The Unexpected Affection: 3
Lumipas ang mga araw na umabot na sa buwan at naging matalik na magkaibigan sina Val at Steven. Mabilis nakapagpalagayan ng loob ang dalawa, dahil na rin siguro sa kanilang mga hilig at ugali.
"Woooooh!" sigaw ni Val nang manalo ito sa kanilang nilalarong videogame ni Steven. "Ano ka ngayon, Tibby? Wala ka talagang panama sa galawan ni baby hwoarang ko." pang-iinsulto nito sa binata habang napapasayaw pa.
"Tsss... Sino 'yang baby hwoarang mo na nakatsamba lang?" panunukso pabalik ni Steve sa dalaga.
"Hahaha! Sus... Ayaw pa tanggapin ng Manong d'yan, na kahit kailan wala siyang magagawa sa powers ko. Nyehehehe." pambubuska pa ni Val bago binelatan ito. "Asar talo si Tibby. Hahaha!"
"Ah gano'n ha?" usal ni Steven bago kiniliti si Val sa bewang. "Anong asar talo ha? Pa-baby-baby hwoarang ka pa d'yan ah. Pwes ngayon mo tawagin 'yong baby mo, tingnan lang natin kung ma-save ka ng baby tsamba mong 'yon." saad pa ng binata habang patuloy sa pangingiliti sa dalaga.
"Hahaha! Tibby tama na, nakikiliti ako. Hahaha!" sambit ni Val na halos hindi na maintindihan ang sinasabi nito dala ng sobrang paghalakhak.
Hindi na malaman ni Val kung saan niya ipapaling ang kanyang katawan dahil sa ginagawa ng kanyang kaibigan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay na-out of balance ang dalaga, dahilan para sabay silang bumagsak ni Steven sa itim na couch.
"Ahhh!" sigaw ni Valeen habang nakapikit ang kanyang mga mata. Ramdam nito ang kanyang pagbagsak sa malambot na bahagi ng couch at nang unti-unti niyang buksan ang kanyang mga mata ay nakita ng dalaga ang gwapong mukha ni Steven na nakadukwang sa kanyang ibabaw.
Halos mamula na ang magkabilang pisngi ni Val dahil seryosong nakatingin na sa kanya ang binata. Unti-unti nitong pinaglapit ang kanilang mga mukha, kaya't pigil ang hiningang naestatwa lang ang dalaga habang nakatitig din sa mga mata nito.
Nang isang pulgada na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha ay marahang hinaplos ni Steven ang pisngi ng dalaga.
Napapikit naman si Valeen sa ginawang paghaplos na iyon ng binata at kabadong naghihintay kung ano ang susunod na mangyayari sa kanilang dalawa.
Ngunit nang akmang paglalapatin na ni Steven ang kanilang mga labi ay biglang tumunog ang kanyang telepono. Mabilis namang napatayo ang binata sa kanyang pagkakadukwang bago tiningnan kung sino ang tumatawag sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Steven nang makita ang pangalan ng kanyang ex-girlfriend, kaya madali niyang sinagot ito.
"H-hello..." saad ng binata bago tumungo sa balcony ng kanyang condominium.
Naiwan namang tulala si Valeen bago bumangon sa kanyang pagkakahiga. Mabilis niyang inayos ang sarili bago isinandal ang kanyang likod sa couch. Ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata sabay sabing, Muntikan na kaming... hindi na itinuloy ni Val ang isipin na iyon, dahil ayaw niyang bigyan pa ng kulay ang pangyayaring iyon. Mabilis niyang iminulat ang kanyang mga mata bago tiningnan si Steven na abala sa kanyang telepono.
Nagulat naman si Valeen nang bigla rin siyang balingan nito, dahilan para magtama ang kanilang mga paningin. Mabilis namang binawi ng binata ang kanyang titig kaya napabuntong hininga na lang ang dalaga. "Haaaayyy..."
Ilang minuto rin ang itinagal ni Steven sa kanyang pakikipag-usap sa telepono, bago muling pumasok sa kanyang condo unit, "Ahhh... Kuting, may importante kasi akong lakad. Kung gusto mo maiwan ka muna rito sa condo, babalik din naman ako agad." usal ng binata habang abala sa pagkalikot ng kanyang telepono.
"Gano'n ba? S-sige, uwi na lang din ako sa bahay. Nagtext din kasi si Vids, naiwan niya raw ang susi niya sa bahay. P-pauwi na rin 'yon." saad ni Val habang hindi makatingin ng diretso sa binata.
"Alright, hatid muna kita sa bahay mo bago..." hindi na natapos ni Steven ang kanyang sasabihin nang mabilis sumagot ang dalaga.
"No! Okay lang ako Tibby, sige na puntahan mo na 'yong pupuntahan mo." aniya bago nginitian ng alanganin ang binata.
"Are you sure?"
"Yes po." tanging sagot ni Valeen bago kinuha ang kanyang bag. "Let's go? Sabay na tayong bumaba."
Tumango lang si Steven sa dalaga bago sila sabay na lumabas ng unit. Tahimik ang dalawang magkaibigan habang nasa loob ng lift ng elevator, ang kaninang masayang pagsasama nila ay biglang nagbago dahil sa kanilang pagkakailangan.
Ting!
Rinig nilang tumunog na ang elevator kaya't mabilis lumabas ang dalawa rito. "Sigurado ka ba Kuting, ayaw mong magpahatid?" biglang pagtatanong ni Steven habang papalabas sila ng building.
Nakangiting binalingan naman ito ni Val sabay sabing, "Tsss... Ayos lang talaga, para 'tong sira."
"Haaayyy... Okay, mag-iingat ka ha?" wika ng binata bago alanganin na humalik sa pisngi ng dalaga.
Napatango na lang si Valeen bago tinanaw si Steven na papalayo na sa kanyang kinatatayuan. "Haaayyy... Bakit ba biglang nagkaroon ng wall sa pagitan naming dalawa. Bigla tuloy akong nailang sa kanya." napapailing nasambit ng dalaga bago tumawag ng taxi.
"Nong, MOA po tayo." aniya sa driver bago sumakay dito.
Tahimik na nakadungaw lang si Val sa bintana ng taxi. Nagpalusot lang siya kay Steven na uuwi siya ng bahay, ngunit ang totoo ay gusto niyang makapag-isip kung bakit biglang nag-iba ang nararamdaman niya para sa binata.
Wala pang kalahating oras ay mabilis niyang narating ang MOA, tahimik na nagtitingin-tingin si Valeen sa mga botique ng Mall, pero ang isip niya ay parang naiwan sa oras nang nangyari kanina sa condo ni Steven, "Ihhhh... Ano ba Valeen Tina, tigilang mo nga 'yang kahibangan mo. Aksidente lang ang nangyari kanina, 'wag bigyan ng kulay."
Nasa ganoong isipin ang dalaga nang makaramdam siya ng gutom, "Hmmm... Makakain nga muna."
Naghanap ng makakainang restaurant si Valeen nang biglang mahagip ng kanyang mga mata ang isang pigura ng babae sa 'di kalayuan, "Si L-leverie." sambit ng dalaga sa hangin. Nagkibit balikat na lang ito bago napagpasyahang humanap ng ibang makakainan sa Mall. Wala rin siyang panahon na harapin ito kaya't nilisan na lang niya ang lugar na iyon.
Malungkot na umuwi si Val sa kanilang tahanan, dahil nanumbalik sa kanyang kaisipan ang ginawang panloloko sa kanya ni Nathan. Ang buong akala niya ay ayos na ang kanyang lagay, ngunit nagkamali siya dahil nagkukubli lang pala ito sa kanyang damdamin at pilit lang niya kinakalimutan.
Nasa ganoong posisyon ang dalaga nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha naman niya ito sa bag at nakitang tumatawag sa kanya si Steven, mabilis niyang pinatay ito dahil hindi pa siya handang kausapin ang binata, dahil sa nangyari sa kanila kanina.
"Haaaayyy..."
Dumaan ang maghapon na umabot hanggang gabi ngunit hindi sinasagot ng dalaga ang mga tawag ni Steven. Nagtataka ang binata kung bakit iniiwasan siya ni Val, gayong maayos naman silang naghiwalay kanina. "Kuting, please answer my call." frustrated na usal ni Steven habang sumisimsim ng alak.
Nasa ganoong sitwasyon ang binata nang biglang may kumatok sa kanyang condo unit, kahit nagtataka ay mabilis niyang binuksan ito at nagulat sa kanyang nakita, "What are you doing here, Leve?" walang ganang usal ni Steven habang nakahawak sa kanyang pintuan.
"Aren't you glad na binisita kita?" malanding turan ni Leverie bago tinulak ang pintuan. "Hmmm... I missed this place, namiss kita hon." nang maisatinig ng dalaga ang katagang iyon ay mabilis niyang hinablot ang batok ng binata para mahalikan ito.
Mabilis namang pinigilan ni Steven ito sabay sabing, "What were you thingking? Remember iniwan mo ako para sa lalaking kinakalantari mo?!" singhal nito sa dalaga bago ito tinalikuran.
Mabilis namang sinundan ni Leverie ang binata na abala sa pagsasalin ng alak sabay niyakap ito patalikod, "Hon, seryoso ako sa sinabi ko sayo kanina sa Mall. I regret the day that I left you, na-realize ko na ikaw ang mahal ko. Kaya please I want you back, I want us to be together again." pagpupumilit nito habang nakayapos sa likuran ng binata.
Napapikit naman si Steven sa kanyang mga narinig mula sa dalaga. Aaminin niya na may konti pa rin siyang nararamdaman para kay Leverie, sa kabila ng ginawa nitong pang-iiwan sa kanya.
"Hon, please balikan mo na ako. Ibalik mo na 'yong Steven na mahal na mahal ako. Handa akong iwan si Nathan." umiiyak na sambit nito habang nakayapos pa rin sa binata.
Mabilis naman itong hinarap ni Steven saka hinawakan ang magkabilang balikat ng dalaga, "I admit may natitira ka pa ring space sa puso ko, Leve. Pero ayoko nang balikan ang mga sakit na ipinaranas mo sa akin. I was stupidly devastated when you left me like a trash, halos gumuho ang mundo ko nang sabihing mong may nagpapasaya na sa'yong iba at hindi mo na ako mahal. Hinanap ko ang sarili ko, actually pinilit ko ang sarili ko na iahon sa pagkakalugmok ko dahil winasak mo ako." usal ni Steven bago mabilis na tumingala para pigilan ang nagbabadya nitong mga luha.
"But God is really good, dahil binigyan niya ako ulit ng pag-asa na maging masaya." dagdag pa ng binata na ikinakunot ng noo ni Leverie.
"M-may iba na ba?" lumuluhang sambit nito.
"Wala pa, pero umaasa ako na mamahalin niya rin ako. Dahil ako, mahal ko na siya." wika nito bago muling tiningnan ang dalaga.
"Who's the lucky girl?" biglang pagtatanong nito sa binata.
Sandali naman itong tiningnan ni Steven, iniisip niya kung dapat niya bang sabihin na si Valeen ang babaeng minamahal niya.
"Hey, who is she? I want to meet her." pagpupumilit pa ni Leverie bago tinapik ang dibdib ng binata.
"Haaayyy... Valeen Tina Trinidad." seryosong saad ni Steven habang nakatingin diretso sa mga mata ng dalaga, para alamin kung anong magiging reaksyon nito.
Segundo ang lumipas ngunit nabigo si Steven, dahil blangkong ekspresyon lang ang nabakas niya sa mga mata ni Leverie. Kaya naman tinanong niya ito nang, "Sounds familiar, right?" pagtatanong niya sa dalaga.
Mabilis nagbago ang awra ni Leverie at tinaasan lang siya ng kilay nito sabay sabing, "A small world indeed. So alam niyang ako ang ex-girlfriend mo, right?" sarkastikong saad nito bago tinanggal ang kamay ni Steven na nahawak sa balikat niya.
"No, she doesn't know anything between us. Kumukuha pa lang ako ng tiyempo kung paano ko sasabihin na ang ex-girlfriend ko ang umagaw sa fiancè niya."
Hindi naman sumagot si Leverie bago tinalikuran ang binata, "What now?" biglang pagtatanong ni Steven dahil nakita niyang papalabas na ito ng pintuan.
Mabilis naman siyang nilingon ng dalaga saka nagkibit balikat, "Nothing... Have fun with your life Steven, sana nga mahalin ka rin ni Valeen, gaya ng pagmamahal mo sa kanya." anito saka tuluyan nang lumabas ng unit ng binata.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Steven ay may namumuong plano na pala sa isip ng dalaga. "I will never let you go that easily, Steven. Tingnan lang natin kung mahalin ka pa ng Valeen Tina mo, kapag nalaman niya ang sikreto mo." anito bago nilisan ang gusaling iyon.
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top