tatsulok

Trigger warning. This work includes themes of mature language, sexual assault, violence, and suicide that may be considered profane, vulgar, or offensive to some readers. Reader discretion is advised.


26 October 2006, 10:47 PM. 

Nasa may sala kami ngayon ng bahay ni Vance. Matapos ang uwian namin ay dumiretso kami kaagad dito upang mag-inuman. Ayos lang naman dahil wala namang pasok bukas at isa pa, hindi naman daw uuwi nang maaga sila tito't tita ngayon. Mag-o-overtime raw sa trabaho, ayon kay Vance.

Sa totoo lang, may kalakihan at maganda ang bahay nila. Napakalinis din dito dahil ayaw ng mga magulang niyang hindi organized ang mga gamit sa bahay nila. Sila lang naman ng kaniyang ama't ina ang nakatira dito. Kung hindi ako nagkakamali, nasa Samar ang mga kamag-anak nila't sila lang ang naparito sa Tarlac.

Malakas kaming nagpapatugtog ng mga kantang may halong rap. Ramdam ko pa ang pag-alog ng aking pwet dahil doon. Sampo kaming nakapalibot ngayon sa isang bilog na mesang gawa sa kahoy; apat na babae at anim na lalaki. Sa ibabaw naman ng mesa nakalagay ang anim na bote ng alak, isang pitsel ng juice, isang malaking platong puno ng mga isaw at barbecue, isang pakete ng sigarilyo, dalawang lighters, at mga shot glass na may mga lamang yelo.

❝Ano, Vance? Mag-sleepover ba kami rito?❞ tanong ni June na nakuha pang itaas ang sariling mga paa sa upuang katapat niya. Tinungga niya ang laman ng hawak na shot glass saka sinundan iyon ng chaser.

❝Kayong bahala.❞ Nagkibit-balikat naman ang binatang si Vance saka inubos ang laman ng baso niya. Hinagod pa nito ang kaniyang buhok saka sumandal sa kaniyang upuan.

❝Gusto ko nang umuwi,❞ bulong ko habang nakahawak pa sa 'king sintido't animo'y hinihilut-hilot ito nang mabagal. Dumagdag pa sa aking pagkahilo ang maingay na musika at ang mabahong amoy ng sigarilyong hawak ni June.

❝Ang bilis mo namang mahilo, Marga.❞ Tumawa pa nang mahina si Tyrone kung kaya't napalingon ako sa direksyon niya. Nakita kong may inilabas siyang isa pang pakete ng sigarilyo saka ipinatong iyon sa ibabaw ng mesa. Kumuha siya ng isang stick doon saka 'yon sinindihan. 

Mamaya pa ay nagreklamo na rin ang tatlong babaeng kasama namin. Gusto na rin nilang umuwi, ngunit pinipigilan din sila ng mga lalaking kainuman namin. Dalawa rito ang nakasandal na lamang sa kani-kanilang mga upuan habang ang isa'y nakasubsob na ang mukha sa lamesa. 

❝Puta, busog na ako.❞ Hindi na inalintana pa ni Ate Vien kung gaano kalutong ang kaniyang pagmumura. Napahilamos na lamang ito ng kaniyang mukha dahil sa pagkahilo.

❝Sige na, Marga. Matulog ka na sa isa sa mga guestroom sa itaas.❞ Tanging tango na lamang ang naging tugon ko kay Vance nang marinig ito. 

Pilit kong nilalabanan ang aking antok saka marahang tumayo. Ginawa ko pang pang-alalay ang mga kamay ko para hindi ako matumba subalit nabigo ako. Hindi ko na maintindihanang paligid ko dahil tila umiikot ang aking paningin. Bago pa man ako bumagsak at tuluyang makatulog dahil sa pagkahilo, nahagip pa ng aking mga mata si Jay na siyang sumalo sa akin. Nang maramdaman ko ang kaniyang mga bisig na nakapulupot sa akin, saka naman ako unti-unting binalot ng karimlan hanggang sa tuluyan akong mawalan ng malay.


26 October 2006, 01:34 AM.

Nagising na lamang ako nang maramdaman kong sumasakit na ang mga maseselang bahagi ng aking katawan. Pinakiramdaman ko ang aking paligid at nandiri na lamang ako sa lagkit at init na nadarama ng aking balat. Narinig ko pa ang mahihinang tawanan kaya't mas lalong nagising ang aking diwa.

❝Shit, p're! Ang sarap, puta.❞ Isang pamilyar na boses ang siyang mas lalong nakaalarma sa akin habang nararamdaman kong tila niyuyugyog ang katawan ko.

Masakit man ang aking ulo dala ng kalasingan, pilit ko pa ring idinilat ang aking mga mata. Bumungad na lamang sa akin ang hubad na larawan ni Vance. Nakapatong ito sa akin habang sarap na sarap sa bawat paggalaw. Halata na ring medyo hinihingal na ito. 

Hindi pa siya nakuntento at kumuha ng isang bote ng alak na wala nang laman. Matapos no'n, lumuhod siya sa 'king harapan saka sinenyasan sina Jay at Kenn upang ibuka pa lalo ang aking mga hita. Tila nagniningning naman ang kanilang mga mata dahil sa nasasaksihan. Labis na lamang ang aking panlulumo at pagkagulat na hindi na ako nakapagsalita pa sa kanilang ginagawang katarantaduhan.

Nang hawakan ni Vance ang aking pagkababae, wala na akong ibang naramdaman pa bukod sa pandidiri. Pabigla niya namang ipinasok ang tatlo niyang daliri dito at mabilis itong nilabas-masok. Ang tanging nagawa ko na lamang ay mapahiyaw sa kirot. Nang subukan ko namang kumawala ay mas lalo lamang nilang hinigpitan ang kanilang paghawak sa akin. Tatawa-tawa pa ang mga ito dahil sa aking pagpupumiglas.

❝Damn, Marga. You're so fucking tight,❞ dagdag pa ni Kenn habang pinapanood si Vance.

Nang magsawa, walang awa namang ipinasok ni Vance ang hawak na bote ng alak. Sinagad niya pa 'yon, dahilan ng mas malakas na paghiyaw ko nang dahil sa sakit. Kaagad namang tinakpan ni Jay ang aking bibig habang pinapanood ang ginagawang kamanyakan ni Vance. 

❝Stop struggling. We know you like it,❞ tatawa-tawang komento ni June. 

Sinubukan kong pumiglas at lumaban ngunit nabigo lamang ako. Tila mga bata kung umasta ang mga kalalakihang kasama ko habang pinaglalaruan ang aking mga hinaharap. Pinipisil nila habang sinisipsip ng mga ito. Para namang sasabog ang aking ulo dahil sa labis na kirot na nadarama. Wala na akong nagawa pa kung 'di ang umiyak nang umiyak habang nagmamakaawa. Tuloy-tuloy lamang sa pagpatak ang aking mga luha.

Nang ilibot ko naman ang paningin ko, mas lalo akong pinanghinaan ng loob nang mapag-alamang ako na lamang ang natitirang babae sa silid. Nasa loob kami ng sinasabing guestroom ni Vance na bagong gawa at soundproof. Sarado ang pinto at mga bintana. Bukas ang air-con subalit hindi ko maramdaman ang lamig. Tila namanhid na ang aking katawan dahil sa isinasagawa nilang panghahalay sa akin. Hindi ko naman matukoy kung nasaan na ang mga babaeng kasama ko kanina. Kung sisigaw naman ako, paniguradong wala ring makaririnig sa akin.


26 November 2006, 02:52 AM.

Isang buwan na ang nakalilipas nang mangyari ang bangungot na pilit kong kinalilimutan. Sinubukan kong sabihin sa aking mga magulang, kamag-anak, at kaibigan ang nangyari ngunit walang nais makinig sa akin. Ni isa sa kanila'y walang naniwala dahil ayon sa kanila, hindi magagawa nila Vance sa akin iyon. Ani pa nila, masyado silang mababait at matatalino upang gumawa ng isang karumal-dumal na krimen. Mabuti raw sana kung mayroon akong ebidensya. 

Handa naman akong magpa-eksamina. Kahit kailan. Kahit anong oras. Kapos lang talaga sa pera. Kapos na kapos lang talaga sa tulong at suporta.

Putangina.

Tila mga bulag, pipi, at bingi ang mga taong nasa paligid ko. Sinubukan kong humingi ng tulong sa iba ngunit ewan ko ba, napagod na lang din ako dahil wala rin namang nangyari kahit anong gawin ko. Wala ni isa ang naglakas-loob na tumulong sa akin. Hanggang ngayon, malaya pa ring nakisasalamuha sa iba at pumapasok sa eskwelahan ang mga putanginang kampon ng demonyong gumahasa sa akin.

Nasa loob ako ngayon ng aking kwarto. Mag-isa akong nakahiga sa aking kama habang nakatulala sa kisame. Isinuot ko ang aking headphones at malakas na ipinatugtog nang paulit-ulit ang kantang Tatsulok ni Bamboo. Hindi na ako lumalabas dito magmula nang ako'y kanilang babuyin. Ni pumasok ay hindi ko na rin ginawa pa. Pinaplano ko na ring mag-drop sa susunod na linggo. Pinanghinaan ako ng loob at hindi na ako umaasa pang may tutulong sa akin.

Sabi nga nila, mabuti pang huminto na lamang ako sa pag-aaral kung ganitong ❝tinatamad❞ ako't nag-iinarte na lang. Nagsasayang lang daw ako ng pera. Pambili na lang daw sana ng gamot ng lolo kong may diabetes at pambayad ng mga utang 'yong kanilang perang inilaan para sa aking matrikula. Private university pa man din daw tapos hindi ko pa inaayos-ayos ang buhay ko.

E putangina, hindi ko na nga rin makilala ang sarili ko.

Habang may tatsulok...

Tumayo ako't kinuha sa loob ng aking drawer ang blade na matagal nang nakatago roon. Matalim ito dahil hindi ko pa naman nagagamit. Bagong bili ko rin. Natatawa ako; pang-ahit ng kilay sana ang gamit nito.

At sila ang nasa tuktok...

Humarap ako sa salamin at animo'y nakatulala na lamang sa aking repleksyon. Paisa-isa kong hinubad ang aking mga saplot. Dahan-dahan kong hinawakan ang aking katawan habang hindi inaalis ang mga tingin sa sariling repleksyon. Unti-unti na namang tumulo ang aking mga luha. Patuloy naman ako sa paghaplos nang marahan sa aking katawan na tila ito'y aking pinapakiramdaman. Tumigil lamang ako nang marating ng aking mga kamay ang aking basang mukha.

Nakadidiri. Ang dumi-dumi ko.

'Di matatapos itong gulo...

Mahigpit kong hinawakan ang blade at itinutok iyon sa aking leeg. Naramdaman ko ang lamig nito na nakapagbigay sa akin ng matinding kilabot. Ang mga paruparo sa aking tiyan ay tila naglalaro; parang masusuka yata ako. 

Kinagat ko ang ibabang parte ng aking labi. Huminga ako nang malalim saka ipinikit ang aking mga mata. Ikinuyom ko naman ang aking kamao. Mabilis ngunit mariin kong ipinadaan ang malamig na blade sa aking leeg. Ramdam ko pang sumirit ang sariling dugo't tumalsik sa salamin ang ilan sa mga iyon dahil sa riin at bilis ng ginawa ko. 

'Di matatapos itong gulo...

Nakadama ako ng init at kirot... pero bahala na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top