[Capitulum 05] An Enemy in the Shadows
Did I tell you that foxholes are my favorite?
No?
Well, aside from the fact that I'm (obviously) a fox shifter, isang dahilan kung bakit paborito ko ang mga hukay na ito ay dahil mas praktikal gamitin sa paglalakbay. Lingid sa kaalaman ng mga mortal, mas kumplikado pa ang mga foxholes kaysa sa inaakala nila. On the surface, humans see nothing more than a hole in the ground.
But deep inside, there's a complex transport system that's more efficient than a bus.
"AAAAAAAAAH!"
Pero mukhang hindi naa-appreciate ni Dora Marquez ang kagandahan ng mga foxholes. Wala pa kaming isang minutong nagpapadausdos sa pasikot-sikot na lagusan, halos mabingi na ako sa pagsigaw niya. I don't know if I should feel offended or not. Hindi ba siya mahilig sa mga slides at rollercoaster rides? Yes, a foxhole is like a hybrid of those.
Kaya sa kabila ng kadiliman, sinubukan kong pakalmahin ang kaluluwa. Hindi ko pwedeng pabayaan ang customer ko.
"Señorita! Calm down!"
"AAAAAAAAAAH!"
"Seño---"
"AAAAAAAAAAAH!"
Nevermind.
Napailing na lang ako, hindi ko na napigilan ang pagngisi. 'Hindi siya takot kay Grumpy Old Troll, pero natatakot siya mahulog sa isang foxhole?' Minsan talaga, nakakaaliw ang mga kaluluwa. Madalas kasi, nakakalimutan nilang hindi naman sila pwedeng mapahamak sa mortal na pamamaraan.
The dead ones forget that they're dead.
The living forget that they're alive.
Strange.
Makalipas ang ilang minutong pagpapaikot-ikot sa ilalim ng lupa habang iniinda ang walang-kamatayang pagsigaw ni Dora, sa wakas, narating na namin ang dulo nito. Isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa'min kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin.
When I opened my eyes again, I instantly noticed the change in our surroundings.
Wala na kami sa boundary ng mundo ng mga mortal at ng Underworld.
Nasa Underworld na mismo kami.
'So, the Map of Everywhere led us to a secret foxhole shortcut to the Underworld? Cool.'
"Nasaan na tayo?" Mahinang tanong ni Dora na ngayon pa lang nakaka-recover mula sa pagbiyahe namin kanina.
"Nasa Underworld na tayo, señorita. Malapit ka nang malagay sa tahimik."
"Really? Well, I never expected the Underworld to look like this. Ang buong akala ko nakakatakot at puno mga halimaw ang Underworld. Or, at least that's what my papa Marquez told me..." Pinagpag niya ang kanyang duguang damit at inilibot ang mga mata sa paligid.
Ganyan rin ang reaksyon ko noong unang beses kong mapadpad sa lugar na 'to.
Imbes na nakapangingilabot na tanawin, napapalibutan kami ngayon ng isang madilim at patay na kagubatan. The trees were pale white, with darkish spots and pointed branches. Nakatayo ang mga punong ito sa tuyo at bitak-bitak na lupa. Kulay abo ang kalangitan. Walang-buhay at walang liwanag. This place looks ten times gloomier than the boundary.
And, despite the stillness, I knew this place is also ten times more dangerous.
"Kung hindi ako nagkakamali, nandito tayo ngayon sa kagubatang malapit sa Tartarus market." Kinuha ko ang mapa sa loob ng jacket ko at binuklat ito.
Sa gilid ng mga mata ko, napansin kong kumunot ang noo ng dalaga.
"A market in the Underworld? Is that even possible?"
I smirked. "You're a wandering ghost, I'm a fox shifter, we have a map that can take anyone anywhere, we escaped a monster troll, and we fell down a foxhole... Sa tingin mo may imposible pa ba sa sitwasyong ito?"
Sumilay ang isang tipid na ngiti sa mga labi ni Dora. Mabilis akong nag-iwas ng tingin bago pa man ako matulala. I can't get distracted now, can I?
Tumikhim ako habang inaaninag ang mga larawang nakaguhit sa asul na tinta. "Ang pagkakaunawa ko rito, kailangan nating maglakbay pahilaga at tumawid sa Valley of Floating Skulls."
Minsan talaga, gusto ko nang mag-request kay Mapmaker. Baka naman pwede siyang gumawa ng nagsasalitang mapa? O kahit 'yong kumakanta? Mas mapapadali pa ang buhay ng kahit sinong tour guide!
I sighed.
Gustuhin ko mang magreklamo sa landas na kailangan naming tahakin, alam ko namang bale-wala rin ito. In life, every path you take has its own dangers. There is no such thing as an easy path to get to your destination.
"That's gonna be a problem."
"Why?" She asked in curiosity.
Nagkibit ako ng balikat, "Maraming hindi nakakatawid sa Valley of Floating Skulls. May balitaan akong tour guide na namatay roon last week. Hindi naman talaga masyadong magaling sa survival skills si Big Red Chicken, pero mabait siya. Mabait. Lahat naman tayo sinasabihang 'mabait' kapag inabutan na tayo ni kamatayan, 'di ba? Hahaha!"
Pagak akong natawa. Minsan talaga, nakakaaliw ang mga mortal. When I die, I want people to actually say the truth of what they think about me. My death shouldn't change anything---not even their opinions.
Kalaunan, napasimangot na lang ang kasama ko. "Sinasabi mo bang wala nang pag-asang makatawid tayo nang buhay sa valley na sinasabi mo?"
"Nah. Of course, we can survive! I'm Swiper the Fox, remember?" I swished my fox tail. "Kailangan lang nating pumunta sa shop ni Isa the Iguana. Paniguradong may maibibigay siyang makakatulong sa'tin. Is that okay with you?"
"May magagawa pa ba ako?"
"Good point. Wala naman talaga dahil ako ang tour guide mo! Hahaha! Come on, señorita... Malayo-layo pa ang lalakbayin natin." Itinabi ko na muna ang mapa sa jacket ko at inilahad ang kamay ko sa kanya.
Tulad ng inaasahan ko, inirapan niya lang ako. "Ibig sabihin matagal-tagal pa rin kitang makakasama. Ang malas ko naman."
I laughed and flashed her another charming smile. "Aw, don't be like that, my sweetheart. Ikaw nga ang pinakamaswerteng kaluluwa sa mundo dahil matagal-tagal mo pang makakasama si Swiper the sexy Fox!" Kumindat ako sa kanya nang sinimulan na naming tawirin ang patay na kagubatan.
Sa kabila nito, pinapakiramdaman ko ang paligid. Hindi na bagong maramdaman na para kang sinusundan ng tingin ng mga puno sa Underworld. These dead trees aren't really "dead", after all.
But something feels different...
And it's not a good sign.
*
Hindi kumpleto ang Underworld trip mo kung hindi ka pa napapadpad sa pinakasikat na souvenir shop dito. Ang "Isabella's Memorabilia and Collection", ang shop kung saan matatagpuan mo ang kahit anong naiisip mong pasalubong sa...err, okay. Hindi ko rin alam kung sinong papasalubungan mo kung patay ka na, but it's still cool to have a souvenir shop in the Underworld, right?
The downfall of it?
They don't have customers.
Kaya ganoon na lang ang excitement ni Isa nang makita niya kami. From her iguana form, she shifted back into her human form. Kuminang ang kanyang kulay itim na mga mata. Her long eyelashes fluttered upon seeing us standing inside the shop over a tank of pink lobsters.
"Hola! I'm Isabella Ybañez, but you can call me Isa. What can I do for you---Swiper?"
Natigilan si Isa nang, sa wakas, nakilala niya ako. Hindi ko naman siya masisisi. Matagal-tagal na rin mula nang huli kaming nagkita. A month, I think? Pinasadahan niya muna ako ng tingin, bago siya ngumiti nang malawak.
"Ikaw nga! How are you, amigo?"
I smirked, "Still sexy."
"Still so full of yourself, it seems."
Hindi na ako pumalag nang yakapin ako ni Isa. It was a friendly hug, okay? Nang kumalas na siya sa yakap, doon niya binalingan ang kaluluwang nakasimangot. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o talagang may pagseselos sa mga mata ni Dora?
Isa was oblivious of this, of course.
"Hola! You must be Swiper's new customer... O baka naman ikaw ang kanyang bagong señorita?" Isa wiggled her eyebrows suggestively.
Shit! Ang daldal talaga ng isang 'to!
Bago ko pa man maipagtanggol ang sarili ko, tuluyan nang umiral ang kuryosidad ni Dora. "Anong ibig mong sabihin?"
"Isa, don't you dare---Argh!"
Isang nakakalokong ngiti ang iginawad sa'min ni Isa kasabay ng pagpulupot ng ilang rubber snakes sa'kin. Agad akong nawalan ng balanse at walang kalaban-labang natumba sa sahig. I glared at her, but didn't complain. Delikado na at baka takpan pa niya ng talking oyster keychain ang bibig ko. Did I mention that Isa is part-witch? Well, now you know.
"SWIPER!"
Aw. My ghost darling looks worried! How cute.
"I'm fine, señorita. Dignidad ko lang ang nadungisan, pero hindi ang aking kagwapuhan." I winked at her.
Humagalpak naman nang tawa si Isa the Iguana at binalingan si Dora.
"Oh, don't worry about him. Tinalian ko muna para hindi siya makaistorbo sa girl talk natin. Hahaha!" She gestured her towards a bamboo seat. Ilang sandali pa, lumapit sa kanila ang ilang lumulutang na tea cups na naglalaman ng umuusok pang tsaa. From the smell of it, Isa brewed redberry tea leaves again.
Sa kabila ng pagiging "hospitable" niya, nakasimangot pa rin si Dora. Halatang wala pa rin siyang tiwala sa shop owner.
"Girl talk? Ano bang sinabi mo? And why did you call me his new 'señorita'?"
Patay.
Pagkahigop ng tsaa, kalmadong nagsalita si Isa. Her legs were crossed, showing too much of her green tinted skin. "Halata naman sigurong playboy si Swiper, hindi ba? In fact, mas marami pa ang na-brokenhearted niya sa isang taon kaysa sa mga customers ng shop na ito sa loob ng isang dekada! Hahaha!"
Hindi ako kumibo.
Napataas ng kilay si Dora, halatang hindi makapaniwala. "Err... What does this have to do with me? Wala naman kaming relasyon. He's just helping me get to the Spirit Portal."
"Well, we can't deny the fact that Swiper is quite the charmer, now can we?" Sa kabila ng mabait na ngiti ni Isa, naroon ang kanyang pag-aalala. She tucked several strands of raven hair behind her ear.
"Malakas ang karisma ng isang 'yan, kaya minsan pati ang iba niyang customers ay naapektuhan. May ganoon talagang kaso. Naiinlove minsan ang kaluluwa sa tour guide nila... Kaya imbes na makamit nila ang 'kapayapaan', pinipili ng ilang kaluluwa na manatili rito sa Underworld para lang makasama si Swiper. Because of 'love', those poor wandering souls forget their goal. Naligaw lang sila nang landas dahil sa inaakala nilang 'pag-ibig', and let me tell you this: the consequences killed them."
"Kill them?"
"Oh, sweetie... Don't you know? The Underworld isn't a place for wandering ghosts. Kapag napatagal masyado ang pananatili ninyo sa dimensyong ito, posible kayong maglaho."
I knew Isa was going to bring this up.
Kapansin-pansin namang umayos ng pagkakaupo si Dora at panandaliang nagtama ang mga tingin namin. In a fraction of a second, our eyes met. Black collided with brown---only to be pulled away again.
Huminga nang malalim si Dora at muling binalingan si Isa. "Bakit mo ito sinasabi sa'kin?"
A sad expression passed Isa's angelic face.
"I'm his ex-girlfriend."
Napuno ng tensyon ang paligid. Damn. This is really awkward. Kaya bago pa man mapunta sa kung saan ang usapang ito, I cleared my throat and spoke, "Isa, nandito kami para bumili ng gamit. Ihahatid ko agad si Dora sa Spirit Portal kaya kailangan naming makatawid sa Valley of Floating Skulls. There's nothing to be worried about. Hindi 'yon mangyayari sa kanya."
"Masyado pang maaga para sabihin 'yan, Swiper."
"Tsk! Isa, you're just overreacting. Walang mangyayaring masama kay Dora."
Seryoso niya lang akong tinitigan, bago siya bumuntong-hininga.
"I have just the thing for you."
Ibinaba niya ang kanyang tasa at nagtungo sa likurang bahagi ng shop, kung nasaan ang ilang travelling bags at werewolf keychains. Noong mga sandaling 'yon, kumalas na rin ang mga rubber snake sa katawan ko. Relieved, I stood up and stretched my arms. Damn. Buti na lang hindi ako napilayan!
Just then, I felt Dora staring at me.
"What?"
Umiling siya. "Wala naman."
Maya-maya pa, bumalik na si Isa na bitbit ang isang kulay purple na backpack. She handed it to Dora and gave a friendly smile. "Nandiyan na sa loob niyan ang kakailanganin ninyo para makatawid sa valley. Naglagay na rin ako diyan ng makakain ninyo sa paglalakbay."
"Ghosts don't eat food," I frowned.
Tinawanan lang ako ni Isa. "Swiper, ghosts don't eat 'normal' food. Kakabili ko lang ng ghost cookies sa Tartarus noong isang araw. I had a feeling that it'll come in handy. Wag kang mag-alala, may berry-loaf at bird chips rin diyan." Kumindat siya sa'kin.
Yup, she still knows my favorites.
That made me smile.
Nilingon ko si Dora na kasalukuyang inaayos ang straps ng backpack niya.
"Let's get going, señorita. The sooner we get to the valley, the better."
Tumango naman siya at, sa huling pagkakataon, binalingan si Isa. "Salamat, Isa."
"No problem. Just remember my advice, okay? 'Wag kang mahuhulog sa karisma ng shifter na 'yan, even though he is sexy. Hahaha!" Kinuha ni Isa ang kulay lilang rosas sa kanyang buhok at inilagay ito kay Dora. "Whatever happens, finish your journey... Adios."
With those words hanging in the air, Dora and I exited Isabella's Memorabilia and Collection.
*
Ilang minuto na kaming tahimik na naglalakad.
We avoided each other's eyes like it's a sin to even look. Patuloy lang naming tinahak ang daan pa-hilaga. Nagsisilbing musika ang mga kuliglig habang pakaunti na nang pakaunti ang mga puno sa paligid. It was an awkward silence, indeed. Malamig ang hangin, pero hindi kasing lamig ng pakikitungo sa'kin ni Dora.
I sighed.
"Wag mo na lang masyadong isipin ang mga sinabi sa'yo ni Isa. Nothing bad is going to happen to you, as long as you're with me. Makakamit mo rin ang kapayapaan mo. I'm your tour guide, señorita... Trust me."
Please.
Pero naroon pa rin ang takot sa mga mata ng dalaga. Ang mga matang nagiging repleksyon na rin ng takot na nararamdaman ko.
"Paano kayo nagkahiwalay ni Isa?"
Agad akong huminto sa paglalakad nang marinig ko ang tanong ni Dora. Really, I wasn't expecting that one. Pero dahil ako si Swiper the Fox, I shrugged and acted like it wasn't a big deal.
"I couldn't love her the way she wanted me to. Naging mutual decision na naming itigil na lang kaysa patagalin pa. Aminado naman akong nasa akin ang problema."
Kumunot naman ang noo ni Dora sa sinabi ko. Nonetheless, ipinagpatuloy lang namin ang paglalakad. "Okay lang kay Isa 'yon? I mean, she must've been hurt when you two broke up."
Mapait akong ngumiti kay Dora, "Alam naming dalawa na mas masasaktan lang kaming pareho kapag pinilit pa namin. Pareho kasi naming alam na hindi namin kayang punan ang 'expectations' namin sa isa't isa... Unconditional love shouldn't come with conditions."
Iyon ang natutunan naming dalawa ni Isa sa sandaling panahon na naging kami. You can't expect people to reciprocate your love the way you want them to. 'Wag mong ipilit. Respetuhin mo ang nararamdaman ng iba katulad ng gusto mong irespeto nila sa nararamdaman mo.
Isa and I respected each other's feelings. That's why we broke up. One of us was bound to get hurt more, but it's for the best.
"I didn't know you're a love guru, Swiper."
"Am I? Good. Now I'm a complete package. Sexy na, love adviser pa. Hahaha! Anyway, don't worry about what Isa told you. Hindi ka naman siguro maliligaw nang landas dahil lang sa nainlove ka na sa'kin, hindi ba?" Pagak akong natawa kahit pa alam naming dalawa na walang nakakatawa sa sinabi ko. But that laughter quickly died down when I heard Dora's words...
"But what if I do?"
I was speechless.
Agad akong napalunok. Just when I was about to say something, my fox ears twitched. Naningkit ang mga mata ko sa tunog ng mga pagkaluskos.
"Swiper?"
"Wag kang aalis sa tabi ko, señorita... Iba ang nararamdaman ko sa kagubatang ito."
Agad akong nagpalinga-linga sa paligid. Noong mga sandaling 'yon, napansin kong iba ang galaw ng mga anino. A soft growl escaped my lips. My sharp teeth and claws were ready to attack. Alam kong nararamdaman na rin ni Dora ang nagbabadyang panganib.
All at once, the shadows took their forms.
Mula sa kadiliman, pinalibutan kami ng mga hayop. Among them were lions, cheetahs, hyenas, eagles, and a lot of other animals dwelling in the mortal world! Pero iba ang hitsura ng mga ito kumpara sa normal na mga hayop. These animals had glowing red eyes, all glaring at us. 'Damn! Nasundan niya kami.'
"It's amusing how mere animals can be a better army. Sa tingin ko naman, alam mo na iyon."
Mabilis naming nilingon ang pinanggalingan ng nakapangingilabot at baritonong boses. Naglakad papalapit sa amin ang anino ng isang jaguar. But when it left the shadows, the beast transformed into a man.
Sinamaan kami ng tingin ng lalaki. Beside me, I saw Dora's eyes widened in surprise when she recognized our enemy.
"D-Diego?"
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top