The Unexpected Affection: 2
Kinabukasan, nagising ang diwa ni Val nang maramdaman niya ang sobrang pananakit ng kanyang ulo. Matamlay na bumangon ito sa kanyang kama bago tiningnan ang kanyang telepono. Malungkot ang mga matang napapikit na lang ang dalaga, nang makitang wala ni isang mensahe siyang natanggap mula sa dating kasintahang si Nathan.
"Haaayyy..." isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan sa hangin bago napagpasyahang maligo para sa pagpasok niya sa trabaho.
Kahit tinatamad kumilos ay mabilis na hinubad ni Val, ang lahat ng kanyang saplot bago nagtapis ng tuwalya. Mumukat-mukat ang mga matang naglakad ito palabas ng kanyang silid at ganoon na lang ang kanyang gulat, nang makita ang isang lalaki na nakaupo sa kanilang sofa na yari sa kahoy.
"S-sino ka?!" bulyaw niya rito bago hinigpitan ang kapit sa tuwalyang nakatabing sa kanyang hubad na katawan.
Madali namang tumayo ang lalaki sa kanyang pagkakaupo, na halatang gulat na gulat sa kanyang nakita at nang akmang magsasalita na ito ay biglang sumingit ang kanyang kapatid na si Vida, na kakalabas lang ng kusina,
"Oh Ate gising ka na pala, may bisita ka." anito nang makalapit sa dalaga. "Ang gwapo Ate, walang panama 'yong jowaers mo." nakangising pambubuska nito.
"H-ha? H-hindi ko k-kilala 'yan, bakit mo pinapasok Vids?" bulong ni Val sa kanyang kapatid bago muling sinilip ang binata.
"Eh kilala ka Ate, nagkita raw kayo sa bar kagabi." anito saka nagkibit balikat.
"B-bar?!" gulat na sambit nito bago hinila ang kanyang kapatid pabalik sa kusina. "Anong sinabi nang lalaking 'yon?" pabulong na sambit ni Val habang pabaling-baling sa sala. Ngunit ang nais lang naman niyang malaman ay kung may nasabi ba ito kay Vida, na nagawa niyang kalokohan kagabi.
"Wala naman Ate, may ibabalik lang daw sayo eh." saad ni Vida bago mabilis na tiningnan ang kanyang relos. "Shoot! Late na ako," bulalas ng dalaga bago humalik sa pisngi ng kanyang Ate. "Pasok na ako Ate, harapin mo na 'yung bisita mo." nakangising wika nito bago tinapik ang balikat ng kanyang kapatid.
Narinig pa ni Val na nagpaalam si Vida sa lalaking iyon, kaya mabilis niyang tinungo ang banyo para makapagbihis. Makalipas ang ilang minuto ay alanganing hinarap ng dalaga ito sabay sabing, "Pasensya na, sino ka nga ulit kamo?"
"Steven..." maagap na turan nito habang titig na titig sa dalaga.
"Right," sandali pang nag-isip si Val kung paano niya kakausapin ng hindi awkward ang binata. "Ahh... Ano nga pala ang sadya mo, S-steven?"
"Ibabalik ko lang sana ang wallet mo," anito saka iniabot ang kanyang pitaka. "You dropped it last night, sa labas ng Luxurious Bar."
Mabilis naman itong kinuha ng dalaga bago tiningnan ang laman sa loob.
"Don't worry, hindi ko ginalaw 'yan. Sinilip ko lang 'yung I.D. mo para malaman ko ang address mo." nakangising usal nito sa dalaga.
"Wag ka mag-alala, hindi importante sa akin ang laman nito. Tinitingnan ko lang 'yong picture ng parents ko." natatawang saad pa ni Val bago tiningnan ang binata. "Oh! I'm sorry... Please have a seat." anyaya pa niya rito bago naupo na rin sa katapat ng upuan.
Sandaling katahimikan ang namayani sa dalawa, hindi naman makuhang magtanong ni Val dito kung anong kabulastugan ang ginawa niya kagabi, dahil baka kung ano pang isipin sa kanya ng binata.
Nakuha naman ni Steven ang kanyang atensyon nang tumikhim ito, "Ehem..."
"Gusto mo nang tubig?" pag-anyaya ni Val nang balingan niya ito.
"No, no! I'm fine." natatawang saad nito na hindi naman makuha ni Val kung bakit.
"Sige na, kukuha muna kita ng tubig. Pasasalamat ko na rin dahil binalik mo 'yung wallet ko." mabilis namang tumalikod si Val para kuhanan ito ng maiinom, ngunit nang madaanan niya ang salamin ay madali siyang napabalik dito dahil sa kanyang napansin.
"Shocks!" sigaw niya sa kanyang repleksyon. Nakita kasi ni Val na mukha siyang panda, dahil sa nagkalat na mascara sa magkabila niyang mata. "Nakakahiya..." iritableng saad ng dalaga bago napabaling ang atensyon sa gawi ng binata.
Namilog ng husto ang mga mata ni Val dahil kitang-kita niya kung paano siya nginisihan ni Steven sa salamin. Nagmamadali niyang tinungo ang kusina para maghilamos doon.
"Shutabells Val, nakakahiya!" tumitiling sambit nito habang naghihilamos ng kanyang mukha. Nang matapos ang dalaga sa kanyang paghuhugas ng mukha ay mabilis niyang hinarap muli ang binata.
"Ahh... Steven, thank you sa pagbalik ng wallet ko ha? How can I repay you for your kindness and effort?" nakangiting sambit ni Val sa binata.
Mabilis namang tumayo si Steven sa kanyang pagkakaupo sabay sabing, "Have lunch with me." maagap na usal nito.
Natigilan naman si Val sa biglang naisatinig nito at nag-isip kung dapat ba niyang paunlakan ang pag-anyaya ng binata, Muka naman siyang mabait at isa pa, lunch lang naman ang hinihinging kapalit Val, aarte ka pa ba kay Kuyang pogi? sambit ng dalaga sa kanyang sarili bago muling itinuon ang paningin kay Steven.
"Okay..." tugon ni Val sa pag-anyaya nito.
"Really?" nagniningning ang mga matang saad ni Steven, kaya napatango na lang ang dalaga habang nakangiti. "Thank you, Valeen Tina."
Nanlaki ang mga mata ni Val sa kanyang narinig kaya mabilis niyang sinagot ito nang, "Oo na, alam ko naman na corny ang pangalan ko." napapailing na turan ni Val bago hinalukipkip ang mga braso.
"No no, I'm not teasing you. Ang cute kaya ng name mo. Naaayon sa araw ng mga puso."
Natigilan naman si Val sa kanyang narinig at muling naalala ang panloloko sa kanya ng ex-boyfriend niyang si Nathan.
Napansin naman agad ni Steven ang biglang pagbabago ng awra ng dalaga kaya muli siyang nagsalita nang, "At nababagay sa lahat ng okasyon." dagdag pa nito bago nginitian ng napakatamis ang dalaga.
"Haaayyy... Sige na, magbibihis lang ako." walang ganang saad ni Val at bagsak ang balikat na tinalikuran ang binata.
*****
Tahimik lang na kumakain si Val sa restaurant kasama ang binatang si Steven. Hanggang sa mga oras na iyon ay patuloy pa ring inaalala ng dalaga ang nasaksihan niyang panloloko ni Nathan, kasama ang babae nito.
Napabalik na lang sa realidad ang dalaga, nang maramdaman niya ang mainit na palad na humawak sa kanyang kamay. Mabilis itong tiningnan ni Val saka gulat na binalingan si Steven.
"Hey, are you okay?" nag-aalalang sambit ng binata habang hawak nito ang kanyang kamay na malayang nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
"I-I'm fine," aniya saka binawi ang kanyang kamay. "Wag mo akong alalahanin, hindi lang naman ako ang taong may problema sa mundo." pambibiro niya sa binata para pagaanin ang sitwasyon.
"Ahh... Val, can I ask you something?" biglang pagtatanong ni Steven, na nakapagpa-curious sa dalaga.
"Oo naman, basta no money involved 'yan ha?" natatawa niyang saad rito.
Sandaling napahawak si Steven sa kanyang batok na parang nahihiya, kung paano niya sasabihin sa dalaga ang nais niyang itanong. "Ahh... Val, I know we barely know each other pero..." pambibitin pa nito sa kanyang sasabihin.
"Yes?"
"Gusto ko sanang malaman kung bakit ka umiiyak kagabi sa bar?" ani Steven. Hindi naman agad sumagot ang dalaga kaya muling nagsalita ito. "As they always said, It's better to tell your problems to someone you don't know. Mas mailalabas mo raw ang mga negative vibes sa katawan mo kapag gano'n. So... I'm willing to listen." nakangiting turan ng binata bago muling sumubo ng kanyang pagkain.
Sandaling tiningnan ito ni Val, na animo'y sinusuri kung tama bang pagkatiwalaan niya ang taong kaharap niya ngayon, gayong hindi naman niya ito lubos na kilala. Ngunit sa mga salitang binitawan ni Steven ay nakaramdam ang dalaga ng kakaibang galak sa hindi malamang dahilan at tuwa na hindi niya maipaliwanag.
Wala naman sigurong masama Val kung iku-kwento mo sa kanya ang problema mo. Tutal mukang kailangan mo ngang ilabas 'yang nararamdaman mo para hindi maipon. pangungumbinsi niyang wika sa kanyang sarili.
Humugot muna ng malalim na hininga si Val bago tiningnan ng mata sa mata ang binatang si Steven, "Do you really want to know the reason, why I was idiotically crying at the bar last night?" seryosong saad ng dalaga.
Tanging tango lang ang isinagot ni Steven sa dalaga bago ipinatong ang kanyang mga braso sa ibabaw ng lamesa, na parang sinasabi na handa siyang makinig ano mang oras.
"Haaayyy... Okay." humugot muli ng lakas ang dalaga sabay sabing. "It all started when a woman named Leverie came into my ex-fiancè's life, our lives to be exact." matamlay pang saad ni Val.
Natigilan si Steven sa kanyang narinig ngunit kalaunan ay mas itinuon pa niya ang pakikinig sa dalaga.
"I knew from the start na walang gagawing maganda ang babaeng iyon sa relasyon namin ni Nathan. I kept on telling Nate, na may gusto sa kanya ito pero palagi niyang minamasama ang kutob ko. Masyado raw akong paranoid, dahil magkaibigan lang daw sila. Daw ha?" mapaklang litanya ni Val bago pinagdiinan ang salitang Daw.
"To make the story short, dumaan ang mga araw na hindi na nagpaparamdam sa akin si Nathan. The usual na ginagawa niyang pagdalaw sa bahay, tawag at pagse-send ng sweet messages ay unti-unti nang nawala na parang bula." malungkot na turan ng dalaga habang nakatuon ang atensyon sa kanyang kinakain.
"Hanggang sa nagdecide na akong puntahan ito sa apartment na tinutuluyan niya. Alam ko kung saan siya nakatira, pero never pa akong napunta sa bahay niya dahil si Nathan ang palaging nagpupunta sa bahay ko." sandaling huminto ang dalaga sa kanyang pagku-kwento bago pinagsaklob ng sobrang higpit ang kanyang mga kamay, na parang doon humuhugot ng lakas ng loob para masabi ang bagay na bumabagabag sa kanya.
"Hanggang sa pinuntahan ko na nga siya at... At doon gumuho ang mundong binuo naming dalawa ni Nathan," at sa puntong iyon ay mabilis nagbagsakan ang mga luha ni Val na kanina pa niya pinipigilan.
"Kitang-kita ng mga mata ko kung paano sila naglalampungan ng babaeng iyon. Parang naestatwa ang buong katawan ko ng mga sandaling iyon, ni hindi ko nga makuha kung anong tamang salita ang dapat kong sabihin sa kanila dahil parang nalunok ko na ang sarili kong dila sa aking nasaksihan." anito sa pagitan ng kanyang mga hikbi.
"At kahapon nga nangyari ang pinaka-masalimuot na bahagi ng buhay ko, kung saan pinapili ko si Nate kung ang babaeng iyon o ako. It's hard for me to accept the fact that he chose that woman over me, ako na limang taon niyang nakasama, karamay niya sa ups and downs na bahagi ng buhay niya. Pero napaka-p*tang-ina lang dahil napakabawbaw ng dahilan niya," mapaklang anas pa ni Val habang pinapawi ang kanyang mga luha.
"Imagine, tinalikuran niya ang limang taon na pinagsamahan namin, dahil hindi ko lang maibigay ang sarili ko. My effin' purity na pinagkait ko raw sa kanya." dagdag pa nito bago binalingan ng tingin si Steven.
"Sa tingin mo Steven, may dahilan pa ba ako para sumaya sa kabila ng sakit na nararamdaman ko?" pagtatanong ni Valeen sa binata habang patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha.
Hindi naman sumagot si Steven sa tanong ng dalaga, dahil alam niyang wala siya sa posisyon para mangaral dito. Marahang hinimas ng binata ang kamay ni Val, at mataman lang itong nakatingin diretso sa mga mata ng lumuluhang dalaga.
Sarkastikong ngumiti lang si Valeen dito bago pinunasan ang kanyang mga luha, "S-sorry, masyado na ata akong na-carried away sa nararamdaman ko." bahagya pang natawa ito bago pinunasan ng tissue ang kanyang buong mukha.
"It's fine, atleast nailabas mo siya right? So how do you feel after this story-telling thing?" nakangising sambit nito sa dalaga.
Sandali pang nagpunas ng kanyang mukha si Val bago nagsalita nang, "Actually tama ka, nabawasan nga ang sakit na nararamdaman ko. Hindi na gaya kahapon na sobrang bigat ng dalahin ko." nakangiting saad ng dalaga. "Salamat Steve ah? Kahit hindi pa tayo lubusang magkakilala ay napagaan mo na agad ang pakiramdam ko."
"Nah... Ako nga dapat ang magpasalamat dahil nagtiwala ka sa akin kahit stranger ang dating ko sayo. Hahaha!" humahalakhak na turan ni Steven.
"Seriously, thank you Steve."
"No worries," nakangiti nitong saad bago kinindatan ang dalaga. "Pero may favor sana ako sayo." biglang pagtatanong nito kay Val.
"What is it?"
"Can we make a deal?" anito na kinakunot ng noo ng dalaga. "Hahaha! Don't worry hindi ito pyramiding scam." pabibiro pa ni Steven.
"Sira!" nakangiting wika nito habang napapailing sa kalokohan ng binata. "Sige na ano ba 'yon? Basta ba kaya ko, why not naman di ba?"
"Good... It's about the pain and heartaches you're facing now."
Sandaling nag-isip si Val kung papakinggan niya ba ang kagustuhan nito, ngunit nang makita niyang seryoso si Steven ay wala sa sariling napatango na lang siya rito.
"Great! I want to help you on the process of moving on. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito, but it seems like I have to do it for some reasons. Una, hindi bagay sayo ang umiiyak hija dahil nagmumuka ka nang panda." nang maisatinig iyon ni Steven ay humagalpak ito ng tawa sa sobrang katuwaan.
"Tsss..." tanging saad lang ni Val bago inismiran ang binata.
"Sorry, I can't help it. Lalo na 'yong nakita ko 'yong mukha mo kanina sa bahay niyo. Hahaha!"
Mabilis naman itong tiningnan ng masama ng dalaga, na animo'y sa pamamagitan pa lang ng mga tingin na iyon ay gusto na niyang saktan si Steven.
"I'm just kidding..." naluluha pang usal ng binata sa sobrang katuwaan. "Ehem... Anyways, gusto kitang tulungan Valeen Tina. Hindi ko alam kung bakit pero makakaasa ka na makaka-move on ka kay Nathan. Deal?" anito saka inilahad ang kanyang palad sa dalaga.
Kahit hindi sigurado kung tama ba ang kanyang gagawin ay mabilis na tinanggap ni Val ang kamay nito saka nakipagshake-hands sa binata.
"Deal." sagot ng dalaga saka nagkangitian ang dalawa.
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top