CHAPTER 15
Kinabukasan ay nagising nalamang ako sa silaw ng araw na halos ay hahalik na sa aking mga mata. Di ko man naisip na nakatulog pala kami parehos ni Caleb sa bangka na pinarada namin sa gilid ng yungib kagabi
Pinagmasdan ko ang mukha ni Caleb na mahimbing na natutulog, Di ko inakala na may kalungkutan palang dinadala itong msyteryosong tao na'to. Tapos na ang maikling pagkakasundo namin- magiiba na naman ang timpla ng hangin ngayon sa oras na siya ay magising.
Iginala ko ang aking mga mata sa kapaligiran at nasaksihan kong muli ang natural na kagandahan ng bukal. Tuluyan na ngang tumila ang ulan at ang mga alitaptap na nagsisilbing bantay namin ay naglaho na rin sa kawalan ngunit ang mga nakaburdang masasakit na alala ay nananatili parin sa pusong nanabik ng kalayaan.
Gumalaw ako sa bangka sapagkat namamanhid na ang mga paa ko. Umalog-alog ang sinasakyan naming bangka at sa gulat ko ay napakapit ako ng mahigpit sa gilid ng bangka . Sa takot ko ay naipikit ko ang aking mga mata, iniisip na walang tatlong Segundo ay mahuhulog na ako sa bangka ngunit bigla kong naimulat ang aking mga mata ng may humawak sa kanang kamay ko.
"Di ka mahuhulog at kung mahuhulog ka man ay walang probema iyon- dumungaw ka at makikita mong mababaw lang ang tubig." Ani Caleb na seryosong nakatutok sa aking mga mata.
Ito nanaman ang mga matang walang ekspresyon, mga matang di ko mababasa kung ano talaga ang nararamdaman.
"Ay, pasensya sobrang natakot lang akong malunod ulit. Wala pa naman si Ginoong Salvator upang iligtas ako."
" May gusto ka ba sa kaibigan ko, Estrella?" Nakangiwing ani Caleb na naging malamig ang tunog ng boses.
"May bukal na puso kasi si Ginoong Salvador, Nasabi ko lang iyon na walang halong malisya at ngayon ay itatanong mo na agad kung gusto ko siya? Wala ako sa posisyon upang magkagusto sa kaniya at isa pa hindi ko iniisip ang mga bagay na yan. Ang dami ko pang problema- Hindi ko pa alam kung nasaan ang tunay kong mga magulang tapos di pa natin makamit ang kalayaan na kay tagal ng hinihingi ng Pilipinas, Si Don--" Hindi ko naitapos ang aking sasabihin sapagkat biglang pintuol ni Caleb ang aking paliwanag.
"Nagtatanong lang ako Hermana ngunit kay haba naman ng iyong paliwanag .Sapat na sana ang Oo o Hindi." Sabi ni Caleb na may pang aasar na tono.
Sa tuwing binibigkas niya ang salitang Hermana ay di ko malaman kung siya ba ay nag-aasar o sadyang Nang-iinis lang siya.
Tumayo sya at ipinuwesto ang dalawang kamay sa kanyang bulsa. "Mag-ingat ka sa pagbaba mo mahirap na baka madulas ka wala pa naman si Ginoong Salvator."
"Hindi ko nga gusto si Ginoong Salvator!" Naiinis kong sigaw sa kaniya habang humahakbang pababa sa bangka. Sa inis ko kay Caleb ay tuluyan nga akong nadulas at lumusaw sa tubig. Alam kong naririnig niya ang pagbagsak ko sa tubig ngunit di man lang niya ako binalikan o di kayay lumingon man lang sa aking gawi.
sa halip na tulungan niya ako ay dere-deretso lang siya sa kaniyag gawi at iyon ang kinaiinis ko sa kaniya. Humnda siya!
Patakbo ko siyang hinabol at nahuli ko siyang tumawa ng pasekreto. "Iniinis mo ba ako Hermano? " Pa bagsak kong bigkas sa salitang iyon.
"Paumanhin Hermana kung iniisip mo ay pinagtatawanan kita ngunit akoy ngumisi sapagkat akoy nasiyahan lamang sa pagdating ni Manong Piyo dala dala kasi niya ang kabayo na siyang sasakyan natin pauwi ng mansion." Itinuro ni Caleb ang kulay kayumangging kabayo na naka plastada na sa may kawayanan.
"Magandang umaga Binibini at Ginoong Francisco, Salamat sa diyos at hindi kayo napahamak. Sobrang nag-aalala si Don Marciano at pinagalitan niya pa ang iyong taga pagsilbi na si-"Hindi na tapos ni Manong Piyo ang kaniyang sasabihin sapagkat akoy sumabat sa usapan.
"Wala naman pong kasalanan si Arcellia, tayo na po manong Piyo tulungan niyo po akong umakyat sa kabayo." Pakiusap ko kay manong Piyo.
Sa halip na tulungan ako ni manong Piyo ay umunang umakyat si Caleb sa kabayo- Nalimutan kong isa lang pala ang dalang kabayo ni manong Piyo kaya siguradong makikisakay lang ako kay Caleb.
"Sumakay kana at baka ma huli pa ako sa aking klase." Ani Caleb na nakatingin lang sa malayo ngunit ang kaliwang kamay ay nakalahad sa akin upang matulungan akong umakyat.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay at ipinatong ang aking kaliwang paa sa patungan ng kabayo at nakaupo na nga ng tuluyan
"Kumapit ka at para dika mahulog wala ditto si Ginoong Salvator upang saluhin ka." Nangiinis na sabi ni Caleb.
Di ko maipaliwang ang namumuoong inis sa aking dibdib ngayong gusto kong tuluyang sapakin sa ulo itong si Caleb. " Di ako mahuhulog kung aayusin mo lang din ang iyong pagtakbo ng kabayo mo." Inis na tugon ko.
"Manong Piyo Salamat sa araw nato kami na po ay tuluyang aalis na. " Ani Caleb
"Salamat po Manong Piyo." sabi ko habang kinaway-kaway ko ang aking mga kamay.
"Maria, takbo" Biglang sabi ni Caleb na mahinang pinalo si Maria.
"FRANCISCO CALEB LA TORRE!!!LICHUGAS" Napasigaw ako ng biglang tumakbo si Mariang kabayo ni Caleb. Imbis na sa damit lang sana ako hahawak ay nabigo ako sapagkat akoy napayakap sa kaniya. Nakakaiyak naman tong posisyon ko ngayon. Gusto ko na lamang matunaw bagkus ako ay sobrang nahihiya.
"Galit ka ba? huwag mo namang sobrahan dahil parang naiipit na ako" Malakas na boses ang pinakawalan ni Caleb.
"Patawad po" mahinang sabi ko sa kaniya.
Sobra akong nahihiya at dahan dahang ikinalas ko ang akin mga kamay upang hindi na siya magrereklamo.
Nakarating na kami sa Mansyon ng mgaalas sais nang umaga. Hindi na ako muling humarap pa kay Caleb at dumeretso na sa aking kwarto upang makigo at magbihis.
Sakto naman at nakaalis na pala si Don Marciano at Donya Esperanza. Pagkatapos kong igo ay pinuntahan ko si Arcellia sa kaniyang kwarto.
"Binibining Estrella masaya akong nakauwi po kayo ng ligtas, umali na po pala si Ginoong Franciso Kanina lamang mga 6:20. "Naka ngising pagbati sa akin ni Arcellia.
" Paumanhin Arcellia at ikaw ay napagalitan ni Don Marciano." Lumakad ako patungo sa kama ni Arcellia at umupo sa gilid ng kama.
" Huwag po kayong mag-alala Binibini sapagkat nararapat lamang iyon dahil iniwan ka namin ni Ginoong Salvator sa Bukal Luciarnaga. "
Tumayo si Arcellia sa upuan at naglakad patungo sa kaniyang lamesa. May kinuha siyang parang papel at inilahad iyon sa akin. " Para sa akin ba ito Arcellia ? tanong ko sa kaniya na naka kunot ang noo.
"Liham po galling ka Ginoong Salvator. Hindi po daw siya nakapag paalam sa iyo kahapon kayat isinulat na lamang po niya. Ako po ay kinikilig sa inong dalawa." Nanunuksong ani Arcellia.
"Oi, Hindi ah. Hindi ko gusto si Ginoong Salvator." Pagtatangol ko sa sarili ko.
"Binibini naman , sabi ko lang naman ko ay kinikilig ako pwera na lamang po kung may lamy po talaga ang iyong mga salita." Halos parang kumikinang na ang mga mata ni Arcellia at ako nanaman ay naiinis sapagkat kagaya lang sila ni Caleb.
"Arcellia, mag aala-syete na pala baka nasa salas na si Propesor Marcela." Pag-iiba ko sa usapan namin.
"Ay, oo nga pala Binibini. Hindi pinapapunta ni Don Marciano si Propesor Marcela sa mansion ngayon. May ipinadala siyang telegrama kahapon upang maiparating kay Propesor. May importanteng bisita raw po kasing pupunta dito ngayon at kasalukuyang sinusundo na ni Don Marciano sa Daungan ng Maynila. " Salaysay ni Arcelia at umupo sa tabi ko.
"May naikwento ba siya kung sinong tinutukoy niya na bisita?" Tanong ko kay Arcellia. Humarap ako sa kaniya ng may malalim na tanong sa mukha.
"Baka mamaya lang po Binibini ay dadating na sila." Masiglang sagot ni Arcellia na tumayo na sa pagkaupo at hinila ang aking kamay papuntang sala.
9-19-20
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top