Kabanata 20

NAKANGANGA at siguradong mukha na akong tanga habang nakatitig ngayon sa kaharap ko. Wala sila Mama at hindi ko alam kung saan sila naroroon. Nagising lang ako sa sunod-sunod na katok sa pinto ng bahay. Nang makita kung sino ang tinawag ko pa sa isip kanina na abala ay napamulagat na lamang ako at hanggang ngayon, makalipas ang ilang minuto ay nakatanga pa rin sa harapan niya.

Hindi ko lubos maisip na makikita ko siya ngayon dito. Bagong gising pa naman ako kaya siguradong may muta pa at gulo-gulo ang buhok.

Gusto kong magsisigaw at tumakbo papasok ng bahay para silipin man lang ang mukha ko pero hindi ko magawang kumilos. Naunahan ako ng kuryosidad kung bakit siya naririto.

"Felix..."

Nakangisngis siya. Actually kanina pa. Mukhang sayang saya na nagulat niya ako.

"Suprise!" aniya na idinapa pa ang mga braso.

Gusto kong lumapit at tanggapin ang yakap na inaalok niya pero hindi ko nagawang kumilos. Mas nanaig ang kuryosidad sa isip ko kung bakit siya narito.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang mga braso habang nanghahaba ang nguso. "Hindi mo ba ako namiss?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

Tiningnan ko ang kabuoan niya. Sa ilalim ng gray na hoodie ay suot niya ang puting T-shirt, naka-maong pants at black running shoes. May strap din ng bag sa mga balikat at sa gilid ng paanan niya ay may isang malaking traveling bag.

"Naglayas ka ba, Felix?" Nanlaki ang mga mata ko sa sariling naisip at agad nasundan iyon ng nag-aalalang tanong, "Bakit ka naglayas? May problema ba?"

Malakas siyang natawa. "Hindi, Asher. Hindi ako naglayas."

"Kung gano'n bakit narito ka sa Maynila?"

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay lumapit siya sa akin. Napapapikit ako nang pumulupot ang mga braso niya sa katawan ko.

"Namiss kita nang sobra, Asher."

Ginantihan ko ang yakap. "Ako rin, Felix. Namiss kita!" Mas humigpit ang yakap niya pagkasabi ko niyon.

Isinubsob ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Nang maamoy ang pabangong gamit niya ay agad na namasa ang mga mata ko. Para bang sa kanya ko lang naamoy ang pabangong iyon kaya naman nang nanuot iyon sa ilong ko ay mas naramdaman ko ang labis na pagkamiss sa kanya.

Halos isang taon kaming hindi nagkita. Aaminin kong natakot ako na baka mas tumagal iyon. Natatakot akong lumayo ang loob namin sa isa't isa dahil sa pagkakalayong iyon. Natakot akong... hindi na ulit kami magkikita pa. Kaya naman kahit miss na miss ko siya ay mas nanaig ang gulat sa akin nang makita ko siya kanina. Hindi ko inaasahan na makakapunta siya rito.

"Sagutin mo na ang tanong ko," ani ko nang kumalas. "Bakit nga narito ka sa Maynila?"

"Pupunta kasi ako kay Tito Roque."

Namilog ang mga mata ko. Eh, 'di naglayas ka nga?"

"Hindi nga," natatawang sabi niya. Bahagya siyang lumapit sa akin at mahinang bumulong, "Siya ang magpapaaral sa akin sa kolehiyo, Asher... dito sa Maynila."

Namilog ang mga mata ko sa narinig. Siya naman ay lalong lumaki ang pagkakangisi.

"D-Dito ka mag-aaral?" Tumango siya. "Sa Maynila?" Tumango siyang muli.

Napanganga ako. Hindi makapaniwalang natitigan ko pa siya. Nang ilang ulit siya tumango ay malakas akong napairit. Sa sobrang tuwa ay mabilis akong napayakap sa kanya.

Rinig ko ang mahinang tawa niya habang nakasubsob ang mukha sa balikat ko.

"Sabi ko naman sa 'yo ako ang pupunta sa 'yo, 'di ba?"



KANINA pa hindi mapuknat ang ngiti ko habang nakatingin kay Felix. Kasama siya ni Theo sa sala habang narito naman ako sa kusina at tinutulungan si Mama sa pagluluto ng tanghalian.

Hindi rin naitigo nila mama ang gulat nang makita si Felix pagkarating nila kanina na napag-alaman kong galing sa ospital para sa monthly checkup ni lola sa mata nito.

"Mukhang kararating lang ni Felix dito sa Maynila at dito na agad dumiretso sa atin."

"Nasa Antipolo raw po si Tito Roque. Naghahatid po ng mga ginawang pinto at bintana. Dito po niya susunduin mamaya si Felix."

Tumango-tango si Mama. Tinitigan niya si Felix bago itinuon ang atensyon sa nilulutong ulam. Nakangiti ko ring ipinagpatuloy ang pagbabalat ng patatas na isasahog sa nilagang baka.

Alam nila mama ang tungkol sa amin ni Felix. Kaibigan naman nila ang pamilya ng mga ito at isa rin naman sila sa nagsasabi na kilala na nilang mabait si Felix. Kaya naman hindi ako natatakot na tumutol sila sa amin ni Felix kung sakali mang maging boyfriend ko siya.

Boyfriend.

Nakagat ko ang ibabang labi at mahinang napahagikgik. Nakakikilig isipin na magiging boyfriend ko si Felix.

Naisip ko na kung kailan ko siya sasagutin. Iyon ay kapag pareho na kaming nasa legal na edad.

Dito nananghalian si Felix. Inabot pa siya ng hapon  kaya naman nagkaroon pa kami ng pagkakataong makapagkumustahan at makapagkwentuhan.

"Hindi kasi nakapag-aral sila Papa at sila Tito kaya naman ayaw nilang mangyari iyon sa amin. Wala naman daw anak si Tito Roque kaya sabi niya siya na lang ang magpapaaral sa akin," mahabang sagot ni Felix nang itanong ko rito kung bakit si Tito Roque ang magpapaaral sa kanya.

"Eh, bakit dito pa sa Maynila?" Masaya akong narito si Felix. Kaya nga sa sobrang saya ay hindi ako makapaniwalang narito siya ngayon. Pero kuryoso ako sa pag-aaral niya rito.

"Wala kasing kursong engineering sa community college doon. Ayaw naman pumayag si Tito Roque na hindi iyon ang kukunin ko dahil iyon talaga ang gusto ko."

"Mabuti na lang pala nariyan si Tito Roque."

Matunog itong ngumiti. "Hindi nga ako makapaniwala nang tanungin niya ako kung saan ko gustong mag-aral. Sa bayan ba ng Santa Isabela o dito. Syempre pipiliin ko rito kasi narito ka." Tiningnan siya nito.

Hindi ko napigilan ang pagsilay ng matamis na ngiti. "Kung gano'n saang university ka mag-aaral?"

"Sa UST."

Napatayo ako sa gulat. "Totoo?"

"Oo," natatawa niyang ani.

"Kung gano'n palagi na tayong magkikita?"

Nakangiti siyang tumango. Naitutop ko ang mga kamay sa bibig at saka masayang nagtatalon. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya. "Ang saya ko, Felix. Salamat!"

"Masaya rin ako, Asher."

ALAS KUWATRO na ng hapon sinundo ni Tito Roque si Felix. Walang paglagyan ang saya ko. Kaya naman patuloy ang maganda kong ngiti. Kahit nga kumakain ng hapunan bigla na lamang akong napapahagikgik sa tuwa. Dala ko ang sayang iyon sa mga sumunod na araw.

"Nobyo mo na ba si Felix, Asher?" tanong ni mama sa akin habang naghuhugas ako ng kinainan nang gabing iyon.

Nilingon ko siya. Nasa lamesa siya at kaharao ang ilang papel at calculator. Mukhang bills yata iyon ng bahay. Nakatukod ang kamay niya sa kanyang noo at para bang malaki ang problema.

"H-Hindi pa po, ‘Ma."

Tiningnan niya ako. Tinitigan. Inaarok kung totoo ba ang sinasabi ko. "Huwag ka muna sanang magno-nobyo, anak."

"Hindi pa naman po, 'Ma."

"Hanggang sa makatapos ka ng pag-aaral."

Bahagyang bumukas ang bibig ko. Hindi ko inaasahan iyon kaya naman hindi ko naitago ang gulat. Napalunok ako. Pinilit kong ngumiti nang hindi naalis ang tingin ni mama sa akin.

"Huwag kang mag-alala, 'Ma, hindi muna ako magbo-boyfriend hangga't hindi ako nakakatapos."

Tumatango-tango siya bago ibinalik ang paningin sa mga papel. Pumanhik ako sa kwarto na iyon ang iniisip. Sa totoo lang ay okay lang naman sa akin kung iyon ang gusto ni mama. Bata pa naman kami ni Felix. Pareho pa lang kaming seventeen. Twenty one kami pareho kung magiging magnobyo kami. Pero aaminin kong may takot na dala sa akin iyon. Paano kung sa sobrang tagal hindi na ako magawang hintayin ni Felix?

Pinilit kong alisin sa isip iyon. Mas pinili ko na lang isipin na narito si Felix sa Maynila at magkakasama kami sa iisang unibersidad. Mapupunan ang mga panahon na hindi kami nagkasama.

Nang dumating ang araw ng Lunes ay sinamahan ko si Felix sa pag-e-enrol. Ako naman ay nakapag-enrol na bago pa siya dumating dito sa Maynila.

"Okay lang ba talagang umalis ka sa inyo?"

"Okay nga lang, Felix. Kasama naman ni Theo si Lola."

"Okay. Lunch tayo sa fast food kapag natapos ako rito. Libre ko dahil sinamahan mo ako."

"May pera ako 'no!" Bumawas ako sa pera sa alkansya ko para hindi na ako hihingi kay mama. Tsaka mabilis niya akong papayagan na umalis kapag ganoon.

"Libre ko pa rin, Asher. Huwag ka nang tumanggi, please?"

Natawa ako nang magpuppy eyes pa siya. "Sige na nga!"

Inabot ng halos isang oras ang pagpapa-enrol ni Felix. Tumagal lang naman dahil sa haba ng pila.
Hindi kasi katulad noong ako ang nagpapa-enrol.
Kakaunti pa lang kasi noon, ngayon ay sobrang dami na. Last week na kasi ito ng enrolment.

Nang matapos naman siya ay nagtungo kami sa Jollibee. Isang sakay lang ng tricycle ang layo niyon mula sa university. Habang kumakain ay hindi kami naubusan ng pag-uusapan. Ikinwento ni Felix ang mga naging trabaho niya sa Santa Isabela at sa mga balak niya habang narito siya sa Maynila.

"Balak kong tumulong sa trabaho ni Tito.Roque tuwing weekends."

"Hindi ka ba mahihirapan no'n? Papasok ka sa school ng weekdays at magta-trabaho tuwing weekends?"

"Hindi naman siguro ako bibigyan ni Tito Roque ng mabigat na trabaho, Asher. Siguro'y pagpipintura lang ng mga grills ng bintana."

Tumango ako. Hindi ko napigilan ang ngumiti at tapikin ang ulo niya. Para sa isang disi-syete anyos na binata napaka-responsable na ni Felix bagay na lalo kong hinangaan sa kanya.

Isnubo niya sa akin ang isang fries na agad kong tinanggap. Natawa ako nang mangalumbaba siya at nakangiti akong tinitigan.

"Huwag ka ngang magpa-cute!"

Nanlaki ang mga mata niya. "Paano ba iyan. Eh, likas na sa akin ang pagiging cute."

Malakas akong napahagalpak ng tawa. "Hindi na nga ako tatanggi dahil namiss naman kita."

Hinawakan niya ang kamay kong nasa ibabaw ng lamesa. Humaplos ang hinlalaki niya sa bubong ng palad ko. Naramdaman ko ang kiliti sa aking tiyan. At ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang nakatitig kami sa isa't isa.

Nang mga oras na iyon alam kong si Felix lang... Siya lang ang gusto kong makasama sa habang buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top