CHAPTER 6

NAGKIBIT LANG ng balikat si Darcy Anne sa tanong na iyon ni Adonis. Tinapos niya ang ginawa kaninang madaling-araw nang magising. Hindi niya namalayang gabing-gabi na pala nang matapos siya. Si Lilia ay kanina pa nahihimbing sa pagtulog.

Kampante siyang lumabas at nagtungo sa kusina upang uminom ng gatas. Akala niyang nag-iisa lang siya roon kaya hinayaan niyang nakalagay sa likod ng tainga ang mahabang buhok. Nagulat siya ng magsalita si Adonis mula sa dilim, at nang buksan nito ang ilaw ay hindi agad siya nakahuma. Huli niyang napagtanto na nakahantad dito ang isang bahagi ng kanyang mukha na hindi dapat makita ninuman. They would pity her and stared at her with disgust. Darcy Anne hated how his lips stretched, he was as if mocking her.

Hindi naman niya ito masisisi dahil talagang pangit at nakakasulasok ang mukha niya.

Pinagtuunan niya ng pansin ang gatas na iniinom at nang maubos ay dinala ang baso sa sink at hinugasan. Nararamdam niya ang mga mata ni Adonis sa kanya na hindi umaalis at nakakasandig sa dingding.

Nang matapos sa ginagawa ay hinugasan niya ang kamay at nagpaalam ditong matutulog na. But Adonis captured her arm before she could even walked out of the kitchen. Hindi niya alam ang kailangan nito sa kanya ngunit hinarap pa rin niya itong pormal kahit na gusto na niyang tumalilis ng takbo. But that would make her way more pathetic and stupid. At isa pa, hindi niya nakakalimutan kung ano siya sa bahay na iyon at kung sino ang kaharap niya.

"Don't go," he said, a little mellow to a command.

"Matutulog na ako," aniya na sandali lang nasalubong ang mga mata nito.

She heard him sighed deeply and released her arm. He ran his fingers through his hair in frustration associated with exhaustion. Habang lihim itong pinagmamasdan ay nakikita niya ang pagod sa mukha ng amo, nangingitim ang paligid ng mga mata nito na marahil ay kulang sa tulog. Sa umaga tuwing lalabas siya ng silid ay mararatnan niya itong gising. Kung wala sa garahe at naglilinis ng saksakyan ay nasa pool, naglulunoy at sumisimsim ng alak. Kagaya noong madaling araw na pagmasdan niya ito ng lihim. Palagi na'y nauuna itong magising kaysa sa kanila ni Lilia.

"I guess I'm being at gusto kitang idamay..." he left his words hanging and glanced at her, their eyes met, and Darcy Anne could see his frustration. "Hindi ako makatulog. It is hard falling asleep, and I haven't had a good sleep these past weeks."

Nakalimutan ni Darcy Anne ang pagkapahiya kanina dahil sa nakita nito ang mukha niya. Natabunan iyon ng simpatya para rito. Alam niyang may mga taong nahihirapan makatulog at alam din niya kung gaano kahirap iyon kahit na hindi niya nararanasan.

Darcelo, her father, was insomniac. Simula nang mamatay ang mommy niya ay nahihirapan na itong matulog tuwing gabi. Darcelo once told her that maybe his body and mind was forcing themself not to sleep and rest. Because he would dream of his late wife only to be in despair when he wake up and she was not there. Mananariwa ang lungkot at sakit ng pagkawala ng asawa nito pagkagising.

Kaya marahil lumago ang maliit na negosyo ng daddy niya noon ay dahil ginugol nito ang mga gabi na hindi ito makatulog sa pagtratrabaho.

Darcelo worked day and night, he became a workaholic. Sa kabila ng lahat ay hindi nito napapabayaan ang anak. Hindi lang pera at kaginhawaan ng buhay ang naibibigay ni Darcelo kay Darcy Anne, he had given her the love and attention she wanted. He tried his best to fill for her mother's absence.

Darcy Anne's mother died when she was very young, and had barely gotten out of breastfeeding. Kahit na wala na ang mommy niya ay hindi nag-asawa ang kanyang ama. She asked him once if he was considering remarrying. He said it never crossed his mind. Darcelo had vowed to love only one woman in his lifetime. Hindi na ito magmamahal ng iba pa, and remain faithful to his world.

Her father's case was more on psychological, na hindi nito ganoong napagtuunan ng pansin dahil sa trabaho. She was wondering what was the reason why it was hard for Adonis to fall asleep.

Imbes na tumuloy palabas ay umatras si Darcy Anne hanggang sa tumama ang kanyang katawan sa island counter, umupo siya roon. Hindi niya alam ang sasabihin kaya nanatili lang siyang tahimik. Gusto niya itong samahan doon sa hindi malaman na dahilan. Perhaps she was sympathetic towards him.

"Will this help?"

Napatingin siya kay Adonis na binuksan ang refrigerator at inilabas ang malaking karton ng gatas na ininom niya kanina at nagsalin sa baso.

"Siguro," aniya sa mahinang boses.

He looked at her and smiled. Though he looked tired, hindi nabawasan niyon ang appeal ni Adonis. Kung ipapaskil marahil ang nakangiting mukha nito sa billboard sa malaking highway ay magdudulot iyon ng traffic.

Bahagyang nag-init ang mukha niya nang mapatingin sa katawan nito. Kanina pa niya iyon nakikita ngunit hindi niya pinagtutuunan ng pansin. He was only wearing his shorts and she could see his strong thighs and his broad chest.

Nang maglakad si Adonis patungo sa kanyang direksiyon ay mabilis na nag-iwas siya ng tingin.

Lihim niyang napigil ang hininga nang umupo ito sa kanyang tabi at lumapat ang balat nito sa kanya. Inilapag nito ang isang baso sa kanyang harapan kaya tinanggap niya iyon kahit na tapoa na siyang uminom ng gatas.

Naiilang na bahagya siyang umusog ng kahit papaano'y bigyan ng distansiya ang kanilang mga katawan. Adonis was a big man, literally and figuratively, his presence was making her uncomfortable. Nagtataka siya kung hindi ba ito nakakaramdam ng pandidiri sa pagkakalapit nila. Kung ang ibang tao'y hayagan siyang iniiwasan dahil sa pangit niyang mukha. Adonis had seen her insecurity but he seemed like he doesn't care.

Silence filled the kitchen. Hindi naman ito nagsasalita at hindi rin niya alam ang sasabihin dito. Hanggang sa maubos nila ang laman ng kanilang mga baso ay wala ng salitang namagitan sa kanila.

Adonis volunteered to wash their glasses, and she stood there waiting for him to finish. They went out of the kitchen together, and before he climbed the stair, he greeted her goodnight.

"Night," she whispered back before entering the maid's quarter.

"ANONG GINAGAWA mo?"

Napapitlag si Darcy Anne nang marinig ang tanong na iyon. Hindi niya kailangang lumingon upang makilala ang may-ari ng boses. Tumalungko ito sa tabi niya at ginaya ang ginagawa niyang pagtingin sa tubig ng swimming pool.

"What are you looking for? Paano kung mahulog ka, hindi ka pa naman marunong lumangoy."

Napasulyap si Darcy Anne kay Adonis at nakita itong umiiling-iling, nasa mga mata ang amusement habang nakatingin sa kanya.

Nag-init ang mukha ni Darcy Anne nang maalala ang araw na mahulog siya sa pool at iniligtas siya nito.

Kaya hindi siya makasisid sa ilalim ng tubig upang hanapin ang hinahanap ay dahil hindi siya marunog lumangoy.

"Nawawala ang bracelet ko," aniya at muling ibinalik ang mga mata sa tubig. Kahapon ay tumulong siya sa paglilinis ng swimming pool, hapon nang mapansin niyang wala na sa galang-galangan ang bracelet na pagmamay-ari ng mommy niya. Personal iyong pinagawa ni Darcelo at ibinigay sa asawa. Darcy Anne had worn it since she was a child. Gawa iyon sa magandang uri ng white gold, pinapalamutian ng mamahaling uri ng bato kaya hindi biro ang alaga ng alahas. Ngunit kailanman ay hindi niya naisip na ibenta iyon, kahit na nangangailangan siya ng pera.

Iyon lang ang naiwan ng mommy niya sa kanya kaya napakalahaga niyon, hindi matutumbasan ng pera.

Baka bumigay ang lock niyon at nahulog ng hindi niya namamalayan. Well, it was made over three decades ago.

Sa gilid ng mga mata ay nakita niya ang pagtayo ni Adonis. Sinundan niya ito ng tingin. Hinubad nito ang suot na tshirt, inilapag sa lounge. Hindi niya inaalis ang mga mata sa malapad nitong likod kaya nang lumingon ito ay nahuli siyang nakatingin.

He winked at her and flashed his smile before he dive to the water. Napabuntung-hininga si Darcy Anne dahil sa ginawa nito. She admit she admire the man. Sino bang hindi?

Hindi ito mahirap pakisamahan, sa kabila ng katayuan sa buhay ay hindi niya nakikitaan ng kayabangan. Kahit katulong sila roon ay hindi sila tinatratong iba. Hindi ito nagdadamot ng mga ngiti, at hindi snob.

Pinanood niya ang pagsisid at paglitaw nito sa tubig. She watched how his muscle and thighs stretched everytime he moved his body.

Lumangoy ito sa malalim na parte ng tubig, nagtagal ng ilang sandali roon at nang lumitaw ay nakangiti na sa kanya.

"I guess you owe me one," he said and opened his palm.

Napalunok si Darcy Anne nang tila may bumara sa kanyang lalamunan habang tinititigan ito papalapit sa kanya. Tumutulo ang tubig sa may kahabaan nitong buhok, namula-mula ang mga labi na nakaunat, ang mga ngipin ay para bang lalong nagpapaliwanag sa paligid.

Iniahon ni Adonis ang sarili at umupo sa tabi ni Darcy Anne. Pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito at inilagay roon ang bracelet na nahanap sa ilalim ng tubig.

"Thank you," aniya at hinaplos ang alahas na nasa kamay. She sighed mentally in relief, she couldn't afford to lose the bracelet, it was her only prized possession.

"Boyfriend?"

"Ha?" gulat na tanong niya kay Adonis.

Itinukod nito ang dalawang kamay sa sahig, he leaned backward a bit, ang mga mata ay nakatutok sa harapan nila.

"The relief in your eyes was telling me that it is very important to you. I'm guessing someone special gave it to you, a boyfriend perhaps," he said in a teasing tone.

Mariing umiling si Darcy Anne at itinuon ang mga mata sa kanilang kaharapan kagaya ng ginawa nito.

"Mother. Sa mother ko 'to. Wala akong boyfriend," aniya sa mapait na tinig. She had one before her face got burnt, but like everyone else, that boyfriend dumped her because she became ugly, her face was disgusting to look at. "Walang magkakagusto sa kagaya ko," dadag niya sa mahinang tinig.

"Hey!" Nawala ang ngiti sa mga labi ni Adonis nang matitigan ang mukha ng dalaga na hindi natatakpan ng buhok. Aside from her tone, the bitterness was reflected in her deep brown eyes. "Don't say that."

"Totoo naman."

Ibinuka ni Adonis ang bibig, ngunit hindi niya alam ang sasabihin dito kay muli niya iyong isinara.

Tumayo si Darcy Anne, muling nagpasalamat at nagpaalam ditong papasok na sa loob ng bahay.

"Just so you know..." si Adonis na siyang nagpatigil kay Darcy Anne sa paghakbang. "...there are still good people out there."

Ilang segundo bago niya ipinagpatuloy ang pagpasok sa loob ng bahay. Nang marinig ang pagtalon nito sa tubig ay isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi na agad din niyang sinupil.

Narinig niya ang tunog ng sasakyan sa labas kaya agad niyang sinalubong ang sakay niyon. Ang mag-asawang Rosa at Tonio galing sa pag-go-groserya. Tumulong siya sa pagdala ng mga pinamili ng mga ito sa kusina.

"Lulutuin po natin ang lahat ng ito?" tanong niya nang makita ang mga lulutuin nila. "Bakit ang dami po yata?"

"May bisita si Dani mamaya."

"Sino po?" hindi niya mapigilang magtanong. Sa loob ng mahigit isang buwang pangangamuhan niya roon ay iyon ang magiging unang tatanggap ng bisita ang bahay na iyon.

"Ang sabi niya'y narito sa bansa ang team niya at ilaw araw na mananatili."

Hindi na siya nagtanong pa at tinulungan ang matanda sa paghahanda ng kanilang lulutuin.

She had been in that house for over a month, the days that had passed were the best days she had since three years ago.

Ang ikinakatuwa niya ay walang nagpapa-alis sa kanya roon. Rosa had told her that she could stay longer and that Adonis wanted to be his regular maid. It was a relief on her part because she had nowhere else to go, and she knew the moment she stepped outside that house, her life would be in danger.

Thinking about her boss, a smile made its way to Darcy Anne's lips. She doesn't know what she was smiling about, but every time she thinks of Adonis, she finds herself smiling.

"Anong ngini-ngiti-ngiti mo riyan?"

Sinupil niya ang ngiti sa mga labi habang nililinga ang matanda. "Wala po."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top