TFQ 9



                — Third Person POV —




Nagmamadaling siyang kinuha ang bag na nasa ibabaw ng kama  at nagmamadaling lumabas ng kwarto, ini-off ang ilaw at ng hahawakan na niya ang door knob para buksan ang pinto at lumabas  ng kusa itong bumukas.

Napa-atras siya at naging alerto sa paligid. Kinuha niya ang baril sa likod niya saka itinutok sa may pinto habang Dahan dahang umaatras. Napa-igtad siya ng lahat ng ilaw ini-off kaya mas naging alerto siya sa paligid.

Napalingon siya sa gilid niya ng maramdaman niya ang hangin doon na parang may dumaan sa gilid niya. Naramdaman niya ang tao sa likod kaya dali- dali  niya iyon pinaputukan doon.

Ipuputok na naman niya Sana ang baril ng may sumipa sa kamay niya na dahilang ng pagkatilapon ng baril sa kung saan.

Sinipa sipa niya ang paligid ngunit walang tao.

" Ahh!!! " Mahina niyang sigaw ng sinipa siya sa likod. Sinubukan niyang tumayo ngunit may paa na umapak sa likod niya para hindi siya makatayo.

" Who the fuck are you?!!  AAHHHH!!!! " Sigaw ni Lion at mas lalong diniinan ng kung Sino ang pag kakaapak sa likod niya.

" Duwag ka ba? Bakit mo pinatay ang ilaw para ano?!! Para hindi ako makalaban?!! " Sigaw pa ni Lion.

Ngumisi ang lalaki sa narinig niya at mas lalong diniinan ang pag kakaapak saka umupo habang nakaapak pa rin ang isang paa sa likod ni Lion.

" Me coward? Hahaha.. You're making me laugh, Lion.."  Malamig na saad ng binata kay Lion. Napakunot ang noo ni Lion.

' hindi pamilyar ang boses. Sino ito? Bagong kalaban ? '

" Who the fuck are you, bastard.!! " Sigaw niya sa lalaki. Hindi siya sinagot ng binata at ng magsasalita Sana siya ng mapasigaw siya sa sakit.

" Be thankful asshole, I didn't kill you. This knife won't kill you. " Saad ng lalaki at diniinan ang pagkakasaksak sa kaniya sa mag kabilang braso.

" AAHHHH !!!!! ANONG KASALANAN KO SAYO?!!!!! SINO KA BANG TANGINA KA!!!!! " galit na sigaw ni Lion, gusto niyang abutin ang kutsilyo sa likod ngunit hindi niya maigalaw ang mga kamay niya dahil sa sakit at pagkakaapak sa likod niya.

" Anong kasalanan mo sa akin? Oh Lion. You don't know me? Don't fuck with me bastard!!! You killed the woman I love !! " Umiigting ang pangang saad ng binata kay Lion. Gustong sumagot ni Lion pero napalitan iyon ng sigaw.

" AHHHHHH "  Pinalandas ng lalaki ang kutsilyo sa likod ni Lion  na parang  minamarkahan ito.

Kinuha na ng binata ang ang kutsilyong naka tusok sa kaliwang balikat at ang paa niyang naka-apak sa likod ni Lion. Inilapit niya ang mukha sa tenga ni Lion at bumulong.

" You're just a pathetic asshole. You dont know DIABLO . " Bulong nito kay Lion.

" He's a coward. Takot ba siya sa akin? At ikaw ang ipinadala niya para takutin ako? Hahaha tell DIABLO that I molested her beloved woman haha---- AHHHHHHH "

Dahil sa galit at hindi nakapag pigil ang binata at sinaksak na naman si lion sa hita niya.

" One more word Lion. You'll hate me very much. DIABLO just starting, and your sister is next to his plan. " Saad ng binata na nag pa tahimik kay Lion. Tumayo ang lalaki at pinagpag ang damit niya.

Ngumisi ang lalaki nang matahimik si Lion.

' I hit the spot, huh ' saad ng lalaki sa isipan niya.

" Anyway DIABLO said. ' ONE, MARK YOU ' .. see you on number Two, Lion. Hide now. " Saad ng binata bago umalis sa condo ni Lion na may ngisi sa labi ngunit umiigting pa rin ang panga.


_



" Lion, is still alive, master. " Saad ng lalaki habang nakayuko.

Tumayo naman ang babae habang hawak ang wine glass sa kanang kamay.

" Good. Hindi pa siya pweding mamatay. How about the ' girl ' " Makahulugang Saad ng dalaga.

" She still hidden, master. " Tumango- tango ang dalaga habang may ngisi sa labing uminom ng alak.

" He treasured her sister so much huh. " Saad niya habang tumatango-tango.

" Hindi niya ba alam? " Tanong niya sa lalaki. Tumango ang lalaki.

" He didn't know, master. "

" Good, how about DIABLO? " Tanong niya

" He's doing good master. Pinagalaw na niya ang ' Seventh Sins ' nang mabasa niya ang text mo,  umaasa pa rin siya na buhay ang dalaga. " Paliwanag ng lalaki.

The girl chuckled. Nasisiyahan siya.

" Yan ang gusto ko, tsk. You may now leave. Wag mong aalisin ang mata mo sa kanila. " Bilin ng dalaga. Tumango naman ang lalaki saka tumungo.

" Yes master. " Saad niya at umalis na sa opisina ng babae.

Nang makalabas ang lalaki sa opisina niya umupo siya swivel chair niya saka binaba ang basong hawak saka may may kinuha sa ilalim ng table.

Hinaplos niya ang letrato nilang dalawa saka ngumiti ng malungkot.

" Makikilala mo pa kaya ako? Titiisin ko ang galit mo. Nandito lang ako lagi sa likod mo, nakaalalay sayo. " Saad niya habang nakatitig sa letrato nila ng binata saka siya ngumiti ng kaunti.


__


                   — Chade POV —



" Kamusta ang pag bisita mo? " Tanong ko sa lalaking nasa harap ko.

" I stab him 4 times, he pissed me off. But he still live so no worries. " Saad niya saka sumimsim ng alak. Tumango tango naman ako.

' great. I want him to beg me for mercy. ' saad ko sa isip ko.

Gusto ko siyang lumuhod at mag-makaawa sa akin na buhayin siya tulad ng pag luhod at pagmakaawa niya sa kaniya .

" He treasure his little sister. " Napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya iyon saka ngumisi.

" I hate smirk bud. I know what your thinking. " Saad niya habang umiiling.

" Babae ang kinuha niya, babae rin ang kukunin ko. " Saad ko, bumuntong hininga nalang siya. Saka muling nag salita.

" How about, Hell? Anong gusto mong gawin sa kaniya? " Tanong niya na nagpadilim ng mukha ko. Kusa nalang na kumuyom ang kamao ko ng marinig ang pangalan na iyon.

" I still want to kill her. I hate her to death. " Malamig na Saad ko habang umiigting ang panga.

" Okay, chill man. You're scaring me. " Napakunot ang nuo ko sa kaniya.

" What the hell? Are you gay? " Hindi makapaniwalang saad ko sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin.

" Porket natatakot sayo bakla agad? " I chuckled a little. Tumikhim muna ako bago nag salita ulit.

" How about the transaction? " Ngumisi naman siya. Mayabang na ngisi.

" Nakuha ko na ang mga baril. They're beautiful man. " Nakangising Saad niya. Tumango lang ako.

Napadako ang tingin ko sa dalawang lalaki na natutulog sa sofa, ang walanghiya naghihilik pa.

" Ano palang ambag ng dalawang iyon? " Saad ko sabay tingin sa dalawang natutulog. He chuckled. Umiling-iling naman siya habang tumatawa.

" Sila ang comocontrol sa ' Seventh Sins ' . " Saad niya , tumango- tango lang ako. May Silbi rin naman pala ang dalawa.

"Gunagalaw na ba sila? Baka may tarydor. siguraduhin mo. " Tumango naman siya.

Bumuntong hininga ako, Sana totoo ang sinabi mo baka may tsansa pa na patawarin kita.

" Sigurado ka ba dyan ? Baka patibong lang yan, chade. " Napatingin ako sa kaniya sa sinabi niya.

" Naisip ko rin yan. Pero anong magagawa ko? Alam mo kung gaano ko siya kamahal, kung gaano ko siya pinapahalagahan. I don't care kung hindi totoo ang sinabi dun pero susubukan ko, tataya ako. " Tiningnan ko ang hawak kong alak saka bumuntong hininga. " I still can't move forward, Ash. "

Bakit pag dating sayo ang hina ko? Bakit pag dating sayo nagiging ganito ako?.

Napatiim bagang ako nang maalala ko ang babaeng bumaril sa kaniya.


' sagabal siya sa ating dalawa '

' Mahal ko siya, Alam mo Yun. Hindi ko siya pweding pabayaan. '

' pano naman ako? Lagi nalang ba kita iintindihin? '

__


' I was the one who shoot her . It was me. '

' how can you do this to me? Bakit? '

' what can i say? Blood is thicker than water. '

__


' chade, nagsisimula pa lang kami. Lumaban ka hindi Yong magmumukmok ka sa pagkamatay ng babaeng iyon. '

' ginawa ko lang ang ginawa niyo sa pamilya ko. '

__


Nabalik ako sa ulirat ng tapikin ako sa braso ni ash. Tumingin naman ako sa kaniya.

" Dude, you okay? Ang dilim ng mukha mo. Parang gusto mong pumatay. " Saad niya habang nakatitig sa akin.

Automatic na Nawalan ng emosyon ang mga mata ko saka tumingin sa mismong mata niya.

" Gusto ko talagang pumatay. " Saad ko gamit ang malamig na boses. Napangiwi naman siya saka umiwas ng tingin.

" Anyway , sabi ng Tito mo. Kung hindi ka na raw papasok? First day na first day kasi. " Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya. " Papasok ka pa ba? " Dagdag niyang tanong. Tumango naman ako.

" Kailangan kong pumasok. Mababantayan ko ang babaeng iyon sa lahat ng galaw niya. Nangangati na ang kamay kong patayin siya. " Umiigting ang panga kong Saad. Tumango lang siya. Tumayo naman siya at pinagpagan ang damit niya .

" Gotta go, may mga plano at papeles pa akong kailangan tapusin. " Saad niya at sumaludo pa sa akin.


______________
heartaches_02

______________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top