[Capitulum 02] The Mapmaker's Map

"Sige. Tatanggapin ko na ang alok mong serbisyo."

Hindi ko napigilang ngumisi. Just like how I knew she was going to ask what kind of "service" I have to offer, I knew she was eventually going to accept it. Sa ilang taon ko nang ginagawa ito, wala pang kaluluwang tumatanggi sa akin. Dead or not, who in their right mind would miss the opportunity to finally rest in peace? Aminin man nila o hindi, ang kapayapaan ang mithiin ng lahat ng mortal. Kaya sila madaling pinagsasamantalahan ng mga nilalang na kagaya ko.

"Now what?" Walang emosyong tanong ni Dora.

Wala pa rin siyang tiwala sa'kin. I can't blame her, now can I?

"Patience, señorita." Pagak akong natawa at kinuha ang isang kulay asul na blindfold mula sa bulsa ng suot kong jacket. "Bago natin simulan ang paglalakbay, kailangan muna nating kunin ang mapa mula sa mapmaker. He's a friend of mine, so don't worry. He lives at the other side of the town, near that old clockwork's shop." Humakbang ako papalapit sa kanya. Nayamani sa katahimikan ng marumi at abandonadong gusali ang tunog ng mga sapatos ko. Tumalim ang mga mata ni Dora sa hawak ko, "Para saan naman 'yan?"

"It's for me to know, and for you to find out."

A playful grin escaped my lips. Sa kabila ng paghihinala at kawalan ng tiwala, hindi na ulit umangal pa si Dora. Tahimik lang niya akong hinayaang itakip sa mga mata niya ang tela. Nang maitali ko na ito sa likod ng kanyang ulo, agad akong huminga nang malalim at mahinang nagsalita...

"Un viaje de mil millas ha de comenzar con un simple paso."

Ipinikit ko ang mga mata ko nang naramdaman kong umihip ang malamig na hangin. Kasabay nito, para bang tuluyan nang nawalan ng balanse ang paligid at panandaliang huminto ang oras.

In a blink of an eye, we were teleported away from the old building, leaving the Oujia board in its almost empty space.

*

Teleportation ability is a common feature for any animal shifter. Noong unang beses ko itong ginamit, kamuntikan ko nang maisuka ang kinain kong tanghalian. Damn. I felt sick! Pero tulad ng sinabi ng mapmaker, nasanay na lang rin ako sa paggamit ng kakayahang ito. Not that I have much of a choice. Tsk! Nakakabagot kayang mag-commute sa mundo ng mga tao.

Yes, my teleportation ability is limited to the mortal realm.

Inalis ko ang telang nakatakip sa mga mata ni Dora at yumukod sa kanyang harapan.

"Here we are, señorita... Welcome to Señor Mordred, the Mapmaker's shop!"

Nakita ko ang pagkamangha sa mga mata ni Dora nang masilayan niya ang kabuuan nito. Mordred's shop stood near the outskirts of the town, a one-storey wooden structure with clear glass windows. Mula sa mga bintanang ito, naka-display ang samu't saring mga mapa at iba pang kagamitan sa paglalakbay. Nang dumako naman ang mga mata ng dalaga sa itaas, she smiled upon seeing the fancy signboard designed like an open map scroll.

SEÑOR MORDRED: THE MAPMAKER'S SHOP
I'm the map, I'm the map, I'm the map...maker!

"Geez. Ilang beses ko nang sinabi sa kanyang palitan ang catch phrase niya, pero ayaw talaga niyang makinig sa'kin. Tsk!" Napapailing ko na lang na sabi.

"Well, I think it's catchy. Iyon naman talaga ang purpose ng isang catch phrase, hindi ba?" Dora pointed out.

Nagkibit lang ako ng balikat, "Nah. I still think mine's better. Alam mo kung bakit?"

"Bakit?"

"Because it seems like I already caught your attention." I winked.

Napasimangot naman si Dora. "Swiper?"

"Yes, Dora my señorita?"

"No swiping."

Napanganga ako. What the hell? Bago bago pa man ako makapagsalita, nauna na siyang naglakad papasok sa loob ng shop. 'Ganito rin kaya siya kasungit noong nabubuhay pa siya?' Napabuntong-hininga na lang ako sabay balik ng tela sa bulsa ko.

Bago ko siya sinundan, sandali kong pinasadahan ng tingin ang kalapit na kagubatan. Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng panganib. Tumalim ang mga mata ko sa mga aninong naroon. Sa kadilimang nakamasid sa amin...

No. I'm probably just being paranoid again.

Kaya bago pa man ako makapag-isip ng kung ano, pumasok na ako sa loob ng mapmaker's shop.

Hindi pa man ako nakakailang hakbang, narinig ko na agad ang masiglang boses ni Mordred habang ine-entertain si Dora. Mula rito, kitang-kita ko ang malawak niyang ngiti habang ipinapakita sa dalaga ang iba't ibang klase ng mga mapa.

"Ano bang klase ng mapa ang hinahanap mo, darling? Mordred has everything! Mordred has political maps, topographic maps, digital maps, weather maps, and maps dated way back since 500 B.C! I'm the map, I'm the map, I'm the mapmaker! HAHAHAHA!"

There was a crazed look in the mapmaker's eyes as he leaned over the counter, stopping just a few inches from Dora's face. Para namang natuod sa kanyang kinatatayuan ang dalaga sa inaakto nito.

"E-Erm... Hindi ko alam kung anong klase ng mapa ang hinahanap namin."

"Oh? Nonsense, my darling! Bakit ka pa maliligaw rito sa shop ni Mordred? You're not lost, you're just confused! HAHAHAHA!"

Nanlaki ang mga mata ng dalaga habang nakatitig sa nababaliw na mapmaker.

I sighed. 'Nakasinghot na naman siguro ng bondpaper si Mordred.' Bago pa man ako mawalan ng customer, mabilis kong nilapitan at inakbayan si Dora. Nakasimangot siyang bumaling sa'kin, "Swiper, bakit niya ako nakikita?"

"He's a hybrid. Half-Tartarian, half-human---"

"I'M THE MAP, I'M THE MAP, I'M THE MAPMAKER! HAHAHAHA!"

"---Full-time takas sa mental," napapailing kong dagdag.

"Halata nga." Napangiti na lang si Dora.

Now that I think about it, I think this is the first time I saw her genuinely smile. 'She should do that more often,' I thought. Agad kong ibinaling ang atensyon ko kay Mordred na nakatitig sa'min. Hindi ko alam na posible pa palang lumawak ang nakakaloko niyang ngiti. Both his cheeks were painted with red X's.

"Oh my... Look who's here! Hindi inaasahan ni Mordred ang muling pagbisita ng pinakasikat na tour guide ng Underworld sa kanyang munting tindahan," amusement laced his tone. Maya-maya pa, agad siyang nagpalinga-linga sa paligid at mahinang bumulong, "Nandito ka ba para kunin ang mapa ng 'alam mo na'?"

Seryoso akong tumango. "Oo, kukunin ko na ang mapa ng 'alam mo na'. Alam mo na 'yon, hindi ba?"

Kuminang ang mga mata ng mapmaker.

"Aha! Sige, teka lang... Hahanapin ko muna..."

Nakakatawang isipin, pero nagkakaintindihan kami ng mapmaker. Well, yes, he may be a weirdo who refers himself in third person, pero si Mordred ang pinakamagaling na mapmaker sa buong Eastwood.

'Never judge a man by his craziness.'

"...ang alam talaga ni Mordred nandito lang 'yon, eh... Wait! HETO NA! Ay, mali...mapa pala ito papunta sa banyo..."

Hinila ko paatras si Dora nang sinimulan nang halungkatin ni Mordred ang kanyang mga drawers. Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung bakit nahihirapan pa rin siyang maghanap kahit na organisado naman ang shop niya. The man moved with inhuman speed, opening scroll after scroll.

"Teka, sandali lang... It's here somewhere... Hmm... Hindi kaya kinain na naman ni Boots? Damn, that monkey prince!"

Umilag pa ako nang kamuntikan na akong tamaan ng lumipad na mapa. From the corner of my eye, I saw another map pass through Dora's almost transparent body. Again, I had to remind myself that she was nothing more than a lost ghost.

A special one.

"AHA!"

Pagkalipas ng ilang minuto ng pagkakalat at paglipad ng mga papel, sa wakas, tumayo na nang maayos sa tapat namin ang mapmaker. Inilahad niya sa ibabaw ng counter ang isang papyrus scroll na may kulay itim na tali. Kupas na ang kulay ng papel, at antigo na kumpara sa iba niyang koleksyon.

Matagal na tinitigan ni Dora ang mapa. "Dadalhin ba kami ng mapang 'yan sa Underworld?"

Mordred ran a hand through his white locks, cleared his throat, and went back to acting all "professional".

"Well, not exactly, darling..." Huminga nang malalim si Mordred. Ilan lang ito sa mga pagkakataong magseseryoso siya. "A bit of a history lesson first: Nang natunugan noon ng Grumpy Old Troll ang tungkol sa 'serbisyo' ng mga spirit tour guide na kagaya ni Swiper, he took extra precautions. Humingi siya ng tulong sa mga mangkukulam para isara ang iba pang mga lagusan papunta sa Underworld. Ginawa niya iyon para sa tulay lang pwedeng dumaan ang mga kaluluwang kagaya mo. Ang tulay na binabantayan niya."

Nang akmang aabutin na sana ni Dora ang mapa, mabilis ko itong kinuha.

"And, just like what I told you earlier, hindi niya pinapahintulutang dumaan sa tulay ang mga kaluluwang may 'unfinished business' pa sa mundo ng mga mortal," I added.

"Then, where exactly will that map take us?" Pang-uusisa ni Dora nang mapagtantong hindi pa namin sinasagot ang nauna niyang tanong. Her deep brown eyes clashed with mine.

Nagkatinginan kami ng mapmaker. Kapansin-pansing nagbago na rin ang kanyang ekspresyon. There was an undeniable tension lingering in the air, before I decided to speak up...

"Espesyal ang mapang ito. This is the Map of Everywhere, señorita. Wala itong eksaktong paroroonan. This map automatically reads the desires of the heart, and leads you to where you want to go. Halimbawa, kung ang layunin ko ay itawid ka sa kabilang bahagi ng Undeworld para mabigyan ka ng katahimikan, automatic nang ipapakita sa akin ng mapa ang daan papunta roon." Pagpapaliwanag ko. Yes, this map is considered legendary in the mortal world and forbidden in the Underworld.

Kapag nalaman ng iba ang tungkol sa mapang ito, paniguradong hindi sila titigil hangga't hindi nila ito nakukuha.

The Map of Everywhere can take you anywhere, any place your heart desires. Kapag ginamit ito para sa kasamaan, who knows what kind of disaster will happen?

"Teka, ang sabi mo 'ipapakita sa akin'... Does that mean you're the only one who can see where we're going?" Tuluyan nang nawala ang ngiti ng dalaga.

I nodded. "Yup. That's basically how it works! Ipapakita ng mapa kung saan ang daan papunta sa gustong destinasyon ng sinumang hahawak nito."

Noong mga sandaling 'yon, alam ko na kung ano ang naglalaro sa isip niya. Nag-iwas ng tingin si Dora. Malalim na nag-iisip. Tahimik ko lang siyang pinagmasdan, habang dinadama ang bigat ng mapa sa kamay ko. Maya-maya pa, nagawa niyang itanong ang kanina pa gumugulo sa isip niya.

"P-Paano ako makakasiguradong dadalhin mo nga ako roon? Paano ko malalaman kung dapat ka bang pagkatiwalaan o hindi, Swiper?"

I knew she won't trust me.

I can't even trust myself, anymore.

Imbes na ipakitang apektado ako sa katotohanang ito, ngumisi lang ako nang nakakaloko. "I'm Swiper the Fox, señorita... I'm your tour guide. Dadalhin kita sa huling hantungan mo, dahil iyon ang gusto ko. Seeing you resting in peace...that is what my heart desires, Dora. Besides, you're a ghost! Hahaha! Kahit naman ipahawak ko sa'yo ang mapa, tatagos lang ito sa katawan mo." Kumindat ako sa kanya.

Thankfully, it seems like my words put her at ease. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa'kin, bago marahang tumango.

"Wag mong sasayangin ang tiwala ko sa'yo, Swaine Pershall."

I promise, I won't.

Mula sa likod ng counter, tumikhim naman si Mordred na naging dahilan para makuha niya ang atensyon namin.

"Oy, bawal maglandian dito sa tindahan ni Mordred! Tama na 'yan. Umalis na kayo bago pa kayo maabutan ni Boots. Alam mo namang may pagka-tsismoso rin ang isang 'yon!"

Mahina lang akong natawa. "Fine. Seriously, though... Kung gusto mo naman ng love life, pwede kitang ireto sa kapatid ni Isa---"

"Hayst! Ayan ka na naman, Swiper. How many times do I have to tell you that I have no time for such foolishness? Because I'm the map, I'm the map, I'm the map...MAKER! HAHAHAHA!"

I sighed. Really, one of these days I'll have to beg the asylum to take him back. Baka-sakaling may magagawa pa sila sa baliw na 'to.

And so, with the Map of Everywhere safely in my hand, tuluyan na kaming lumabas ng Señor Mordred, the Mapmaker's Shop. Narinig pa naming nagpaalam ang mapmaker bago kami tuluyang nakalayo.

"Good luck, darling Dora! Good luck, Swiper! Don't swipe her off her feet, okay? Pareho lang kayong masasaktan. HAHAHAHA!"

Damn.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top