CHAPTER 5
SA PAMAMAGITAN ng mga basahin ay mas nakilala ni Darcy Anne si Adonis. Lilia was not just exaggerating when she said that he had a lot of fans and that he was a great race car driver. Marami na itong naipanalong karera sa iba't ibang panig ng mundo at nakagawa na ng sariling pangalan sa industriya. Naging cast din ito sa isang Hollywood movie na bagaman minor ang role ay tumatak sa mga nakapanood.
Out of curiosity, hinanap ni Darcy Anne ang mga clips ng mga eksena nito sa pelikula. And she can't deny the fact that he was good, he was very handsome and sexy.
Napailing-iling si Darcy Anne dahil sa mga pinanggagawa niya nitong nakaraang dalawang araw. Sa tuwing tapos na siya sa trabaho ay binabasa niya ang magazine na ipinahiram ni Lilia, o 'di kaya ay sini-search sa internet ang pangalan ng amo niya. Well, wala namang masama na makilala ang pinagsisilbihan. At hindi niya maiwasang hindi humanga dahil sa mga achievements nito. At the same time, she envy him. He got a life everyone wanted. Habang may mga kagaya niyang maraming problemang kinakaharap. He seemed like he was walking on a flowery road while she stepped on thorns.
Darcy Anne sighed the bitterness away. Sinimsim niya ang mga babasahin na nasa ibabaw ng kanyang kama at dinampot upang ibalik sa silid ng mag-asawang Rosa at Tonio.
Binuksan niya ang pinto ng maid's quarter upang lumabas nang mabunggo siya sa isang matigas na bagay. She winced and rubbed her forehead who bumped into Adonis' jaw. Her chest against his hard chest.
"Sorry. I was about to knock."
Inaayos ni Darcy Anne ang buhok na nakatabing sa kaliwang bahagi ng mukha bago nagtaas ng ulo at nang makita kung saan nakatingin ang mga mata nito ay mabilis niyang itinago sa likuran ang hawak na mga magazine.
A grin played at the corner of his lips as he looked back into her eyes. She couldn't help herself but survey him. He was wearing a tuxedo that fitted his body perfectly and a bowtie that matched the color of his tux.
Adonis put a hand inside the pocket of his pants as if posing in front of her and asked, "How do I look?"
"O-Okay lang."
"Okay lang? Really?" he muttered and gave out a soft chuckle. He put his right hand on the door frame, making Darcy Anne step back to give some space between their bodies.
Biglang nagtaas ng tingin si Darcy Anne nang marinig ang pagtawa nito. His eyes were twinkling in amusement, his laugh was like music from a stereo. Nakataas muli ang buhok nito sa ibabaw ng ulo, in a top knot. Nagtataglay ito ng mga mata na kakulay ng isang malabnaw na kape, her eyes were also brown, that she inherited from her mother, but in the darker side. Matangos na ilong, stubborn and well-definded jaw, short stubble beard were left unshaved which only added to his appeal. Ilang segundong natuon ang kanyang mga mata sa nakangisi nitong mga labing mamula-mula. The lower lip was a little fuller that the other.
"Where do I stand from one to ten?"
"Eleven," wala sa loob na tanong ni Darcy Anne habang nakatingin pa rin sa mga labi nito na tila ba nahihipnotismo.
Ang naaaliw na tawa ni Adonis ang nagpabalik sa kanya sa tamang huwisyo. She was red all over when their eyes met. Darcy Anne wanted to face palm and hide in embarrassment, but she did none. Nanatili siyang nakatayo sa harapan nito, silently hoping that the floor would swallow her.
"See you when I got home, Darcy Anne. I won't be home for dinner," sabi ni Adonis nang makabawi sa pagtawa.
Pinanood ito ni Darcy Anne nang tumalikod ito at lumakad patungo sa direksiyon ng pinto. Marahil ay may pupuntahang okasyan si Adonis kaya ito nakabihis ng ganoon, at base sa suot ay isa iyong formal na okasyon.
Malapit na ito sa pinto ng bahay nang muling lumingon at nahuli na naman siyang nakatingin pa rin dito. He winked at her playfully before he got out of his house.
Nanghihinayang napasandal si Darcy Anne sa hamba ng pinto dahil sa kahihiyan. Bakit pagdating dito'y nawawala siya sa sarili? May mga pagkakataong hindi niya napapansing nakatitig nap ala siya rito. Kagaya nang nangyari noong nasa balkonahe siya, noong naliligo ito sa may pool nang madaling-araw, kanina at sa iba pang pagkakataon na sinusulyapan niya ito.
HINDI MAWALA-WALA ang ngiti sa mga labi ni Adonis kahit nang makapasok na siya sa loob ng kanyang kotse at pinaandar iyon palabas ng kanyang bakuran. He was amused with his new maid.
There were times that he caught her staring at him and she would turn red everytime. So, they still produce women who blush like Darcy Anne today. Nakatingin ito mula sa malayo pero tuwing nilalapitan naman niya at binabati ay hindi itinatago ang pangingilag. Kung hindi niya ito babatiin ay hindi rin siya nito papansinin.
Pinalaki silang magkakapatid ng mga magulang na may respeto sa kapwa kahit na ano pa ang katayuan sa buhay. Hindi siya snob sa mga maid, kinakausap at pinapansin niya ang mga ito. He was good to them, pero pakiramdam niya'y hindi komportable sa kanya si Darcy Anne. Somehow, naiintindihan niya ito. Naiilang marahil ito sa kanya dahil nakita niya ang nasunog na bahagi ng kaliwa nitong mukha na itinatago nito sa ibang tao.
Adonis was curious on how and where she got her face burn. It must be so hard for her. Ngunit wala siya sa posisyon para magtanong, mas lalo lang nitong ikakailang iyon. At isa pa, wala pang isang buwan itong maid sa bahay niya.
Nawala lang sa isipan ni Adonis ang kanyang bagong maid nang makarating sa reception ng kasal ng pinsang si Tara Violet at ang groom nitong si Harrison na kababata rin nila. May mga press people sa labas ng venue ngunit hindi pinapapasok ang mga ito. The bride and groom wanted it to be intimate and as private as possible.
Sumalubong sa kanya ang ilang mga kamag-anak at kaibigan ng pamilya. Bago makihalubilo sa mga ito ay hinanap niya muna ang mga bagong kasal.
"My jet-setter cousin is here..." Tara said with a smile, he kissed her cheeks and flashed his signature grin.
"No jet-setting for the mean time..." Bahagya niyang inilayo ang pinsang babae at hinawakan sa magkabilang balikat bago sinuyod ng tingin ang kabuuan nito. "You look... you look like a lady." He couldn't see a trace of the tomboyish Tara Violet that she was.
Tara rolled her eyes heavenward.
Adonis shook his cousin-in-law's hand and congratulated the couple.
"You're not at the ceremony," Tara accused.
"Forgive me, my lady, I got caught up in a traffic," he lied. Sinadya niyang hindi pumunta sa simbahan.
"Liar. Go and mingle with the others before I throw your car away from the driveway."
Napailing-iling si Adonis na lumayo sa bagong kasal at lumapit sa lamesa kung nasaan ang mga magulang at ang nakakatandang kapatid na si Achilles, ang asawa nitong si Margareth at si Brianna, ang pamangkin niya na agad na kumandong sa kanya nang makaupo.
Everyone had a good time celebrating the newlywed. Adonis realized that he missed those kinds of gatherings with family and close friends, he missed talking to people he barely talked to before because of his busy schedule, and mostly he was out of the country.
"You think mom believes you're not going to the racetracks?"
Achilles asked when he followed Adonis to the minibar counter. He tapped his shoulder before sitting beside him.
Adonis chuckled drily before shaking his head off. "She's not saying anything anyway."
"Because she know it is no use forcing you. Kahit noon kahit pinagsasabihan ka ay tumatakas ka pa rin ng bahay."
He grinned before sipping his glass of alcohol. Alam niyang hindi naniniwala ang ina niya sa tuwing sinasabi na hindi siya nagpupunta sa racetracks. Katunaya'y araw-araw siyang nagpupunta at minsa'y nangangarera sa racetrack na kinalakihan niya. Alam ng ina niya iyon ngunit hindi siya sinasaway. Siguro'y sapat na ritong nasa bansa siya at madali lang nitong mahagilap may mangyari man.
"Look at them."
Nilinga ni Adonis ang tinitingnan ng kapatid. Nasa make shift stage ang bagong mag-asawa. They look happy and in love, everyone could see it. Ganoon naman talaga dapat kapag ikinakasal.
"I'm happy for them."
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang magkapatid habang nakatingin sa bride at groom nang magtanong si Achilles sa kanya.
"How about you?"
"What about me?"
"Apollo and I had tied the knots with our partners, so as our other cousins. How about you?"
"Marriage and children, it's not for me, brother..." he answered with a shrug. He couldn't imagine himself getting married or having children. Masaya siya sa mga kapatid at mga pinsang ikinasal at may mga anak niya, ngunit naniniwala siyang hindi iyon para sa lahat. One could be fulfilled and content and happy without marriage and children.
Achilles scoffed and shook his head. "That, my brother, is wrong. Marriage, children, love, it's for everyone. You just still haven't found the one."
He chuckled. May ilang napapatingin sa kanila kaya hininaan niya ang tawa. "Look what your marriage and love did to you," he jeered. "Come on, man... Besides, I'm still twenty nine."
"Ancient," Achilles said drily.
Napailing-iling siya at wala nang sinabi habang umiinom. Pagkaraan ng ilang sandali ay lumapit si Brianna sa kanila.
"Daddy, I want to pee."
"Come, baby, I'll walk you to the restroom... Don't get drunk, I'll be back," bilin nito kay Adonis bago umalis kasama si Brianna.
GABING-GABI na nang makauwi si Adonis sa kanyang bahay. He was tired and drunk and he thought he could sleep directly the moment his body touched his bed. But he was wrong.
He sighed in frustration and massaged his throbbing head. Bumaba siya sa unang palapag ng bahay at nagtungo sa kusina. He drink cold water hoping that it could lessen the throbbing in his head.
Bitbit ang isang bote ng mineral water ay sumandig siya sa pader sa isang bahagi ng kusina habang nakaupo sa malamig na sahig. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakaupo roon at ninanamnam ang kadiliman at katahimikan ng gabi nang marinig niya ang mga yabag papasok sa kusina.
Hindi siya napansin ng taong pumasok dahil hindi ito nag-abalang buksan ang ilaw. He could see her silhouette in the dark and the light from the refrigerator when she opened it. She was wearing a pair of pajamas that were tight and small for her body.
"What time is it?" untag niya na siyang pumutol sa katahimikan ng paligid makalipas ang ilang dandaling pagmamasid dito sa kabila nang katahimikan sa paligid.
He saw jolted from her seat in surprise and gasped aloud. Hindi inaasahan ang presensiya niya.
Tumayo si Adonis, nilakad ang kinaroroonan ng switch ng ilaw, kinapa ang dingding at binuksan iyon.
Sandali siyang napapikit nang masilaw. Pagbukas niya ng mga mata at bumungad sa kanya ang mukha ng bago niyang kasambahay. Bahagyang nakabukas ang bibig nito sa pagkagulat. Natigilan siya, tinitigan ang bahagi ng mukha nito na hindi natatabingan dahil maayos na nakalapat sa likod ng mga tainga ang bawat hibla ng mahaba at itim na itim na buhok.
It was not his first time seeing the huge scars that covers almost the left side of her face. It looked rough and ugly and horrifying. Ngunit hindi sa paraan na iniisip ng iba. It was horrible concluding how she got burnt, did someone did it to her or was it an accident. Paano kung hindi lang ang bahaging iyon ng katawan nito ang nasunog? At ano ang naging epekto ng pangyayaring iyon sa dalaga? He couldn't imagine what someone like her had been through.
Tila nakabawi ito sa pagkabigla at nanlaki ang mga mata nang mapagtanto na nakahantad ang kaliwang bahagi ng mukha. Mabilis itong pumihit patalikod at nang muling humarap sa kanya pagkatapos ng ilang segundo ay nakatago na ang pilat sa mahabang buhok.
The corner of his lips jerked up to smile at her. Ang hindi niya maintindihan ay ang nakitang pagdaan ng galit sa mga mata nito. Iglap lang niya iyong nakita dahil agad itong nag-iwas ng tingin at inubos ang gatas sa baso.
"What were you doing that you are still awake at this hour?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top