CHAPTER 1
NAGYUKO ng ulo si Darcy Anne at lalong tinakpan ang kalahati ng mukha nang makita ang paraan nang pagkakatingin sa kanya ng tindera. Kagaya rin ng kung paano siya tingnan ng ibang nakakakita ng kaliwang bahagi ng kanyang mukha. Disgust and pity. It wasn't the first time and she somehow get used to it, but that doesn't mean she doesn't felt the pain, the embarrassment and bitterness.
Pagkatapos magbayad at tanggapin ang mga tinapay na binili niya ay mabilis siyang umalis sa harapan ng tindera at nilapitan ang mga batang kalye na nasa labas ng panaderya. Ibinigay niya ang binili sa pinakamatanda sa mga ito at sinabihang hatian ang mga kapatid.
Malalim siyang napabuntung-hininga upang pakawalan ang bigat ng damdamin. Seeing the kids on the street always make her chest felt heavy. And at the same it made her realize that she was still lucky after all, after everything that she went through. Noong bata siya'y hindi niya naranasang makipagbuno sa init ng araw at lamig ng gabi, kasama na ang kapahamakang nakaamba sa buhay kalye kagaya ng mga batang iyon. She had a privilege life as a child.
Those children in the street was what kept her on her feet. They gave her hope. They were young, they had no parents but they kept fighting every day, they did everything to survive. Bakit hindi siya? Kung nakaya ng mga ito ay makakaya niya rin. She was older, kaya niyang magtrabaho at kumita ng pera.
Naputol ang daloy ng isipan ni Darcy Anne nang marinig ang tawanan ng mga manginginom na kailangan niyang daanan bago makarating sa kanyang inuupahang apartment. Itinaas niya ang hood ng kanyang jacket, tinakpan ng mahabang buhok ang mukha at nagyuko ng ulo.
Hindi niya pinapansin ang pangangantiyaw ng mga ito sa kanya. Her heart was pounding hard against her chest and her hands were trembling. Ilang beses na siyang napagtritripan ng mga lasenggo sa lugar na iyon at sa tuwina'y bihira lang may sumuway sa mga ito. Ilang beses na siyang nagsumbong sa barangay ngunit walang kadala-dala ang mga ito.
Lakad-takbo ang kanyang ginawa upang makalayo sa grupo ngunit nahawakan siya ng isa sa braso at pilit hinihila sa lamesa ng mga ito. Iniiwas niya ang mukha nang pilit nitong ilapit sa kanyang mukha ang hawak na baso na may lamang alak. Natanggal ang hood sa kanyang ulo at nahawi ang kanyang mahabang buhok mula sa kaliwang bahagi ng mukha.
Lumakas ang tawanan ng mga lasing at naging malutong ang pagbato ng mga salita at mura patungkol sa kanya. Pangit, nakakadiri, hipon, na tanging katawan lang niya ang mapapakinabangan sa kanya. Kesyo takpan nalang ang kanyang mukha kapag makikipagtalik upang hindi mawalan ng gana ang katalik. Those obscene and rude words were not new to Darcy Anne's ears but they slice like knives in her skin. Gusto niyang masuka at umiyak dahil sa mga naririnig. She couldn't take the humiliation and self pity.
Malakas niyang hinila ang braso mula sa may hawak sa kanya at mabilis na tumakbo nang makawala. A sob escaped her throat. Tinakpan niya ang bibig upang hindi kumawala ang mga hikbi. Hindi niya gustong mapahiyang lalo sa harapan ng mga nakakakita sa kanya. Kahit gabi na'y may mga tao pa ring nasa labas. Mga kapitbahay niya ng maituturing simula nang lumipat siya roon siyam na buwan na ang nakakaraan, ngunit isa ma'y wala siyang naging kaibigan sa mga ito.
Mabilis siyang pumasok sa kanyang apartment at nanghihinang napasandal sa pinto pagkasara niyon. She released a long shaky sigh and brushed the tears off her cheeks roughly. Nang maalala ang pambabastos sa kanya ay nakaramdam siya ng galit na mabilis na nahalinhinan ng pagkahabag sa sarili.
Muli sana siyang hahagulgol sa mga palad nang biglang bumukas ang ilaw sa loob ng kanyang inuupahang apartment. Sandali siyang napapikit at nang magmulat ay malakas na napasinghap at nanlalaki ang mga mata nang makita ang mga pamilyar na mukha ng dalawang lalaki.
"Kumusta, Darcy Anne?" anang isa na hindi naitago ang talim sa boses. "Dito kalang pala namin mahahanap."
"Pinahirapan mo pa kami sa paghahanap," komento nang isa pa na nakangisi sa kanya bagaman naroon ang galit sa mga mata. Nakasandal ito sa isang bahagi ng dingding at humihithit ng sigarilyo.
Nanghina ang mga binti ni Darcy Anne at napahawak sa seradura ng pinto. Gusto niyang tumakbo palabas, palayo roon kagaya ng ginawa niya noong huli siyang masukol ng mga ito. Ngunit hindi niya mapahinuhod ang sarili na tumakbo, kaunti nalang at babagsak siya sa sahig sa panghihina.
Nine months, she'd fled the second apartment she stayed at nine months ago. And now, they found her.
"P-Paano k-kayo n-nakapasok...?" tanong ni Darcy Anne nang mahanap ang boses. Niyakap niya ang katawan at napasiksik sa pinto nang humakbang ang isa sa kanya, ang alam niya'y Alfred ang pangalan nito. Ang lalaking nakasandal sa dingding at naninigarilyo ay si Norman. She knew their names, tatlong taon ba naman siyang nagtatago mula sa mga ito.
Napaigtad siya sa gulat at takot nang hampasin nito ang pinto, sa may gilid ng ulo niya at inilapit ang bibig sa kanyang tainga. "Siyam na buwan mo kaming pinahirapan sa paghahanap." Naroon ang talim at banta sa tinig nito at lalong nadagdagan ang takot ni Darcy Anne. "Ngayo'y ano sa tingin mo ang gagawin namin sa 'yo?"
Tumulo ang luha mula sa mga mata niya nang paglandasin ni Alfred ang mga daliri sa kanyang kanang pisngi. "P-Please..." pagmamakaawa niya. Inilayo ang mukha mula sa daliri nito nang hawakan nito ang kanyang panga, mahigpit, na para bang gusto siya nitong durugin. Nakatiim ang mga bagang ng lalaki at madilim ang mukha.
When the man felt the roughness on the left side of Darcy Anne's face, he released her jaw roughly and spat in disgust. "Paano ko nakalimutan ang pangit mong mukha!"
Tumawa nang nakakaloko si Norman at umalis mula sa pagkakasandal sa dingding, itinapon ang sigarilyo sa sahig at inapakan. Lumapit ito sa kanya at hinapit siya sa bewang. "Pangit ang mukha pero may magandang katawan." He grinned and sniff Darcy Anne.
Parang nanlaki ang ulo ni Darcy Anne nang maramdam ang pagpisil nito sa kanyang balakang, kapagkuwan ay dumako ang kamay sa kanyang pang-upo. "No!" Malakas niya itong itinulak at lumipad ang nanginginig na kamay sa pisngi nito.
Kaagad siyang napaatras tumawa si Norman. He licked the blood off his lips wickedly while glancing at her at the same time.
Napasigaw si Darcy Anne nang kaladkarin siya nito patungo sa kama na ilang hakbang lang mula sa pinto ng kanyang maliit na apartment. Sa pagpupumiglas niya ay binuhat siya nito at hinagis sa katre. Napaigik siya nang bumagsak, hindi makapal ang kutson niyon kaya ramdam niya ang pananakit ng katawan. Sumampa ito at kinubabawan siya.
"Tama na iyan!" awat ni Alfred sa kasama.
Pinakawalan niya ang pinipigal na hininga nang walang magawa si Norman at iiling-iling na umalis sa ibabaw na. Mabilis siyang bumangon at sumiksik sa dingding.
Nang mahagip ng kanyang mga mata ang lagayan nang kanyang mga damit ay lihim na napaungol. Nakasaboy ang laman niyon at ang karton ng sapatos na itinatago niya sa ilalim ng mga damit ay basta nalang nakataob sa sahig. Alam niyang wala na roon ang perang inipon niya ng ilang buwan.
Umupo si Alfred sa gilid ng katre kaya nagsumiksik siya sa dingding. Bitbit nito ang shoulder bag niya na siyang gamit tuwing lalabas ng bahay. Lalo siyang nanlumo nang kuhanin nito ang lahat ng pera sa kanyang pitaka.
"Alam mong kulang na kulang pa ito sa utang mo." Hinawakan ni Alfred ang kanyang buhok na agad niyang tinabig ng braso. Marahas itong nagpakawala ng hininga na tila ba nagpipigil ng galit at tumayo.
"May isang buwan kalang para makabayad ng pagkakautang, Darcy Anne. Tatlong taon na ang palugit na ibinigay sa 'yo ni boss. At 'wag mong tangkaing tumakas ulit, sa susunod ay hindi ka na makakaligtas... Isang buwan lang, kung sa panahong ibinigay sa 'yo ay hindi ka pa nakakapagbayad, nariyan lang si boss at ang mga tauhan niya na pakikinabangan ang katawan mo. Totong pangit ang sunog mong mukha pero hindi na iyan ganoong iindahin nila Norman at pagsasawaan ang katawan mo."
Humalaklak si Norman na nakarinig at ngumisi sa kanya. "Takpan lang ang mukha niyan ay walang problema."
Binantaan siyang muli na huwag tumakas dahil may mga matang nakabantay sa kanya bago umalis ang mga ito.
Nang mapag-isa ay tuluyan niyang pinakawalan ang hagulgol. Silently hating her father dahil sa mga responsibilidad na iniwan nito sa kanya nang mamayapa ito.
Ang daddy niya ang nangutang kay Mr. Narvelo na isang loan shark at siyang boss nina Alfred at Norman at ginawa siyang guarantor ng daddy niya, ngayo'y siya ang nagbabayad ng pagkakautang ng namayapang ama.
Her father was a businessman, but when a crisis struck the economy, his business was deeply affected. He trusted the wrong people and made wrong investments. Kaliwa't kanan din ang naging utang nito, noong una'y wala siyang ideya na lumapit ang ama sa isang illegal na lending company ni Mr. Narvelo. Nalaman lang niya ang tungkol doon nang mamayapa ito.
Darcy Anne lost everything when her father died. She lost the only family she had left, her house, her car, and even her job. She had no means of paying the debt that she inherited from her father. Ang iba'y nabayaran na niya ngunit may ibang hindi pa, kagaya nalang ang utang ng ama kay Mr. Narvelo. Loan sharks usually had high and unreasonable interest rates, and they used threats and violence to collect the obligations of their borrower. Kagaya ng nangyari sa kanya kani-kanina lang.
Three years ago when Mr. Narvelo's men found her in her condominium, doon niya nalaman ang tungkol sa pagkakautang ng ama. And since then, hindi na siya nagkaroon ng katahimikan. Mula sa condominium na naipagbili niya para may paunang bayad kay Mr. Narvelo ay lumipat siya sa isang apartment, ngunit doon may nakasunod sa kanya ang mga tauhan nito. Ilang lugar na ang nilipatan niya ngunit sa tuwina'y palagi siyang nahahanap.
Ang tanging pag-asa niya'y ang kanyang trust fund na iniwan ng mga magulang sa kanya. Subalit matatanggap lamang niya iyon kapag tumuntong siya sa edad na biente-otso. Sinadya ng mga magulang niya iyon dahil tinantiya ng mga itong sa edad na iyon ay magsisimula na siya ng sariling pamilya. And that she should use that trust for starting a family. But she still had to wait for a couple of months.
Darcy Anne blamed her father for everything, she loved and hated him at the same time. Hindi lang dahil pinamanahan siya nito ng maraming utang, she hated him for leaving her too soon.
"D-Daddy..." she cried hopelessly. Ano na ngayon ang gagawin niya? Hindi niya kaya ang isang buwang palugit ni Mr. Narvelo. At paano kung hindi siya makakabayad?
Lumakas lalo ang iyak ni Darcy Anne sa naisip na posible niyang kahinatnan kapag hindi makabayad ng utang.
KINABUKASAN ay ramdam ni Darcy Anne na may sumusunod sa kanya. She tried convincing herself that she was just being paranoid.
When night came, Alfred came to her apartment alone. Lihim siyang nagpasalamat na hindi nito kasama si Norman.
Ibinigay niya ang sinahod niya sa pagbabantay sa isang internet cafe kay Alfred. Maliit lang iyon at ang tanging perang natitira sa kanya, ibinigay niya iyon dito dahil alam niyang kung wala siyang mabibigay ay masasaktan siya.
Nang gabi ring iyon nang makaalis si Alfred ay plinano ni Darcy Anne ang gagawing pagtakas. She was sure that someone's tailing her so she needed to plan her next move.
Sa sumunod na araw ay normal siyang kumilos at hindi nagpahalata sa sumusunod sa kanya ng kanyang pinaplano. Hanggang gabi siyang nagbabantay sa internet café na pinagtatrabahuan. Isang oras bago matapos ang shift niya ay ginawa niya ang pagtakas.
Ang sumusunod sa kanya ay nasa labas ng internet café nang oras na iyon, kanina'y nasa loob ito, nang lumabas ay nakakita siya ng pagkakataon.
Dala ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng ilang mga mahahalagang gamit ay lumabas siya ng internet café gamit ang back exit. Wala siyang sinayang na sandali at tinakbo ang kagubatang kailangan niyang tawirin bago makarating sa kabilang barangay. Naroong nadapa siya at tumama ang katawan sa puno ngunit hindi siya tumigil.
Hinihingal na natigil si Darcy Anne sa pagtakbo nang makalabas ng kagubatan at marating ang hindi mataong kalye. She saw a van parked two meters from her, hinanap niya ang driver niyon at nakita itong umiihi sa may puno at nakatalikod sa kanyang direksiyon at tila may kausap sa cellphone.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa takot nang makarinig ng tunog nang paparating na sasakyan. Paano kung tauhan iyon ni Mr. Narvelo at natunugang tumakas siya?
Walang ingay siyang lumapit sa van at mabilis na binuksan ang pinto, kapagkuwan ay pumasok sa loob. Nagsusumiksik siya sa likuran ng driver seat at pinaliit ang sarili upang walang makapansin sa kanya.
Nang makadaan ang kotse ay nakahinga lang ng maluwag si Darcy Anne. Subalit agad ding natigilan nang bumukas ang pinto sa may driver's seat ng van. Hindi siya napansin ng driver na may kausap pa rin sa kabilang linya. Wala siyang kagalaw-galaw hanggang sa paandarin nito ang sasakyan.
Isinubsob nalang ni Darcy Anne ang ulo sa mga tuhod at halos hindi na humihinga upang hindi makagawa ng tunog. Hindi niya alam kung ilang minuto o oras siyang nakaupo sa sahig ng sasakyan nang bumagal iyon at 'di kalauna'y tumigil. Lumabas ang driver at naiwan siyang mag-isa sa loob.
Nagpalipas siya ng ilang minuto bago sumilip sa paligid. Nang walang makitang tao ay akmang bubuksan niya ang pinto. Ngunit sa panggigilalas niya ay nakalock iyon.
Nanglulumong napaupo siya at tinakpan ang bibig upang pigilan ang mga hikbi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top