IKATLONG PAHINA


Unedited.

Briltizar the king of phrosupresome

Athena's point of view.

Hindi ka nararapat dito!

Mamatay na sana siya!

Bakit pa kasi nagustuhan ka ng anak ko?!

Rote to hell bitch!

Dapat ikaw nalang ang namatay at hindi siya!

Anong nangyayari bakit bumabalik lahat? Bakit nandito ulit ako, matagal ko na itong binaon sa limot!

Wala ako sa sariling napaupo, ito ang burol ng aking mahal lahat ng tingin nila sa akin ay puot at galit.

"AHHH!" Napaupo ako sa gising ng mapanaginipan ko nanaman ang bagay na iyon.

"Athena." Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng marinig ulit ang kaniyang boses.

Hindi! Sigurado ay umiikot nanaman ang aking imahinasyon sa kaniya! Pumikit ako ng mariin at tinakpan ang aking tenga.

"Kung sino ka man! Umalis ka na!!" Malakas na sigaw ko ngunit tila ayaw niyang umalis kaya naman nagulat ako ng ako'y yakapin niya ng mahigpit.

"B-bril?" Halos hindi ako makapagsalita ng makita ko siyang yinayakap ako tulad ng ginagawa niya sa akin.

Lumibot ang aking mata sa kapaligiran nasa higaan ako at ito'y napakalaki at parang nasa isang palasyo ako.

"Nasaan ako?" Mahina kong banggit kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin.

Tama nga ako siya nga ito, mas lalo siyang gumwapo dahil hindi na siya binata tulad ng dati.

"Nasa kaharian kita Athena." Aniya ngunit nagtakha ako bakit narito ako? Ang naalala ko ay nasa kalesa ako?

"Narito ka dahil kinagat ka ng mga alaga kong Drizario." Aniya at hinawakan ang aking pisngi.

"Mahigit sampong taon narin kita hindi nahahawakan at nakikita pati narin ang mala musika mong boses." Aniya habang nakangiti

"Tama ka ngunit maari mo bang maipaliwanag sa akin ang nangyayari?" Wika ko kaya tumango siya.

"Nasa kaharian ka ng Phrosupremsome--"

Hindi natuloy ang kaniyang sinabi na bigla ako napagising ulit.

"AHHH!" Sobrang pawis ko at hindi ako makagalaw ng maayos!

"Ayos na ba ang kalagayan mo?" Wika nung babaeng naka ikat ng dalawa at nakabistida ng puti.

"Hmm medyo." Tila hirap na hirap kong banggit.

"Nakausap mo si Bril tama?" Sabat naman nung lalaking inaayos ang kanilang gamit.

"Oo, teka bakit kilala niyo siya?"wika ko at medyo maayos na akong nakapagsalita, umupo ako at inayos ang aking buhok.

"Isa siya sa mga hari ng labinglimang kaharian rito sa Pegma kung saan may kaniya kaniya silang uri ng pamumuno at isa sa mga pinuno na iyon ay si Briltizar." Malumanay na sabi ng babae.

"Hindi pa pala kami nagpapakilala, ako si Theris at siya naman si Rhonn kami ang tagapagpagamot rito sa mansiyon nila Lady Anne." Wika nung babae kaya tumango ako.

"Ako nga pala si Athena at iyong kasama ko naman ay si Lewis kasintahan ko." Nakangiti kong sabi.

"May pinag-usapan ba kayo ni Bril?" Sabi sa akin ni Theris.

"Wala naman ang nabanggit niya lang ay isa siyang hari ng Phros ah basta nakalimutan ko na." Wika ko ang gulo ng pangalan na sinabi niya.

"Phorsupresome tama ba?" Sabat nung Rhonn.

"Ah oo! Iyon nga!" Wika ko kaya tumango silang dalawa pero nakakapagtakha lang ano kaya iyon?

"Isang kaharian." Wika naman ni Theris.

"Kaharian? Anong kaharian?" Palipatlipat na tingin ko sa kanila.

"Uhm Athena? Ang mabuti pa ay magpahinga ka muna.

Hindi na ako nakapagsalita dahil agad silang umalis ng kwarto.

Hmm anong klaseng kaharian na namumuno si Bril? Dbale na makatulog na nga.


Theris point of view.

"Rhonn? Tama ba ang nakita natin? May namamagitan kina Briltizar at Athena?" Tanong ko sa kaniya habang nag-aayos ako ng higaan namin.

"Oo tama yun pero bakit may kasama pang isang lalaki si Athena?"wika niya kaya tumango rin ako.

"Hindi kaya niloloko lang niya yung kasama niyang lalaki?" Tanong ko ulit ngunit nagkibit-balikat lamang siya.

"Hindi ko alam pero huwag muna natin siya husgahan"

May point nga siya pero lumabas muna ako ng kwarto para tignan ulit si Athena kung ayos pa ba siya o hindi.

Habang naglalakad ako ay naramdaman kong may sumuntok sa aking likuran.

"Frizuh, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya at tumayo ako pinagpag narin ang aking bistida.

"Planning to kill all of you!" Sigaw niya at bumuo ito ng malaking hawla na itim gamit ang kaniyang kamay agad ko naman hinanda ang Hriqun.

Isang uri ng mahika na maiiwasan mo ang bawat atake ng iyong katunggali.

Habang iniiwasan ko siya gamit ang Hriqun ay panay ang pagtapon niya sa akin ng mga hawla sunod naman ay umatake siya ng mga patusok na kung tawagin ay Griyom.

Isang mahikamg nakalalason kqpag ikay natamaan.

"Hangang iwas ka nalang ba ha Theris!?" Patuloy parin ako sa pagiwas inuubos ko lang ang mana na natitira sa kaniyang katawan.

Habang umiiwas ako ay pumunta ako sa kaniyang likod at ginamitan ko siya ng mahikang Tresumi isang mahikang makakapagparilisado ng katawan dahil hanggat maari ayoko ng madumihan ang aking kamay na may dugo.

Napatigil siya sa pag-atake ngunit hindi na ako nagulat na isa lamang illusyon ang nakalaban ko.

"Theris! Theris! Anong nangyayari?!" Nagulat ako kina lady Anne at si Rhonn na tumatakbo papalapit sa akin.

"Si Frizuh umatake nanaman siya." Malamig kong sabi.

"Mabuti na lamang at hindi ka nasaktan!" Pag-aalalang sabi ni lady Anne ngumiti lang ako sa kaniya at si Rhonn naman ay nakatingin sa kwarto ni Athena.

"May problema ba?" Tanong ko sa kaniya sapagkat napakatulis ng titig niya sa pinto.

"Theris, Maglalakbay tayo sa kaharian ng Hriyu binigyan nila tayo ng imbitasyon ni Haring Riyu kailangan natin dalhin ang dalawang ito" Malumanay na sabi Lady Anne kaya tumango na lang ako.

"Taga-Hriyu ba sila?" Tanong ko kay Lady Anne.

"Hindi ko alam siguro bukas nalang natin sila kausapin bago sila ipadala sa Kaharian ng Hriyu" Sagot naman ni Lady Anne.

"Mabuti pa at matulog na tayo sapagkat magmamadaling-araw na" Sabat ni Rhonn kaya naglakad kami patungo sa sarili naming kwarto.

"Rhonn? Kung mga Hruyi ang mga manlalakbay na iyon bakit sila narito sa Kaharian ng Grimom?" Tanong ko sa kaniya dahik siya ay nakahiga na at ako naman ay nakaupo.

"Hindi ko rin alam, Kilala rin ang Hruyi na mga nakikipaglaban sa pisikal napansin ko rin dahil mayroon silang hawak na pana at ispada kaya naman ang oo nalang nila ang hinihintay namin para ipadala na sila sa sarili nilang kaharian" Aniya at pumikit.

Taga-mundo sila

Nagulat ako ng may narinig akong bulong sa tenga, kung ano ano na ang naririnig ko makatulog na nga.






Sa kabilang dako may isang nakabalot na itim na dalawang tao sa itaas ng mansiyon.

"Hindi sila nararapat dito."






To be continue...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top