CHAPTER 4
Kanina lamang ay inihatid na ni Arcelia ang aking pagkain,at dahil sa demasiado kong gutom ay na ubos ko lahat iyon at ngayon ay nagmuni-muni nalang habang naka upo sa tumba-tumba na upuan.
Malipas ang tatlong oras ay may kumatok sa aking pintuan. "Binibining Estrella, maari po ba akong pumasok sa loob ng iyong kwarto?" Pakiusap ni Arcelia. Tumayo ako sa tumba-tumba at naglakad patungo sa pintuan upang buksan ito.
"Maari ka naman pumasok Arcelia, halika sa loob at umupo ka muna." Sabi ko kay Arcelia na naparang ayaw tumingin sa akin.
"Pasensya po binibini nahihiya lang ako kaya hindi ako makatingin ng deretso sa'yo.Kay ganda niyo po kasi, kamukha niyo si Don Marciano." Napakunot ang aking noo nung marinig ko kay Arcelia yun. Hindi ko aakalain na masasabi niya iyon. Nagmana ako kay ina at kay ama na si Luciano kaya bakit niya nasabing kahawig ko si Don Marciano?
"Arcelia, ang tunay kong ama ay hindi si Don Marciano at isa pa hindi naman kami magkamukha." Marahan kong sinabi sa kanya upang hindi niya masamain.
"Patawarin niyo po ako sa aking nasabi binibini Estrella, hindi na po mauulit. Kaya po pala ako nandito sapagkat inutusan ako ni Don Marciano na tawagin mo daw ang iyong hermano sa kabilang kwarto para sa ating cena(hapunan)."
"Ba-bakit ako yung tatawag sa kaniya?" Nauutal kong tanong sa kaniya habang inililigpit ko ang mga gamit ko galing sa dala kong sako kanina.
"Gusto po siguro ni Don Marciano na makilala mo ng mabuti ang iyong hermano Francisco." Sabi ni Arcelia at tinulungan akong isaayos ang aking mga damit sa kabinet.
Wala akong lakas na loob na kausapin ang taong hindi ko naman kilala, at isa pa hindi ko naman talaga siya kapatid. "Hindi ba pwedeng ikaw nalang Arcelia? nakikiusap ako."
"Paumanhin binibining Estrella ngunit baka mapapagalitan ako kung hindi ko susundin ang utos ni Don Marciano." Sabi ni Arcelia na may bakas na takot sa kaniyang mga mata. Kaya nilakasan ko na lang ang aking loob para hindi mapagalitan si Arcelia.
"O cge, pupuntahan ko na siya at bababa na kami mamaya sa comedor." Nginitian ko si Arcelia at ganun din naman siya sa akin. Umalis na siya at umunang bumaba para maghanda na sa hapunan.
Kinakabahan akong naglakad patungo sa kwarto ni Francisco Caleb kaya nung na sa harapan na ako sa kaniyang pintuan ay kinatok ko na ito. Ngunit nakailang katok na ako sa pintuan niya pero hindi parin niya ito binuksan.
"Ca-caleb, maari mo po bang buksan ang iyong pintuan?" Nauutal kong bigkas sa kaniyang pangalan dahil hindi ko naman alam kong anong itatawag ko sa kaniya kaya napag-isipan kong Caleb nalang dahil mas maikli ito kesa sa Francisco.
Hindi parin niya binuksan ang pintuan o di kayay magsalita man lang. Kinatok ko ulit ang pintuan habang tinatawag ang kaniyang pangalan. "Ginoong Caleb" Sabi ko baka kasi gusto niyang tawagin ko siya ng ginoo para mas pormal.
"Ginoong Caleb, buksan niyo itong pituan." Naiinis na ako ngayon habang tinatawag siya. Ilang minuto na kaya ako nandito ngunit wala parin akong sagot na naririnig mula sa kaniya.
"Kanina pa ako dito sa iyong likuran ngunit hindi mo man lang napansin, ang ingay-ingay mo." Napalingon ako sa aking likuran ng marining ko ang kaniyang boses.
"Ang aso ay hindi makakain kung hindi ito marunong tumingin-tingin." Dagdag pa niya na parang nagsasabi ng isang talinghaga.
"Ngunit ang aso naman ay marunong tumahol lalo na kung may tao." Sinagot ko naman siya. Hindi ko alam kung nakakawala na ba ng respeto ang ginawa ko ngunit parang pinapakita niya kasi sa akin na hindi niya ako gustong makita.
"No importa" Sabi niya sa akin at akma na sanang papasok sa loob ng kaniyang kwarto ngunit hinarangan ko siya.
"Teka lang Caleb, tinatawag na daw tayo ni Don Marciano na iyong ama." Nahihiya kong ani na hindi man lang makatingin sa kaniya.
"Oo nga naman, ama ko siya. Sge mauna ka nalang at susunod din ako." Tinignan niya ako na para bang gusto niyang sabihin na huwg ko na siyang harangan.
"Maghihintay ako, hihintayin kita dito sa labas." Di ako magpapasindak sa kaniya, hindi porket mas nakakatanda siya sa akin ng apat na taon. Diecisiete -anyos palang ako at siya naman ay veintiuno anyos na. Nakita ko kasi sa isang kwaderno na nakalagay sa ilalim ng aking aparador noong nagmuni-muni ako kanina, nakalagay dun ang kaarawan niya at mga bagay na gusto niya. Ibibigay ko sana sa kaniya yun ngunit baka magalit siya kasi pinakialaman ko yun at binasa.
"Hindi mo na kailangan pang hintayin ako, bumaba ka na lang." Sabi niya na akmang papasok na naman sa kaniyang kwarto ngunit sa di ko sinasadya ay nahawakan ko ang kaniyang braso para pigilan siya."Hihinatayin kita, sabay nalang tayong bumaba."
Napatingin siya sa aking kamay at kumunot ang kaniyang noo. Inalis ko naman ang aking kamay sa kaniyang braso at umalis sa harapan ng kaniyang pintuan. "Pasensiya, hindi ko sinasadya ang hawakan ka. Di na mauulit pang muli, bababa nalang ako at sasabihin ko nalang kay Don Marciano na susunod ka lang. Wala naman sa plano ko ang pilitin ka ngunit baka mapagalitan si Arcelia dahil baka isipin ng iyong ama na hindi kita tinawag." Mahinang sabi ko sa kaniya at tuluyan na ngang umalis sa harapan niya.
Napakasungit naman niya, hindi maaring magkapatid kami kasi ugali palamang namin makaiba na. Bakit ba naman kasi ganun ang ugali nun, Caleb pa naman ang kaniyang pangalan na nasa bibliya.
Bumaba na lamang ako at nagtungo sa comedor, nakakamangha tignan ang mga porcelana nila na naka lagay sa bawat sulok ng mansyon at kahit saan ako makatingin ay may mga pintura al oleo (oil painting) na naka kabit sa pader. Akmang papasok na sana ako sa loob ng comedor ngunit may narinig ako.
"Bakit mo pa kasi tinanggap ang anak ni Valeria dito sa mansyon natin?! Nasawa na ba sila sa kakaalaga sa batang iyon kaya itatapon nila dito sa atin?" Galit na galit na sabi ni Donya Esperanza na nakamewang. Hindi nila alam na nasa poste lang ako at nakikinig sa kanila.
Nasaktan ako nang marinig iyon kay Donya Esperanza. Paano kung tama nga ang sinabi niya? baka nasawa na ang mga magulang ko sa akin kaya ipinabigay na lang nila ako sa mayaman na mag-asawa.
"Anak ko si Estrella, at matagal ko nang gustong kunin siya sa kanila kaya huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan." Tumaas ang boses ni Don Marciano habang tinuro-turo niya si Donya Esperanza.
"Hindi ko kayang makita ang pagmumukha ng batang iyon! Sinisira lang niya ay samahan nating pamilya." Sabi ni Donya Esperanza na ngayong ay palakad-lakad na hinahawakan ang noo at parang ang bigat-bigat ng kaniyang dinaramdam. Hindi ko naman maisisisi si Donya Esperanza sapagkata tama nga naman siya, bakit pa ako nagpunta dito kung sa makakasira pala ako ng isang pamilya. Napaluha ako at tinakpan ang aking bibig upang hindi nila ako marinig.
"Ikaw ang nauna ngunit si Valeria ang tunay kong minahal. Alam mo yan Esperanza kaya huwag kang makialam sa aking mga desisyon." Nanlaki ang mga mata ni Donya Esperanza nang marinig niya yung sinabi ni Don Marciano. Napakumo nalang si Donya Esperanza at umalis sa kaliwang pintuan ng comedor habang si Don Marciano naman ay lumabas din sa kanang pintuan.
Kasalanan ko ang lahat. Hindi ko naman sinasadya na masaktan ko silang lahat, mas lalong sumisikip ang aking dibdib ngayon at parang nawalan na din ng gana ang panahon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top