maitatanggi ang pagka hermoso(gwapo) niya . Ang mapupungay niyang mga mata ay hindi bagay sa kaniyang ugali ngunit parang mabuti naman talaga siyang tao at dahil sa akin ay bigla na lang naglaho ito.
Lumingon ako sa bandang kaliwa ko at nakita ko ang isang Obra maestra na hindi pa tapos, isang magandang babae na may magandang ngiti, matangos na ilong at ang kaniyang mga mata ay sadyang nakakaakit.
"Anong ginagawa mo sa kwartong ito ?" Nabigla ako nang may nagsalita kaya wala akong ibang nagawa kundi ang maestatwa.
"D-donya Esperanza, patawarin niyo po sana ako sa pagpasok sa loob ng kwartong ito ng walang pahintulot sa inyo." Napayuko na lamang ako at natatakot kung anong gagawin niya sa akin.
"Lumabas ka sa kwartong ito, at tandaan mo hindi ka isang ibon na malaya!" Bulalas ni Donya Esperanza sa akin na ngayon ay lumalaki ang mga mata sa galit. Umalis ako sa kwarto at may nakita akong parang hagdanan sa gilid ngunit hindi ko nalang ito pinansin at tuluyang bumaba sa hagdanan kung saan ako umakyat kanina.
"Hija, Na sa itaas ka lang pala. Ito nga pala si Profesor Marcela siya ang magiging guro mo, mas makakabuting dito ka na muna sa mansyon mag-aaral. Tuturuan ka niya sa pagluluto, sa Literatura na Engles, sa katesismo at iba pa." Sabi ni Don Marciano nang makababa ako sa salas.
Nahihiya ako at nandun pa rin ang kaba ko dahil sa nagawa kong kasalanan kanina. Hindi man masiyadong halata ay nginitian ko nalang sila.
" Magandang tanghali Profesor Marcela."Binati ko siya ng maayos.
" Ikinagagalak kong makita ka binibining Estrella. Sa hapong ito ay tuturuan kita sa pagtahi." Humakbang nang lakad si profesor Marcela at tinabihan ako.Parang tumingkad ang kulay ng aking mga mata nung marining ko iyon sapagkat mahilig talaga ako sa pananahi. Naalala ko nanaman ang aking ina na siyang nagturo sa aking paano manahi at pagbuburda.
Kaya Bago kami nag-umpisa ay sinabihan ko na muna si Arcellia tungkol sa sinabi ni Caleb para sa gaganapin na baile mamayang gabi. Nag punta kami sa ikatlong palapag at binuksan ang pintuan na katapat lamang sa kwarto ng mga Obra maestra ni Caleb.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top