CHAPTER 14

Ang lalim ng iniisip ko ngayon ngunit mas malalim pala itong bukal na ito at parang maya-maya lang ay malulunod na talaga ako.

Wala na akong ibang naririning kundi ang tubig na unti unti akong hinahatak sa ilalim. Wala na akong nakikita kundi ang tubig na naging madilim.Hindi ko alam kung may nakakapansin ba sa akin sapagkat parang wala akong nararamdamang galaw ni kahit kanino.

Sobrang kinakabahan ako ngayon sapagkat unti unti na akong nawawalan ng hininga. Wala na ba talagang tutulong sa akin kahit ni isa? Nasaan ba sila, hindi ba nila ako nakikita?

Sabay sa pagbagsak ng aking katawan ay ang pag kulog, Hinang hina na ako gusto ko ng pumikit ng tuluyan at matulog. 

Ngunit sa di ko inaasahan may naramdaman akong mga kamay na dumapo sa aking beywang. May yumakap sa akin at sa sandaling iyon ay bigla akong nabuhayan ng pag-asa. Napakapit ako ng mahigpit sa kaniya at ilang segundo lang ay nawalan na ako ng malay.

Naramdaman ko na lang na may yumoyogyog sa akin at may tumatapik sa aking balikat. Napaubo ako sapagkat sumisikip ang aking dibdib. Naimulat ko ang aking mga mata ng dahan-dahan at bumungad sa akin si Ginoong Salvator na may bakas na pag-aalala sa kaniyang mga mata. "Maraming salamat sa Dios at nagising ka Binibing Estrella, dito muna kayo ni Arcellia at saglit kaming kukuha ng niyog ni Francisco.

Iginala ko ang aking mga mata at napansin kong tumila na pala ang ulan. Nagmamadaling umalis sina Ginoong Salvator pati na rin si Caleb na hindi ko man lang nakitaan ng reaksyon.

"Binibini, akala ko ay tuluyan ka ng malunod, alam mo bang sobra talaga kaming kinakabahan? Mabuti nalang at nakita ka ni Ginoo. O eto Binibini, magpalit ka muna para hindi ka lamigin." Ani Arcellia na ibinigay sa akin ang aking damit.

Tahimik kong inabot ang aking damit sa kaniya at napaisip. Salamat panginoon at hindi mo ako iniwan, salamat at nakita ako ni Ginoong Salvator at nailigtas.

"Sa susunod na linggo na ang aking kaarawan Binnibini, gusto ko sanang mamasyal sa labas kung saka sakaling papayagan ako nila Donya Esperanza." Naputol ang aking pagka tuliro nang biglang nagsalita muli si Arcelia.

"Huwag kang mag-alala Arcelia kakausapi ko si Don Marciano para payagan kang umalis. Pupuntahan mo ba ang iyong mga magulang ?"  Tanong ko sa kaniya na pahakbang sa isang kwarto ng kubo upang magbihis.

"Sa totoo lang Binibini hindi ko pa pwedeng bisitahin ang aking mga magulang at isa pa malayo naman kasi ang amin, sa Ilocos Norte talaga ako nakatira." Aniya na may lungkot na tono ang kaniyang boses. Lumabas ako sa kwartong iyon at niyakap si Arcelia.

"Alam kong masakit para saiyo na hindi makita ang iyong mga magulang, dahil kagaya mo nalulungkot rin ako. Hindi naman sa bawal ko silang makita ngunit hindi ko lang talaga alam kung may mga magulang pa bang naghihintay sa akin. Alam ko sa ilalim ng puso ko na hindi nila ako ibinandona. Siguro may rason lahat ng mga nangyayari ngayon at ang tanging alam kong gawin ngayon ay ang maghintay sa bukas na paparating habang isasaisp ang kahapon." Napaluha ako ng masabi iyon sa kaniya.

"Hindi ko man alam ang buong storya ng nakaraan mo Binibini marahil din ay hindi mo pa kayang ikuwento iyon lahat sa akin. Gusto ko rin malaman mo na naiintindihan kita higit sa inaakala mo." Naka ngiti na ngayon si Arceli at umunang maglakad papunta sa lamesa ng marinig niya na kumukulo ang aking tiyan.

"Umupo ka muna diyan Binibini, maghahanda lang ako ng kanin para makakain ka na." Napatawa ng mahina si Arcelia habang binuksan ang dalang kaldero ngunit kumunot ang kaniyang noo na para bang nadismaya siya.

"Bakit Arcelia?" Tanong ko sa kaniya at tumayo para tignan ang kaldero.

"Ubos na pala Binibini, naubos ata yun ni Ginoong Salvator. Ang lakas niya pala kasing kumain." Ani Arcelia na tumawa sa sarili niyang sinabi.

" Kamusta na ang pakiramdam mo Binibining Estrella?" Naputol ang pag-uusap namin ng biglang nagsalita si Ginoong Salvator.

"A-ay nandiyan na pala kayo Ginoong Salvator at Ginoong Francisco. Nagugutom si Binibini ngunit wala na pala tayong kanin, konti lang kasi ang nadala ko." Pagdadahilan ni Arcelia kaya tumango naman si Ginoong Salvator at tumalikod.

"Francisco, sasamahan ko muna si Binibining Arcelia pabalik sa mansyon upang makasaing siya ng bigas at magdala ng panibagong ulam. Magdadala na din kami ng kabayo para mas mapadali." Sabi ni Ginoong Salvator. Sadyang napaka maaalahin niya kaya siguro nagkagusto si Binibining Natalina sa kaniya.

"O sige, ako na muna ang bahala sa kapatid ko." Ani Caleb na deretsong nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ata ako sa sinabi niya, dahil siguro tinawag niya akong kapatid kahit na sa alam kong labag sa kaniyang damdamin iyon.

"Arcelia, ihahatid kita pabalik sa mansyon ng sagayon ay masigurado kong ligtas ka."


"maraming Salamat Ginoong Salvator pero kaya ko naman mag-isa eh, ngunit kung magpupumilit kang samahan ako eh wala na akong magagawa. Kaya hali ka na at tayoy aalis na para makakabalik tayo dito agad." Mahabang pagpapaliwanag ni Arcelia na klarong-klaro namang gusto niyang samahan siya ni Ginoong Salvator sapagkat alam kong takot siyang mag-isa.

Tumawa lang si Ginoong Salvador bilang sagot niya sa sinabi ni Arcelia. Kaya agad na silang umalis sa bukal de luciernaga dala-dala ang maliit na kaldero at mga basang damit ko.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"

Napalingon ako sa direksyon ni Caleb na nakaupo sa kabilang lantay ng kubo na hindi man lang nakatingin sa akin.Parang ang lalim ng kaniyang iniisip habang nakatingin sa mapayapang kulay asul na bukal.

"Maayos naman. Mabuti nalang ay sinagip ako ni Ginoong Salvator kanina sa bukal." Deretso kong sagot sa kaniya at nakisabayang tumitig sa bukal kung saan ako nalunod kanina lamang.

"huwag ka kasing hambog, di ka naman pala kasi marunong lumangoy. Gusto mo lang ata kasing magpapansin kay Salvator." Malamig ang naging tono ng pagkasabi niyang iyon. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang maduming pagbibintang niyang iyon.

"Sino naman ang tangang tao na magpapakalunod para lang magpapapansin ?Hindi ako ganung tao Caleb." Gumaralgal ang boses ko sapagkat ako ay nasaktan sa binibintang niya.

"Ikaw." Matipid na sagot ni Caleb sa akin

Ang dumi ng iniisip mo mabuti na nga lang ay nasagip niya ako kesa sa isang tao diyan na walang ibang alam kundi ang manuod lang at talaga namang napaka walang puso!" Napataas ang tono ng boses ko at halata naman na pinaparinggan ko siya.

"Sa susunod kasi mag-ingat ka, at huwag kang magpapakalayo sa bukal kasi di ka naman marunong lumangoy." Biglang nag-iba ang tono ng kaniyang boses na para bang sinasabi niya sa akin na nag-aalala siya.

Di ako nakapag salita ulit dahil sa sinabi niyang iyon at maging si Caleb ay hindi na din nagsalita muli. Sadyang Nakakabingi ang pagktahimik ng bukal de luciernaga. Maya maya lang ay nasindak ako sa biglang pagkulog at pag tagasak ng tubig galing sa kalangitan.

Pinagmasdan ko ang ulap na unti-unting nagiging kulay itim at ang tono ng ulan ay parang kumakantang sintunado. Naging malakas ang hangin at parang hindi kaya ng kubong ito na protektahan kami sa lakas ng ulan. Napaatras ako upang hindi matalsikan ng tubig at sa di ko inaasahan ay biglang hinawakan ako ni Caleb sa may pulso ng aking kamay at sabay kaming tumakbo papunta sa yungib na nasa dulo ng bukal.

"Dito lang tayo hanggat sa huhupa na ang ulan, Estrella" Ani Caleb na hinihingal. "Paano na sila Arcelia at Ginoong Salvator ?" tanong ko sa kaniya habang napaalsa ang aking mga kilay.

"Tiyak na nasa mansion na sila at sa ngayon siguro ay hindi na sila makakabalik pa dito dahlil alam kong bumabaha na ngayon sa may entrada ng bukal at delikado dahil lumalamon ng tao ang lupa doon." Sabi niya na hindi ko man lang siya makitaan ng pangamba sa sitwasyon namin ngayon.

Di ako umiimik sa sinasabi niya hanggat sa bigla nalang nakikisali ang tunog ng aking tiyan. Nagpapahayag na ako'y nagugutom na talaga.

"Kaya mo pa ba? Kumukulo na ang tiyan mo at alam mo namang hindi pa tayo pwedeng lumabas upang makahanap ng pagkain." Tanong niya sa akin.

"Kaya ko naman ang gutom eh ngunit parang mas lalong dumidilim na baka hindi tayo makakauwi at parang hindi ko kayang matulog dito dahil alam mo naman din sigurong takot ako sa dilim, diba ?"

Tumayo si Caleb at hinawakan na naman ang aking kanang kamay at naglakad patungo sa dulo ng makipot na yungib.

"Saan ba tayo pupunta ? huwag na tayong magpunta sa dulo baka ano pa ang meron diyan." Natatakot kong pahayag kay Caleb.

"Lumingon ka sa kanan mo." Walang reaksyon na sagot ni Caleb sa akin at di ko alam kung tinatakot niya lang ako o sadyang iniinis lang niya ako.

"Caleb, huwag kang magbiro baka masasapak kita sa walang oras." Dumikit ako kay Caleb at sabay Nakita ko ang ponseras niya na gawa sa abaca.

"Ang ganda ng ponseras mo ah? Saan mo ba pinagawa iyan ? tiyak na binigyan mo din si Binibing Natalina ng ganiyan noh?" Pagpapanggap ko upang makadikit lang sa kaniya dahil parang nanginginig na ako sa takot dito, pero sa halip na balewalain ko iyong ponseras niya ay napaisip tuloy ako kung baka bingyan niya din talaga si Natalina, baka ay magkaparehos sila kagaya na lang ng mga mag-irog.

"Takot ka lang talaga eh kaya huwag ka nang magpanggap." Aniya na nginiwian ako.

 Nababasa niya ba ang naiisip ko ? Tsk, Nairita ako sa mukha niya, ang hambog niya.

"Hindi ah ang hangin mo naman Francisco Caleb Dela Torre, hindi ako ta—"

Naputol ang pagsasalita ko sapagkat agad niyang tinakpan ang aking mga mata.

"Ang dali lang naman kasi sundin ang pinapagawa ko saiyo eh." Pagpaliwanag niya sa akin na hindi parin kinakalas ang kaniyang mga kamay na nakadikit  sa aking mukha.

Itinagilid niya ako sa kanan at hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya, baka gusto niya lang talaga akong takotin.

" Ngayon sabihin mo sa akin kung takot ka parin ba ?" Tanong niya sa akin.

Pinakawalan niya sapagkatakip ang aking mga mata at isa lang ang masasabi ko.

Talagang nakakabighani at napaka ganda ng yungib na ito. Nakakagaan sa puso. Mali pala ako, kulang pa pala sa isa ang masasabi ko sa ganda ng kuwebang ito. Akala ko ay makipot ito ngunit ang lawak pala sa dulo ng yungib at ang liwanag kaya pala tinawag itong bukal de luciernaga. Akala ko ay nasa dulo na kami ng yungib ngunit sa kanan pala ay may malawak na tubig at sa gilid ay may naka parada na isang maliit na bangka.

"Kumiskislap ang mga Alitaptap na para bang mga bituin sa ulap na maligayang naguusap sa yungib na malawak." Salaysay ko habang nakatingin sa mga alitaptap.

"nakakabighaning ganda, mga alitaptap na nakakagaan ng pusong gustong makalaya." Dagdag ni Caleb sa aking sinabi.

"Malaya ka naman eh." Ani ko na nakatingin sa kaniya.

Naglakad siya patungo sa maliit na bangka kaya ako ay sumunod lamang sa kaniya.

Inilahad niya ang kaniyang kamay at di ako nagdadalawang isip na kumapit sa kaniya at sumakay sa maliit na bangka.

"Malaya man sa iyong paningin ngunit nakakulong ako sa sulok ng dilim."  May kung ano-anong kalungkutan akong nadama sa pagkabigkas niyang iyon.

"Hindi ko alam kung bakit nasabi mo iyan, ngunit naiintindihan kita sapagkat kagaya mo, ako rin ay nakakulong din sa isang mapait na ala-ala." Gumaralgal na naman ang aking boses at lubos kong pinigilan  na huwag maiyak.

"Kung maaari ay huwag na muna nating isipin ang mga madilim na buhay natin. Kahit ngayon lang, kahit sa mga oras lang na ito ay subukan nating mabuhay ng mapayapa. Kahit sa bukas mapangalawa ang mga alitaptap na ito ay hindi na natin makikita na magliliwanag pa." Ani Caleb na hininto ang pagkakasagwan ng bangka.

Naging tahimik muli ang yungib at ang tunog lamang ng mga alitaptap ang tangi naming naririnig. Sa oras na ito ay iniisip lang namin ang kasalukuyan, ang maliwanag na yungib, ang magandang bukal na pinapalibutan nga nagkikislapang mga alitaptap.  Ang tubig ay malamig at kalmado na walang halong pagpapanggap.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top