UNANG PAHINA
PAG-ATAKE NG DRIZARIO WOLF
SA bawat pagtingin namin sa kaliwa't kanan rinig na rinig namin ang mga taong nagpapatayan na tila ba'y nawawalan na sa sarili.
Hinigpitan ko ang pagkahawak sa braso ni Lewis, hindi niya pinansin ang paghigpit ko bagkus ay tumitingin siya sa mga taong tila ba'y parang manika kung pumatay.
Habang sila'y naglalabanan nagulat silang lahat ng makita kami. Walang bahid na emosiyon ang aming mukha, bigla naman silang tumakbo.
Hindi ko alam kung bakit sila nag-alisan. Maya maya pa ay tumunog ang nakakapindig na tunog galing sa malaking kampana. Ngayo'y nawala na sila nagsimula kaming naglakad ni Lewis malapit roon sa kampana.
"Tayo'y nasa karatig bayan hindi ba?" Wika na sabi sa akin Lewis. Ako'y sumagot na lamang ng tango.
Hindi ko alam kung bakit nagpumilit pa akong pumunta kami rito sa lugar na ito.
"Hindi ito lugar Athena." Mahinahong wika na sabi sa akin ni Lewis.
Heto nanaman siya at nagbabasa ng isip ko, naiinis ako kapag ginagawa niya yan.
"Kung hindi ito isang lugar? ano naman ito?" Tanong ko na may halong pagkairita. Ayokong ginaganiyan ako promise i hate it!
"Isang mundo na wala pang tao ang nakalalabas." malamig na tugon nito sa akin.
Mundo? bakit parang lugar? naguguluhan na sabi ko sa kaniya.
"Oo lugar itong napuntahan natin Athena pero ito'y isang mundo." Wika niya sa akin kaya natahimik ako.
"Paao mo nalaman na ito'y isang mundo?" Tanong ko sa kaniya bigla naman siya napangisi sa sinabi ko.
"Don't worry baby, it's just my observation." Wika niya kaya napatango na lang ako.
"Pupunta talaga tayo roon sa kampana?" Tanong ko nanaman sa kaniya.
Pagpasensiyan niyo na at ako ay makulit siyempre naninigurado lang ako.
"Oo pupunta talaga tayo roon ok?" Wika niya kaya napatawa ako ng bahagya at tumango na lamang.
Dahan dahan kaming naglakad doon hangang sa may narinig kaming kalesang dumaan sa aming harapan, agad naming inihanda ang sandata naming dalawa na nakatago sa aming kasuotan.
"Prinsesa bilin po ng iyong papa na huwag kang bababa sa kalesa." Mahinhin na sabi noong ginoo na nagmamaneho sa kabayo.
"Ngunit Rodolfo wika ni mama sa akin na tumulong sa kapwa sapagkat sila ang namamahala dito sa bayang ito." Mahinhin na sagot naman na sabi nung babae doon sa loob.
Siya siguro ang anak ng gobernador heneral sa bayang ito. Wow ang lakas maka history nitong mundong to ah.
Nagkatinginan kami ni Lewis pareho naming hindi alam kung ano ang mga sinasambi ng mga yan sa harapan namin ngunit salamat sa kanila nakakuha kami ng kaunting impormasiyon kung ano ang lugar este mundong pinasukan namin.
"Baby let's go." Wika sa akin ni Lewis kahit ako ay gusto ko ring tumakbo iba ang pakiramdam ko doon sa Prinsesa hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.
Aalis na sana kaming dalawa ngunit bumukas ang pinto ng kalesa at bumungad sa amin ang napakagandang babae at mukha siyang anghel pero bakit iba ang kutob ko sa kaniya?
Dahan dahan siyang bumaba sa kalesa nang naka dress na hangang tuhod na may kulay na pula at may disenyong kaunting rosas sa palda ng dress at kita ang kaniyang makikinis at mapuputing balikat.
"Ako nga pala si Prinsesa Anne at ako ang nag-iisang anak ni Don JUNAIFICITO siya ang gobernador rito so prospect. Bakit kayo narito malapit sa kampana? Alam niyo bang delikado na dahil ang mababangis na lobo ay tumutugis rito sa bayan. Hayaan niyong ipatuloy ko kayo sa aming tahanan." Mahinhin na sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Lewis.
"Ano sasama ba tayo?" Mahinang bulong sa akin ni Lewis kaya agad akong tumingin sa babae nakangiti siya sa amin na parang hinihintay ang sagot namin.
"Sama na tayo nakakahiya naman tatangihan natin ang pagpapatuloy nila sa atin." Mahinang bulong na sagot ko sakaniya kaya tumango na lang siya. sa akin talaga ang huling desisyon.
"Ano pumapayag na ba kayo?" Nakangiting sabi niya kaya nagtinginan muna kami ni Lewis at dahang dahang tumango.
"Buti naman! Halina kayo at pumasok na sa kalesa!" Masayang wika niya.
Dahan dahan din siya pumasok, susunod na sana kami ng makarinig kami ng malakas na sigaw sa harap kaya napatigil kami sa pag-akyat sa kalesa.
"Anong nangyayari?!" Litong litong sabi ni Anne kaya sinarado namin ang pinto at kinandado para hindi siya makalabas, mahirap na baka mapahamak siya.
"Ano ba! Buksan niyo ito!" Malakas na sigaw niya at pilit paring pinupukpok ang pinto ng kalesa.
"Lewis! Ang mga lobo!" Malakas na sigaw ko tumango siya at biglang inilabas ang ispada niya at sabay na hiniwa ang ulo ng lobong papunta sa amin.
"Huwag mong gamitin ang iyong pana baka lalo kang mapahamak." Malamig na tugon sa akin ni Lewis kaya tumango ako at inilabas ang dalawa kong kutsilyo.
"Dala mo parin pala ang ibinigay niya." Nagulat ako nang biglang naiinis sa akin si Lewis at ibunubuhos na lamang sa pagpatay sa mga lobo.
"Baby—" hindi natuloy ang sinabi ko dahil bigla akong kinagat sa paa ng lobo kaya hindi ko napigilang sumigaw, agad naman napalingon sa akin si Lewis ngunit alam kong hindi niya ako kayang tulungan dahil pinalilibulutan na siya ng mga lobo.
Hinigpitan ko ang hawak sa kutsilyo ko at biglang tinusok doon sa lobo na kumagat sa aking paa bigla naman sumabog sa mukha ko ang berdeng dugo kaya hindi ko napigilang mandiri.
Patuloy parin ako sa pagsaksak sa mga leeg ng mga lobo at hangang sa maubos na silang lahat. Napaupo ako at biglang natumba sobrang sakit ng katawan ko, hindi ko na rin kaya.
"Baby!" Malakas na sigaw na sabi ni Lewis at nilapitan ako. Naiiyak siya hindi ko alam kung bakit sobrang sakit ng paa at katawan ko dahil sa mga natamo kong galos kanina sa pakikipagbakbakan.
"ANO BANG NANGYAYARI!" Malakas na sigaw ni Anne nakalimutan namin siya kanina.
Agad akong inilalayang tumayo ni Lewis at dahan dahang binuksan ang pinto ng kalesa.
"Bakit NGAYON-" napahinto siya nang makita niya ang mga sugat namin at kinuha ang isa kong kamay upang matulungan akong mai-akyat sa kalesa.
"Dahan dahan." Mahinahong wika ni Lewis tumango naman si Anne. Dahan dahan nila akong pinasok sa kalesa.
"Sino ang magmamaneho sa kabayo?" Tanong ko kaya nanlaki ang mata ni Anne.
"Nariyan naman si Rodolfo hindi ba?" Wika niya kaya nagkatiginan kami ni Lewis.
Hindi niya pa alam na ang sumigaw kanina ay si Rodolfo humigpit ang hawak niya sa hawakan ng loob sa kalesa kaya medyo mahihirapan kaming sabihin sa kaniya.
"Sabihin niyo na, Nasaan si Rodolfo!" Malakas na sigaw niya na ikinagulat namin, kitang kita namin sa kaniyang mga mata ang poot at lungkot.
"W-wala na s-siya, s-siya yung s-sumigaw k-kanina." Utal utal na wika ko, pagkasabi ko non bigla siyang umiyak, mga luhang kanina niya pa pinipigilan.
"Ako na lang ang magmamaneho sa kabayo." Wika ni Lewis kaya tumango ako.
Gusto kong yakapin si Anne, ngunit ang aking mga sugat, hindi na kasi ako halos makagalaw kaya hinayaan ko na lang na ibunuhos niya ang kaiyang luha sa kaniyang kamay.
"Kung sanang hindi ako namilit, buhay pa sana siya." Mahinang sabi ni Anne, kaya napatingin ako sa kaniya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko, hindi ko alam kung bakit tinanong ko pa iyan aba sorry naman daw curious ako eh.
"Si Rodolfo ang aking kasintahan." Wika nya, nanlaki naman ang aking mata.
Si Rodolfo?! Kasintahan niya? Teka bakit hindi halata kanina akala ko kanina tagapagtangol niya or taga maneho lang ng kabayo ehh teka kailan pa ba ako naging mapanghusga? Hindi na ako sumagot baka humaba pa ang paguusapan namin bagkus ay umidlip na lamang ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top