[Capitulum 04] Riddles, Riddles, Riddles

Pinangingilagan lagi ng mga tour guides na kagaya ko ang maalamat na nilalang na nagbabantay sa tulay na ito. According to the stories, Grumpy had been here since the beginning of the human race. Pinahihintulutan lang niyang tumawid ang mga espesyal na mga kaluluwang nakatapos na ng kanilang mga misyon.

Ang sabi nila, magmula noon, mangilan-ngilang beses pa lang siyang umaalis dito sa nakalipas na siglo.

Does Grumpy eat? Yes.

Apparently, he can eat both humans and spirits---mga tatanga-tangang trespassers sa teritoryo niya. Hindi ko alam kung paano niya ito eksaktong ginagawa. Wala na akong balak alamin pa...

"Señorita, get away from him!"

Nang ilang talampakan na lang ang layo ko sa kanila, mabilis akong bumalik sa anyong-tao at hinigit sa balikat si Dora. Napansin kong tila unti-unti nang naglalaho sa hangin ang kanyang kaluluwa.

"S-Swiper, anong nangyayari sa'kin?"

Shit! This is not good. Dahil isang shifter ako, dapat nahahawakan ko pa rin siya!

Maya-maya pa, kumawala ang isang malalim na pagtawa sa bibig ng troll. A laughter that almost sounded demonic. No humor, no mercy. The atmosphere became heavier with every passing second.

"Anong ginawa mo sa kanya?!" I growled, baring my sharp teeth at him.

Kalmado lang tumitig sa amin si Grumpy, sa kabila ng patuloy pa ring pagbabago ng kanyang anyo. Nang huminto ito sa kanyang anyong-halimaw, garalgal siyang sumagot, "Iginawad ko sa kanya ang sumpa, anime shifter. Alam mo nating dalawa na kapahamakan lang ang naghihintay sa mga kaluluwang may naiwan pang misyon sa mundo ng mga mortal---"

Nagbago ulit ang histura ni Grumpy. Ngayon naman ay nagmistula siyang isang normal na taong walang saplot sa katawan. His orange and black eyes reflected his century's worth of wisdom and distrust.

"---ngayon, kailangan niyang sagutin ang mga pala-isipang ibibigay ko. Kapag nagkamali siya ng sagot o piliin niyang 'wag sagutan ang mga ito, Dora Marquez' spirit will stay here until the mist devours her."

Kasabay nito, tila ba nagkaroon ng sariling buhay ang hamog sa kanyang likuran. I saw the outline of the old wooden bridge and the dark abyss below it.

Damn.

"Ilang taon ko na kayong binabalaan sa negosyo ninyong 'yan, animal shifter. Now, you'll have to face the consequences of your foolishness by losing a customer."

Nagdilim ang kanyang mga mata.

Wala na akong nagawa kung hindi ikuyom ang mga kamao sa gilid ko. Kabado kong sinilip ang reaskyon ni Dora, inaasahang susukuan na lang niya ang hamon. Believe me, the Grumpy Old Troll's riddles are tricky as hell! Kaya siguro ganoon na lang ang gulat ko nang tumango ang dalaga at matapang na hinarap ang misteryosong nilalang.

"Fine."

It felt as if my eyes wanted to buldge out of their sockets. Seryoso ko siyang hinarap sa'kin, my fox ears twitching in irritation.

"Ang akala ko noong una, gala ka lang... hindi ko naman aakalaing nababaliw ka na rin pala!"

"Swiper, I can handle this."

Lalo lang akong napasimangot. "At paano kung hindi mo masagot ang riddles niya? Do you really want to take the risk?" Isang pagkakamali lang at tuluyan nang maglalaho sa mundo ang kaluluwa ni Dora. She'll be trapped in this mist, without any way out.

Isang pagkakamali at hindi na siya malalagay sa tahimik.

Pero imbes na mabahala, isang tipid na ngiti lang ang iginawad niya sa'kin. A ghostly smile from a wandering soul.

"Wala akong maalala tungkol sa pagkamatay ko, pero naaalala ko pa rin ang mga panahong nagpapaligsahan kami nina Alicia, Diego, at Naiya sa pagsagot ng mga riddles. We've been solving word riddles since we were kids. I remember having so much fun before."

What in the name of the Fiesta Trio? Nababaliw na nga siya. "Tsk! Hindi ka na bata, Dora. This isn't a damn game! You might vanish forever if you lose!"

Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya. Hindi pa rin siya natitinag. Nang makita ko ang determinasyon sa mga mata ng dalaga, doon ko naunawaan.

Alam niya.

Alam niya ang magiging kabayaran kapag nagkamali siya sa pagsagot ng mga riddles ni Grumpy Old Troll.

She knows, but she isn't afraid.

Why would she? Dora Marquez is already dead, anyway.

Hindi ko na namalayang kinalas ko na ang mga kamay kong nakahawak sa mga balikat niya. Sa huli, hinayaan ko siyang harapin ang nakapangingilabot na bantay ng tulay. Huminga ako nang malalim at pilit pinakalma ang sarili ko. 'I just hope she knows what she's doing.'

From here, I can see amusement dancing in the Grumpy Old Troll's eyes. His deep voice echoed throughout the deserted land.

"So, you choose to answer my riddles, right? Answer this, if you're so bright... I don't have eyes, but once I did see. Once, I had thoughts, but now I'm white and empty."

Dora didn't even blink, "A skull."

Pareho kaming napanganga ni Grumpy sa bilis niyang magsagot. Mukhang seryoso nga siya kanina noong sinabi niyang alam niya ang ginagawa niya. Pero gusto ko mang magpakakampante, pigil-hininga ko pa ring hinintay ng susunod na riddle.

Umismid naman ang troll (na ngayon ay naka-anyong halimaw) at ipinagpatuloy ang pagtatanong.

"Sinuswerte ka lang kanina, pero wala akong planong matalo ng isang kaluluwa... Poor people have it, rich people need it. If you eat it, you die... What is it?"

If you eat it, you die? What the fuck does that suppose to mean?

Sandali ko itong pinag-isipan. Kung anu-anong putahe ang ini-imagine ko. Ano bang pagkain mayroon ang mahihirap pero wala ang mayayaman? Damn. Sumasakit na ang ulo ko rito!

The Grumpy Old Troll grinned triumphantly. Pero agad ring naglaho ang ngiting 'yon nang sumagot si Dora.

"Nothing."

Eh?

"A poor man has nothing, a rich man needs nothing. If you eat nothing, you'll die." Pagpapaliwanag pa niya.

Siguro kung ako ang isusumpa ni Grumpy para sumagot sa mga riddle niya, baka unang tanong pa lang mali na ako. Of the many talents this charming fox has, unfortunately, solving word riddles isn't one of them.

Sa kabilang banda, iritable namang humalukipkip ang tagapagbantay. He was now in his human form. Mahaba ang kanyang kahel na balbas na umaabot sa lupa. Hindi ko alam kung trademark na talaga niya ang ganyan o sadyang wala siyang oras para mag-ahit. Nonetheless, it doesn't look like Dora cares about how this monster presents himself.

"Two down, one to miss. Don't think you're so smart, mortal, try this... It will follow you for a thousand miles, but it will not miss home. It desires neither food nor flowers. It fears, not water, fire, knives, nor soldiers. But it disappears when the sun sets behind the horizon. What is it?"

Pigil-hininga kong hinintay ang isasagot ni Dora. Nararamdaman ko ring hindi mapakali sa paggalaw ang buntot ko (sorry, I can't help my animalistic behavior). Sa bawat segundong lumilipas, para akong lalong kinakabahan.

I saw the hesitation in Dora's eyes. Sandali niyang inilibot ang kanyang mga mata sa paligid hanggang sa tumigil ito sa akin. She was staring at me---no. Dora was staring at something behind me!

Ilang sandali pa, sumilay muli ang ngisi sa mapuputla niyang mga labi.

Nang tumingin ako sa likuran ko, doon ko naintindihan. Of course! Despite the dim surroundings, the pale gray sky still gave a soft light. Mula sa anggulo niya, hindi na nakakapagtaka kung makikita niya sa likuran ko ang isang...

"Shadow."

Hindi ko na napigilang ngumiti nang malawak at mag-slow clap pa sa kanya. Samantala, kitang-kita naman ang pagsiklab ng galit sa mga mata ni Grumpy. In that moment, we all knew he was defeated. Pero imbes na i-congratulate ang dalaga, mabilis na nag-anyong halimaw ang troll. Nanlilisik pa ang kanyang ngayon ay purong itim na mga mata. His orange beard moved like it had a life of its own, swishing around like a deadly whip.

"BAWAL KAYONG PUMUNTA SA UNDERWORLD!"

'Pikon? Tsk!'

I transformed into my human form and smirked. "Anong bawal? Pwede 'yan! Basta nag-comply kami, at binago namin ang batas, ay pwede na kaming pumunta sa Underworld. HAHAHAHA!" Agad kong hinila papalayo si Dora bago pa man siya matamaan ng gumagalaw na balbas na nagmistulang latigo. The Grumpy Old Troll (ugly monster version) roared and started chasing us.

"Kailangan na nating umalis dito!" Sigaw ko kay Dora habang tumatakbo kami papalayo. Naramdaman ko sa bulsa ng jacket ko ang mapa.

"Swiper! Saan ba kasi tayo pupunta?! Nasaan ang shortcut?"

Natataranta na ring sigaw ni Dora kasabay ng pag-ilag sa dambuhalang latigo. Hindi na namin pinansin ang katotohanang nagkabitak-bitak pa ang lupa sa tindi ng hagupit nito.

'Damn! Nasaan na ba kasi ang shortcut?'

Napalinga-linga ako sa paligid. Bakit ba kasi hindi ini-ispecify ng mapa kung ano ang dapat naming daanan? Well, that's one flaw of the Map of Everywhere. It can't be specific!

Kamuntikan na akong madaplisan ng balbas ng Grumpy Old Troll. Shit!

Ano ba kasi ang...

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko ang isang hukay sa lupa. Napangisi na lang ako. 'Found it!' Agad kong iginiya si Dora papunta sa kabilang bahagi ng lupain. Behind us, I can still hear the troll monster growling like an oversized beast.

"Swiper! What the fuck are we going?!"

"You'll see!"

Kasabay ng pag-ilag namin sa panibagong atake ng Grumpy Old Troll, sabay kaming tumalon ni Dora papasok sa malaking hukay. I heard her screaming as we fell...

Down.

Down.

Down the dark and twisted foxhole.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top