CHAPTER 12
Nagising ako sa ingay ni Arcellia, hindi na siya kumatok sa aking pintuan at bigla bigla na lang akong yinugyog upang gisingin ako. "Binibining Estrella, may regalo po para saiyo. Dali gumising ka na diyan at tignan mo kung kanino galing, wala kasing sinabi yung Ginoong nagbigay nito. Kahit yinuyog ko na siya para umamin sa akin, Ang sabi lang niya ay dapat kitang gisingin at dapat mong makita daw itong regalo." Litanya ni Arcellia kahit nakapikit pa ang aking mga mata.
"Kanino ba iyan galing, Arcellia?" Wala sa isip kong tanong sa kaniya at hinawakan ang kahon. Kinuskus ko ang aking mga mata at walang ganang idinilat ang mga ito. Napagod ako sa biyahe namin kahapon, gabi na kasi kaming dumating sa mansyon at nagpapasalamat kami dahil hindi kami nahuli nila Don Marciano at Donya Esperanza.
"Kaya nga po buksan niyo na po kasi hindi ko din alam kung kanino iyan galing." Sabi ni Arcellia na umupo sa dulo ng aking kama at napakamot sa kaniyang batok.
Tinutukan ko muna ang kahon bago ko ito binuksan. Bumungad sa akin ang isang liham kaya dali ko itong binuksan at binasa.
" Magandang umaga saiyo Binibining Estrella,
Ang umaga ay kasing ganda nang iyong mga ngiti at mata.
Pasensya at pinagising kita ng maaga,gusto ko lang ipabasa ang liham kong galing sa puso kong gawa.
Kahapon sa daungan ng Maynila ay muli kitang nakita, hindi na lamang kita tinawag sapagkat dumating na ang aming bisita.
Bagkus binilihan kita ng pang ipit sa buhok na bagay na bagay sa iyong ganda.
Sana ay suotin mo ito mamaya sa simbahan at akoy mananalangin na sanay ikay aking makita.
Kung ito ay susuotin mo ay iisipin kog tinatanggap mo na akong bilang iyong kaibigan, at akoy tunay na liligaya."
Umaasa,
Ginoong Salvator
Hindi ko namamalayan na ngumingiti pala ako habang binabasa ko ang liham na galing kay Ginoong Salvator. Sinulyapan ko si Arcellia na ngumingiti rin at namumula na kahit hindi niya pa alam kung anong nakasulat sa liham.
Ikinagagalak kong mabasa itong liham galing kay Ginoong Salvator kahit na pinilit akong gisingin ni Arcellia kanina. Sinilip ko ang kahon at tinignan kung may ipit nga ba na nakalagay doon. Napabilog ang aking bibig ng makita ko ang ipit ng buhok. Ito yung nagustuhan ko kahapon na sinubukan kong iipit sa aking buhok. Nakita niya rin pala ako sa tindahan, nakita niya rin ba si Caleb at Nathalina kahapon? hindi kaya siya naninibugho sa kanilang dalawa?
"Ang gandaaaaa! Binibining Estrella diba yun po yung gusto mo na pang ipit kahapon nung pumunta tayo sa daungan ng Maynila? Kanino po yang galing Binibini?" Walang prenong tanong ni Arcellia na humalukipkip pa.
"Kay Ginoong Salvator" Matipid kong sagot sa kaniya na hindi man lang siya sinulyapan.
"Napakabuti talaga ni Ginoong Salvator! bukod sa hermoso niyang mukha ay talagang umaapaw ang kabaitan niya." Kinikilig na ani Arcellia na magkahawak ang mga kamay.
Pagkatapos niyang makipagdal-dalan sa akin ay kumaripas siya ng takbo dahil sumisigaw na si Donya Esperanza, na kahit nasa ika apat na palapag siya ng mansyon ay rinig na rinig parin ang kaniyang boses.
Napatawa ako ng konti dahil sa pagkatinag ni Arcellia sa sigaw ni Donya Esperanza. Kinuha ko ang liham na nakalapag sa aking kama at ibinalik ito sa loob ng kahon. Inalagay ko naman ito sa aking kabinet , habang ang pang ipit naman ay ipinatong ko lang sa aking lamesa.
Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa aking pader at napagtanto ko na alas- singko pa pala ng umaga kaya nagpasya na akong maligo dahil magsisimba pa kami sa Birhen Maria sa San Pablo.
Mabilis akong natapos sapagkat parang tinustusok ako sa malamig na tubig. Nagbihis ako ng puting barot saya na may disenyong mga ibon. Ito'y gawa ng aking ina noon at ginagamit ko lang ito tuwing ako ay sisimba. Inayos ko din ang aking buhok at kinuha ang pang ipit na ibinigay ni Ginoong Salvator, inipit ko ito sa aking buhok at masayang tinititigan ang aking sarili sa salamin
Humakbang ako papalapit sa aking pintuan ng may marinig ako. Binuksan ko ito ng dahan- dahan at ako'y napatalon at napakapit sa aking dibdib dahil sa aking nakita. " Leon.. Leon" Bulalas ko ng makita ko ang alagang pusa ni Caleb. Umikot ito at ikinuskos ang sarili sa aking paa, napapikit naman ako dahil sa sobrang takot ko sa pusa at hindi ko namalayan na nasipa ko na pala ito at napadpad sa katapat kong kwarto.
" Leonor Rivera!" Sigaw ni Caleb. Napabilog ang aking bibig at ako'y naestatwa, napakapit ulit ako sa aking dibdib dahil sa takot. Takot na baka nakita iyon ni Caleb, mahal na mahal niya ang kaniyang pusa kaya syempre magagalit iyon sa ginawa kong pagsipa.
Napatitig ngayon si Caleb sa akin at parang umaapoy ang kaniyang mga mata sa galit. Di ko kayang labanan ang kaniyang mga mata sapagkat ako'y parang matutunaw.
"Hehe, ginulat kasi ako ni Leon bagkus 'di ko naman sinasadya ang pagsipa sa kaniya Caleb kahit tanongin mo pa siya. Diba Leon?" Kinakabahan kong ani sa kaniya, umaasa na sana ay maniwala siya sa aking paliwanag.
"Huwag mong idamay si Leonor Rivera, Estrella. Hindi mabuting asal ang ginagawa mong pagsipa sa kaniya, at isa pa hindi Leon ang kaniyang pangalan bakit ba ang hilig mong gumawa ng palayaw?" Kumunot ang noo ni Caleb habang hinimas-himas si Leon. Nagkasalubong naman ang aking mga kilay dahil sa sinabi niya.
"Eh, Caleb naman talaga ang iyong pangalan at tsaka ang haba kasi pag Francisco kaya huwag mo na sanang pakialaman kung anong gusto kong itawag saiyo. Leonor Rivera? ang haba nun! kung magugulat ka bigla .. di mo iyon mabibigkas ng buo kaya huwag mo nadin pakialaman ang pagtawag ko sa kaniya." Reklamo ko sa kaniya at umatras palayo sa kanila kasi baka biglang lumipad ang kaniyang pusa sa aking harapan.
"Pangalan ko iyon kaya nararapat lang na ako ang masusunod, Estrella." Ma-awtoridad na sambit niya sa akin, pero hindi ako nagpatinag sa malamig niyang boses. "Ano naman ngayon kung pangalan mo iyon? Ako ang bumibigkas ng iyong pangalan kaya huwag ka nang umangal sapagkat desisyon ko parin ang masusunod,Caleb." Malamig ko ding ani sa kaniya na mukha ko tuloy siyang tinatarayan.
"Francisco nga" Pagtatalo niya sa akin. "Caleb" Bigkas ko na hindi rin nagpapatalo sa kaniya.
"Francisco nga bakit Caleb ka ng Caleb." Naiinis na siya ngayon at kitang kita ko ang pagigting ng kaniyang panga. "Simple lang kasi pangalan mo din iyon." Napataas ang kaliwang kilay ko sa inis.
"Hermano-Hermana" Napalingon kami sa hagdan at nakita namin si Don Marciano na bumababa at papalapit sa aming gawi. Agad naman kaming napayuko ni Caleb. Ako ang nahihirapan sa ginagawa ni Don Marciano, nakasungkod siya at di ko maintindihan kung bakit sa Ika-apat na palapag nakapwesto ang kaniyang kwarto.
"Hermano ang itawag mo sa kaniya Estrella habang ikaw naman Francisco ay tawagin mo siyang hermana para matapos na iyang pagtatalo niyo." Ma-awtoridad na sabi ni Don Marciano sa amin kaya siyempre wala kaming magawa kundi ang tumango lamang sa kaniya. Napatawa naman ng malakas si Don Marciano nang umingay si Leon at binigkas ang meow.
"O, pati si Leonor Rivera ay sumasangayon sa gusto ko." Ani Don Marciano na humahalakhak at tinuro-turo kami ni Caleb.
"Subukan mo hija, tawagin mo siyang hermano." Naghintay si Don Marciano sa sasabihin ko kaya agad ko na lamang sinunod ang kaniyang gusto. "H-hermano." Nauutal kong bigkas.
Itinuro naman ni Don Marciano si Caleb na ngayon ay ibinaba na si Leon sa sahig. "Hermana" Ani Caleb na masamang nakatitig sa akin ngayon. Humalakhak ulit si Don Marciano at naglakad na patungo sa hagdan.
Maya-maya lang ay kompleto na kaming lahat sa hapag-kainan. Nakatayo na din sa gilid sila Arcellia, Manang Julia, Ginoong Emanuelito at siyempre magpapahuli pa ba ang alaga ni Caleb? siyempre hinde kasi may sariling pwesto si Leon sa gilid ng lamesa.
Kumain na kaming lahat at di ako naging komportable dahil nakatingin lang sila Arcellia sa amin. Tapos na ata silang kumain, kasi minsan doon sila kumakain sa sotano na nasa ibaba.
"Marciano, paano kung magtatanong ang mga kaibigan natin lalo na ang pamilyang Hidalgo kung sino siya." Ani Donya Esaperanza at itinuro ako. Napayuko naman ako at itinuloy lang ang aking pagsubo ng pagkain. "Sasabihin kong anak natin siya at ngayon lang natin siya pinalabas ng mansyon dahil nagkasakit siya ng mahabang panahon." Sabi ni Don Marciano na nakatutok sa mga mata ni Donya Esperanza. Ako naman ay nabilaukan dahil sa sinabi ni Don Marciano, hindi ko lang alam kung magandang rason ba iyong sinabi niya kasi baka hindi lang siya papaniwalaan.
Napataas lang ng kilay si Donya Esperanza at napabuntong-hininga na lamang siya sa sinabi ni Don Marciano. "Tawagin mo na akong ama, Estrella at tawagin mo nading ina si Esperanza." Ako naman ngayon ang tinitignan niya, ngunit walang salitang lumabas sa aking bibig. "Kung hindi ka pa handa ay maiintindihan ko naman iyon ngunit huwag mo lang iparinig sa ibang tao na Don Marciano parin ang tawag mo sa akin." Paliwanag niya sa akin at uminom na ng tubig.
Napasulyap ako kay Donya Esperanza ngunit inirapan niya lamang ako kaya uminom na lang din ako ng tubig at nagpaalam na tatayo na at akoy uunang lalabas na ng mansyon.
Sinundan naman agad ako ni Arcellia sa karwahe at tinutukso na parang siya pa yung kinikilig. "Binibining Estrella, ano po ba ang iyong sasabihin kay Ginoong Salvator na siyang nagpadala niyan?" Nakangiting ani Arcellia na itinuro ang pangipit gamit ang kaniyang nguso. Di ko alam kung saan siya natutong gamitin ang kaniyang labi sa pagtuturo, na sana ang hintuturong daliri ang nararapat.
"Ano ka ba Arcellia, siyempre magpapasalamat ako kay Ginoong Salvator. Iyon lamang ang sasabihin ko." Sabi ko na pinipilit ang sarili upang hindi mapangiti.
Tinignan lamang ako ni Arcellia na puno ng panunukso. Hindi ko na lang siya pinansin para hindi niya ako lalong tuksuhin.
"Sumakay na kayo sa karwahe Estrella, at sa kabilang karwahe kami sasakay ni Esperanza." Ani Don Marciano na itinuro ang bagong karwahe na ngayon ko palang napansin. Agad naman yumukod sa amin ang bagong tao-taohan nila Don Marciano.
"Magandang umaga po sa inyong lahat ako po si Rodolpo, ang bagong tagapagmaneho ng karwahe o bagong carabina niyo." Nakangiting ani Rodolpo na sa tingin ko ay kaedad lang ni Caleb, siguro mga dise-otso siya. Si Ginoong Emanuelito naman ay matanda na , siguro na sa cuarenta y cinco na siya.
Nginitian namin si Rodolpo bilang isang sagot sa kaniyang pag-indursa sa kaniyang sarili. Sumakay na kami ni Arcellia at Caleb kay Ginoong Emanuelito na hinimashimas ang alagang kabayo. Habang sila Donya Esperanza naman at Don Marciano ay pumasok na din sa kabilang karwahe.
Mabilis lang ang pagtakbo ng kabayo kaya maaga kaming nakarating sa Birhen Maria na simbahan sa San Pablo.
Umunang umibis sila Don Marciano at ang kaniyang asawa, at pumasok agad sa simbahan. Hinintay ko munang makapasok din si Caleb sa loob ng simbahan bago kami lumabas ni Arcellia sa karwahe.
Iniiwasan ko lang ang mga magiging reaksyon ng mga tao. Hindi naman sa pinagbawalan ako ni Don Marciano kung hindi ay desisyon kong hindi na muna malaman ng mga tao at lalo na sa mga malapit sa pamilyang La Torre ang tungkol sa akin.
Pagpasok namin sa loob ng simbahan ay agad na hagip ng aking mga mata ang nakangiti na si Ginoong Salvator nakasama ang kaniyang magulang na naka pwesto sa ika limang hanay na upuan.
Napangiti naman ako at agad pumwesto sa likuran nila Caleb. Nasa ika pitong mahabang silya sila at kami naman ni Arcelli ay nasa ika walong silya. Napansin ko namang halos magkatabi pala ng upuan sila Ginoong Salvator at Binibining Nathalina.
Ibinalik ko ang aking paningin sa harap ng pari at sinabayan ang sagradong kanta ng simbahan. Napangiti naman ako sa magandang ebanghelyo na tinatalakay ng pari, napaisip ako sa aking ina at ama.
"Ama, Ina, Anak (Colossians 3:18-21)"
Maya maya lang ay ngumiti ang pari sabay sabing " Que la paz este contigo"
Tumango tango naman kaming lahat at ngumiti,nakipagkamayan naman sila sa isat-isa habang kami naman ni Arcellia ay napangiti rin at binigkas ang " Que la paz este contigo"
Napasulyap naman ako sa gawi ni Ginoong Salvator at kahit malayo ay nakuha pa niyang bumulong sa hangin " Que la paz este contigo"
Yumuko lang ako at ngumiti sa kaniya. Iginala ko ang aking mga mata at napansin kong napalingon si Caleb sa akin at sabay sabing. "Ang kapayapaan ay sumasaiyo." Napaestatwa ako ng saglit at pinakawalan ang aking malaiking ngiti. " Ang kapayapaan ay sumasaiyo, hermano." Ani ko sa kaniya at nakita ko namang napangiti din siya ng konti.
Pagkatapos ng misa ay tinapik ako ni Arcellia at nakuha ko naman ang kaniyang ibig sabihin. Umuna kaming lumabas ni Arcellia at sabay itinanggal ang aming kulubong na ipinatong namin sa ulo.
Pumwesto ako sa ilalim ng Narra at doon hinintay sila Caleb. Habang si Arcellia naman ay nagpaalam sa akin na maghahanap daw siya ng kubeta sapagkat siya ay natatae na.
Sa di kalayuan ay natatanaw ko na si Caleb at si Nathalina na masayang nagkukwentuhan. Iba talaga ang kaniyang ngiti pag si Nathalina ang kaniyang kasama, nakikita ko sa kaniyang pagkatao ang pagiging tunay na maginoo.
Muntik naman ankong mapatalon ng tumikhim ang isang lalaki kaya ako ay napalingon sa kaniyang gawi. " Binibining Estrella, masaya akong makita ka. Lalo ng makita kong isinuot mo ang pang ipit na iyan na kasing ganda ng iyong mukha." Ani Ginoong Salvator na siyang dahilan sa aking pagatras ng konti. Nahiya ako sa kaniyang sinabi at hindi ko kayang labanan ang kaniyang mga titig.
"Ginoong Francisco, diba si Ginoong Salvator iyon? sino ba yung kasama niyang babae?"
Napaestatwa ako sa aking narinig, papalapit sila Nathalina at Caleb, hindi pwedeng makita nila kami. Baka anong isipin niya sa amin ni Ginoong Salvator at hindi pa ako handa na sabihin sa kaniya na magkapatid kuno kami ni Caleb.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top