CHAPTER 7

Darcy Anne was on the tip of her toe while heading out of the maid's quarter, scanning her surrounding as if she was a burglar.

Nakahinga lang siya ng maluwag nang makitang wala ng tao sa may lanai. Umayos siya ng tao at lumakad ng normal patungo sa loob ng kusina. Tahimik siyang nag-init ng tubig at inihanda ang mga kakailanganin sa paggawa ng tsaa. She brewed it perfectly and smiled when its smell filled her nose.

Maingat ang mga galaw upang hindi makagawa ng ingay na pinanhik niya ang ikalawang palapag ng bahay dala ang ginawang tsaa. Huminto siya sa pinakadulong silid na hindi tuluyang nakalapat pasara ang pinto at kumatok, inulit niyang muli nang walang sumagot makalipas ang ilang sandali.

Nang walang matanggap na tugon ay marahan niyang itinulak pabukas ang pinto at sumilip sa loob. Wala si Adonis doon kaya inilapag niya ang dalang chamomile tea sa night table.

Sa sumunod na gabi mula nang malaman niyang hirap sa pagtulog ni Adonis ay ginawan niya ito ng chamomile tea na dati na'y isinisilbi niya sa namayapang ama tuwing hindi ito nakakatulog. It was a good remedy for insomnia. The next morning, he had told her that the tea she made helped. Kaya ipinaghanda niya rin ito ng sumunod na gabi at ng mga sumunod pa kahit na hindi nito sabihin.

Muli niyang inilibot ang mga mata sa loob ng silid bago lumabas at lumakad patungo sa teresa upang alamin kung naroon ang kanyang hinahanap. Ngunit wala ito roon.

May mga bote ng alak sa ibabaw ng lamesa at ilang mga baso na hindi pa naliligpit. Kakapasok lang marahil ng mga bisita sa kanya-kanyang silid, ang iba'y nagsibalik sa hotel na tinutuluyan ng mga ito habang nasa bansa.

Adonis' team arrived at five in the afternoon. There were a dozen of them, almost all of them were foreigners. Ang mga mekaniko nito, mga kapwa racer, ang manager ng team at ibang crew. She also found out that Adonis owned the team himself. Hindi lang ito race car driver, he manages and makes decision for the whole team. At nakita niya ang respeto at pagkagiliw ng mga kasamahan nito rito kanina.

Lihim siyang nagmamasid at nakikinig kahit na palagi siyang nasa isang sulok ng bahay kung saan hindi siya madaling mapansin, o kaya ay nasa loob ng maid's quarter kung wala naman siyang kailangang gawin. Nahihiya siyang humarap sa mga bisita ni Adonis. Bagaman ay nakatago ang isang bahagi ng mukha dahil sa kanyang mahabang buhok ay may mga pagkakataon paring nakikita iyon ng iba. She felt embarrassed everytime other people saw how disfigured her face was. Darcy Anne felt so little everytime she saw pity and disgust on their faces.

Dinampot niya ang mga bote at baso na naroon upang iligpit. Hindi na kailangang paabutin ng bukas dahil naroon na rin naman siya. Muli sana siyang papasok sa loob ng bahay upang dalhin ang mga baso sa kusina nang maantala ng hagikhik na narinig niya.

Nanungaw si Darcy Anne sa may bahagi ng pool. Patay ang ilaw roon ngunit bahagyang naaabot ng ilaw mula sa lanai. She was frozen in place when she saw two people in the pool. Kalahati ng mga katawan ay nakalubog sa tubig, ang ikinanlaki ng mga mata niya ay ang ginagawa ni Adonis sa brunette na siyang team manager nito. He was suckling and fondling the woman's exposed breasts. Kampanti marahil ang mga ito na wala nang gising sa oras na iyon kaya walang pakialam na gumagawa ng milagro sa may swimming pool.

But Darcy Anne was there, for heaven's sake! Siya na ang nahihiya para sa babae na nakabuyangyang ang malulusog na dibdib. Dahil sa katahimikan ng gabi ay nakaaabot sa kanyang pandinig ang mga halingling nito at ang mga malalaswang salitang lumalabas sa bibig.

Kagaya ng mga ilang pagkakataon na pinagmamasdan niya si Adonis ng lihim ay hindi niya namalayang ilang sandali na siyang nakatayo roon sa madilim na teresa. Kakaiba nga lang sa pagkakataong iyon dahil hindi nag-iisa si Adonis. Nanginginig ang mga kamay na nakawak sa baso at bumibigat ang paghinga.

Mariing naghalikan ang mga ito nang kumalas ang babae at mapang-akit na ngumiti kay Adonis. Pinasadahan nito ng mga labia ng panga ng binata, sa leeg, sa malapad na dibdib, hanggang sa ilubog nito ang ulo sa tubig at may hula si Darcy Anne sa sunod nitong ginawa kahit na hindi niya gaanong makita dahil sa may kadiliman.

Nang mapatingin si Darcy Anne sa mukha ni Adonis na nakapikit ang mga mata at bahagyang nakaawang ang mga labi ay isang singhap ang kumawala sa kanyang bibig. Mabilis niya iyong tinakpan ng kamay at tumalikod sa mga ito. Dahil sa ginawa ay nasagi niya ang isang silya na gumawa ng ingay sa katahimikan ng gabi.

"Who's that?"

Nanlaking lalo ang mga mata ni Darcy Anne nang marinig ang boses na iyon ni Adonis mula sa ibaba. Hindi niya alam kung saan tatakbo kahit na hindi naman siya nakikita ng mga ito.

"Why? Is someone in there?"

"I don't know."

"Where are you going, Adonis, hey!" iritang sigaw ng babae nang umahon si Adonis mula sa tubig.

"I'm going to sleep."

Nataranta si Darcy Anne at huli na upang tumakbo siya pababa sa unang palapag. Kumubli siya sa malaking halaman na naroon at nanalaging huwag sumilip si Adonis sa teresa. Hindi siya humihinga nang marinig ang mga yabag nito, nang lumampas ang mga yabag sa kanyang direksiyon at marinig ang pagsara ng pinto ay doon lang siya nakahinga ng maluwag.

Si Adonis na nasa na ng silid niya ay akmang tutuloy sa banyo nang mapansin ang tasa na may lamang tsaa sa night table. Dinampot niya iyon at sinamyo. He knew who made that chamomile tea for him.

Inilapag niya muli ang tasa sa night table at lumabas ng kanyang silid at tinungo ang teresa na ilang hakbang lang. Binuksan niya ang ilaw ngunit walang ibang taong naroon bukod sa kanya. Ang tanging ingay na naririnig mula sa hanging panggabi at sariling paghinga ay ang talamsik ng tubig sa may swimming pool.

KINABUKASAN ay iniwasan ni Darcy Anne na mapaharap sa amo niya. After what she had witnessed last night, she didn't know if she had the courage to face him.

Iyon ang napapala niya sa panunubok. Halos hindi siya maatulog dahil paulit-ulit na pumapasok sa isipan ang nasaksihan.

"Bakit namumula ang mukha mo? May lagnat ka ba? Pati mga mata mo'y namamaga na parang wala kang nakuhang tulog."

Pasimpleng lumayo at tumalikod si Darcy Anne kay Lilia na nakapuna sa kakaibang ikinikilos niya. Tensiyunado at tila pagod na pagod. Kahit si Rosa na nasa loo ng kusina kasama ng dalawang dalaga ay napatingin kay Darcy Anne.

"Wala ito, hindi lang ako sanay sa ibang tao."

Nakakaunawang nagkatinginan sina Rosa at Lilia sa isinagot ng dalaga. Maybe she wasn't comfortable with Adonis's guests considering her situation.

"O, siya, magpahinga ka at kami na munang bahala ni Lilia rito sa kusina. Patapos na rin naman ito."

Hindi tumanggi si Darcy Anne at kaagad na lumabas upang pumasok sa silid na nakalaan sa kanila. She saw Jecylle, the manager, descending the stairs, who raised a brow when she caught her looking. Darcy Anne yanked her gaze away from her and entered the room in haste. She was guilty and embarrassed at the same time. She should have left abruptly when she saw them in the pool in that wee hour.

Alam niya ang maaaring ginawa ng dalawa kung hindi siya dumating, and who knows if they continue their lovemaking in the bedroom. Natural lang sa magkasintahan ang mga ganoong bagay. Kung magkasintahan nga ang dalawa. Maybe what they had was a no-string attached relationship. Afterall, Jecylle came from the west, Adonis spent almost half of his life abroad and they were both consenting adults.

Ano baa ng pakialam niya sa mga ito? Katulong lang siya sa bahay na iyon. Maybe a little consideration from them? Nasa Pilipinas ang mga ito at wala sa ibang bansa.

Nang sumunod na araw pa ay malaking kaginhawaan para kay Darcy Anne ang pag-alis ni Adonis kasama ang mga bisita. Nanatili lang ng isang araw sa bahay ang mga ito upang makapagpahinga mula sa mahabang biyahe at ngayon nga'y umalis na para libutin ang mga lugar ng Pilipinas na puntahan ng mga turista.

Okupado ang buong araw nila sa paglilinis ng bahay kaya pagod si Darcy Anne nang matapos sa ginagawa. Sa gabi'y agad siyang nakatulog pagkalapat na pagkalapat palang ng kanyang likod sa kama.

Halos isang linggo rin sa bakasyon ang amo at mga bisita nito, at dalawang araw gabi uli ang itinagal sa bahay ni Adonis. Iyon ang huling gabi ng mga ito sa bansa.

Darcy Anne was serving their group drinks and beverages on the lanai when she caught Adonis looking at her. Nag-iwas siya ng tingin. Kahit na lampas isang linggo na ang nangyaring insidente sa may pool ay hindi pa rin siya komportable.

"Thanks," one of the guests, Adonis mechanic, said to her. He was beaming, showing a set of shallow dents on both sides of his cheeks.

Tumango siya rito bago nagyuko ng ulo. He was a movie-star handsome guy, though hindi niya type. Minsan na niya itong nahuli na malisyosong nakatingin sa kanya, o sa kanyang katawan.

"What is wrong with her?" tanong ni Jecylle kay Adonis na katabi nito na siyang narinig ni Darcy Anne na hindi pa tuluyang nakakalabas.

"Leave the poor woman alone, Jess."

Umikot ang mga mata nito at sinundan ng tingin ang katulong. "I often caught her staring at me but avoided me like the plague if I am to approach her, or I walked passed her. She's weird. She's even covering half of her face with her hair. Weirdo."

Nakaramdam ng inis si Adonis, inalis niya ang braso nitong nasa kanyang hita at tumayo.

"Shut up, Jess."

"Why are you pissed? She's just a hired help." She chuckled and shrugged her shoulders. "Come on, come back here." Hinila nito pabalik ng upo sa kanyang tabi ang binata na magkasalubong ang kilay.

Si Darcy Anne ay tuluyang lumayo sa grupo. Kung alam lang ng babaeng iyon kung bakit niya ito iniiwasan. Hindi niya gustong manghusga ng kapwa, ngunit kung siya ito ay lulubog siya sa kahihiyan sa kaalamang may ibang taong nakasaksi sa pinanggagawa niya, sa kanyang katawan.

Pagkahapunan at matapos makapaglinis ay naghanda si Darcy Anne ng tsaa para sa among lalaki. Nag-iisa lang siya sa kusina dahil maagang pumasok si Rosa sa silid nila ni Tonio dahil sinumpong ng pananakit ng tuhod, si Lilia ay nagrereview naman para sa exam nito kinabukasan. Mula sa kinaroroonan ay bahagya niyang naririnig ang tinig ng mga bisita ni Adonis na nagkakatuwaan sa may lanai, ang iba'y nasa pool.

"Is that for me?"

Napapitlag si Darcy Anne ng marinig ang pamilyar na boses na iyon, hindi na niya kailangang lumingon upang mapagsino ang may-ari na nakatayo na ngayon sa kanyang tabi. The smell of his soap and aftershave assaulted her nose. He went out from the shower, he looked and smelt clean.

"Malapit na itong matapos," aniya ng hindi lumilingon. Inabala niya ang sarili sa ginagawa ngunit ramdam niya ang mga mata nitong nakatutok sa kanya.

"Tell me, Darcy Anne, did I do something wrong?"

Kunwa'y nangunot ang noo ng dalaga at nilinga ito. "Bakit mo naman naitanong 'yan?"

"Because I have this feeling that I did something that offended you, or—" his voice trailed off. Adonis sighed, shook his head, and shrugged his shoulders. "I don't know."

"Pagod kalang siguro."

"I've had a lot of vacation these past few months, days, and I spent my time staying in this house, I doubt that."

"Hindi ka maayos na nakakatulog sa gabi."

"With your tea, I have a better sleep since then."

Hindi makasagot si Darcy Anne, wala na siyang mahanap na irarason upang pangatwiran ang hinala nito. Iniiwasan nga niya si Adonis sa disimuladong paraan, ngunit hindi niya napagtantong mapapansin nito. Why she was just a hired help in that house.

"You know what, forget it. I want my tea."

Tila nabunutan ng tinik si Darcy Anne when he dismissed the topic. Inilagay niya sa tasa ang tsaa, bago pa niya iyon maiangat ay naroon na ang kamay ni Adonis upang damputin ang tasa. Nahawakan nito ang kanyang kamay na ikinapitlag niya.

"I got this. Thank you, Anne."

Napapikit si Darcy Anne dahil sa pagtama ng hininga nito sa likod ng kanyang tainga. Tila may dumadaloy na kuryente sa kanyang kamay na hawak nito at sa likod na nakadikit sa malapad nitong dibdib. Electrifying her, causing her heart to palpitate.

Tuluyan nitong kinuha ang tasa na may lamang chamomile tea kaya nabitawan nito ang kanyang kamay. He sipped from his cup and Darcy Anne followed his every movement, standing there like a statue.

Napakurap-kurap lang siya nang ngumiti ito nang makita siyang nakatingin.

"Thank you, you're the best," he said before turning his back and going out of the kitchen.

Wala sa loob na napahawak si Darcy Anne sa kanyang dibdib. She needed to calm her nerves or she'll die of heart attack.

May natira pa sa ginawa niyang tsaa kaya nagsalin siya sa isang tasa at ininom. Baka sakaling maibsan niyon ang malakas na pintig ng kanyang puso at ang init na nanulay kanina sa bawat himaymay ng kanyang katawan.

Hindi siya dapat nakakaramdam ng ganoong bagay sa kanyang amo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top