Kabanata 10
HINDI na kami nagkaayos pang muli ni Liziel. Hindi ko akaling hahantong kami sa hindi pagpapansinan. Maski sa pagkakatabi sa upuan ay inilayo niya ang sarili sa akin. Talagang nakipagpalit pa siya sa isa naming kaklase. Kapag nakikita niyang nakatingin ako sa kanya ay agad niyang iniiwas ang tingin. Tuwing magkakasalubong kami ay parang wala lang ako sa harap niya at lalampasan na.
Sa huli nalaman ko lang din na totoong nagsinungaling si Liziel noong makita ko mismo ang slambook ni Diane nang dalhin niya ito sa school. Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa niya ang bagay na ‘yon. Nagagalit ako at gusto kong marinig ang paliwanag niya. Sinubukan ko siyang kausapin tungkol doon kahit hanggang sa matapos ang school year pero hindi niya ako pinaunlakan.
Sumapit ang ikatlong taon namin sa sekundarya pero hindi na roon nag-aral si Liziel. Nakakapanghinayang at nakakalungkot dahil hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Kahit naman may samaan kami ng loob ay naging mabuting kaibigan pa rin siya sa akin. Humihiling na lang ako na sana dumating ang isang araw na magkita kami ulit at magkaayos pa.
Itinigil ko ang pagbabasa sa comic book na hiniram ko pa kay Felix, na naging libangan ko ngayong sem break nang makarinig ako ng mahihinang katok sa pinto ng kwarto ko. Sinasabayan iyon ng mahinahong pagtawag sa pangalan ko. Si Lola.
“Tamara,” patuloy na pagtawag ni lola sa pangalan ko at sa pagkatok kaya mas binilisan ko ang kilos.
“'La,” bati ko nang mabuksan ang pinto.
“Nasa labas si Dion,” mahinahon pa ring aniya.
Inilusot ko ang ulo at tumingin sa pinto ng bahay. Nakabukas iyon kaya naman mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko si Felix na nakatayo sa labas ng bakuran. Nakatalikod ito at nakasandal sa kahoy na bakod. Naka-maong pants at white T-shirt, naka-rubber shoes din. Sabi niya kanina ay pupunta siya sa Batangas kung nasaan si Tito Zaldy. Foreman ito at madalas stay in sa trabaho kaya kung hindi ito nakakauwi, sila Felix ang pumupunta roon para rito at para na rin makapamasyal.
Pansin ko rin ang unti-unting pagdilim ng kalangitan. Masyado yata akong nahumaling sa binabasa ko at hindi na napansin ang oras.
“Sige po, La. Lalabas na po ako.” Pagkasabi ko niyon ay humalik pa ako sa malambot niyang pisngi bago nagtatakbo palabas ng bahay. Napabungisngis ako nang makaisip ng kalokohan. “Huy!” Patalon akong pumunta sa harapan ni Felix at ginulat siya. Inilaki niya ang mga mata at bibig. Natawa ako kahit pa alam kong nag gulat-gulatan lang siya. “Nasaan ang pasalubong ko?” nakangising biro ko na inilahad pa ang kamay.
Tipid siyang ngumisi bago ipinatong doon ang kamay niya at hinawakan ang kamay ko. “May itatanong muna ako bago ko ibigay ang pasalubong mo.”
“Ano naman ‘yon?” tanong ko habang palihim na pinupuri ang kagwapuhan niya. Pansin ko na habang tumatanda kami mas gumagawapo si Felix at mas tumatangkad pa. Samantalang ako parang hindi na nadadagdagan ang taas ko! Unfair iyon!
“Bakit hindi mo sinabi?”
Umangat ang dalawa kong kilay sa kaseryosohan ng boses niya. Doon na natigil sa pagpapantasya sa gwapo niyang mukha at sinalubong ang tingin niya. “Ang alin?”
Umalis siya sa pagkakasandal sa bakod at namulsa ang kaliwang kamay. Nanatili naman na magkahawak ang isa naming kamay. Sanay na ako roon. Ugali niya talagang hinahawakan ang kamay ko. Minsan ay pinaglalaruan, hinihilot ang palad ko, at minsan din bigla na lang dadalhin ang hintuturo ko sa ilong niya. Puro kalokohan! Pero madalas hawak niya lang. Palagi niyang sinasabi na ang sarap daw kasing hawakan ng kamay ko. Malambot daw kasi iyon kaya naman hinahayaan ko na lang tutal kinikilig naman ako roon. Bonus na lang na siya ang kusang humahawak.
“Alin, huy!” pang-gigising ko sa diwa niya. Natutula na kasi siya.
“Nagkita kami ni Liziel sa bayan.”
Mabilis na nagbago ang nararamdaman ko. Sumeryoso ang mukha ko pero kaba ang lumulukob na pakiramdam sa puso ko. Tumatakbo na sa isip ang bagay na tiyak akong binanggit ni Liziel sa kanya.
Itatanong ko pa lang sana kung paano sila nagkita pero sinabi na niya iyon.
“Nagkita kami sa mall at kinausap niya ako. Sabi niya may kailangan siyang sabihin sa akin. Mukhang seryoso naman ang sasabihin niya kaya pumayag ako kahit naghihintay sila Mama.”
Bumaba ang tingin ko sa magkahawak naming kamay nang subukan kong alisin ‘yon pero lalo niya lang hinigpitan ang kapit. Pakiramdam ko namamawis na iyon dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kung sakaling kumpirmahin niya ang nararamdaman ko. Itatanggi ko ba ‘yon? Sabihin ko kayang wala na iyon? Maniniwala kaya siya? Okay lang sana kung pagtawanan niya na lang iyon at tuksuhin ako pero sa seryoso niyang pakikipag-usap ngayon mukhang malabong iyon ang mangyayari. Mali bang inilihim ko at dapat bang sinabi ko sa kanya? Pero hindi naman niya kailangang malaman pa iyon.
Nanatili ang tingin ko sa mga kamay namin habang patuloy siya sa pagsasalita. Lalong lumalala ang kaba ko. Baka kasi iyon na ang kasunod.
“Sinabi niya ang totoong dahilan kung bakit hindi kayo nagpapansinan noon. Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo, Asher? Sabi mo may nagawa ka lang kasalanan na hindi mo rin nabanggit kung ano kaya nagtampo si Liziel. Sabi mo pa nagkaayos kayo bago magbakasyon?”
Hindi ako nakasagot. Totoong nagsinungaling ako. Dahil kung sasabihin ko ang totoo, sa nararamdaman ko babagsak ng usapan. Pero ngayon pala ay doon pa rin ang punta no’n. Bakit niya pa ba ako tinatanong kung alam na niya ang lahat ng katotohanan?
“Asher.”
Tumingala ako at sinalubong ang tingin niya. Parang gusto pang maging isa ng makakapal niyang kilay. “Ano pang sinabi niya?”
Hindi siya umimik. Ilang segundo niya akong tinitigan. Sinundan ko ng tingin ang isa niyang kamay nang kumilos iyon. May binunot siya sa bulsa sa likod ng pantalon niya. Nakita ko sa kamay niya ang isang puting papel. Nakatupi iyon. Muli ko siyang tiningnan nang inabot niya iyon sa akin.
“Sulat. Ipinabibigay ni Liziel.”
Tinitigan ko ang papel bago ‘yon kinuha sa kamay niya. Hindi na siya pumalag nang kumalas ako sa magkahawak naming kamay. Kinakabahan kong binuklat ang papel. Nag-angat ako ng tingin kay Felix. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Muli kong ibinalik ang tingin sa papel at unang bumungad sa paningin ko ang pangalan ni Lizeil sa ibaba. Itinaas ko ang tingin sa umpisa ng sulat at binasa iyon.
𝓣𝓪𝓶𝓪𝓻𝓪, 𝓱𝓲𝓷𝓭𝓲 𝓴𝓸 𝓪𝓵𝓪𝓶 𝓪𝓷𝓸’𝓷𝓰 𝓼𝓪𝓼𝓪𝓫𝓲𝓱𝓲𝓷 𝓴𝓸 𝓭𝓪𝓱𝓲𝓵 𝓫𝓲𝓰𝓵𝓪𝓪𝓷 '𝓽𝓸. 𝓢𝓪 𝓽𝓸𝓽𝓸𝓸 𝓵𝓪𝓷𝓰 𝓷𝓪𝓹𝓪𝓴𝓪𝓻𝓪𝓶𝓲 𝓴𝓸𝓷𝓰 𝓰𝓾𝓼𝓽𝓸𝓷𝓰 𝓼𝓪𝓫𝓲𝓱𝓲𝓷 𝓹𝓮𝓻𝓸 𝓷𝓰𝓪𝔂𝓸𝓷 𝔀𝓪𝓵𝓪 𝓪𝓴𝓸𝓷𝓰 𝓶𝓪𝓲𝓼𝓲𝓹 𝓷𝓲 𝓲𝓼𝓪 𝓼𝓪 𝓶𝓰𝓪 '𝔂𝓸𝓷. 𝓚𝓾𝓷𝓰 𝓶𝓪𝓴𝓪𝓴𝓪𝓻𝓪𝓽𝓲𝓷𝓰 𝓼𝓪 '𝔂𝓸 𝓪𝓷𝓰 𝓼𝓾𝓵𝓪𝓽 𝓷𝓪 '𝓽𝓸 𝓶𝓪𝓵𝓪𝓵𝓪𝓶𝓪𝓷 𝓶𝓸 𝓼𝓲𝓰𝓾𝓻𝓸𝓷𝓰 𝓷𝓪𝓰𝓴𝓲𝓽𝓪 𝓴𝓪𝓶𝓲 𝓷𝓲 𝓓𝓲𝓸𝓷. 𝓢𝓲𝓷𝓪𝓫𝓲 𝓴𝓸 𝓼𝓪 𝓴𝓪𝓷𝔂𝓪 𝓪𝓷𝓰 𝓵𝓪𝓱𝓪𝓽. 𝓘’𝓶 𝓼𝓸𝓻𝓻!. 𝓘𝔂𝓸𝓷 𝓵𝓪𝓷𝓰 𝓴𝓪𝓼𝓲 𝓪𝓷𝓰 𝓪𝓵𝓪𝓶 𝓴𝓸𝓷𝓰 𝓹𝓪𝓻𝓪𝓪𝓷 𝓹𝓪𝓻𝓪 𝓶𝓪𝓴𝓪𝓫𝓪𝔀𝓲 𝓼𝓪 '𝔂𝓸. 𝓢𝓪 𝓲𝓷𝔂𝓸𝓷𝓰 𝓭𝓪𝓵𝓪𝔀𝓪. 𝓢𝓸𝓻𝓻𝔂, 𝓣𝓪𝓶, 𝓭𝓪𝓱𝓲𝓵 𝓷𝓪𝓰𝓲𝓷𝓰 𝓶𝓪𝓼𝓪𝓶𝓪 𝓪𝓴𝓸𝓷𝓰 𝓴𝓪𝓲𝓫𝓲𝓰𝓪𝓷. 𝓝𝓪𝓰𝓲𝓷𝓰 𝓼𝓮𝓵𝓯𝓲𝓼𝓱 𝓪𝓴𝓸. 𝓢𝓪 𝓽𝓸𝓽𝓸𝓸 𝓵𝓪𝓷𝓰 𝓪𝓷𝓰 𝓲𝓽𝓲𝓷𝓪𝓷𝓸𝓷𝓰 𝓴𝓸 𝓴𝓪𝔂 𝓓𝓲𝓸𝓷 𝓷𝓸𝓸𝓷𝓰 𝓱𝓪𝓹𝓸𝓷 𝓷𝓪 '𝔂𝓸𝓷 𝓪𝔂 𝓱𝓲𝓷𝓭𝓲 𝓽𝓾𝓷𝓰𝓴𝓸𝓵 𝓼𝓪 𝓷𝓪𝓻𝓪𝓻𝓪𝓶𝓭𝓪𝓶𝓪𝓷 𝓷𝓲𝔂𝓪 𝓼𝓪 '𝔂𝓸. 𝓘 𝓪𝓼𝓴𝓮𝓭 𝓱𝓲𝓶 𝓴𝓾𝓷𝓰 𝓶𝓪𝔂 𝓰𝓾𝓼𝓽𝓸 𝓼𝓲𝔂𝓪 𝓼𝓪 𝓪𝓴𝓲𝓷. 𝓐𝓵𝓪𝓶 𝓴𝓸𝓷𝓰 𝔀𝓪𝓵𝓪 𝓪𝓽 𝓱𝓲𝓷𝓭𝓲 𝓪𝓷𝓰 𝓲𝓼𝓪𝓼𝓪𝓰𝓸𝓽 𝓷𝓲𝔂𝓪. 𝓨𝓮𝓼, 𝓪𝓴𝓸 𝓪𝓷𝓰 𝓭𝓪𝓱𝓲𝓵𝓪𝓷 𝓷𝓰 𝓹𝓪𝓰𝓴𝓪𝔀𝓪𝓼𝓪𝓴 𝓷𝓰 𝓹𝓾𝓼𝓸 𝓶𝓸 𝓪𝓽 𝓱𝓲𝓷𝓭𝓲 𝓼𝓲 𝓓𝓲𝓸𝓷. 𝓐𝓷𝓰 𝓭𝓪𝓶𝓲 𝓴𝓸𝓷𝓰 𝓴𝓪𝓼𝓲𝓷𝓾𝓷𝓰𝓪𝓵𝓲𝓷𝓰𝓪𝓷𝓰 𝓼𝓲𝓷𝓪𝓫𝓲. 𝓗𝓲𝓷𝓭𝓲 𝓴𝓸 𝓪𝓵𝓪𝓶 𝓴𝓾𝓷𝓰 𝓫𝓪𝓴𝓲𝓽 𝓴𝓸 𝓷𝓪𝓰𝓪𝔀𝓪 '𝔂𝓸𝓷. 𝓘𝓼𝓪 𝓵𝓪𝓷𝓰 𝓪𝓷𝓰 𝓷𝓪𝓻𝓪𝓻𝓪𝓶𝓭𝓪𝓶𝓪𝓷 𝓴𝓸 𝓷𝓪𝓷𝓰 𝓶𝓰𝓪 𝓹𝓪𝓷𝓪𝓱𝓸𝓷𝓰 𝓷𝓪𝓵𝓪𝓶𝓪𝓷 𝓴𝓸 𝓷𝓪 𝓰𝓾𝓼𝓽𝓸 𝓶𝓸 𝓼𝓲 𝓓𝓲𝓸𝓷. 𝓛𝓾𝓷𝓰𝓴𝓸𝓽. 𝓐𝓽 𝓱𝓲𝓷𝓭𝓲 𝓴𝓸 𝓪𝓵𝓪𝓶 𝓴𝓾𝓷𝓰 𝓫𝓪𝓴𝓲𝓽. 𝓓𝓪𝓹𝓪𝓽 𝓶𝓪𝓼𝓪𝔂𝓪 𝓪𝓴𝓸 𝓹𝓪𝓻𝓪 𝓼𝓪 '𝔂𝓸 𝓴𝓪𝔂𝓪 𝓫𝓪𝓴𝓲𝓽 𝓪𝓴𝓸 𝓷𝓪𝓵𝓾𝓵𝓾𝓷𝓰𝓴𝓸𝓽? 𝓗𝓪𝓷𝓰𝓰𝓪𝓷𝓰 𝓷𝓰𝓪𝔂𝓸𝓷 𝓹𝓲𝓷𝓪𝓰𝓼𝓲𝓼𝓲𝓼𝓲𝓱𝓪𝓷 𝓴𝓸 𝓪𝓷𝓰 𝓪𝓻𝓪𝔀 𝓷𝓪 ‘𝔂𝓸𝓷, 𝓣𝓪𝓶. 𝓟𝓪𝓵𝓪𝓰𝓲𝓷𝓰 𝓹𝓾𝓶𝓪𝓹𝓪𝓼𝓸𝓴 𝓼𝓪 𝓲𝓼𝓲𝓹 𝓴𝓸 ‘𝔂𝓾𝓷𝓰 𝓵𝓾𝓷𝓰𝓴𝓸𝓽 𝓼𝓪 𝓶𝓰𝓪 𝓶𝓪𝓽𝓪 𝓶𝓸. 𝓣𝓪𝓶, 𝓲 𝓶𝓲𝓼𝓼 𝔂𝓸𝓾 𝓼𝓸 𝓶𝓾𝓬𝓱! 𝓝𝓪𝓭𝓾𝔀𝓪𝓰 𝓪𝓴𝓸𝓷𝓰 𝓼𝓪𝓫𝓲𝓱𝓲𝓷 𝓼𝓪 '𝔂𝓸 𝓪𝓷𝓰 𝓵𝓪𝓱𝓪𝓽 𝓷𝓰 ‘𝓽𝓸 𝓴𝓪𝔂𝓪 𝓱𝓲𝓷𝓭𝓲 𝓴𝓲𝓽𝓪 𝓷𝓪𝓰𝓪𝔀𝓪𝓷𝓰 𝓴𝓪𝓾𝓼𝓪𝓹𝓲𝓷 𝓶𝓪𝓷 𝓵𝓪𝓷𝓰. 𝓚𝓪𝔂𝓪 𝓷𝓪𝓰 𝓽𝓻𝓪𝓷𝓼𝓯𝓮𝓻 𝓪𝓴𝓸 𝓾𝓵𝓲𝓽. 𝓘 𝓶𝓲𝓼𝓼 𝔂𝓸𝓾 𝓼𝓸 𝓶𝓾𝓬𝓱! 𝓘𝓴𝓪𝔀 𝓵𝓪𝓷𝓰 𝓪𝓷𝓰 𝓷𝓪𝓰𝓲𝓷𝓰 𝓴𝓪𝓲𝓫𝓲𝓰𝓪𝓷 𝓴𝓸 𝓷𝓪 𝓲𝓷𝓪𝓵𝓪𝓰𝓪𝓪𝓷 𝓪𝓴𝓸 𝓪𝓽 𝓱𝓲𝓷𝓭𝓲 𝓷𝓪𝓰-𝓲𝓼𝓲𝓹 𝓷𝓰 𝓴𝓾𝓷𝓰 𝓪𝓷𝓸 𝓼𝓪 𝓪𝓴𝓲𝓷 𝓴𝓪𝓱𝓲𝓽 𝓹𝓪 𝓶𝓪𝓼𝓪𝓶𝓪 𝓪𝓷𝓰 𝓾𝓰𝓪𝓵𝓲 𝓴𝓸. 𝓢𝓪𝓵𝓪𝓶𝓪𝓽 𝓼𝓪 𝓹𝓪𝓰𝓴𝓪𝓴𝓪𝓲𝓫𝓲𝓰𝓪𝓷, 𝓣𝓪𝓶.
𝓐𝓽 𝓰𝓾𝓼𝓽𝓸 𝓴𝓸 𝓼𝓪𝓷𝓪𝓷𝓰 𝓼𝓪𝓫𝓲𝓱𝓲𝓷 𝓼𝓪 '𝔂𝓸 𝓷𝓪 𝓫𝓪𝓰𝓸 𝓴𝓸 𝓹𝓪
𝓶𝓪𝓷 𝓶𝓪𝓵𝓪𝓶𝓪𝓷 𝓷𝓪 𝓰𝓾𝓼𝓽𝓸 𝓶𝓸 𝓼𝓲𝔂𝓪 𝓪𝔂 𝓶𝓪𝓽𝓪𝓰𝓪𝓵 𝓷𝓰 𝓾𝓶𝓪𝓶𝓲𝓷 𝓼𝓪 𝓪𝓴𝓲𝓷 𝓼𝓲 𝓓𝓲𝓸𝓷 𝓷𝓪 𝓰𝓾𝓼𝓽𝓸 𝓴𝓪 𝓷𝓲𝔂𝓪. 𝓘'𝓶 𝓼𝓸𝓻𝓻𝔂 𝓴𝓾𝓷𝓰 𝓲𝓷𝓲𝓵𝓲𝓱𝓲𝓶 𝓴𝓸 𝓼𝓪 𝓲𝔂𝓸 𝓪𝓷𝓰 𝓫𝓪𝓰𝓪𝔂 𝓷𝓪 𝓲𝓽𝓸.
𝓢𝓪𝓷𝓪 𝓶𝓪𝓹𝓪𝓽𝓪𝔀𝓪𝓭 𝓶𝓸 𝓪𝓴𝓸 𝓼𝓪 𝓶𝓰𝓪 𝓴𝓪𝓼𝓪𝓵𝓪𝓷𝓪𝓷 𝓴𝓸. 𝓜𝓪𝓱𝓪𝓵 𝓷𝓪 𝓶𝓪𝓱𝓪𝓵 𝓴𝓲𝓽𝓪.
-𝓛𝓲𝔃𝓲𝓮𝓵
Natulala ako at pakiramdam ko umurong ang luha ko dahil sa mga salita na huling inamin ni Liziel tungkol kay Felix. Paulit-ulit kong binasa ‘yon. Ang kirot na nararamdaman sa dibdib dahil sa ipinagtapat ni Liziel sa mga ginawa niya ay mabilis na pinalitan ng pagkalito.
“Asher.”
Naalis sa mga salitang iyon ang paningin ko pero nanatili akong tulala. Pinoproseso sa isip ang mga ipinagtapat ni Liziel lalo na ang huli.
Dahan-dahan kong naibaba ang kamay na may hawak na papel nang hawakan ni Felix ang babá ko at iangat iyon. Agad na nagwala ang puso ko nang magtagpo ang tingin namin. Ang kaninang seryoso niyang mga mata, napalitan na ng kislap. Umaliwalas ang mukha niya.
“Bakit hindi mo sinabing ako ‘yon?”
Hindi ako nakaimik at mabilis na bumalik ang kaba sa dibdib. Mali bang hindi ko ipinagtapat ang nararamdaman ko sa kanya?
“Kung nalaman ko lang agad noon na pareho tayo ng nararamdaman baka itinuloy ko na ang sinabi ko kay Lolo Hymn na liligawan kita," pagkasabi niyon ay sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
Napanganga ako kasabay ng dumobleng bilis ng tibok ng puso ko. “L-Liligawan?”
“Oo, Asher.”
Napatingala pa ako lalo sa kanya nang mas lumapit siya sa akin.
“Gusto kita, Asher!”
Natulala akong muli sa kanyang mukha habang bahagyang nakanganga ang bibig. Ang puso ko labis na nagwawala dahil sa sinabi niya. Hindi ko pa tuluyang na-po-proseso ang mga sinabi ni Liziel sa sulat pero ito at naririnig ko iyon mismo mula kay Dion.
“A-Anong...”
Mabilis na nangatal ang ibaba ng labi ko. Hindi nagtagal ay ramdam ko ang pagdaan ng maiinit na luha sa magkabilang pisngi ko.
Gusto ako ni Dion?
Nakangiti niyang pinahid ang mukha ko. “Gusto kita, Asher. Matagal ko nang kinikimkim at walang paglagyan ang saya ko ngayong nasabi ko sa 'yo ang nararamdaman ko. Gusto kita! Gusto kita, Asher!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top