PROLOGUE

"WHERE ARE YOU?"

Adonis shook his head upon hearing the panic in the voice of the caller. Bahagya niyang binagalan ang pagpapatakbo ng kanyang Porsche panamera dahil kumakapal na ang tao sa magkabiling bahagi ng daan. Ang iba'y hindi maiwasang mang-usisa sa mamahaling kotseng minamaneho niya. Some of them were making closer perusal, he cursed inwardly thinking that they might scratch his sports car.

Galawin mo lang ang ibang mga gamit niya huwag lang ang kanyang mga sasakyan. Adonis loved cars and he treated them like they have lives, they were precious to him. Kung meron man siyang matatawag na pinakaluho niya ay ang mga sasakyan iyon.

Kumunot ang kanyang noo nang makaramdam ng iritasiyon. He was not a very patient man, and the people were making it impossible for him to drive his way out.

"Adonis, are you still there?"

"Don't worry, Mom, I'm still on the radar," he answered.

Hindi narinig ng nasa kabilang linya ang pagkainis sa tinig ni Adonis dahil sa relief nito sa nalamang nasa bansa pa rin ng bunsong anak.

"Where are you then? Hindi ka nagpaalam."

Napangiti si Adonis sa pagkakataong iyon ng marinig ang tampo sa boses ni Melissa, he could imagine his mother pouting.

"You were sleeping, I don't have the heart to wake you up... I'll settle my stuff at my house, I'm heading there now."

Melissa sighed and conceded. "Okay. Just keep what you've promised."

"Sure," Adonis muttered blandly.

"Adonis Sanford!"

"Fine, Mom. I promise I'll keep my promise."

Nang magpaalam ang ina mula sa kabilang linya ay nagpakawala ng malalim na hininga si Adonis. Nagkasalubong ang kanyang mga kilay nang muling maalala kung bakit siya naroon.

Four months ago, he had a crash during a practice. Nawalan ng preno ang sasakyan sa unahan niya at nagpanic ang driver na bago-bago palang sa pangagarera. He tried to help him but it was a futile attempt. Tumama ang kanyang sasakyan sa gutter at dahil sa lakas ng impact ay sandali siyang nawalan ng kontrol sa manibela. Ang kanyang sasakyan ay dalawang beses na nagpaikot-ikot sa ere. Mabilis niyang natanggal ang nakakabit na seatbelt kahit na sumasakit ang kanyang katawan at agad na lumabas pagapang ng sasakyan. Pero hindi nangyari ang inaasahan niyang pagsabog.

Agad naman siyang nadala sa ospital. Bukod sa nabaling kaliwang binti na ngayo'y halos magaling na, mga gasgas at bubog sa katawan na hindi na mabakas ay wala siyang ibang malalang natamo. He was wearing his gears and his car could withstand a strong impact that was why he got out with only a knee injury and few scratches and bruises.

His mother, Melissa, passed out when she heard the news. Kung may sakit lang ito sa puso'y napahamak na ito. But Melissa's as healthy as a horse.

She begged him to retire and come home. Hindi niya magawang mangako sa ina na magreretiro pero naipangako niya rito na kukuha ng mahabang bakasyon at uuwi sa Pilipinas. Well, he had been jet setting after he graduated. He could settle in one place for a while, and besides, he miss home.

Noong nakaraang araw pa siya umuwi ng bansa at dumiretso sa bahay ng mga magulang. At ngayon lang siya nakahanap ng pagkakataon na umalis patungo sa sarili niyang bahay. Bahay na nabili niya dalawang taon na ang nakakalipas.

Adonis wanted to be alone for a while. Hindi sa ayaw niyang kasama ang mga magulang, ang kanyang pamilya. Sa nakalipas na apat na buwan mula nang maaksidente at kahit nandoon pa sa ospital sa Las Vegas ay walang araw na walang dumadalaw sa kanya na kamag-anak. Ngayo'y gusto lang niyang mapag-isa kahit sandali at isipin ang mga bagay na nangyari sa kanya.

And now he was paying the price of bailing out from his parents' house. Apollo admitted that he was lost. Malaki ang traffic kanina sa main highway kaya naghanap siya ng shortcut, at hindi niya ganoon ka kabisado ang daan kaya siya naliligaw ngayon.

Palengke marahil ang dinadaanan niya ngayon dahil maraming mga vendors at mga namimili. May mga batang kalye pang sumusunod sa kanyang sasakyan mula nang pumasok siya sa kalyeng iyon at nanglilimos. Wala siyang maibigay sa mga ito dahil wala siyang dalang cash.

Dahil sa dami ng tao ay hindi agad napansin ni Adonis ang tumatakbong bata patawid ng kalsada, bukod pa sa may kaliitan ito. Isang babae ang mabilis na lumitaw sa kalsada at itinulak ang bata bago pa iyon mabangga nang nabiglang si Adonis.

Mabilis siyang nakapagpreno ngunit dahil sa bilis din ng pangyayari ay nabangga niya ang babae. Hindi ganoon kalakas ang impact ngunit dala ng takot at sa balakang na natamaan ay natumba ito sa sementadong daan, nawalan ng malay ang babae. Ang batang kalyeng itinulak nito ay tila walang nangyaring tumayo at tumakbo palayo.

Mabilis na bumaba ng sasakyan si Adonis at hinawi ang mga naroong nakikiusyuso. Isang ginang ang nakayuko sa babaeng nabangga niya at tinitingnan ang lagay nito. Adonis squatted and tapped the woman's face lightly. "Miss."

"Mabuti pa'y dalhin mo nalang siya sa ospital."

Tumango si Adonis sa suhestiyon ng ginang at binuhat ang babae papasok sa kanyang sasakyan. Tinanong niya rito kung paano ang pagpunta sa pinakamalapit na hospital at nang malaman ang direksiyon niyon ay agad niyang pinaandar ang sasakyan upang dalhin doon ang nabangga.

Adonis glanced at her as he drive. He was worried, kahit na alam niyang hindi malakas ang impact ng pagkakabangga niya rito ay hindi niya maiwasang mag-alala. Hindi niya gustong makasakit kahit pa aksidente iyon.

Sandaling natigilan si Adonis nang mahantad sa kanya ang kaliwang bahagi ng mukha nito. Kulubot ang balat sa bahaging iyon ng mukha nito, mula sa gitnang bahagi ng kaliwang mata patungo sa may tainga, ngunit hindi umabot doon. The burnt scar ran down from her forehead to her jaw. Hindi niya agad iyon napansin kanina dahil sa mahaba nitong buhok na nakatabing sa mukha.

"Thank god!" wala sa loob na bulalas ni Adonis at napagtantong nakatingin siya sa mga labi nito.

Marahas niyang pinakawalan ang hininga mula sa dibdib bago ibinalik ang mga mata sa kalsada. Ipinagpapasalamat niyang hindi nasunog ang mga labing iyon. And he hated himself sa pag-iisip sa maninipis at kulay rosas nitong mga labi kaysa sa kalagayan nito ngayon.

Narinig niya itong umungol ngunit hindi nagising at ilang sandali pa ay narating nila ang ospital na itinuro sa kanya.

"You'll be fine," Adonis murmured to her before he hauled her up towards the hospital's entrance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top