CHAPTER 5
"Nang dahil sa pagpasok mo sa aming buhay, mas lalo itong gumulo at tuluyan ng nawalan ng kulay." May narinig akong nagsasalita sa aking likuran kaya dali-dali kong pinunasan ang aking mga luha at lumingon kay..
"He-hermano? este Caleb?" Nalilito kong sambit sa pangalan niya. Alam kong ayaw niyang tawagin ko siyang hermano sapagkat malalim ang galit niya sa akin.
"Sa tingin ko ay hindi na magkakasundo pang muli si ina at ama lalo na't nandito ka na sa mansyon,Estrella." Sabi niya na may bakas na poot. Nakasandal siya ngayon sa pader at makikita mo sa kaniya ang pagdadalamahati.
"Caleb, alam ko pong hindi niyo nagustuhan ang pagpunta ko dito sa inyong masnyon at gusto ko din pong sabihin sa inyo na hindi ko din po planong sirain ang pamilya niyo. Hindi ko din gusto ang tumira dito sapagkat may ina at ama ako na mapagmahal, ngunit hindi ko na alam kung nasaan sila ngayon. Sino naman ang magaakala na sa pag punta ko dito ay bigla ko nalang malalaman na iba pala ang tunay kong ama. Kung pwede lang akong umalis dito ay kanina ko pang ginawa ngunit sana ay maintindihan mo na wala na akong matutuluyan, at wala na ding akong tunay na pamilyang babalikan sapagkat di ko na alam kung buhay pa ba sila, kaya pasensya po pero wala na akong ibang paraan." Sabi ko sa kaniya nang puno ng lungkot. Hindi ako maka tingin sa kanya kaya deretso lang ang aking paningin sa pader.
"Ano ang ibig mong sabihin,Estrella? Makikitira ka talaga sa mansyon na ito at nais mo din maging ina at ama ang aking mga magulang?" Nangunot ang noo ni Caleb nang sabihin iyon sa akin. Napatingin ako sa kanya at nanatiling mahinahon.
"Ang ibig ko sabihin ay makikitira na muna ako dito pansamantala, hinding hindi ko din aagawin ang ina at ama mo dahil may tunay naman akong mga magulang at sapat na silang dalawa sa buhay ko. Hindi rin kita ituturing na kapatid dahil kailanman hindi ko iyon matatanggap." Sabi ko sa kanya ng marahan upang matanggap niya ako.
Napaka lapit na ni Caleb sa akin ngayon at iginala niya ang kaniyang mga mata sa paligid ng mansyon parang tinitignan kung may ibang tao ba sa loob. "O cge, pero una sa lahat ayaw kong tawagin mo akong Caleb sapagkat mas gusto ko pa ang Francisco na pangalan at dahil hindi rin naman kita kapatid, pwede kitang utos-utosan kagaya ni Arcelia. Huwag mong ipaalam kay ama, dapat makita niya na maayos ang ating pagsasamahan bilang magkapatid pero kung wala naman siya ay hindi na kailangan iyon. " Sabi ni Caleb na pinagpag muna ang kanyang barong at pumasok sa comedor.
Naku hindi talaga siya maginoo napaka sungit niya, at kakaiba siya sa mga lalaki na kakilala ko, sobrang laki lang ata ng galit niya sa akin kaya ganun siya makipag-usap sa akin. Takot din naman pala siya sa kaniyang ama kaya ayaw niyang magalit ito.
"Hija, nandiyan ka pala halika at pumasok tayo sa comedor. Kumain ka na dun at sabayan mo ang iyong hermano." Nakangiting sabi ni Don Marciano na iginiya ako sa loob ng comedor. Nagtataka ako kung bakit nandito siya ngayon ,diba pumasok siya sa kanan na pintuan kanina dun sa comedor hmmm ang laki naman kasi ng mansyon na ito kaya hindi ko alam ang pasikot-sikot dito.
Pumasok na nga kami nang tuluyan ni Don Marciano ngunit nagulat si Caleb nang makita niya kami ni Don Marciano sa hapagkainan kaya napatingin siya sa akin at nginitian ako. Alam ko naman peke lang iyon pero nginitian ko nalang din siya kasi ayaw ko nang magpabigat sa pamilya nila kahit na hindi ko sila gusto.
"Tumabi ka sa hermano mo Estrella, alam kong magiging malapit kayo dahil nabalitaan kong mahilig ka daw sa mga tula? Si hermano mo kasi ay mahilig din dun ngunit fine arts ang pinakuha ko sa kaniya."Dahan-dahan paring naglalakad si Don Marciano habang nagsasalita.
"O, Francisco alalayan mo ang iyong kapatid upang makaupo na." dagdag pa ni Don Marciano na sa tingin ko ay siya ang kailangan alalayan sapagkat nahihirapan siya at tanging sungkod lang niya ang tumutulong sa kaniya.
Tumayo si Caleb at imbes na ako ang kaniyang tulungan ay mas una niyang inalalayan ang kaniyang ama upang makaupo ito ng maayos. Napangiti naman ako ng konti dahil sa magandang asal na ginawa niya. May kabutihan din naman pala siya, syempre ama niya yun at akoy isang estranghera lamang para sa kaniya.
Akmang lalapit na sana ako sa aking upuan nang inunahan ako ni Caleb na isapwesto ang silya ko upang akoy makaupo din nang maayos. "Sa-salamat Caleb, este hermano pala." Nauutal kong sambit sa kaniya . Muntik ko nang malimutan ang aming kasunduan, nasa harapan pala kami ng mismong mga mata ni Don Marciano kaya kailangan kung turingin siya bilang kapatid ko. Naku, hindi ko sana gustong magpanggap baka kasi magkamali ako pero ano naman ang magagawa ko kung si Caleb naman ang may gusto nito?
"Hermana, kainin mo na itong mga pagkain." Sabi ni Caleb na nilalagyan ng mga ulam ang aking pinggan. Nagulat ako sa mga ginagawa niya sapagkat hindi naman ganito ang pagtrato niya sa akin. Ang galing niyang magpanggap sa harapan ni Don Marciano pero kung wala naman eh napakasungit at hindi maginoo.
Umupo si Caleb sa kaniyang silya at nagsimulang kumain. "Hijo, nakahanda na pala ang mga susuotin mo para sa baile de pelota na gaganapin bukas ng gabi. Ang pamilyang Hidalgo ay pupunta rin kaya alam kong pupunta ka talaga." Nakangising ani Don Marciano habang nilalaruan ang kaniyang sungkod.
"Opo ama, nakahanda na din ang aking regalo para sa kanila." Sagot ni Caleb na ipinatong na ang kutsara at tinidor sa lamesa.
"Ipasyal mo ang iyong kapatid sa San France para naman makalanghap siya ng sariwang hangin. Nakahanda na rin pala ang susuotin mo hija, ipapasama ko nalang sa inyo si Arcelia para may makakaalalay sa inyo." Nasamid ako ng marinig iyon kay Don Marciano. Dali-dali kong inabot ang tubig at ininom ito. Anong ibig niyang sabihin? Ako ay sasama rin kay Francisco Caleb sa baile?
Tinignan ako ni Caleb na parang ayaw niya akong sumama sa baile kay napatango ako sa kaniya. "Huwag na po Don Marciano, hindi po talaga ako mahilig sa mga ganyang bagay. Mas pipiliin ko pong dumito nalang sa mansyon." Sabi ko kay Don Maricano at inilagay na din ang kutsara at tinidor sa aking plato.
"Kailangan mong sumama hija upang ipakilala ka ng iyong kapatid doon." Ani Don Marciano na ipinatong ang mga kamay sa lamesa at pinagpag ang konting alikabok dun.
"Aalis kayo bukas ng sabay at babalik kayo dito sa mansyon ng sabay rin, klaro ba iyon Francisco?" ma-awtoridad na tugon ni Don Marciano kay Caleb kaya wala na siayng nagawa kundi ang umo-o na lang sa kaniyang ama kahit hindi bukal sa kaniyang loob iyon.
Dahan-dahang tumayo si Don Marciano at naglakad palabas ng comedor. Habang si Caleb naman ay masamang nakatingin sa akin. " Pupunta tayo bukas ngunit huwag na huwag mo akong tawaging hermano at huwag mo din sabihin sa kanila na kapatid kita." Napakamot nalang ako sa aking batok at tumango nalang sa kaniya para hindi na kumunot ng masiyado ang kaniyang noo, baka akalain ng mga tao dun na matanda na siya.
Umalis na si Caleb at naiwan akong nakaupo sa aking silya. Napaisip ako kung talaga bang pupunta ako doon o magkunwari na lang na masakit ang aking tiyan para payagan akong hindi sumama, ngunit baka may kakilala ako doon at maitanong ko sa kanila kung nasaan na nga ang aking ina at ama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top