CHAPTER 2

MGA TAPIK sa balikat at mga tinig ang nagpagising kay Darcy Anne. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata, sa una'y malabo ang paningin hanggang sa luminaw iyon at makita ang mga taong nakatunghay sa kanya.

Napasinghap siya at nanlaki ang mga mata sa takot, agad na isiniksik ang sarili sa kabilang pinto ng sasakyan.

Naalala niya ang nangyari kagabi, ang ginawang pagtakas at ang pagkatrap sa loob ng van. Nakatulog siya! At ngayo'y nahuli ng dalawang taong sa tingin niya'y mahigit na sa singkuwenta ang edad. Bahagyang nabawasan ang takot niya sa reyalisasyong iyon. Matatanda ang mga nakahuli sa kanya at sigurado siyang hindi tauhan ni Mr. Narvelo ang mga ito.

Agad na tinakpan ni Darcy Anne ng buhok ang kaliwang bahagi ng mukha nang makitang doon nakatitig ang mga ito. Nakalarawan ang gulat at katanungan sa mga mukha.

Umayos siya ng upo at hindi alam kung saan magsisimula sa pagpapaliwanag. "P-Pasensiya na po. Hindi ko s-sinasadyang sumakay rito. Hindi ako makalabas at nakatulog ako. Pasensiya na po talaga. Kagabi'y... kagabi ay..."

"Halika, ineng."

Nakahinga ng maluwag si Darcy Anne nang ngumiti sa kanya ang matandang babae at inabot ang kamay sa kanya. Nanginginig ang kamay na tinanggap niya iyon. Atubili man ay lumabas siya ng sasakyan at sumunod sa matandang babae nang hilahin siya papasok sa bahay na nakita niya kagabi. It was a two story house with a huge swimming pool and a garage pull of cars.

Hindi niya nabistahan lahat ng sasakyan na nasa garahe dahil nakapasok na sila sa loob ng bahay.

Pinaupo siya sa sofa at agad na binigyan ng maiinom ng mga estrangherong namulatan niya. She had the time to roam her eyes around and was awed with the elegance of the place. Hindi siya lumaki sa hirap at malaki-laki rin ang bahay nila noon, katunayan ay mas malaki pa kaysa sa bahay na iyon. Ngunit mas marangya ang bahay. The furnitures screamed money, the owner must be a very wealthy person. She loved the interior of the house. It would be her honor to meet the person who designed it.

Nagulat siya nang lumitaw sa kanyang harapan ang isang babae na sa tantiya niyang mas bata pa sa kanya, ngumiti ito at may inabot na tuwalya at damit.

"Sabi ni Tiya Rosa maglinis ka muna ng katawan. Lagyan mo rin ng gamot ang mga sugat mo sa mukha at sa ibang bahagi pa ng katawan mo, sa cabinet sa banyo makikita mo roon ang first aid kit. Halika."

Hindi mapagdesisyunan ni Darcy Anne kung tatakbo ba paalis ng lugar na iyon o manatili. Sa huli'y pinili niyang makisabay sa agos. Kaya marahil mabuti ang pakikitungo ng mga ito sa kanya dahil sa kaawa-awa niyang anyo. Naisip niya iyon habang nakatingin sa sarili sa malaking salamin ng banyo. Mabuti ang kanyang damit, marungis siyang tingnan at may mga maliliit na sugat sa katawan.

She took a shower and wore the clothes that the girl, who introduces herself as Lilia, gave her. Nakasabay rin niya ang mga ito sa umagahan. Si Lilia ay katabi niya sa hapag kainan, across them were the old couple Rosa and Tonio. Si Rosa ang mayordoma sa pamamahay na iyon, katu-katulong ang asawa sa pagmimintina ng bahay at ang inaanak na si Lilia.

"Saan ka nagmula, Anne?"

Nilunok niya ang kinakain bago hinarap ang tatlo. Kanina pa hindi nagtatanong ang mga ito at humahanap lang marahil ng tiyempo.

Dinampot niya ang baso na may lamang tubig at inubos ang laman niyon bago nagsimulang magpaliwanag. Ramdam naman niyang mabubuting tao ang tatlo at hindi siya ipapahamak, kung hindi sana'y kanina pa siya itinaboy roon.

"T-Tumakas po ako sa... sa p-pinagkaka-utangan ko..." Sa sumunod na sandali ay naipaliwanag niya kung bakit siya tumakas, ang kalagayan sa kasalukuyan. Nasabi niya ang kanyang talambuhay ngunit hindi lahat, yaong mga kailangan lang malaman ng mga ito para maniwalang mabuting tao siya.

"Ilang taon nang nawala ang ama mo, Anne?"

"Tatlong taon na po. Tatlong taon na rin akong nagtatago sa mga inutangan niya. Ang iba'y nabayaran ko naman at nag-iipon pa ako pambayad sa mga hindi pa," nahihiyang aniya at nagbaba ng ulo.

Isang mapang-unawang tingin ang ibinigay sa kanya ni Rosa, ang asawa nito ay tahimik lang na kumakain habang si Lilia ay kiming ngumiti sa kanya.

"O siya, isipin natin ang gagawin pagkatapos kumain."

Nakaramdam ng lungkot si Darcy Anne sa isiping aalis na siya roon anumang sandali. Hindi niya alam kung saan tutungo, ni hindi niya dala ang kanyang mga gamit at naroon pa sa apartment niya. Tanging mga mahahalagang dokumento at gamit lang ang nasa loob ng kanyang shoulder bag.

MALALIM NA ang gabi ngunit hindi pa rin siya makatulog sa kabila nang nararamdamang pagkahapo. Hindi niya mapigilan ang sarili na umiyak habang binabalikan sa isipan ang naging buhay niya sa nakalipas na tatlong taon. It was hard and lonely, she felt like she was walking on a tight rope everyday.

Ngayon lang niya ulit nararamdaman ang kapayapaan ng gabi. Napakatahimik ng paligid, malayong-malayo sa tinitirhan niya dati. Komportable rin ang kanyang hinihigaan at hindi maalinsangan ang paligid.

She was in the maid's quarter. Balak pa sanang ipagamit ni Rosa ang isang guest room sa kanya ngunit tumangi siya. The old woman insisted on calling her Tiya.

Darcy Anne was beyond thankful to Rosa, her husband Tonio and Lilia who had been good to her even though she was a stranger. Hindi siya pinaalis ng mga ito at sa halip ay sinabihan siya ng matanda na doon muna palipasan ang araw.

Isinubsob niya ang mukha sa unan upang hindi mabulabog ang tulog ni Lilia na kasama niya sa silid na iyon. Ang mag-asawa ay may sariling silid na katabi lang doon.

Ngunit hindi alam ni Darcy Anne na nagising niya ang kasama at malaya nitong naririnig ang mga hikbi niya.

SA KUSINA niya nahanap ang dalawang babae, may pinag-uusapan ang mga ito habang naghahanda sa almusal at nang makita siya ay natigil ang pinag-uusapan.

"Pasensiya na po at ngayon lang ako nagising." Labis siyang nahihiya sa mga ito dahil nauna pa silang nagising kaysa sa kanya.

Madaling-araw na siyang nakatulog kagabi sa kaiiyak, nang magising kanina ay namamaga pa ang kanyang mga mata at hindi niya alam kung paano iyon itatago.

"Sa nangyari sa 'yo ay kailangan mo ng mahabang pahinga. Sa nakikita kong pamumugto ng mga mata mo ay hindi ka nakapagpahinga ng maayos."

Bumuntung-hininga siya at nahihiyang na ngumiti, hindi niya alam ang sasabihin kaya nanahimik nalang siya hanggang sa makakain silang apat. She volunteered to do the dishes, it was the least thing she could do.

Nakitulong siya sa ibang gawain sa bahay kahit na sinasaway siya ni Rosa. Sa pamamagitan man lang niyon ay makabayad siya sa kabutihan ng mga ito.

Hapon na at naroon siya sa may swimming pool. Nakalubog ang kanyang mga paa sa tubig habang tinitingnan niya ang repleksiyon doon habang iniisip ang susunod niyang hakbang.

Alam niyang hindi siya puwedeng magtagal sa bahay na iyon. Ang sabi ni Rosa ay ilang araw pa bago umuwi ang may-ari na kasalukuyang nililibot ang mga tourist attractions sa bansa kasama ang mga kapamilya.

Kung sana ay may pera siya ay makakahanap siya ng mauupahan. But she had nothing. Calling her late father's attorney and old friend was her last resort. She was considering borrowing money from him though she was hesitant, lalo lang dadami ang pinagkakautangan niya.

How she wish to be twenty eight so she could get her trust. Malaking pera rin ang inipon ng mga magulang para sa kanya. Mabubuhay siya ng ilang taon ng perang iyon kahit na hindi siya magtrabaho at mababayaran niya ang kanyang mga utang, debts that she inherited from her father.

Nanghihinang tumayo si Darcy at pumasok sa loob ng bahay. It was time to say goodbye. Hindi man siya pinapaalis doon ay alam niyang hindi permanente ang pagtuloy niya sa bahay na iyon.

Hinanap niya ang mag-asawa at narinig ang mga tinig ng mga ito habang nag-uusap sa loob ng kusina. Si Lilia ay may klase sa kolehiyong pinapasukan nito tuwing hapon.

Natigilan siya at hindi tuluyang pumasok sa kusina nang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Wala pang ipinapadalang katulong ang kompanya, araw pa siguro ang bibilangin natin."

"Paano 'yan? Kailangan nating makauwi sa probinsiya," si Tonio.

Biglang nagkaroon ng pag-asa si Darcy Anne dahil sa narinig na pag-uusap ang mag-asawa. Kailangang umuwi ang mga ito sa probinsiya at naghahanap ng katulong upang pumalit. And they still haven't found one!

Dahan-dahang pumasok siya sa loob at tumikhim upang ianunsiyo ang presensiya niya. "Hindi ko gustong manubok, narinig ko ang pinag-uusapan niyo nang patungo ako rito. Naghahanap kayo ng katulong?" Hindi niya hinintay na makasagot ang mga ito at mabilis na dinagdagan ang sinabi. "Ako po! Ako nalang. Wala po akong ibang mapupuntahan at ang totoo'y wala akong pera kahit piso, hindi ko alam kung paano magsisimula ulit..." mabilis na aniya bago nagbaba ng ulo.

Nagtinginan ang mag-asawa, parehong nag-iisip. Hindi nila ganoon kakilala ang dalaga, bukod sa mga naikuwento nito ay wala silang ibang alam tungkol sa pagkatao nito. Ngunit ang mga pinagdaanan nito ay sapat na upang maantig ang sinuman, idagdag pang sa loob ng maraming taon ay alam nilang mangilatis kung totoo ang isa o nagkukonwari lang. At hindi napepeke ang lungkot, pait at paghihirap na makikita sa mga mata ni Darcy Anne.

"Pag-uusapan naming mag-asawa, Anne, at sasabihin ko kay Doni."

Mabilis na tumango si Darcy Anne at nagpasalamat sa mga ito. Ang Doni marahil na sinasabi ng matandang babae ay ang boss nito. She wish that she would have his permission.

Hindi na umalis si Darcy Anne nang araw na iyon at umaasang tatanggapin siyang pansamantalang katulong. Hindi pa niya naranasang maging katulong at lumaki siyang may yayang nag-aalaga. At sa dating bahay nila ay may sarili silang mga katulong. But the three years she had spent alone in the slums had thought her hard labor. She tried to apply as a nanny before out of desperation but no one would accept her because of her ugly scar.

Nang dumating ang umaga nang sumunod na araw ay hindi malarawan ang tuwa niya nang sabihan ni Rosa na tinatanggap siyang katulong sa loob ng isang buwan. Kinahapunan ay umalis ang mag-asawa pauwi ng probinsiya ni Tonio dahil sa namayapa nitong kapatid. Isang buwan ding mananatili roon ang dalawa sa bilin na rin ng amo ng mga ito upang makapagbaskayunan kahit man lang sandali ang mag-asawa.

She had to cook, clean the dishes, the house and laundry. At ang mga sasakyan na karaniwan nang si Tonio ang naglilinis. Hindi naman niya gagawin ang mga iyon ng mag-isa dahil nandiyan lang si Lilia.

Lumipas ang tatlong araw nang pagiging katulong niya sa bahay ng hindi pa nakikilalang amo. Wala siyang mairereklamo sa trabaho niya, madali rin niyang nakasundo si Lilia na bata palang ay ulila na sa mga magulang. Kinupkop ito ni Rosa at pinalaki. Sa tanghali ay umaalis ito ng bahay para dumalo sa klase at gabi na ang uwi kaya sulo niya ang buong bahay.

Simula nang makarating siya roon ay hindi pa siya nakakalabas ng bakuran, na siyang mabuti dahil hindi niya gustong mahanap ng mga tauhan ni Mr. Narvelo.

Nang umagang iyon ay mag-isa lang siyang nagising. Nagpaalam si Lilia sa kanya kahapon na hindi ito makakauwi sa gabi dahil may project itong kailangang tapusin kasama ang isang kaklase at doon na rin matutulog.

Lumabas siya sa loob ng maid's quarter at itinali ang buhok sa itaas ng ulo. She was alone so it was okay. No one would see the ugly scar on her face.

Pumunta siya sa may swimming pool at inilagay ang headset sa magkabilang tainga. Ang sumunod na sandali ay ginugol na sa pag-iinat at pag-e-exercise. Komportable siyang sumasayaw sa pag-aakalang solo niya ang buong bahay.

Noong nabubuhay pa ang ama at hindi pa sila nababaon sa utang ay regular siyang nagtutungo sa gym. Ngunit nang mawala ito ay wala na siyang pagkakataon at pagkukunan ng pera upang magtungo roon.

May ngiting naglalaro sa mga labi niya habang sumasayaw. She was quite a dancer when she was younger. Marami ring nagsabi sa kanya na magaling siyang sumayaw.

Nang sa pag-ikot niya ay magulantang nang makita ang isang lalaking nakasandal sa sliding door, nakahalukipkip at nakataas ang sulok ng mga labi habang nakatingin sa kanya. Tanging maliit na saplot sa ibabang bahagi ng katawan lang ang suot nito.

He was watching her!

Hindi niya alam kung ano ang gagawin at hindi agad makakilos. Nang maalalang nakataas ang kanyang buhok at malayo nitong nakikita ang sunog na bahagi ng kanyang mukha at bigla siyang nagpanic.

Darcy Anne took steps backward. She wanted to run away because of embarrassment, but it was a wrong move.

"Wait!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top