[Capitulum 01] The Sly Fox
"Dora Marquez."
The name lingered in the air and left a bitter-sweet taste on my lips. There was a moment of eerie silence, like the calm before a storm. Kasabay nito, napuno ng tensyon ang silid. Tila ba ninakawan ng kakayahang magsalita ang mga kasama ko pagkabanggit ko sa pangalan na 'yon. At katulad ng inaasahan ko, napalitan ng takot ang kanilang mga ekspresyon. The smug looks on their faces were completely washed away, making them look paler than usual.
Almost like a ghost.
'Like a ghost, indeed,' I thought and started my mental countdown. Three... two... one...
"Shit! Naramdaman niyo ba 'yon, guys?"
"K-Kinikilabutan na ako! Tangina, sino ba kasing may pakana nito?!"
"Gago! Hindi ba ikaw?! Umalis na tayo rito!"
Hindi ko na napigilan ang ngising sumilay sa labi ko nang tuluyan na silang nagtakbuhan papalayo. Nagkakandarapa silang lumabas ng lumang gusali na para bang hinahabol sila ng multo. Hindi nila alam ang dalawang mahalagang bagay: una, marami pa silang mas dapat katakutan kaysa sa mga multo; pangalawa, wala naman silang planong habulin ng multong narito.
I felt her eyes burn holes at me as I started packing up the Ouija board. Alam kong nakatitig lang siya sa akin mula pa kanina. Maya-maya pa, umalingangaw sa nakabibinging katahimikan ang boses ng dalaga.
"Bakit hindi ka tumakbo katulad nila?"
Lumawak lang ang ngisi ko. 'I knew she'd ask me that.' Umayos ako ng pagkakaupo sa sahig at nag-angat ng tingin. Ito ang unang pagkakataong tiningnan ko siya mula nang pumasok ako sa silid na ito.
"Dahil hindi ako katulad nila."
"Anong ibig mong sabihin? Sino ka ba?"
Mukhang kailangan pa pala niya ng demonstration. Tsk! Hindi ko alam kung natural bang alipin ng kanilang kuryosidad ang mga kaluluwa o nadala na lang nila ito sa kanilang kamatayan.
And you think that after several years of expertise, I'd be used to it by now.
Kalaunan, mahinang akong natawa at tumayo. After dusting off my orange attire, I gave her a devilish grin. "My name Swaine Pershall..." Sa isang kisapmata, tuluyan na akong nagbagong-anyo. Rumehistro ang gulat sa mga mata ni Dora nang makita ang panibago kong katauhan. I walked around her transparent form like a predator would to its prey and whispered closely to her ear, "But the crazy ones call me 'Swiper the Fox', señorita."
The darkness of the place almost enveloped us in her chilling beauty. But, amidst the gloomy ambiance, Dora's chocolate colored eyes narrowed at me. Mukhang hindi siya na-"impress" sa pagbabagong-anyo ko. Ito ang unang beses niyang makadaupang-palad ang isang nagsasalitang soro, pero ni hindi man lang siya nagmangha? Tsk. Such a stubborn girl, indeed!
"You were aware of my presence, all along. Kanina nang tinawag niyo ako sa Ouija board ng mga kasama mo, tinanong nila kung ano ang pangalan ko."
"Hmm?"
Huminga siya nang malalim, para bang gusto nang umalis rito. "Pero pareho nating alam na hindi ako sumagot kanina. Now, tell me, Swiper... how do you know my name?"
Stubborn, but smart, I see.
Muli akong naglakad paikot sa kanya. Kuminang ang panganib sa mga mata ko, at alam kong napansin niya rin iyon. "Let's just say that the Underworld has 'records' of the dead. I stole yours from Hades' palace a few nights ago. Kaya 'wag ka nang magulat kung marami akong nalalaman tungkol sa'yo."
"Tulad ng...?"
"Dora Marquez, age 18. You died in an accident last month, on the 17th of June, while on a business trip with your parents."
This time, she visibly tensed. Lalong lumawak ang ngisi ko. Katulad ng inaasahan ko, apektado pa rin siya sa mapapait na alaala ng kanyang pagkamatay. "Oh, silly me! You didn't die in an accident..."
Dumako ang mga mata ko sa tuyong mantsa ng dugo sa kulay rosas niyang damit. Her orange shorts were torn at the seams. Several cuts and bruises marred her tanned skin. Nakakaaliw isipin na kahit sa kanyang kamatayan, dadalhin niya ang bangungot ng mga peklat na iyon. Sa isang iglap, bumalik ako sa anyong-tao. Mula sa kanyang likuran, masuyo kong hinawi ang kanyang maikling buhok at bumulong sa kanyang tainga, "...you were murdered."
Poor, poor mortal.
Murdered without a reason.
Murdered without seeing a glimpse of justice.
"Iyon ang dahilan kung bakit hindi ka makaalis sa mundong ito. Kung bakit higit isang buwan ka nang nagpapagala-gala rito sa Eastwood. Right now, you are nothing more than just a wandering soul...a confused girl with unfinished dreams stolen by an unfinished business."
Noong mga sandaling iyon, naramdaman ko ang kaba at takot na namuo sa kanyang kaluluwa. Lingid sa kaalaman ng mga mortal, mas madaling matukoy ang kanilang mga emosyon sa sandaling pumanaw na ang kanilang pisikal na katawan. Natataranta siyang lumayo sa'kin. "G-Get away from me, you stupid fox!"
"Aw. Don't push me away, Dora. You're hurting my feelings!" Ngumisi ako nang nakakaloko. Now, to present my agenda. "In fact, I'm here to offer you salvation! Nandito ako para alukin ka ng serbisyo ko..."
"Serbisyo? Ano bang sinasabi mo?"
Mabilis kong kinuha ang business card sa bulsa ng jacket ko at inabot sa kanya. Kumunot ang noo ng dalaga nang mabasa ang nakasulat dito...
SEXY SWIPER'S SWIPING SERVICES!
"Are you lost, mortal girl? Let me swipe you off your ghostly feet!"
Tour guide: Swaine "Swiper the Fox" Pershall
Contact details: [email protected]
Napanganga si Dora Marquez. Nagpalipat-lipat ang paningin niya sa business card at sa akin. Nang makabawi na siya sa pagkabigla, nauutal siyang nagtanong. "I-Isa kang tour guide?"
"Bingo!"
Masigla akong tumayo at iminuwestra ang damit ko. Nasabi ko na bang gustong-gusto kong ibinibida sa mga customers ko ang suot kong jacket? Really, I think the fur neckline fits fur-pectly for my fox persona! Not that I'm boasting about it, but I dry clean this baby myself. Nang hindi pa rin umimik si Dora, I cleared my throat and spoke in a (what I hopefully think is) professional voice.
"I offer my services to special souls who can't leave this mortal world because of their unfinished businesses. Hindi kayo nakakaalis dito dahil hindi kayo pinapahintulutang tumawid sa tulay na konektado sa mortal world at sa Underworld. Sadly, that Grumpy Old Troll had developed some trust issues over the past century. Pero maswerte ka, dahil may alam akong ibang daan para makatawid tayo sa tulay at malagay ka na sa tahimik."
Inobserbahan ko ang reaksyon niya. Katulad ng ibang mga naging customers ko, naroon ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. Hindi ko naman siya masisisi. I know this is all too much to digest in a few minutes.
So, just like what I always do with my other customers, I did a little persuasion.
"You're just a wandering soul now, Dora Marquez. Kahit gaano katagal ka pang magpagala-gala sa mundo ng mga tao, wala ka nang ibang mapupuntahan. You can try to convince yourself that you still need to 'finish' that unfinished business you have, but you'll just end up running around in circles." Seryoso akong tumitig sa kanya, "Ayaw mo bang malagay sa tahimik? Ayaw mo bang makaramdam ng kapayapaan, kahit isang beses lang sa walang-kwenta mong buhay?"
Marahan siyang napayuko, na para bang nag-iisip nang malalim. Good. She's finally considering it.
"Let me make the decision for you, mortal. Tanggapin mo ang inaalok kong serbisyo."
Ilang sandali pa, bumuntong-hininga si Dora. Sa kabila ng pagtatapang-tapangan niya, kitang-kita ko ang pagod at kawalan ng pag-asa sa mga mata niya. Tama, wala siyang ipinagkaiba sa iba kong naging customers...
"At ano naman ang kabayaran?"
I knew she'll ask that, too.
Pagak akong natawa at kumindat sa kanya. "Beileve it or not, my service is free of charge! Masaya na akong makita kayong malalagay sa tahimik."
Sinimangutan niya lang ako.
I raised my hands up in defense. "What? Masama bang maging 'good Samaritan'? Least do people know, I'm a charitable person!" Mahirap ba 'yong paniwalaan?
Napapailing na lang si Dora. Tila nawalan na ng ganang makipagbangayan sa'kin. Maya-maya pa, narinig ko na ang mga salitang kanina ko pa gustong marinig mula sa mga labi niya...
"Sige. Tatanggapin ko na ang alok mong serbisyo."
Hindi ko napigilang ngumisi. See? Only this sly fox can swipe anyone off their feet.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top