IKALAWANG PAHINA

Chakira

                                      

AGAD na akong sumakay malapit sa kabayo, paano nga ba kasi ito? hindi ko alam? lumingon ako sa likod at tinignan yung dalawa.

Nakita ko si Athena natutulog at yung isa naman parang may sariling mundo.

Bumuntong muna ako ng malalalim na hininga bago ako magsalita.

"Anne? P-paano pala patakbuhin ang k-kabayo?" Tanong ko kaya biglang siyang tumingin sa akin at nag isang linya ang kaniyang kilay.

Nagulat ako ng padabog itong lumabas sa kalesa at tinulak ako ng isang kamay.

"Aray naman! Bakit hindi mo na lang sinabi na umalis ako kaysa itulak mo ako!" Malakas na sigaw ko sabay nguso ang sakit sa pwet.

"Paano hindi kita itutulak ginoo sabi mo ikaw ang mag-mamaneho  pagkatapos ay hindi ka marunong?!" Iritadong wika niya kaya sumimangot ako at pumunta doon sa loob ng kalesa.

Pagkabukas ko ng pinto nakita kong sobrang putla ni Athena na para bang nawalan na ito ng dugo kaya hindi ko maiwasang yakapin siya, habang yinayakap ko siya nararamdaman kong lumalamig na ang kaniyang katawan.

Tumingin ako kay Anne na kasalukuyang inihahanda ang kabayo, gusto kong sumigaw pero hindi ko kaya, nanginginig ako.

Nangyayari nanaman ito! Pilit kong kinakalma ang sarili ko ngunit hindi ko kaya tarantangtaranta na ako.

Makalipas ang ilang minuto pinatakbo na niya ang kabayo, mabilis ito ngunit mas lalong lumamig ang katawan ni Athena kaya mas lalo akong pinagpawisan.

Tumingin ako ulit kay Anne na nagpapatakbo ng kabayo, kailangan na niya pang bilisan pero ayaw magsalita ng aking bibig dahil sa nerbyos kaya huminga muna ako ng malalalim at sumigaw.

"B-BILISAN M-MO S-SI ATHENA!" Malakas na sigaw ko kaya tumango siya at lalong binilisan ang takbo ng kabayo.

Halata sa kaniya ang sakit at talagang nahihirapan na siya kaya lalo ko siyang yinakap ng mahigpit kahit medyo lumalamig na ang kaniyang katawan.

"Narito na tayo ginoo!" Sigaw niya, dali dali kong binuksan ang pinto ng kalesa at binuhat ng parang bagong kasal si Athena, agad naman sumunod si Anne.

"Papa! Papa!!" Malakas na sigaw ni Anne nang pumasok sa malaking pinto ng mansiyon.

"Iha? Bakit sumisigaw ka sa sapit ng gabi?" Tanong ng matanda na dahan dahan sa pag baba.

"Papa! Nanganganib ang buhay ni Athena!" Malakas na sigaw ni Anne kaya hindi ko maiwasang mataranta hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Sino yang si Athena?—" hindi natuloy ang sinabi ng matanda dahil agad kinuha ni Anne ang aking braso papunta sa kwarto.

"Iha!" Malakas na wika ng matanda ngunit hindi niya ito pinansin.

"Pasok." Wika ni Anne kaya tumango ako at pumasok sa malaking kwarto, nagulat ako ng may makita akong babaeng may kahalikan na lalaki kaya hindi ko maiwasang magulat.

"Baki—" hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin ng makita niya ang dalawang naghahalikan, bumaling ang mata ko kay Anne, halata sa kaniya ang pagkairita.

"Theris!!" Sigaw ni Anne kaya napatigil ang dalawa sa paghahalikan.

"Anne, nariyan ka pala." Wika nung babae at halatang tinatago ang hiya.

"Sino ang dalawang iyan?" Wika naman nang lalaki at halata ring naiirita siya sa aming dalawa.

"Pwede ba?! Pwede bang ipagsantabi niyo muna yang landian niyo at gamutin ang babaeng ito?!" Iritadong wika ni Anne kaya agad silang lumapit sa akin, kukunin na sana nang lalaki si Athena ngunit umiwas ako at dahan dahan siyang nilapag sa kama.

"Tss." Bulong na sabi nung lalaki kaya sinamaan ko siya ng tingin, umiling-iling siya at pumunta kung nasaan si Athena

"Lewis?, tama ba?" Napatingin ako kay Anne nang tawagin niya ako.

"Oo,Bakit?" Patanong kong sabi, sumenyas siya na lumapit ako sa kaniya, kaya lumapit ako sakaniya.

"Kailangan nating umalis rito." Wika niya na ikinatakha ko, bakit niya ako pinapaalis rito? Tumingin muna ako kay Athena na kasalukuyang ginagamot at kung ano ano pa.

"Bakit?" Wika ko kaya tumingin siya sa akin, kailangan kong basahin ang utak nila baka kung ano pa ang mangyari kay Athena, tumingin ako dun sa babae at lalaki—

"Huwag ka mag-alala hindi nila sasaktan o papatayin si Athena, bagkus ay pagagalingin nila siya at kaya Kailangan nating umalis dahil may ilalagay na kaunting mahika kay Athena naiintindihan mo?" Napatingin ako sa kaniya na nasa pinto na.

"Halika na, kung gusto mong gumaling siya ng mabilis iwan mo muna siya." Aniya, ngunit palipatlipat ang aking tingin sa dalawa at kay Anne, ako'y naguguluhan kung tama ba o susunduin ko ang sinabi niya o dito lang ako hangang gumaling si Athena?.

Napagpasiyahan kong iwan muna siya kahit labag sa aking kalooban, kung may mangyari sa kaniya hindi ko sila mapapatawad.

"Lewis." Malamig na tugon sa akin ni Anne kaya dahan dahan akong tumango at dahan dahan ding tumalikod kay Athena.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Anne, wala ako sa sariling napatango at nagpatuloy sa paglalakad dahil naglalaro parin sa aking isipan ang iwan siya o doon nalang muna ako.

"Pagagalingin nila siya Ginoong Lewis ika'y magtiwala." Aniya ngunit hindi ko ito sinagot.

Hindi pa man kami nakakalayo ay narinig kong sumigaw si Athena kaya agad ko pinuntahan ito.

"Lewis! Lewis!" Sigaw ni Anne sa akin ngunit hindi ko ito pinansin bagkus ay patuloy parin ako sa pagtakbo papunta sa kwarto.

Dapat pala hindi nalang ako nagtiwala! Sana hindi nalang kami sumama sa kaniya at sana hindi nalang kami pumasok dito.

Sa wakas at nakita ko rin ito, sinubukan ko itong buksan kaso ay bigla ako nakuryente kaya naman napahiga ako sa sakit.

"Lewis! Hindi ba't sabi ko wag kang lumapit dito?!"galit niyang sabi ngunit tinulak ko siya.

"Wala kang karapatang utos-utosan ako! Teka sino ka ba ha? Oh baka naman pinagloloko niyo lang kami ni Athena ha?!" Sigaw ko sa kaniya kaya nathimik siya agad itong lumapit sa akin at sinampal ako sa kaliwang pisngi.

"Kayo na nga tinutulungan kayo pa nanghuhusga." Aniya at tumalikod sa akin ngunit bago siya mawala sa aking paningin.

"Huwag kang magbulagbulagan Lewis simula palang ang lahat." Sabi niya at bigla ito nawala ng parang bula.

Napaupo nalang ako at napasubunot sa sarili.

Ano ba talaga ang nangyayari?

Lumingon ako sa pinto, napapaligiran na ito ng puting usok.

"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama kay Athena!" Sigaw ko at sinubukan kong suntukin ng buong pwersa ang pinto.

Kaso nga lang ay may naramdaman akong humila sa akin palayo doon sa pinto kaya natamaan ako sa pader.

"Walang bisa ang ginagawa mo iho." Nanindig lahat ng balahibo ko sa narinig kong nagsalita ang matandang lalaki na may tungkod at halatang kagigising lamang.

"Maari ko bang mahingi ang pangalan mo iho? At anong pakay niyo rito sa aking Mansiyon?" Aniya at umupo sa harap ko.

"Lewis ho, dinala po kam rito ng anak niyo para pagalingin si Athena kasintahan ko po, si Athena po ay nakagat ng isang uri ng hayop at nahimatay po ito."wika ko nakakapagtakha lang bakit ang gaan ng loob ko sa matandang ito?

"Hm ganoon ba iho? Kung ganoon bakit mo sinuntok ang pinto?" Aniya at sobrang lalim ng tingin.

"Narinig ko po kasing sumigaw si Athena kaya naman akala ko ay may ginagawa silang masama." Wika ko at tumango siya.

"Halika magpahinga ka muna alam kong pagod ka sa mga pangyayari." Tumango nalang ako at sumunod pero bago kami makaalis kung saan pinapagaling si Athena tinignan ko muna ito bago sumunod sa matanda.

Pinatuloy niya ako ng magandang loob sa isang simpleng kwarto na may higaan at bintana.

"Maraming Salamat ho!" Wika ko ngumiti lang siya at sinara na ang pinto.

Humiga ako at napapikit, hindi ko namalayan na unti unting tumulo ang aking luha.

Sana maging maayos na ang lahat bukas.

*Sa kabilang banda naman.*

"Iha matulog ka na."

"Oo papa."

"Iha galit ka ba?"

"Papatayin ko ba siya o hindi?"

"Maawa ka."

"Hm."




Itutuloy....








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top